Chapter 22: Her Decision

GENEVIEVE

Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Kalaunan ay bumungad sa 'kin ang isang nars na may hawak na tray. Nilabas niya mula rito ang injection saka itinurok sa 'kin. I just watch what she's doing to me. Ni wala akong maramdaman sa pagturok niya.

Pagkatapos ng nars ay siya namang pagpasok ng doktor ko. Bilib din ako sa kanya dahil hindi niya pa ako sinusukuan hanggang ngayon o sadyang trabaho lang lahat ang ginagawa niya? Obviously.

"How is she, Mrs. Hutton?"

"I..." I felt the hesitation in my mom's voice. I looked at her. "I still cannot answer that, doc. Look at her..." Her voice cracked kasabay ng pagbuhos ng mga luha niya and it feels so weird kasi wala akong maramdaman. All I can do is to stare at them.

Why?

"I understand," said Dr. Aguillard.

I looked away. Nakita ko rin sa peripheral vision ko ang paglapit sa akin ni Dr. Aguillard. Hindi ako kumibo at nanatiling nakaupo sa kama habang hinihintay kung ano man ang gagawin niya sakin. Lots of tests and observations has been done yet here I am. Wala pa ring nagbabago. I feel so stuck. Wala nang balak na umabante man lang.

Am I still going to be cured? When? Pagod na akong maghintay sa wala.

Nasilaw ako sa liwanag ng flashlight na bumalot sa mga mata ko pero tiniis kong huwag pumikit. Damn! Ganito na ba talaga ang ginagawa nila sa 'kin? Bakit parang ngayon ko lang naramdaman ang epekto nito?

"I think she's going to be okay now, Mr. and Mrs. Hutton." Narinig kong saad ni Dr. Aguillard kaya naman ay hindi ko maiwasang ibaling sa kanya ang mga mata ko nang hindi ginagalaw ang ulo. And shoot, napansin niya iyon kaya iniwas ko na ulit. I acted like it was nothing.

"What do you mean, Doc?" As usual, my mom's curious.

"She'll... be okay," he assured my parents miraculously.

I let out a low suspire. I get what Dr. Aguillard trying to say to my parents. Alam kong napapansin niya na ako kaya hindi na ako magtataka kung pati ang mga magulang ko ay makuha rin ang atensyon nila sa isang maling galaw ko lang.

I know to myself that I'm getting okay. Hindi ko iyon maitatanggi pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung pano simulan ang dating nakagawian kong kilos at galaw. Wala rin ako sa tamang pag-iisip para magsalita dahil baka kung ano naman ang mabitawan kong patalim na tatagos sa kanila hanggang sa pinakaibuturan ng kanilang pagkatao.

Sa loob ng halos ilang oras, walang ibang tumatakbo sa isipan ko kundi ang mga nangyari habang nandito ako sa ospital. 'Yon lang. In just a blink of an eye, everything disappeared. Lahat ng mga plano ko sa buhay nawala. Napalitan iyon ng mga masalimoot na pangyayari. Then it hit me, what happened to Binx and Reanna?

I'm not mad at them anymore. I feel at ease now. I mean, hindi ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko ngayon pero sa hinuha ko, kalmado na ako. Nakakapagod din naman kasing magalit at kimkimin ang lahat ng sakit. Nakakasawa. It'll bore you to death but at the same time, maraming realizations ang makukuha mo sa sariling aksiyon na ginawa mo.

I tried remembering everything before I let myself shrouded in darkness but my head hurts. Hindi ko masyadong maalala 'yong pag-uusap namin ni Reanna. Only few details but enough to realize everything.

Hinanap ng mga mata ko sila mommy at daddy. I saw them sitting on a couch while looking at me intently. Biglang tumalon ang puso ko sa hindi malamang dahilan. I tried to say something pero tanging pagbukas lang ng bibig ang nagawa ko.

Crap.

Mukhang naalerto naman sila sa sudden movement ko kaya agad nila akong nilapitan.

"Sweetie?" My mom's soft and sweet voice echoed in the room and I felt something in my heart. Isang haplos ng isang ina... oh, I want this so bad.

Sa paghawak palang ni mommy sa likod ko ay agad nang bumuhos ang likidong pinipilit kong itago sa loob ng ilang araw.

"I-I'm sorry..." I said full of regrets.

After everything that happened, saying sorry is not easy for me now but if it also the reason to make me feel solace then, I'll do it. Gagawin ko lang iyon nang hindi salungat sa nararamdaman ko. Ang dami kong na-realize to the point na ayokong magbitiw ng mga salita nang hindi pinag-iisipan ng mabuti. Words are more than a weight of gold, if you let your cotton-picking mind utter without shilly shally, then you're just like a murderer who cast daggers and blades to another man.

Agad kong naramdaman ang yakap nila sa 'kin. Lalo akong napaiyak kasabay ng pagyakap ko ng mahigpit sa kanila. Naramdaman ko rin ang paghaplos ni dad sa likod ko. Wala ni isang nagsalita sa amin. The hug says it all. I missed them. It's like I've been gone for so long.

Pagkatapos ng yakap naming iyon ay pakiramdam ko gumaan ang lahat. Pakiramdam ko may nagbago ulit. So I've decided to settle my problems with Binx and Reanna, but I couldn't reach Reanna. Binx and I talked already. It was a long conversation and we've discussed so many things but in the end, we understand each other now. We're okay now. It's like the storm is blown by the wind of love. Everything that happened at sa mga nalaman ko, I think it's my wake-up call but I'm sure that it's not too late. I can still fix everything, right? Right.

"Let's go?" I smiled at my mom as I gave her my hand.

Kinakabahan pero alam kong this time, tama na ang magiging desisyon ko. Tatamain ko ito sa lahat ng paraan na makakaya ko.

Dahan-dahan habang nakaalalay sa 'kin sila mommy at daddy ay lumabas kami ng kuwartong pinag-stay-an ko ng matagal na panahon. Sus, kala mo naman dekada na akong nakakulong sa kuwartong iyon. Isang taon palang naman. Pero ang isang taon na iyan ay masyado nang matagal para sa akin.

Kabado ako pero dinadaan ko na lang lahat sa ngiti. I'm ready now. I don't doubt myself now. I accepted everything in defeat but having them, I think I still won. Kalmado na ang puso ko pagkatapos ng mahabang pag-iisip at pagninilay-nilay. Hindi na ako magkakamali pa sa desisyong gagawin ko ngayon. Alam kong hindi na. Tiwala lang.

Nakarating kami sa opisina ni Dr. Aguillard at agad namang kumatok si dad. As the door opened, I gave Dr. Aguillard a quick warming smile.

"Oh! What a surprise, Genevieve. Is there something wrong? Come in, come in," Dr. Aguillard shockingly said, signaling us to enter his office already.

I wonder, lagi bang ganito si Dr. Aguillard? Nakangiti at parang walang iniindang problema gaya ko? Para kasing naka-focus lang siya sa trabaho at mga pasyente niya. Wala ba siyang pamilya? I mean... okay, never mind. That's not my problem anymore pero may something sa 'kin na gusto ko siyang tanungin kung okay lang ba siya. Weird feeling.

Hindi agad ako nakapagsalita kung ano ang pakay ko sa pagpunta ko sa kanya. Kinakabahan ako at the same time, excited. Okay, boomerang na sa kinakabahan. Excited na lang.

"Go on, sweetie," my Mom encouraged me to say it. I gave her a smile as I bit my lower lip.

"Dr. Aguillard, I just wanna say thank you for everything that you did to me. And uhm, kahit na minsan, pinapangunahan ako ng utak ko at kung ano-ano na lang ang nasasabi ko. Hindi ko inisip na may mga taong nasasaktan sa bawat salitang binibitiwan ko. Thank you for not giving up on me. Ang totoo nga po niyan, bilib na bilib po ako sainyo kasi hanggang ngayon tinutulungan mo pa rin po ako."

"Wait, anong nangyayari? Bakit mo ito sinasabi sa 'kin, Eve? Are you...-"

Nakuha ko agad ang gustong sabihin ni Dr. Aguillard kaya naman ay hindi ko maiwasang matawa.

"Don't say it, Doc. You're making us scared over and over again," my mom said while eyeing Dr. Aguillard cockily but her thin red lips says different because of her smirk or should I say, smile?

"Doc, it's not what you think."

"Oo nga naman. Napakaimposible naman atang mangyari 'yon. I'm the doctor so I know what's best and worst for you."

Oh!

"Right. Pero, uhm, gusto ko lang pong sabihin na handa na ako," I said confidently but Dr. Aguillard doesn't seem to get what I was trying to say. Lalo lang akong natawa.

I prayed to God every now and then at pakiramdam ko kapag ginagawa ko iyon ay unti-unting nasosolusyonan ang lahat. Napapawi nito ang lahat ng negatibong pakiramdam at pinapalitan ng magagaan at positibong pakiramdam.

I'm in the wrong pathway since I've got here. Nawala ako sa Kanya kaya ganito ang nangyari. Mas lumala ang lahat because I didn't trust Him instead I blamed Him that I regret it until now ever since I've realized everything. Mukhang natauhan na nga ako. I'm in the right track again at hindi ko na iyon hahayaang sakupin ng madilim na daan ulit.

Malalalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Dr. Aguillard as he leaned back against his swivel chair nang masabi ko sa kanya kung ano ang gusto kong sabihin simula pa noon, wala lang akong lakas ng loob noon pero ngayon pulidong-pulido na talaga ang desisyon ko.

Pinagsalikop niya ang dalawa niyang mga kamay saka tumingin ng seryoso sa 'kin. Hindi naman ako nakipagtalo sa mga tingin niya na para bang isa lang itong staring contest at hindi doktor ang kaharap ko. So Funny. I think my move is very unprofessional for him. I should still respect him pero nasabi ko na lahat. Hindi ko alam kung papayag ba siya sa gusto ko pero sa argument namin kanina, alam kong papayagan niya ako.

"Very well, I'm sorry. I'm just concern to your health." Dr. Aguillard gave me his best smile like he's telling me to be more careful in life and good luck to it. Natawa ako sa loob-loob ko, I know that already. Mukhang umaayon nga ang 'swerte' sa akin ngayon.

"Thank you for your concern, Dr. Aguillard. It means a lot. I will never forget everything that you did for me. You're the best doctor! I salute you, sir!" I replied cheerfully at him sabay tayo at saludo. Kinagat niya naman ang kapilyohan ko kaya natawa na lang kaming lahat sa loob.

Linapitan ko sa kanilang kinauupuan sila mommy at daddy. It's done. The decision that I made make sense after all. I hugged my parents and whispered thank you to them. So lucky to have them in my life.

Pagkatapos kong makausap si Dr. Aguillard ay bumalik na agad kami sa room ko. Hindi ko mapigilan ang sarili kong ngumiti hanggang sa makarating kami sa kuwarto ko habang nasa mga kamay ang sulat na ginawa ni Dr. Aguillard kanina lang. I just can't contain my happiness and excitement.

As I opened the door, lalong lumawak ang mga ngiti ko sa labi. Bumungad sa 'kin ang lalaking mahal ko despite everything that happened. Linapitan ko agad siya at pinakita ang dala-dala kong mga papel.

"What's this?" Kunot-noo niyang tanong sa 'kin habang inaabot ang papel sa kamay ko.

Hindi naman mapirmi ang dalawa kong kamay kaya nilagay ko na lang ito sa likod sabay cross fingers for no reason. Pft, stupid Eve.

"Just read it," masayang tugon ko sa kanya nang hindi niya pa ito binubuksan. Parang tanga lang, wala naman siyang makukuha sa kakatitig niya lang. Hello? Nasa loob ang sorpresa.

He opened it so manly that I want to hug him tight na. Nakatingin lang ako sa kanya kanina pa hanggang ngayon na binabasa niya na ang laman ng sobre. This man is so handsome. I wonder kung ano ang nakita nito sa 'kin at pinatulan ako? Joke lang! Ang ganda-ganda ko kaya. Hindi nagpapatalo ang beauty ko, 'no!

"You're going home."

That was a statement not a question. Finally!

"Yes. Aren't you happy for me?" paimpit akong napasigaw dahil sa sobrang galak pero napanguso na lang ako dahil sa salungat niyang ekspresyon. Ano pa nga bang aasahan ko? Ako lang naman ata ang masaya sa desisyong ginawa ko.

Sumulyap muna siya kila mommy at daddy bago ulit magsalita na para bang humihingi siya ng assurance sa kanila kung totoo ba itong mga sinasabi at pinapakita ko sa kanya. Duh, legit na legit. Baka ayaw niya lang akong umuwi kasi mababantayan ko na siya, iniisip niya sigurong hindi na siya makakapagbabae gaya ng dati. Ha! Huli ka balbon, ikaw naman ang kukulungin ko the moment na lumabas ako rito.

"Eve, I don't think-"

"Knew it!" Napapalakpak ako saka naglakad palayo sa kanya habang sumisipol-sipol pa. "Lahat kayo ay salungat sa gusto kong mangyari. But this is my life, wala ka na rin namang magagawa dahil bukas na ang labas ko rito," dugtong ko pa na para bang pinagyayabang ko pa ito. Aba, dapat lang, di ba? Magiging malaya na ulit ako.

I heard him sighed but did not utter any word. I guess that's a sign.

Lumapit ako sa kanya saka siya yinakap. Yumakap naman siya pabalik sa 'kin at naramdaman ko agad ang paghalik at haplos niya sa buhok ko. Napapikit ako at lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sa kanya. I'm not letting him go. Never again.

"We can do everything now as a normal couple para hindi ka na maghahanap ng ibang mapaglilibangan mo," I joked dahilan ng pagyakap niya rin ng mahigpit sa 'kin.

"Never."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top