Chapter 21: Nervous Breakdown

THIRD PERSON

"Eve... the truth is I cut my hair because of you. I got mad at you... no, I got mad at myself because I feel so insecure and jealous for who and what you are and what you have. Hindi ko inisip na masasaktan ka. Inisip ko lang ang sarili ko nang gawin ko ang mga bagay na 'yon. Hindi... hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko. Siguro kasi... kasi ang dami-dami kong problema at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. But then, it hit me. Walang-wala ang problema kong ito sa problema na kinakaharap mo ngayon. I'm sorry, Eve. I'm so sorry..."

Natigil sa pagsasalita si Reanna dahil sa matinding nararamdaman. Sising-sisi siya sa mga nangyayari ngayon sa nag-iisa niyang best friend maging kay Binx ay nahihiya siya sa ginawa niya rito at sa mga nasabi niya. She regret it so much.

"Eve, trust me. 'Yong nangyari sa room... it's... it's all my fault. I threatened Binx para gustuhin niya ako dahil I admit, you're right na na in love nga ako sa kanya but I guess, love is not the right term to describe what I've felt that day to him. Kaya niya nagawa 'yon kasi mapilit ako. Oo, I am a flirt, whore, b*tch or whatsoever so forgive me, Eve. I just wanted you to feel kung ano man ang nararamdaman ko. Gusto kong malaman mo na naghihirap din ako. Kulang na kulang ako sa atensyon at pagmamahal and I've been longing for that kahit ilang oras lang... kahit minuto lang... gusto ko mahalin din ako ng mga taong nakapalibot sa 'yo dahil... dahil napapansin kong parang isang nobody lang ako sa lahat." 

Reanna gasped as tears continue to fall. 

"Gusto kong makita nila ako as Reanna na nakilala mo, hindi kung ano ang sinasabi sa 'kin ng ibang tao. Ikaw ang mahal at paborito nila kaya ginawa ko ang lahat na akala ko'y tama. Inggit na inggit ako sa 'yo na sana ako na lang ikaw pero mali pala ako dahil kahit kailan hinding-hindi ako magiging ikaw. Iba ka Eve and I love how your uniqueness envelop your whole body. All this time, akala ko talaga ikaw 'yong mali sa pagkatao ko pero sarili ko lang ang pinapahirapan ko. I'm so stupid and I hate myself even more for what I've done to you. Pero si Binx... pina-realize niya sa 'kin ang lahat and I thank him for that. Kahit si Binx na lang ang patawarin mo, Eve. Kahit siya na lang... I'm begging you."

Habang abala si Reanna sa pag-amin ng lahat kay Eve, hindi niya alam na may dinaramdam na pala ito at hindi narinig ni Eve lahat ng sinabi niya pero nandito si Binx kaya na-witness niya ang lahat na sinabi ni Reanna. He's happy for her because finally, na-admit niya na ang lahat. Nga lang, nagtaka siya nang makita niyang nahiga ulit si Eve sa kama kaya naman ay hindi na siya nagdalawang-isip na lapitan ito.

"Eve?" he called.

Samantala, nang tingnan naman ni Reanna si Eve ay bigla ulit siyang nakaramdam ng paghihina at takot. Nilapitan niya si Eve at hinawakan. Biglang nanikip ang dibdib niya nang maramdaman niya kung gaano naghihirap si Eve ngayon at isa siya sa mga naging dahilan nito.

"Tumawag ka ng doktor! Reanna! Call a doctor!" Nataranta si Binx samantalang si Reanna ay tulala sa kalagayan ni Eve.

"Hindi..." Reanna mumbled to herself.

"Reanna!"

Bumaling siya kay Binx at nakita niya ang mukha nito na puno na ng luha. Lalo siyang kinabahan at natakot kaya agad siyang lumabas ng kuwarto at kumaripas ng takbo palabas ng ospital.

"Eve! Eve! Damn it! Genevieve! Don't... f*cking sh*t!"

Walang ibang nagawa si Binx kundi ang tawagin ang pangalan ni Eve na ngayon ay wala nang malay. Hindi niya rin napigilang mapaluha nang makita niya ang itsura ni Eve.

Mayamaya lang ay dumating na ang doktor at mga nars. Pinalabas muna siya ng kuwarto at doon ay hinintay niya na gamutin nila si Eve sa loob. Nakita niya rin na naglalakad sa hallway ang magulang ni Eve kaya yumuko na lang siya.

"Binx, what happened?" tanong ni Mrs. Hutton kay Binx pero walang naging imik si Binx.

Tumungo na lang ang mag-asawa sa may pinto at nakita nila kung ano ang ginagawa ng doktor at nars sa anak nila.

"Oh, God..." nanghihinang sambit ni Mrs. Hutton. Napayakap siya sa kanyang asawa at doon tahimik na umiyak. Ayaw na ayaw niyang nasasaksihan ang ganitong eksena sa anak nila.

Ilang minuto ang nagdaan nang lumabas na ang doktor sa kuwarto ni Eve. Tumayo naman agad ang mag-asawang Hutton at pumasok sa kuwarto. Agad nilang nilapitan ang anak nila. Sa kabilang banda, naiwan sa may pinto si Binx na nakatingin lang sa kanila.

"Doc, how is she?" 

"Let's wait for Mr. and Mrs. Hutton."

Napatingin agad si Binx sa doktor dahil sa sinabi nito. Nakaramdam siya na may importante itong sasabihin sa kanila.

"Doc, is my daughter okay?"

"What happened to her, Doc? May complications ba sa kalagayan niya?"

Siniko naman agad ni Mrs. Hutton sa tiyan si Mr. Hutton dahil sa sinabi nito. Hindi tama na itanong 'yan sa doktor lalo na't anak nila ang pinag-uusapan dito.

"Just asking, hon," ani Mr. Hutton.

"Mr. and Mrs. Hutton, I need you to know this..." seryosong panimula ni Dr. Aguillard.

May tiningnan ito sa dala niyang tsart kaya tahimik nilang hinintay ang sasabihin ni Dr. Aguillard sa kanila. Maging si Binx ay hinanda ang kanyang sarili sa mga malalaman nila ngayon.

"Doc, anong ibig mong sabihin?" kunot-noong tanong ni Mrs. Hutton.

"The truth is... Genevieve Hutton developed another disease. I mean, it's not that totally disease. It's called melanoma, a skin cancer caused by her therapies every week."

"Oh, my God!" bulalas ni Mrs. Hutton habang nakatakip sa bibig niya ang isa niyang kamay dahil sa gulat at ang isa namang kamay ay mahigpit na nakahawak sa kamay ni Mr. Hutton.

Bumuhos ulit ang luha sa mga mata ni Mrs. Hutton ngunit si Mr. Hutton ay tinatatagan niya ang kanyang loob. Ayaw niyang magpakita ng kahit na anong emosyon sa asawa niya kahit na gustong-gusto niyang sumbatan si Dr. Aguillard.

"Why is this happening to our daughter? Anong nagawa niyang mali para parusahan siya ng ganito?" Nanginig si Mrs. Hutton.

Mr. Hutton looked at her with downcast eyes, "Hon..."

"Bakit ganyan ka, Saw? Wala ka bang pakialam sa anak natin?"

Mr. Hutton expected for that to happen. Alam niyang tatanungin siya ng ganoon ng kanyang asawa. Napabuntong-hininga na lang siya at tumingin ulit sa doktor. Alam niyang may sasabihin pa ito.

'Bakit nagkakaganito ang anak namin? Anong maling nagawa niyo sa kanya sa loob ng lintik na therapy four times a week?' Gusto niya itong itanong sa doktor pero nanatili siyang kalmado. Alam niya sa sarili niya na walang magagawa ang galit at sisi sa mga doktor at nars when in fact, they are also the one treating Eve to make sure that she can live more.

"Is there a way to treat that?" Mr. Hutton asked.

"There is. They are usually treated by surgery to remove the melanoma and a small margin of normal skin around it. Since Stage 1 pa lang naman ang melanoma ni Eve, hindi iyon masyadong malala at konti lang din ang nakikita namin sa skin niya so it would be easier for her to undergo surgery. In fact, the radiation therapy is also a way to treat melanoma skin cancer but since it is also one of the reason why Eve developed that kind of skin cancer, hindi na natin iyon magagamit or ma-a-apply pa sa kanya. Baka lumala lang ang kalagayan niya. Pero hindi ito magiging madali sa kanya because it will leave a scar," Dr. Aguillard explained.

"Kailan pa ito nagsimula? Bakit ngayon mo lang sinabi sa amin, Doc?" Nanlumo si Mrs. Hutton.

"Actually, hindi pa naman nagtatagal simula nang malaman namin ang pangalawang sakit niya and as you can see, hindi pa masyadong halata ang melanoma sa balat niya so it's really difficult for us to determine if it's really melanoma or just a pint of hives. Madalas na pagkahilo o panghihina at pagsusuka ng dugo ni Eve ay isa ring sintomas ng melanoma dahil natatalo ng cancer cells ang katawan ni Eve kaya siya lalong nanghihina."

"Oh, God! I can't believe this! Genevieve has water allergy already and now, skin cancer because of her therapies? Hinahadlangan ba ng tadhana ang paggaling ni Eve? Wala na ba talaga siyang karapatang maging normal at malaya? My God! She's only eighteen! Malayo pa ang mararating niya sa buhay but because of this... it's all gone now. Everything that we planned for her is slowly fading..." Mrs. Hutton said in an agony of melancholic. It's terrifying seeing and watching your own daughter suffering from a rare disease in the world and now, nadagdagan pa ng skin cancer. Is it really her fate to suffer this worst?

Nagkatitigan ang mag-asawa ng ilang minuto. Naging tahimik ang buong kuwarto at nabuo ang tensyon pero nabaling ang atensyon nila sa biglang may umubo. Napatingin sila sa direksyon na pinanggalingan nito at nakita nilang gising na si Eve.

"Sweetie, how are you feeling? Masakit ba ang katawan mo?" Agad nilapitan ni Mrs. Hutton ang anak niya kasunod ng asawa niya.

Nakita nila ang pagkunot ng noo nito. Kinabahan ang mag-asawa sa magiging reaksiyon niya at alam nilang hindi ito magiging madali kay Eve. Sa pagsalita ulit ni Eve ay ramdam nila ang sakit at paghihirap nito sa bawat katagang binibitawan nito kahit na nakikita nilang nagpapakatatag ito. They are her parents and they feel her pain too.

Samantala, napakuyom na lang ng kamao niya si Binx dahil sa nasasaksihan niya ngayon. Instead na abangan niya kung ano man ang magiging reaksiyon ni Eve sa sasabihin ng doktor sa kanya ay mas pinili niyang talikuran ito at umalis na lang.

"Eve..."

Sa pagbanggit palang ng pangalan ni Eve ay agad nang napapikit si Binx bago niya tuluyang maisara ang pinto.

"...you have a skin cancer called melanoma caused by your therapies every week."

Nang malaman ni Eve ang pangalawang sakit niya, hindi niya na magawang makaimik o makakibo pa. Hindi na siya makakain kaya walang ibang choice ang doktor kundi ang idaan na lang sa pagturok ang mga gamot na kailangan ng katawan niya especially mga pagkain. Every day, may papasok na nars o kaya doktor para i-monitor ang kalagayan ni Eve dahil habang tumatagal, palala nang palala ang sakit niya. Biruin mo nga naman, dalawang sakit sa isang katawan.

She knows what melanoma is and she doesn't expect it too. It's just so impossible to take. Bakit binigyan pa siya ng magandang katawan kung ganito rin lang naman ang mangyayari sa kanya? Bakit pa siya pina-experience na pumasok kung dito rin naman ang bagsak niya? Bakit kailangan niya pang mabuhay kung ito rin lang naman ang magiging buhay niya? Ironically speaking, the questions are philosophical.

Lumipas ang mga araw, linggo at buwan, ganoon ang naging sistema sa kanya ng ospital. Sa loob din ng buwan ay nawalan na siya ng gana na magsalita pa. Para siyang isang makina na binubuhay nila sa pamamagitan ng mga gamot at turok. O kaya naman, para siyang isang halaman na kapag hindi nadiligan, mag-ko-collapse o kaya malalanta. Pero nadiligan nga, matamlay pa rin.

Nakalimutan niya nang ngumiti, tumawa o kung paano maging masaya. Tulala siya sa hangin na para bang sarili niya na lang ang kinakapitan niya para mabuhay when in fact, paunti-unti na siyang nawawalan ng rason para mabuhay pa. Para tanggapin lahat ng sakit dulot ng araw-araw na pagturok sa kanya ng iba't ibang klase ng gamot, pagpapa-chemotherapy at higit sa lahat... pagtanggap sa mapait niyang reyalidad.

Kung oobserbahan ng ibang tao, sasabihin nila na OA siya dahil sa halip na tanggapin ang reyalidad ay mas pinipili niyang damdamin ang lahat pero para lang iyon sa mga makikitid ang utak at walang pakiramdam. Pero kung oobserbahan si Eve in a very positive way, she's so amazing because she's strong enough to handle all the pain and hardships. She doesn't know how to give up because if she did then she's gone now.

Pero ito ba ang gusto ng tadhana sa kanya? Ito ba ang rason kung bakit siya nabuhay?

If this is her destiny then... hindi na niya magagawa pang makapag-aral ulit at makapagtapos na may diplomang hawak para sa kanyang mga magulang. Hindi niya na magagawa 'yong mga bagay na normal niya lang nagagawa noon. Iba na ang buhay niya the moment na nagkaroon siya ng sakit na kakaiba. Wala na itong pag-asa... wala na siyang pag-asa.

Hindi deserve ng bawat isa sa atin ang magkaroon ng masalimoot na buhay. Lahat ng nangyayari sa atin ay may dahilan. May plano ang Diyos pero hindi lang natin ito nakikita o nararamdaman pero soon... malalaman niyo rin kung ano iyon. May it be beautiful or not, happy or not, accept it. Accept it no matter what because God gave it to us so be grateful.

Hindi man sabihin ni Eve ang totoong nararamdaman niya, ramdam na ramdam at kitang-kita naman ito sa bawat titig at galaw na ginagawa niya. Ang mga magulang niyang palaging nagbabantay sa kanya ay hindi nawawalan ng pag-asa. Si Binx na pilit na nagpapakatatag at pilit niyang tinatanggap ang lahat kahit na masakit. He visits Eve often now because she's being shrouded in darkness, but little by little, she's accepting the truth by the guidance of her unique light in life.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top