Chapter 20: The Truth

GENEVIEVE

"Sweetie, you need to eat."

I stared blankly at her. Hindi ko na mabilang kung ilang ulit niya nang sinabi iyan sa akin at nakakarindi na. Sinabihan ko na siya once na ayoko pero talagang mapilit si mommy.

"I said, I don't want to eat!" sabi ko saka kinuha sa kanya ang platong puno ng pagkain at marahas kong itinapon sa sahig na lumikha ng matitinis na tunog ang nabasag na plato. "Don't you understand?! Kapag sinabi kong ayoko, ayoko!" Nanlisik ang mga mata ko. Kita ko ang gulat na gulat na ekspresyon ng mukha nila. Bakit, ngayon lang ba sila nakakita ng nagwawala? O ngayon lang nila nakita ang mala-anghel nilang anak na nagwala?

"Sweetie..."

"Damn it! Stop calling me sweetie! Stop wasting your time and effort to a person who's dying! Stop pretending dahil lalo lang akong nasasaktan!" I shouted kasabay ng isang milyong kutsilyong bumaon sa puso ko.

I looked at them teary-eyed. I want to say sorry... pero pinapangunahan ako ng utak ko sa mga oras na ito kaysa sa puso ko.

"Sweetie, you don't understand. We love you and we're doing the best we can to make you happy and live more. We-"

I cut her off. There's this feeling na kumawala sa 'kin since that day and I can't control it anymore. I feel like I don't know myself anymore.

"Well, guess what? You're not doing your best! Masaya ba ako? Sa tingin niyo ba mabubuhay pa ako ng matagal dahil sa mga pinapakita niyo? Hindi! So stop pressuring me because it sucks! You don't know what it feels... you don't know what I'm feeling right now."

Ayokong umiyak ulit. Ayokong magalit. But I'm confused. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Gulong-gulo na ako. Ganito ba talaga ang LOVE? Nakakabaliw? But I know to myself that there's more. Hindi ko lang mapin-point ng sakto ang rason.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito ang dalawang tao na nanakit sa akin. Tinatagan ko ang sarili ko at matapang akong nakipagtitigan sa dati kong best friend at... boyfriend. Oh, let me scratch that, hindi naman pala 'kami.' Walang relasyon na nabuo kaya bakit ako matatakot? Bakit ako magpapaapekto ngayong nandito sila para harapin ang problemang ginawa nila sa 'kin after how many days? Alam kong mag-so-sorry sila pero tatanggapin ko ba? Hindi.

"Tita, Tito, ano pong nangyari?" he asked.

Ang galang pa rin, ah? Wala pa rin kasing alam sila mommy at daddy tungkol sa ginawa niya at nangyari sa amin.

"What happened to you? Ba't ngayon ka lang ulit nakadalaw?"

Mom, it's because pinagpatuloy nila 'yong naudlot na kap*tahang ginawa nila 'nong graduation day nila. Nabitin eh.

"But anyway, ayaw kumain ni Eve. Magtatatlong araw na simula nang magising siya. Please Binx, help her," dagdag ni mommy.

Crap! I don't need his help!

Nakita ko ang pagtango ni Binx at may sinabi pa siya kila mommy at daddy na hindi ko narinig. Mayamaya lang ay lumabas na sila mommy at daddy at ang naiwan na lang sa loob ay ako, si Reanna at si Binx. Now, now, is this an interrogation room? Funny.

Sinundan ko ng tingin si Binx nang pulutin niya 'yong mga basag na plato at pagkain na nagkalat sa sahig.

"Binx, baka masugatan ka..."

Nabaling ang tingin ko kay Reanna na nagsalita na puno ng concern kay Binx. Hindi ko maiwasang maging bitter dahil sa tinuran niya. Ano, may namuo na ba agad sa kanila?

"Sana ako na lang pala si Binx, 'no?" Hindi ko maiwasang magsalita.

Nakita ko rin ang bahagya nilang pagtigil sa sinabi ko. Umiwas ako ng tingin at matapang na sinabing...

"Dahil kahit papaano ay concern ka... but I hate the part that Binx f*cked you-"

"Eve!"

I looked at Binx full of jealous and pain but I guess, he didn't notice it.

"What? I'm just saying the f*cking truth, Binx."

Kahit ngayon lang Binx, kumampi ka naman sa akin. Pansinin mo naman ang sakit na nararamdaman ko. Pansinin mo naman ang pangungulila ko sa 'yo... kahit ngayon lang. Pero bakit parang ako pa ang nagmumukhang kontrabida ngayon? Why do I need to be for their mistake?

"That's not the right word to describe it, Eve," malamig na tugon niya saka itinapon sa basurahan ang kalat na ginawa ko kanina. Kalat ko nalilinis niya pero 'yong kalat na ginawa niya hindi niya malinis?

"Then, what is the 'right' word or term? Eh, wala namang 'tama' sa ginawa niyo." Note the sarcasm here. Damn it! I can't help to get angry at them more lalo na ngayong depensadong-depensado ni Binx si Reanna samantalang ako? Oh, I pity myself.

"Eve..." si Reanna naman.

"I'm not talking to you, b*tch!" gigil na sabi ko sa kanya saka ulit bumaling kay Binx na ngayon ay parang sasabog na sa galit. Gusto kong matawa pero the fact na sa 'kin siya galit... masakit. Ngayon ko lang din natawag na b*tch si Reanna na walang halong humor and I admit, may parte sa 'kin na nasaktan ako sa mga sinabi ko pero hindi ko na iyon mababawi pa.

"I'm here to apologize and to tell you the truth."

Ayokong pumikit dahil baka kasabay 'non ang pagbuhos ng mga luha na kanina ko pa pinipigilan bagkus ay lalo ko lang tinatagan ang sarili ko na makipag-usap sa kanila. Napakuyom na lang ako at napakagat sa labi. Damn it! Bakit ka pa pumunta rito Reanna? I don't need your explanation!

"What truth? Na in love ka kay Binx at balak mong agawin siya sa 'kin dahil alam mong wala akong laban? Alam ko na Reanna, narinig ko sa pag-uusap ng tatlong estudyante. Kitang-kita ko rin ang kababuhayang ginawa niyo sa teacher's table. Ano pang totoo ang sasabihin mo, ha? Nakita at naramdaman ko na lahat. Kulang pa ba?"

Lumipas ang ilang minuto na walang ni isang nagsalita sa amin. Sinubukan kong bumangon pero bigla akong nanghina kaya hindi ko mapigilang mapapikit sa sakit na nararamdaman ko. Nahiga na lang ulit ako at tumalikod sa kanila. Hindi ko maintindihan pero kakaibang sakit sa katawan ang nararamdaman ko. Ano 'to?

"Eve, I... I'm sorry. I'm so sorry. Walang kasalanan si Binx. Kasalanan ko ang lahat. Naging makasarili ako at nagawa kong mainggit at magalit sa 'yo. I'm sorry, Eve... I'm sorry. Patawarin mo ako. Mali ang mga naisip at nagawa ko sa 'yo. Sana... sana hindi naapektuhan ang pagkakaibigan natin. I... I'm really really sorry Eve... I mean it. Please forgive me..." utal-utal na sabi ni Reanna. Ramdam ko rin na ang lapit-lapit niya na sa 'kin. Feeling ko ilang inches na lang ang layo namin.

Nagulat ako sa biglaang paghawak niya sa kamay ko kaya agad akong napabalikwas. Tinitigan ko siya ng masama.

"Alin 'don ang totoo, Reanna? Ito ba... ito bang pinapakita mo ngayon sa akin ay totoo?"

"Eve, please..."

"What?! Gusto mong maniwala agad ako sa 'yo at patawarin ka?! At... ibalik lahat sa dati na parang walang nangyari?! Ganoon ba, Reanna?! Ganoon ba?! Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko ngayon, matatanggap mo ba agad ang nangyari?! Hindi, 'di ba?! Kaya huwag na huwag mo akong pangunahan dahil wala kang alam sa nararamdaman ko! Ginusto mo ang nangyari dahil hindi iyon mangyayari kung walang nag-initiate sainyo! Tapos ngayon ako pa ang pagmumukhain niyong masama?!"

Napahawak ako dibdib ko nang makaramdam ako ng kakaibang kirot dito. Lalapitan sana ako ni Binx pero sinenyasan ko siya na huwag. Ayokong mahawakan niya ulit ako pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Reanna. Masisisi niyo ba ako? Nasaktan lang naman ako. May karapatan din akong magalit at magselos.

"Eve... the truth is..."

Biglang nanlabo ang paningin ko at kinapos ako ng hininga. I tried to understand kung ano man ang sinasabi ni Reanna pero tanging pagbukas lang ng bibig niya ang nakikita ko. Binaling ko rin ang tingin ko kay Binx at nakita kong papalapit na siya sa 'kin. Dahil sa kawalan ng lakas, napahiga ulit ako sa kama pero this time, may kasamang kakaibang pakiramdam.

Nakita ko ang mukha nila pero wala na akong ibang naririnig sa paligid. Ramdam ko ang mga paghawak nila sa katawan ko pero tuluyan na akong namanhid. At sa tuluyang pagpikit ng mga mata ko, all I can see is their blurry images. Nothing more... nothing less...

***

"Mr. and Mrs. Hutton, I need you to know this..."

I need you to know this... this... this...

"Doc, anong ibig mong sabihin?"

Sabihin... sabihin...

"The truth is..."

I opened my eyes and gasped for some air. I can hardly breathe so I tried to calm myself first while gripping tight on my hospital dress underneath my blanket.

I looked around and saw my parents and Binx talking to Dr. Aguillard. Sila ata 'yong mga naririnig ko kanina. Kumunot ang noo ko at hindi ko maiwasang ma-curious sa pinag-uusapan nila. They looked so serious. Is it about me again? Oh well, wala namang bago. Minsan gusto ko na lang tawanan lahat pero masakit pa rin talaga, eh.

I tried to fake a cough and it worked! Naagaw ko ang atensyon nila at sabay-sabay pa talaga silang napatingin sa 'kin.

"Sweetie, how are you feeling? Masakit ba ang katawan mo?" alalang tanong ni mommy sa 'kin na siyang ikinakunot ulit ng noo ko.

"Bakit? Anong nangyayari?"

Bigla akong kinabahan at natakot sa mga malalaman ko ngayon. Tiningnan ko sila isa-isa at iba't iba rin ang nababakas na takot at pag-aalala sa kanilang mga mukha. What's wrong? Damn it!

"Tell me what's wrong. Alam kong may sasabihin kayo kaya sabihin niyo na."

"Eve, it's something na hindi mo kailangang malaman dahil-"

"Are you insane? Kung tungkol iyan sa 'kin, bakit hindi ko puwedeng malaman? Ano, nga-nga ako kapag mamamatay na ako sa hindi ko alam na dahilan?" I gave them a sarcastic laugh na siyang umalingawngaw sa loob ng kuwarto.

Pati ba naman sila gagawin akong tanga? Ano, wala na ba akong karapatang malaman ang lahat na tungkol sa kondisyon ko when in fact, ako dapat ang unang-unang makaalam?

"Eve, it's just that... baka mahirapan kang tanggapin ito at lalo lang itong makasama sa 'yo," malumanay na sabi ni Dr. Aguillard.

I laughed. Ngayon niya pa talaga sinabi 'yan sa 'kin kung saan marami na akong naranasang mahirap tanggapin na mga bagay? Oh, come on! I'm already immune to that. Pero hindi pa rin maaalis na masasaktan at masasaktan pa rin ako.

"Sasabihin niyo ba o hindi? Kaya ko namang tanggapin, eh. Kahit ano pa 'yang pasakit, tatanggapin at tatanggapin ko kung 'yon nga talaga ang nakatadhana sa 'kin..."

Nakaka-bitter naman 'nong mga sinabi ko. Nakatadhana na ba talaga sa 'kin ang sakit at mapait na buhay? Grabe naman. Worth it ba akong bigyan ng ganito? Worth it bang paghirapan ko ito? Kung sa iba ba, hindi? Pero bakit? Bakit ako pa? Puwede namang huwag na lang mag-exist ang mga ganitong bagay, 'di ba? Nakakagago lang kasi. Bakit pa ako nabuhay kung mamamatay din naman agad? Kung mahihirapan din naman ako dahil sa kakaibang sakit na ito? Naman oh! Paulit-ulit na akong nagtatanong ng mga philosophical questions pero ni isa sa mga tanong na iyon ay walang nasasagot. Nakakawalang-gana na. 'Yong isa pang tao na kinukunan ko ng lakas... nawala na sa akin.

May rason pa ba ako para mabuhay? Pakiramdam ko wala na...

"Ano na, Doc? I'm waiting," matabang kong sabi saka bumaling sa ibang direksyon. Ayokong nakikita ang pagmumukha ni Binx. Lalo lang akong nakakaramdam ng galit at awa para sa sarili ko.

"Eve... you have a skin cancer called melanoma caused by your therapies every week."

My heart skipped a beat at parang sirang plaka na nagpaulit-ulit sa isipan ko 'yong sinabi ni Dr. Aguillard that it caused me to feel dizzy and numb. Naramdaman ko rin ang pag-init ng gilid ng dalawang mga mata ko hanggang sa maramdaman ko na lang na lumuluha na ako habang nakatingin sa kawalan at sinisink-in pa sa utak ko kung ano ang nangyayari.

So, all this time, 'yong mga nararamdaman kong kakaiba ay dahil iyon sa pangalawang sakit ko? All this time, akala ko ang mga luha at pawis ko ang dahilan pero hindi. Ang bobo ko dahil ngayon ko lang din na-realize na hindi naman included ang tubig sa katawan ko dahil kung oo, matagal na akong wala. Kaya pala minsan nakakaramdam ako ng pagsikip ng dibdib at 'yong dugo. Oh, my God! Lahat 'yon ay konektado sa pangalawang sakit ko.

Paano nangyari ang lahat ng ito? Hindi pa ba sapat ang rare allergy ko na ito? Hindi pa ba sapat lahat ng mga pinagdadaanan ko ngayon?

This is insane! I feel like I'm losing my mind. I feel like I'm losing myself because of my own thoughts.

Dahil sa mga nalaman ko ngayon, naramdaman ko na naabot ko na ang limitasyon ko. 

I don't want to fight anymore. 

I want to give up. 

I just wanna die.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top