Chapter 18: Graduation Day
GENEVIEVE
I found myself mesmerized by the yellowish sun rays in the adjoining field of green plants and aesthetic features of flowers. The river's surface scintillated in the sunlight that cause it more to look dazzling. The animals that surrounds the whole area makes everything alive and beautiful.
I took a deep breathe and close my eyes to feel the presence of this peaceful and heartwarming place. I spread my hands into the air as if I was about to fly... as if I was as free as birds and butterflies...
Then, I thought about it.
Free?
Am I really still free?
"You came back."
Napapitlag ako sa gulat nang may marinig akong nagsalita sa may likuran ko. Agad akong napalingon at nasilaw ako sa kakaibang liwanag na bumabalot sa kanya.
"Who are you?" I stuttered and I felt my lips quivered when I asked that question to her.
"Gusto mong maging malaya." Instead na sagutin niya 'yong tanong ko sa kanya, iba ang kanyang sinabi.
Well, sino ba naman ang hindi gustong maging malaya sa mundong puno ng paghihirap at sakit? Sino ba naman ang hindi gustong maging masaya? 'Yong ikaw na mismo ang kumokontrol sa sarili mong tadhana. But then again, everything happens for a reason. We are being move by the supreme being because He's the unmoved mover that can control everything, but we are still free. Pero ang tanong, malaya nga ba talaga tayo? Malaya ba nating nagagawa 'yong mga bagay na gusto natin?
Hindi and I have no excuse for that.
Sinundan ko siya ng tingin nang maglakad siya palayo sa akin. Hindi ko alam pero I have this feeling na kailangan kong pakinggan ang mga sasabihin niya dahil para bang may koneksyon ito sa buhay ko. I have this weird feeling na nakita ko na siya noon pati itong lugar na ito.
Everything seems so familiar.
I tilted my head nang makaramdam ako ng kirot dito.
"Sinasaktan mo lang ang sarili mo."
Napatingin ulit ako sa kanya and again, nasilaw na naman ako sa liwanag na bumabalot sa kanya. Damn! Sino ba siya?
"You chose the narrow road yet here you are. Isa lang ang ibig sabihin nito... handa ka nang maging isa ulit tayo..."
What? I'm confused!
"Sino ka? Bakit ayaw mong magpakilala? Bakit hindi kita makita? Ginogood time mo ba ako?"
Hindi mahahaba ang sinasabi niya sa 'kin pero kahit ganoon, ramdam kong may iba pa itong ibig sabihin. May iba pa itong malalim na kahulugan. Pero, ano 'yon?
Matagal bago siya makasagot kaya in-expect ko na hindi na niya papansinin 'yong tanong ko pero nagulat ako sa naging sagot niya bago nag-iba ang anyo ng buong paligid. Ang kaninang magagandang halaman ay nalanta. Ang mga hayop ay biglang nawala. Ang kaninang asul na tubig ay napalitan ng dugong kulay. Unti-unting dumilim ang lahat kasabay ng pagkakaintindi ko sa kung ano ang nangyayari.
"You should learn how to swim."
Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga at ramdam ko ang pagtaas-baba ng dibdib ko habang habol ang aking hininga na para bang galing ako sa pagkakalunod.
Damn! Bakit hindi ko agad 'yon na-realize?How could you do this to yourself, Genevieve Hutton? Nilagay mo na naman sa alanganin ang buhay mo sa pangalawang pagkakataon.
"Eve!"
Nabalik ako sa reyalidad nang makita ko sila mommy at daddy sa harapan ko.
"Are you okay? Should we call a doctor?" alalang tanong ni mommy at handa na sanang umalis si daddy nang magsalita ako.
"I'm okay..." Halos hindi ko makilala ang sarili kong boses. Gaano na kaya ako katagal nag-stay sa lugar na 'yon? Parang ngayon lang ulit ako nagising pagkatapos ng... "Where's Binx?"
Bigla akong kinabahan nang wala akong makitang Binx Cristobal sa loob ng kuwarto ko. Bigla akong natakot at parang gusto kong maiyak. Don't tell me that it's just a dream? Everything that happened to us is... Oh, no, don't...
"Nasa school, sweetie. Graduation nila ngayon."
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi ni mommy. Oh, God! Akala ko panaginip lang lahat. Baka hindi ko kayanin 'yon kapag nagkataon.
But, wait... graduation na nila ngayon?
"Ilang araw po akong tulog?"
"Three days, sweetie."
Shoot! Mabuti na lang pala at nagising na ako. Nagmumukha na akong sleeping beauty, ah? Hindi na 'to healthy. I mean, hindi na 'to biro.
"Ano pong sabi ng doktor?"
"Don't worry, sweetie. Hindi naman daw 'to masama. It's normal since you're still recovering. Inabot ka ng tatlong araw bago magising dahil sa itinurok sa 'yo na antihistamines bago ka nag-ultraviolet radiation," my mom explained.
"Is it okay daw po na nag-take ako ng therapy kahit unconscious ako?" takang tanong ko. Baka kasi may epekto ito. Baka lang naman.
"Yes, sweetie. Of course. Nagawa na nila 'yon noon sa 'yo."
Hindi na ako nagtanong pa at nahiga na lang ulit ako. Lumipas ang ilang oras pero hindi talaga ako mapakali. Hindi rin ako nagugutom. Wala naman ako sa mood magbasa ng mga bigay ni Binx na libro. Ayoko ring manood ng sine. Pilitin ko mang matulog ulit pero wala talaga, hindi ako dinadapuan ng antok.
I need to go to our school. Gusto ko silang makitang grumaduate na pinangarap ko ring makamit noon... at ngayon. But how?
"Uhm, Mom? Dad?" Tawag ko sa kanila. Agad naman silang lumapit sa 'kin at tinanong kung ano daw bang nangyayari sa akin. "Gusto ko pong pumunta..." I awkwardly said saka na iniwas ang tingin sa kanila.
Hinawakan naman ni mommy ang kamay ko kaya roon na lang ako tumingin. Ang mga ganitong senyales ay alam ko na ang ibig sabihin but still, I'm hoping.
"Hindi puwede, sweetie. It's too complicated. Your life is at risk kapag pumunta ka pa roon. Ni hindi ka pa nga pinapayagan ng doktor na makalabas man lang sa kuwartong 'to dahil nasa observation ka pa nila," mahinahon na sabi ni mommy.
I gave them a weak smile. "Gusto ko pong makita sina Binx at Reanna na umakyat ng stage. Saglit lang naman po ako. Please, Mom, Dad. Gustong-gusto ko po silang makita..." I begged but I guess wala 'yon kwenta. Alam ko naman kasing imposible pero pinipilit ko pa rin.
"Oh, sweetie, I'm sorry pero hindi talaga puwede. Nag-promise naman si Binx na mag-papa-video siya at ibibigay niya 'yon sa 'yo. You know, Binx is a good guy. He always make you smile kahit sa mga simpleng bagay lang. 'Yong mga bagay na hindi namin magawa. So, I trust Binx big time. Alam kong hindi siya gagawa ng bagay na ikasasakit mo. Please, be patient sweetie. Konting tiis na lang makakalabas ka na rin dito. I promise. Right, Dad?"
They're trying really hard na kausapin ako in a good way. 'Yong hindi ako masasaktan at hindi mati-triggered ang pagka-emosyonal ko. I understand. Really. Gusto kong maiyak pero pinipigilan ko. Hindi ko alam pero iba talaga sa pakiramdam ang makita silang makaakyat ng stage in person kaya gusto ko silang puntahan at suportahan. Ito palang ang bagay na gustong-gusto kong makamit sa tanang buhay ko and I don't know why. Maybe because I'm... jealous? I don't know and it confuses me more. I can't understand myself right now. I've longed for this to happen kaya kahit sa best friend at boyfriend ko man lang ay makita kong nakamit na nila ang unang yugto sa totoong pagsubok ng buhay.
"Mom, anong oras po ang simula ng graduation nila?" taranta kong tanong kay mommy na nanonood ng TV. Tiningnan ko naman si daddy at napansin kong nakatingin siya sa 'kin. I smiled at him and he smiled back.
"1 pm, sweetie. Bakit? Gusto mo tawagan natin si Binx? May isang oras pa naman bago sila magsimula."
Napalunok ako at naramdaman ko ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko.
"Ah, hindi na po." Nahiga na lang ako ulit saka pumikit. Kaya lang napamulat agad ako. "Mom, dad, I'm hungry na po. Puwede niyo po ba akong bilhan ng pagkain sa labas?" Nahirapan akong sabihin 'yon sa kanila dahil parang may nakabara sa lalamunan ko.
"May pagkain ka na riyan, sweetie."
Oh no...
"Uhm, gusto ko po ng fresh lumpia and vegetable salad."
Bigla kong naalala 'yong mga panahong ayaw na ayaw kong kumain ng vegetable salad because of the aroma. Hindi ko maiwasang manghinayang. Sana pala tinikman ko na muna siya bago ko hinusgahan. Ngayon na nasa hospital ako, saka ko lang na-appreciate ang lasa niya. It's not that bad after all. Actually, it's delicious at palagi ko na siyang hinahanap-hanap though iba ang vegetable salad na kinakain ko rito kaysa sa vegetable salad noong una ko siyang makita at malanghap.
"Oh. Si dad na lang ang bibili," si mommy at tumayo na siya para kumuha ng pera sa bag niya.
What? No...
"Samahan niyo na po, Mom. Baka... baka po kasi hindi sariwa 'yong mapili niyang mga gulay o baka... baka po maligaw siya."
Stupid! So stupid! Sa isip ko, sinabunutan ko na ang sarili ko dahil sa mga sinabi ko. What a lame excuse, Eve! So lame! Si dad maliligaw? Oh come on!
"Sweetie, hindi naman maliligaw ang dad mo kahit matanda na 'yan," atatawang sabi ni mommy na siya namang ikinatawa ni daddy kaya nakisabay na rin ako pero deep inside para na akong tanga na nagwawala sa sarili kong hawla. "Isa pa, masuri naman 'yang dad mo pagdating sa mga kinakain mo." Nilapitan niya si dad para ibigay 'yong pera. "Bilisan mo lang, ha? 12 pm na rin, ngayon palang humingi ng pagkain si Eve."
Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanila hanggang sa...
"Wait!" Think fast! "Uh, ano po kasi, ang sakit ng tiyan ko! Mommy, bilhan niyo po ako ng gamot. Ahhh, ang sakit talaga!" Napahawak ako sa tiyan ko at napapikit na para bang ang sakit talaga ng tiyan ko. Sh*t! Nagmumukha na akong tanga.
"Oh e 'di, ipasabay na lang natin-"
"Mom! Hindi puwede! Hindi po puwede! Sa baba lang po ang bilihan ng mga gamot samantalang si daddy malayo-layo pa. Kailangan ko na po talaga kasi ng gamot. Mom, please!"
Nagkatinginan sina mommy at daddy.
"Oh sige, sige. Dito ka lang muna, ha? Mabilis lang kami ng daddy mo."
Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ay agad akong napamulat at mabilis na pinagtatanggal ang makinang nakakabit sa 'kin. Agad akong nagbihis ng damit at pipihitin ko na sana ang pinto nang bigla ulit itong bumukas. Packing tape!
"You're not good at acting, sweetie," si mommy habang nakapamaywang.
"Kanina pa kita napapansin. Alam kong may binabalak ka," si dad naman na nakatingin ng matalim sa 'kin.
Oh no. No no no... Kahit kailan talaga Genevieve hindi ka magaling sa pagsisinungaling.
"Mom, Dad, sorry po! Sorry po talaga! Gusto ko lang naman po talaga silang makita kahit saglit lang po. Sige na po, Mom! Dad! Please! Kahit isang minuto lang po. Promise!"
"Hubarin mo 'yan. Pagpapawisan ka. Saglit lang at tatawag ako ng nurse," seryosong sabi ni mommy na walang mababakas na kahit anong humor sa napakaganda niyang mukha saka na ulit siya lumabas ng kuwarto.
"Dad!" pagmamakaawa ko naman kay daddy na inaayos na 'yong kamang hihigaan ko at 'yong mga makina na ikakabit ulit sa 'kin.
Nilapitan ko siya at yinakap. "Dad, please. Saglit lang naman po ako kahit samahan niyo pa po ako. Please... Dad?" Naiiyak na ako pero hindi puwede. Lalo lang akong hindi papayagan. Ngayon ko lang din naalala na mahirap pilitin sila mommy at daddy. Kapag ayaw nila, ayaw talaga nila kagaya ko. I guess, mana-mana lang ito.
"Sorry, sweetie. Para naman sa 'yo ito kaya please lang, huwag kang magpumilit kung ayaw mong masaktan at mahirapan ka na naman. Please. Huwag mo na kaming pilitin dahil our decision is final. You're not going anywhere."
Natahimik ako sa sinabi niya saka na ako dahan-dahang napakalas sa yakap. Saglit kaming nagkatitigan bago siya pumasok sa CR na umiiling-iling.
I sighed. Wala talagang pag-asa.
Sinundan ko ng tingin si dad at bigla ulit akong nakaramdam ng kaba. Pinakiramdaman ko kung ano ang gagawin niya sa loob at nang wala akong makitang senyales na lalabas agad siya ay dahan-dahan na akong lumabas ng kuwarto saka tumakbo papunta sa elevator. Marami ang naghihintay sa elevator kaya hindi naman agad ako niyan mapaghahalataan. Sinuot ko ang hood ng jacket ko saka yumuko. Nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ay papasok na rin sana ako nang mamataan ko si mommy na papalabas ng elevator. Biglang nanlaki ang mga mata ko at agad akong lumiko sa stairs at doon na lang dumaan. Pagkasara palang ng pinto ay ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko at ang panginginig ng dalawa kong kamay. Again, ngayon ko lang ito nagawa.
"I'm sorry, Mom, Dad..." I mumbled saka isinilid sa loob ng bulsa ng jacket ang dalawang kamay ko na nanginginig pa.
Lakad-takbo ang ginawa ko sa pagbaba ng hagdan kaya nakarating din naman agad ako sa lobby ng hospital na hindi pinagpapawisan. Hindi naman ako ganoon kabilis pagpawisan kaya feeling ko makakabalik din naman agad ako rito na walang nangyayaring masama sa 'kin. Thankful ako kasi ang hospital na ito ay puno ng aircon kahit na sa stairs. Masyadong malaki ang ginastos para sa mga makabagong teknolohiya. Tsaka hinanda ko na ang sarili ko. Alerto na ako sa kung ano man ang mangyayari sa 'kin.
Nakita kong nagkakagulo ang mga nurses at guards. Naman oh. Nakaabot na agad sa kanila ang ginawa ko. Pano na ako nito makakalabas? Bahala na.
Nakakita ako ng matandang nakaupo sa wheelchair kaya pasimple ko itong ginamit para makalabas. Hindi rin naman ako napansin ng mga guard. Agad akong humingi ng tawad sa matanda saka na umalis at naghanap ng sasakyan. Na-guilty at nahiya naman ako sa ginawa ko sa matanda. Dagdag na naman 'yon sa mga kasalanan ko. Damn! Nagmumukha na akong desperadang kabit makapunta lang sa kanyang lalaki. So funny.
Habang papunta sa destinasyon ko ay hindi ko maiwasang makaramdam ng guilt sa mga nagawa at ginagawa ko ngayon lalo na sa mga parents ko. Napabuntong-hininga ako saka pasimpleng tumingin sa bintana ng likod ng sasakyan. Papalayo na ako nang mahagip ng paningin ko sila mommy at daddy na lumabas ng pinto ng hospital. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanila dahil parang hinahatak ako pabalik. Gulong-gulo na ako sa nararamdaman ko. Hindi ko alam kung tama pa ba ang lahat na mga iniisip ko.
Nakarating ako sa school at agad naman akong pinapasok ng guard nang makilala niya ako. Pumunta ako sa may ground at agad kong nakita ang napakaraming tao na nakaupo. Nagsimula na ang pag-akyat ng mga estudyante sa stage kaya naman pumirme na ako sa isang tabi. Inilibot ko ang paningin ko at sinubukan kong hagilapin si Binx sa kumpol na mga tao pero nadisappoint lang ako. Saan naman kaya 'yon nagsususuot ngayon na nagsisimula na ang pagpaso nila?
Naglakad ako papunta sa may unahan pero napatigil ako nang marinig ko ang pangalan nina Binx at Reanna sa kung saan. Kumunot ang noo ko at hindi ko maiwasang macurious sa pinag-uusapan ng tatlong babae. Pasimple akong lumapit sa kanila at pinakinggan ang pinag-uusapan nila. I know it's not good to eavesdrop pero curious ako lalo na't dalawang importanteng tao sa buhay ko ang sangkot sa pinag-uusapan nila.
"Reanna is confessing her feelings to Binx. I heard nasa classroom pa natin sila. Ibang klase rin talaga si Reanna, 'no? Sa tingin niya magkakagusto rin si Binx sa kanya? No way!"
"B*tch please, ang layo. Ang gwapo-gwapo ni Binx samantalang si Reanna? Oh, my God... never mind that flirty girl."
Biglang nagpantig ang tainga ko sa mga narinig ko kaya lalapitan ko na sana sila pero naglakad na rin sila papunta sa kanilang upuan. Damn it! How dare they say that to Reanna? May pruweba ba sila sa mga sinasabi nila? Reanna knows what's going on between me and Binx kaya impossibleng magkagusto siya kay Binx because he's not even her type. I know Reanna's type too but hey, Reanna's not a flirt! She's my best friend! But there's this feeling na I still need to know the truth. I wanna go to their classroom and face the truth.
Alam kong mali na mag-doubt ako sa kanila pero I can't help myself to get curious. Alam niyo na, if you'll rate my curiousity, I think, 100%? But seriously, Ano pang ginagawa nila sa classroom? Sila na lang bang dalawa ang nandoon? May...
Masking tape! Erase that thought Eve. Think positive. Always think positive. Nandito ka para sa kanila. Nandito ka dahil gusto mong makita na umakyat sila ng stage na hindi mo magagawa dahil sa lintik na kalagayan mong 'to! So, be yourself Eve.
Napatigil ako sa paglalakad nang mapansin kong nakabukas lang ang pinto. Nakahinga ako ng maluwag dahil kahit papaano ay nabawasan 'yong tensyon at kabang nararamdaman ko kanina. Siguro naman nag-uusap lang talaga sila. I'm Reanna's best friend and I'm Binx's girlfriend so natural lang na nagkakamabutihan din sila as friends but I guess... not.
Para akong sinaksak ng ilang milyong kutsilyo sa mismong puso ko. I blinked several times but the picture of them making out on the teacher's table is raunchy. I saw Binx how hunger he is to eat and feel Reanna's body and Reanna... Reanna's fingers stripping down to Binx's polo shirt down to his pants.
What the hell?!
I can't take this anymore. Hindi ko kayang panoorin sila ng ganito. So... gross and it's so not... them.
As soon as I run out to that scene, I felt the drops of fluid running down my cheeks. I wiped it away pero balewala 'yon. Damn, it hurts. I am deeply hurt right now and I forgot my condition. Ironically, parang binigyan talaga ako ng sign na huwag na akong tumuloy pero tumuloy pa rin ako dahil sa kagustuhan kong makita sila. Dahil sa kagustuhan kong maging masaya. Tapos ito, ito lang ang napala ko. That scene of them is the worst nightmare I have ever had! I'm such a fool for not believing those girls! For not believing my instincts! You're so stupid, Eve! So stupid!!! Pero mali ba na siniguro ko lang? And there they are! Siguraduhin nilang may matinding rason sila sa 'kin dahil matinding sakit rin ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
Biglang nanlabo ang paningin ko at hindi ko napansing nasa may hagdan na pala ako. Nakalimutan kong humakbang sa isang baitang ng hagdan resulta ng pagkakahulog ko pababa dito. I cried out loud, hindi alintana ang sakit ng katawan mula sa pagkakahulog sa hagdan kundi 'yong sakit na dulot ng senaryong 'yon sa 'kin. Tagos hanggang kaluluwa. Para na rin nilang binaboy ang dignidad ko at ang pagsasama namin. Actually, binaboy na nga talaga nila. Hindi ko in-expect na magagawa 'yon ng nag-iisa kong best friend sa 'kin pero ang mas ikinagulat ko ay 'yong patulan siya ni Binx. I thought he's different but then again, sino ba namang lalaki ang hindi makakatiis?
Hindi pa nagtagal ay agad na akong pinalibutan ng ilang mga estudyante. I closed my eyes at ramdam ko ang tuloy-tuloy na pag-agos ng mga luha ko. Ramdam ko ang panghihina ng buong katawan ko simula sa pinakapangunahing bahagi ng ating katawan... ang puso.
I heard a very familiar voice that screams worrisome na para bang takot na takot sa nasasaksihan niya ngayon. Oh, come on! That's so funny! After what they did to that classroom? Sinong niloloko niya? Damn! Nakahandusay lang naman kasi ang babaeng binaboy at sinaktan niya.
This is my first pain from a man except for my dad, of course. Halos ikamatay ko 'yong nakita ko kanina. Hindi ako halos makakibo and it's killing me inside silently. Para bang lahat ng panangga ko sa sarili ko ay unti-unting nagsibagsakan.
It's their graduation day and this is the most horrible day in my life. I think I don't want to experience to graduate anymore because of that scene. What a shame. A graduation day turned to an erotic day.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top