Chapter 16: Rainbows and Sunshine
GENEVIEVE
"Hey, will you stop that?" I said while looking at him, chortling with delight because of his bizarre dance steps. "My God! You look like a bamboo na sumasabay lang sa ihip ng hangin," sabi ko pa. Damn! This man is crazy! He's been doing it since umalis sina mommy at daddy.
"But, you're loving it, don't you?" nang-aakit na sabi niya sabay wink at lip bite.
Goodness gracious! This man never cease to amaze me. He's always doing some crazy stuff to make me happy simula 'nong araw na 'yon. Kahit na hindi niya naman ginagawa dati (sabi niya) ginagawa niya na ngayon... because of me. Hmm? I don't know if I should trust him on that.
Napatakip na lang ako sa mukha gamit ang dalawa kong kamay saka umiling-iling nang bigla niyang hubarin ang t-shirt niya.
"Oh, my god, Binx! This is a scandal! Will you stop that already? My God!" Natatawa ako habang nakatakip pa rin sa mukha ko ang dalawang kamay ko.
Biglang tumahimik ang buong paligid at wala na akong maramdamang sumasayaw sa harap ko. Oh, thank God! He stopped.
Kaya lang napatili agad ako nang tanggalin ko ang takip sa mukha ko dahil sa ginawa niya. He kissed me saka siya tumakbo palayo sa 'kin habang sinusuot pabalik ang t-shirt niya. Namilog ang mga mata ko at hindi ko maiwasang mapamura.
"Binx! You stole my..."
"What? Don't tell me it's your first kiss 'coz I kissed you a thousand times already, mi amor."
Ramdam ko ang pamumula ng dalawang pisngi ko. That is so embarassing! Bakit kailangan niya pang ipaalala? Malilintikan ka talaga sa 'kin Binx kapag nahuli kita.
Aalis na sana ako sa kama nang pigilan niya ako.
"Stay there. I told you, don't move a lot." Sinenyasan niya pa ako gamit ang dalawa niyang kamay kaya napairap na lang ako.
"Then, come here," hamon ko sa kanya.
He chuckled, "You really know how to make me stop."
Dahan-dahan siyang lumapit habang diretsong nakatingin sa 'kin kaya hindi ko maiwasang mapangiti. Nang makalapit siya ay agad ko siyang niyakap sa baywang niya. Pumikit ako at hindi ko maiwasang singhutin siya dahil sa pabango niyang nakakaadik.
"Baka maubos ako," komento niya.
I laughed saka na kumalas sa yakap. Tiningala ko siya dahil nakaupo ako sa kama at nakatayo siya. Hirap mag-adjust, 'no? Ang tangkad niya pa.
"Hang on," natatawang sabi niya saka naupo sa tabi ko. Sumandal naman agad ako sa balikat niya at hindi ko maiwasang balikan 'yong ilang araw kaming magkasama hanggang ngayon.
Binx never leave me. He always finds time to visit me and when he does that, walang oras na hindi niya ako napapangiti at napapatawa. But he's so careful on the things that might trigger my allergy. Siya ang naging katulong nila mommy at daddy sa pag-aalaga sa akin. Hindi ko nga alam kung ano ba talaga kami, basta ang alam ko mahal na namin ang isa't isa. Well, sino ba namang hindi mahuhulog sa kanya sa loob ng one month niyang pananatili rito?
He's caring. He has this sense of humor na sa akin niya lang pinapakita at pinaparamdam but I really loved it when he does that. Although, masungit at snob siya pagdating sa ibang tao, tinatawanan ko na lang siya sa loob-loob ko. Pakiramdam ko tuloy ang swerte-swerte ko sa kanya. Pakiramdam ko ako palang ang trinato niya ng ganito. And I can't help myself to fall in love with him every single day. Pakiligin ka ba naman araw-araw kaya nagiging healthy ako, eh. This is so overwhelming. Hindi ko inisip na siya ang magiging kaagapay ko sa ganitomg sitwasyon sa buhay ko.
"Hey..." Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses niya at ang marahang pag-alog sa balikat ko.
Napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya ng pilit saka ngumuso sa may pinto. Binaling ko naman ang tingin ko roon at hindi ko maiwasang matuwa dahil sa nakikita ko.
"Reanna!" masayang bulalas ko at nakalimutan kong bawal pala akong umalis sa kama dahil may ilan pang nakakabit sa 'kin na apparatus. I was so excited to hug her.
"Careful." Pag-alalay sa akin ni Binx nang muntik na akong matumba. I just gave him an awkward smile.
"It's okay, Eve. Lalapitan naman kita, eh," si Reanna.
Bumalik kami sa kama at hindi ko na maalis ang tingin at ngiti ko kay Reanna na ilang buwan kong hindi nakita. Gosh, I missed her so much!
"Uhm, can I hug you?"
Natawa siya sa sinabi ko at sa pag-tango palang ng ulo niya ay agad ko na siyang yinakap.
"Hey, can't breathe..."
"Oh, sorry. I just missed you so much, beast. How are you? And uhm, how's school?"
Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng pagkailang sa kanya. Kanina ko pa siya tinititigan pero parang may nagbago talaga sa kanya. Pero baka naman ganito lang talaga ang pakiramdam kapag galing ka sa tulog ng ilang buwan.
"I'm fine. School's fine. How 'bout you? Are you... okay now?"
Sunod-sunod naman ang pagtango ko sa kanya habang may malawak na ngiti sa mga labi ko. Narinig ko naman ang bahagya niyang pagtawa. Pero teka nga, para talagang may mali sa kanya eh...
"Oh, my god! Your... your hair." I was astonished by her hair while pointing at it. 'Yon pala ata ang mali sa kanya, her hair. I mean, that's the weird and awkward feeling. Wait what?
Ano bang pinagsasabi ko?
"Oh, yes. I decided to cut it since uhm, mahaba na rin siya at mainit sa pakiramdam." Kibit-balikat niyang sabi. "Is it ugly?"
"What? No! I love it, Reanna! It suits you very well. Nagmumukha ka nang tao..." pabirong sabi ko sabay halakhak ng malakas. Agad naman akong nakatanggap ng isang malakas na hampas sa kanya. "Aray! Ang sakit 'non beast, ah? Ikaw ha?! Anong ginawa mo sa loob ng ilang buwan na wala ako at bumigat ng ganyan ang kamay mo?"
"Baliw," tanging nasabi niya.
Biglang tumahimik ang buong paligid at titigan na lang ang tanging nagawa namin. But the smile on my lips is still there. I'm just so happy that Reanna is here for me after how many months... I really really missed my beast friend. Ano na kayang ganap sa buhay niya ngayon? Nagkaayos na kaya sila ng parent niya? I hope so. I've been praying for that to happen. Kahit kasi anong ngiti at tawa niya, I can still see the sadness and emptiness in her eyes.
"Uhm/Uh-"
Bigla kaming napatigil nang magkasabayan kami sa pagsalita. Nagkatinginan ulit kami and then we burst out laughing.
"You go first/Ikaw muna-"
Nagkatinginan ulit kami saka ulit natawa.
"Intimate..." komento ko nang matigil na sa pagtawa.
"Okay, uhm, I just wanted to tell you that uhm, this coming saturday is our graduation day and everyone is expecting you to be there so they sent me... here to tell you that. I was actually planning to visit you pero sadyang wala talagang oras. You know, busy busy for school and... I already find a job. So, hindi ko na kailangang tanggapin ang pinansiyal na pinapadala sa 'kin ng magulang ko through the use of my tita. Isn't it amazing, Eve? I can use my own money for my expenses!"
Biglang nawala ang ngiti sa labi ko nang marinig ko 'yon sa kanya.
"Oh. Good for you." Nakaramdam na naman ako pagkailang sa kanya.
"Aren't you happy for me?"
"Oh, no! No! Of course, I'm happy for you. I always wish you a happy life so there it is!" nakangiting sabi ko sa kanya pero hindi ko pa rin maiwasang malungkot knowing na pumunta lang siya rito para sabihin sa 'kin na ga-graduate na sila. I mean, KAMI dapat...
"Thank you. Ikaw may sasabihin ka?"
I blinked several times at natutop bigla ang bibig ko. Marami akong gustong sabihin sa kanya gaya ng tungkol kay Binx, kung ano sa pakiramdam ang nandito ka at nag-tatake ng mga therapies at medications, how I missed school so much and living my normal life at siyempre gusto kong sabihin sa kanya kung gaano ko siya na-miss at 'yong mga bagay na ginagawa namin noon as best friends... pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko alam kung matutuwa ba siya o hindi. I have this unexplainable feeling towards her. Para talagang may mali eh...
But hey there self, she's your best friend. Isipin mo na lang na ganito talaga 'yong feeling na after how many months saka lang kayo ulit nagkita ng best friend mo. Naninibago ka lang. Tama... naninibago ka lang...
"Wala. Ano, uh, nawala na sa isip ko. Pero baka tungkol lang 'yon sa mga therapies ko rito at alam kong mabobored ka lang kapag kuwinento ko 'yon sa 'yo..." natatawang sabi ko na lang.
"Right. So, gotta go now. Marami pa kasi akong gagawin. I'll visit you again, Eve... soon," aniya saka na tumayo at binigyan ako ng isang halik sa pisngi.
Habang naglalakad siya palabas ng kuwarto ay nakatitig lang ako sa kanya hoping na tumingin din siya pabalik sa 'kin at bigyan ako ng isang sincere na ngiti na may encouragement but no. She didn't look back.
Ang kilala kong Reanna ay palaging lumilingon pabalik sa akin, kung hindi tukso ay bibigyan niya lang ako ng ngiti o mura. She's always willing to listen to me, may it be important or not. Lahat ng bagay ay talagang napag-uusapan namin noon pero anong nangyari ngayon? Bakit parang ilag na siya sa akin? May nagawa ba akong mali na hindi niya nagustuhan?
"Hey..."
Naramdaman ko ang pagtabi ni Binx sa akin sa kama kaya agad ko siyang tinitigan at binigyan ng isang matamlay na ngiti.
"What's wrong? Hindi mo ba gusto na bisitahin ka niya?"
"No! Siyempre gustong-gusto ko pero..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil parang hindi naman ata tama na sabihin ko 'yon knowing na best friend ko siya. And hindi naman ganoon kadaling talikuran siya dahil lang sa mga sinabi niya sa 'kin kanina. It's just so immature. I'm just overreacting. "Do you think she has a problem?" Mukhang hindi niya nakuha ang ibig kong sabihin kaya bumuntong-hininga na lang ako at sinabing... "Nevermind."
Bakit ko ba siya pinag-iisipan ng masama? Naku, ang sama ko na atang best friend. Hindi ko lang siya nakita at nakasama ng ilang buwan pero 'yong bond namin together as best friends nandoon pa rin kaya I think nag-ooverthink lang ako sa mga bagay-bagay.
Ganito ba talaga kapag naging bahay mo na ang hospital?
But still, I'm happy because she visited me and that's already enough for me. At least 'di ba, hindi niya pa rin ako nakakalimutan. Siguro we'll just catch up na lang kapag nakalabas na ako ng ospital. Sure akong marami-rami kaming pag-uusapan at pag-didiskitahan. God, can't wait for that to happen! I miss bonding with her! Damn! I miss so many things in life. But seeing Binx, I couldn't ask for more. It's okay kung nandito lang ako sa ospital because Binx is also here. And it's also okay for me kung nasa bahay at school lang ako at least Reanna is there for me. Whatever the case is, I will still be happy.
"You're overthinking."
I smiled on what he said to me.
"Hindi naman. Nag-iisip-isip lang." Tila hindi siya kumbinsido sa sinabi ko.
"Ano naman iniisip mo?"
"Uhm..."
Matagal bago ako makasagot sa kanya. Hindi ko rin magawang makatingin ng diretso sa mga mata niya.
"You're lying. Come on, say it. Anong iniisip mo?"
It's so hard. Nahihirapan akong makipagtitigan sa kanya ng ganito. Kapag iniiwasan ko naman ang mga titig niya, sinusundan niya pa rin ang tingin ko. Damn it! Talagang wala akong maitatago sa lalaking 'to. He knows everything about me. He knows when I'm lying, scared, confused or even awake or not. Paano ko ba 'to matatakasan?
"Do you really love me?" Instead of saying the truth kung ano ang iniisip ko, 'yon ang lumabas sa bibig ko. Mabuti na rin siguro 'yon para ma-divert ko ang sarili ko.
"Seriously? Iniisip mo 'yan? Damn it, Eve!"
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Why? What's wrong with my question?"
Tumayo siya at hinimas ang sentido niya. Oh no, this is not good. Wrong move, Eve.
"I said it to you, Eve. Countless times already. Are you doubting my love for you? You want me to stop?" I saw a glint of frustration in his eyes and how the way he looks at me feels so different.
Okay, I'm wrong. Dapat pala talaga sinabi ko na lang 'yong totoo. Ito tuloy ang naging disadvantage ko sa pagsisinungaling.
"No. I'm sorry. Wala lang talaga kasi akong maisip na isasagot sa 'yo dahil ayokong sabihin sa 'yo kung ano talaga 'yung iniisip ko. It's so hard to tell because it's-"
Oh no! No, no, no, no, no... You're so stupid to fall for his trap Eve. Damn!
"Gotcha! I told you, you can't lie to me."
Napapikit ako habang may pekeng ngiti sa mga labi. Packing tape! Sinasabi ko na nga ba! Bakit ba hindi ko pa rin makuha-kuha ang mga ganitong tactics niya? This is so annoying! Wala na, talo na naman ako.
"Fine. Fine," pagsuko ko nang maimulat ko na ulit ang mga mata ko. Nakita ko naman ang malainsultong ngisi niya kaya hindi ko maiwasang mapairap sa ere. "I hate you!" maktol ko saka napanguso. Naman eh!
"Really?" Mas lalo siyang lumapit sa 'kin. Samantalang ako ay unti-unti ring lumalayo sa kanya.
"Are you trying to kiss me, Mr. Binx Cristobal?" Nanliit ang mga mata ko at sinuri ang magiging reaksiyon niya. Nakita ko ang pagkagat-labi niya kaya hindi ko maiwasang matawa sa loob-loob ko.
"No, I'm trying to make out with you, Mrs. Genevieve Cristobal."
Oh, my God! Oh, my God! Oh., my God!!! What the hell?!
Napatili ako nang bigla niya akong halikan sa labi resulta ng pagkakahiga ko sa kama. Nakadagan na tuloy siya sa 'kin ngayon at hinawakan niya ang dalawang kamay ko gamit ang isa niyang kamay. Nagpumiglas ako pero he's strong enough for me kaya hinayaan ko na lang siya. Hindi naman mahigpit ang pagkakahawak niya kaya ayos lang. Hinihigpitan niya lang kapag nagpupumiglas ako.
Pumikit ako dahil akala ko hahalikan niya ako pero naramdaman ko ang hininga niya sa may tainga ko saka sinabing...
"Want to make a baby now, Mrs. Cristobal?"
Napamulat ako bigla at hindi ko maiwasang matuhod siya sa may pagkalalaki niya dahilan ng pagkakahulog niya rin sa kama.
"Oh, my God, I'm so sorry. Are you okay?!" Nataranta ako.
"F*ck!" malutong na mura at sigaw niya kaya napapikit na lang ako pero mayamaya lang din ay agad na akong napahalakhak.
Natigil lang ako nang biglang bumukas ang pinto at pumasok sila mommy at daddy. Lalo akong natawa nang biglang napatayo si Binx mula sa pagkakahulog niya sa kama. Nakita ko rin ang pag-inda niya ng sakit at nabasa ko sa mga labi niya ang pagmura niya nang sunod-sunod. So cute...
"Anong nangyayari dito? Binx ayos ka lang?"
"Opo..." he stuttered then I started laughing again. Pinandilatan ako ng mga mata ni Binx pero lalo lang akong natawa. Kung makikita niyo lang siya ngayon, sure akong tatawanan niyo rin siya.
"Oh, ba't ka nakahawak diyan? Nabasag ba?"
Natigil ako sa pagtawa nang tanungin ulit siya ni mommy. Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanila hanggang sa napahalakhak na lang ulit ako.
Damn it! Hindi ko na 'to kaya. Ano ba naman kasi 'yan Binx!
Tawa lang ako nang tawa at ramdam ko ang pagsakit ng tiyan ko kaya napahawak na lang ako roon pero tuloy pa rin ako sa pagtawa. Sa tuwing tinitingnan ko rin si mommy at Binx lalo lang akong natatawa dahil si mommy nakakunot ang noo habang nakatingin sa 'kin samantalang si Binx ay naka-poker face lang habang nakahawak pa rin sa 'ano' niya. Oh, my God! This is hilarious!
"Tama na 'yan," Narinig kong sabi ni daddy saka ako tinapik sa balikat. Tinitigan ko siya sandali saka ulit tumawa.
"Naku Binx, naririndi na ako sa tawa nito."
"Don't worry, same lang po tayo, Tita."
Aba! Nagawa pang makapag-usap ng dalawa. Dahil 'don ay lalo lang akong natawa habang tinuturo sila. I don't know why but I find it so funny and cute. Hinayaan naman nila akong tumawa nang tumawa lang at nang matigil na ako ay siya namang pagtawa nila mommy, daddy at Binx. Wait, what? Is this a circular flow of motion? Kidding aside.
"Hey, what's funny?" Natawa ulit ako pero tumigil na sila kaya napatigil ulit ako.
Nagpapalit-palit ang tingin ko kay mommy at daddy nang ilang minuto hanggang sa lapitan nila ako at kilitiin. Napatili ako. Shoot! Lahat atang parte ng katawan ko ay may kiliti kaya hindi sila nahihirapang gawin 'to sa akin. Ang daya!
Nabaling ang tingin ko kay Binx at 'yong kaninang poker face niyang mukha ay napalitan ng pagkakalma at ngiti sa mga labi niya. Seeing him like that is already enough for me. His smile is already enough for me. 'Yon lang naman ang gusto kong makita sa kanila eh, ang maging masaya. Ngayon palang nag-ooverflowing na ang puso ko dahil sa sobrang kaligayahan. Kung araw-araw lang sana ganito kami, mabubuhay siguro ako nito nang matagal pero mali eh... hindi...
I suddenly felt a transpiercing needles in my heart, feeling weak and dizzy. Natigil din sila mommy at daddy nang mapansin nila ang sudden movement ko. Napatitig ako sa kisame at paunti-unti, hindi ko na maramdaman ang katawan ko.
I'm in pain and I want to scream my heart out, but I can't. It's very unexplainable feeling.
Napaubo ako bigla at naramdaman ko ang pag-agos ng likido sa bibig ko pababa sa leeg ko. Oh, my God, is this my blood? Please tell me it's not...
"Eve!"
My vision became blurry and I cannot distinguish their faces anymore, but I can still hear their distressing voices that filled my ear. I can tell that I'm somehow happy because they're here for me. They're here when I needed them the most. But on the other side, nakakalungkot pa ring isipin na kahit anong saya ang ibigay sa 'yo, may kapalit pa rin ito na mas mabigat doon.
Rainbows and sunshine are truly amazing and overwhelming yet the storm is also cool in return.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top