Chapter 10: Nemesis

THIRD PERSON

Nang makarating si Reanna sa apartment niya ay agad siyang naligo at nagbihis ng pambahay. Napagdesisyonan niyang magluto na muna tutal gabi na rin naman. Habang naghihiwa ng mga ingredients para sa sinigang na lulutuin niya ay biglang bumalik sa alaala niya iyong mga pangyayari sa school nila habang wala si Eve.

"Uy, Reanna bakit hindi mo kasama si Eve?"

"Bakit hindi raw pumasok ngayon si Eve?"

"Reanna, nasaan si Eve? Kumusta na siya? Pasabi na lang sa kanya na miss na namin siya."

"Wala pa rin si Eve? Tatlong araw na siyang absent, ah? Alam mo ba kung bakit, Reanna?"

"Mabuti na lang pala at nag-take down ako ng mga notes, puwede ko itong ipahiram sa kanya kung sakali. Ano sa tingin mo, Reanna?"

"Nakakamiss si Eve... iyong mga tawa niya at mga corny niyang jokes. Reanna, pabisita naman siya, please?"

"Reanna, puwede mo ba kaming samahan kay Eve? Gusto lang sana namin siyang kumustahin."

"Ah..." Nabalik siya sa reyalidad nang makaramdam siya ng kirot sa daliri niya. Tiningnan niya ito at nakita niyang dumudugo na ito. Tumungo siya sa may lababo at agad itong hinugasan. Bumuntong hininga siya at napapikit ng mariin.

"Damn it. Hindi naman kasi ako tanungan ng taong nawawala," inis na bulong niya sa sarili niya saka kinuha ang first aid kit na nakalagay sa taas ng aparador.

Nang matapos siya sa paggamot sa nahiwa niyang daliri ay bumalik ulit siya sa paghihiwa ng mga ingredients. Pero habang tinititigan niya ang kutsilyong nakalatag sa chopping board ay unti-unting namuo ang galit at inggit sa puso niya. Mahigpit niya itong hinawakan at madiin na hiniwa ang mga ingredients habang paulit-ulit na sinasabi ang mga katagang...

"Puro na lang kayo Eve! Eve! Eve! Tangina! Nakakabanas na!"

Napatigil siya sa paghiwa at hinawakan ang mukha niya.

"Wow. Palagi ko na lang talagang iniiyakan ang mga walang kuwentang tao." Tumawa siya ng mapakla saka marahas na pinunasan ang mga luhang kumawala sa mata niya.

Tiningnan niya ang mga ingredients na gagamitin niya sana sa pagluluto ng sinigang saka ito marahas na itinapon sa basurahan habang paulit-ulit na nagmumura. Naisipan niya na lang na kumain sa labas kaya kinuha niya ang jacket niyang nakasabit sa likod ng pinto ng kuwarto niya at agad nang lumabas ng apartment. Habang naglalakad sa gilid ng kalsada ay biglang bumalik sa alaala niya 'yong una nilang pagkikita ni Eve almost three years ago...

"Uy, bakit ka umiiyak?" tanong ng isang dalagang naka-ponytail sa dalagang nakaupo sa swing.

"Wala," utal na sagot naman ng dalagang nakaupoo sa swing.

"Anong wala? Meron! Umiiyak ka, eh!" pagpupumilit ng dalagang naka-ponytail.

"Wala nga! Umalis ka nga rito!" pagtataboy sa kanya ng nakaupo sa swing.

"Hala! Nagtatanong lang naman ako. Huwag kang magalit," gulat na saad ng dalagang naka-ponytail saka ito ngumuso.

"Wala akong pakialam! Umalis ka na sabi, eh!"

"Ang sungit mo naman!" Napangiti na lang ang dalagang naka-ponytail.

"Pakialam mo ba?!"

"Dahan-dahan ka nga sa pananalita mo! Nandito ako para damayan ka. Ang lungkot mo kasing tingnan. Ano bang nangyari sa 'yo? Why are you crying? You know, you can tell me your problems. I'm willing to listen."

Napatigil naman sa pag-iyak ang dalagang nakaupo sa swing saka sinabing, "Sigurado ka?"

"Oo naman! Kaya huwag ka nang umiyak, pumapanget ka lalo, eh!"

"So, panget ako?"

"Uy, wala akong sinabi, ah?"

Nagkatitigan ang dalawa at mayamaya lang ay bigla na lang silang tumawa.

"I'm Reanna." Naglahad siya ng kamay sa dalaga. Tumayo naman ang dalagang naka-ponytail at malugod na tinanggap ang kamay nito habang may malawak na ngiti sa kanyang mga labi.

"I'm Genevieve. Simula ngayon mag-beast friend na tayo, ah?"

"Teka, bakit beast friend?" kunot-noong sabi ng dalagang nagpakilalang Reanna.

"Kasi mukha kang beast!" Saka siya tinawanan ng pagkalakas-lakas ng dalagang naka-ponytail na nagpakilalang Genevieve.

"Anong beast?! Lagot ka sa 'kin!" Tumayo mula sa kanyang kinauupuan si Reanna saka hinabol si Genevieve na tumakbo palayo sa kanya. Ilang oras silang naghabulan hanggang sa mapagod sila.

"Ano, ayos ka na?" Hinihingal na tanong ni Genevieve kay Reanna na nakahiga na ngayon sa damuhan.

Napa-thumbs up na lang si Reanna saka dahan-dahan na bumangon at tinitigan ang kanina pang ngiti nang ngiti na si Genevieve.

"Paano ba maging ikaw?" she said out of nowhere.

"Huh?" kunot-noo namang tanong ni Genevieve kay Reanna habang may inosenteng ngiti sa kanyang mga labi.

"Hindi ka ba napapagod ngumiti?"

"Siyempre, hindi. Sabi kasi sa 'kin ng mommy ko, dapat daw palagi lang akong ngumiti dahil mas gumaganda ako at para daw mahawaan ko ng good vibes ang mga taong nakakasalamuha ko." Napansin ni Reanna kung gaano kasaya si Genevieve habang sinasabi niya iyon samantalang siya ay miserable.

"Bakit mo natanong?"

"Huh? Wala... wala." Pasimpleng pinunasan ni Reanna ang luhang lumandas sa pisngi niya. "Curious lang ako at... sana ako na lang ikaw..."

"Ano?" Napatingin si Genevieve kay Reanna nang hindi niya marinig iyong huling mga katagang sinabi nito.

"Wala. Ano ka ba! Tara na nga. Malapit ng dumilim, oh." Ngumiti ng pilit si Reanna saka na tumayo.

Nang makilala niya si Eve, hindi niya maiwasang mamangha at mainggit dito dahil sa katangian na taglay nito at sa buo nitong pamilya. Samantalang siya, ang layo ng pagkakaiba niya kay Eve.

Eve is a happy-go-lucky and an optimist person while she's not. Eve is kind and gorgeous while she's not. Everyone loves Eve while she's not. Eve has a complete family while she's not. Eve has everything while she has nothing. Kaya naman kahit anong pilit niya sa sarili niya, hindi niya magawang maging kagaya ni Eve. Kahit katiting sa pagkatao niya, wala siyang nakukuha sa katangian ni Eve. She wants to be like Genevieve Hutton. She wants everything that Eve has.

"What the–" Muntik ng matumba si Reanna sa semento nang mabunggo siya sa isang lalaki. "Hindi ka ba marunong – Ikaw?!" Nagulat si Reanna nang makita niya sa harap niya ang lalaking tumulong sa kanila ni Eve three days ago.

Biglang natutop ang bibig niya at hindi niya magawang makakibo.

"Sorry," tanging nasabi ng lalaki saka na ulit nagsimulang maglakad pero bago pa man siya makalayo ay agad na siyang pinigilan ni Reanna at hinarangan ang dadaanan niya sana.

"Teka! We need to talk!"

"About what?" Nagtaka ang lalaki.

"Ano... tungkol kay Eve at... ano... uhm..." utal-utal na sabi ni Reanna nang hindi niya makuha ang tamang salita sa mga naiisip niya.

"If it's about Eve, she's still unconscious. Nakalimutan mo na bang galing ka palang 'don kanina?" Pagod na tinitigan ng lalaki si Reanna.

"Ano?" Reanna stuttered as she stared to the man standing in front of her.

"Anything else?" Nainip ang lalaki nang hindi na magawang makapagsalita si Reanna kaya tinalikuran niya na lang ito at naglakad pabalik sa pinanggalingan niya. Napadabog na lang si Reanna nang mapagtanto niyang wala na ito sa paningin niya at agad siyang napasigaw dahil sa frustration.

"Tsk. Kala mo naman kinaguwapo mo iyang rude na pag-uugali mo!"

Napasipa siya sa nakita niyang basurahan saka napairap sa ere. Naisipan niya na lang na bumalik ulit sa apartment niya at doon na lang mag-stay dahil lalo lang nasira ang mood niya nang mabunggo niya ang lalaking iyon.

She just doesn't understand it. Ano bang meron kay Eve na wala sa kanya at ganoon na lang siya tingalain ng mga tao?

"Buwisit!" Marahas na sinara niya ang pinto saka tumungo sa kuwarto niya. Hinubad niya ang jacket niya at padapang humiga sa kama niya. Sumigaw siya ng pagkalakas-lakas habang sinusuntok ang mga unan na mahahawakan niya.

"I hate you! I hate you! I hate you! Bakit ikaw na lang palagi ang napapansin?! Putangina! I hate you!!!" sigaw niya habang nakadapa pa rin at ramdam niya ang unti-unting pag-init ng gilid ng mga mata niya hanggang sa tuluyan na siyang mapaiyak. "Bakit kailangan mo pang dumagdag sa mga problema ko?! Bullshit! Sana hindi na lang kita nakilala!!"

Napabangon siya pagkatapos niyang sabihin iyon at gigil na pinunasan ang mukha niyang nabasa ng mga luha niya.

"Hindi. Mali ito. Hindi dapat kita iniiyakan. Hindi..." Paulit-ulit na sambit niya habang pinupunasan ang sunod-sunod na pag-agos ng mga luha niya at nang mapagod siya sa pagpunas ay napaupo na lang siya sa gilid ng kama niya. "I don't deserve this kind of life... I don't deserve to feel what I'm feeling right now... This is just so unfair..." Nanghina siya.

Bigla siyang nakaramdam ng kirot sa dibdib niya kasabay ng pagsakit ng ulo niya dahil sa sunod-sunod na pag-flash back ng mga alaala niya kasama si Eve. Lalo siyang nagalit at nasaktan kaya napasabunot na lang siya sa sarili niyang buhok saka kinamot-kamot ang dalawang braso. Sinimulan niya ring sapak-sapakin ang sarili niya para mawala na sa isip niya si Eve pero wala iyon silbi. Habang tumatagal ay lalo lang ding tumataas ang balisang nararamdaman niya.

Napatigil siya sa ginagawa niya at napatitig sa salaming nakasabit sa dingding. Dahan-dahan siyang tumayo at nilapitan ito. Tiningnan niya ang sarili niyang repleksiyon at walang ibang mababakas sa mukha niya kundi ang galit at pagkamuhi sa mga taong pinagkatiwalaan niya. Napasigaw siya saka malakas na sinuntok ang salamin na siyang naging dahilan ng pagkabasag nito.

Malalalim ang naging paghinga niya habang nakakuyom pa rin ang isa niyang kamay na punong-puno na ng dugo at may mga maliit na piraso ng salamin pa ang nakatusok dito. Nanghihina man, kinuha niya pa rin ang isang gunting na nakalagay sa ilalim ng maliit na center table saka bumalik sa dati niyang kinatatayuan kanina. May ilan pa siyang natapakan na bubog ng salamin pero parang hindi niya na ito maramdaman. Tiningnan niya ang repleksiyon niya sa salaming basag na saka sinimulang guntingin ang bra length niyang buhok. Hindi siya tumigil sa pag-gupit nito hanggang sa tuluyan itong maging maiksi.

Bigla siyang nanghina kaya nabitawan niya ang gunting at bumagsak ito sa mga bubog ng salamin na lumikha ng matinis na ingay. Ngumisi siya ng mapakla saka hinawi ang ilang strand ng buhok niya na humarang sa mukha niya.

"Too much pain can change you."

***

"Kumusta na, Lemuel? Wala pa rin ba?" bungad na tanong ni Dr. Frondoja kay Dr. Aguillard nang makapasok siya sa opisina nito.

Nanlulumong napailing si Dr. Aguillard habang nakaupo sa kanyang swivel chair. Tinanggal niya ang suot niyang salamin saka hinilot ang sentido.

"Mag-aapat na araw na pero wala pa rin. Nauubusan na ako ng pasensiya at panahon." Sumandal sa kanyang upuan si Dr. Aguillard.

"Lemuel, patience is virtue," si Dr. Frondoja. "Marami pa tayong panahon at oras. Hangga't hindi nagigising ang pasyente, malaya tayong alamin ang kanyang kondisyon. But it would be a lot easier for us to determine her... what do we call this? Disease or illness, I guess, if she's awake. Unfortunately, she's asleep. Wala tayong ibang magagawa kundi ang maghanap at maghintay."

Tinignan siya ni Dr. Aguillard ng seryoso, "You don't understand."

"I understand, Lemuel. You're not alone. We're here, Lemuel. Nahihirapan din kami, ang pamilya ni Eve at higit sa lahat si Eve. This is a very harsh and cruel reality to her kaya hindi tayo puwedeng basta sumuko na lang. This case is very important dahil buhay ng tao ang nakataya rito."

"I know. I know. It's just that... lalo lang tumataas ang anxiety ko at lalo lang din akong nahihirapan dahil 'don. I know this is wrong but believe me, anxiety is our nemesis," malungkot na pahayag ni Dr. Aguillard.

"Control it, Lemuel. You have to learn to control it. Huwag kang magpatalo dahil buhay ang kapalit nito. Please... don't give up on Eve. She needs us," Dr. Frondoja beg as he walked towards Dr. Aguillard's direction.

Dr. Aguillard sighed at hindi na siya umimik pa. Tinignan niya si Dr. Frondoja at nakita niya ang pagsusumamo nito sa pasyente niyang si Eve at kung gaano ito kadesperadang malaman ang mali kay Eve. Umiwas siya ng tingin at pumikit nang mariin.

"Lemuel–"

"Sshh, I'm concentrating. You can go now. Thank you."

Bumuntong-hininga si Dr. Frondoja saka niya tinitigan ng ilang minuto si Dr. Aguillard bago siya tuluyang lumabas sa opisina nito. Habang naglalakad sa hallway ay nakasalubong niya si Dr. Sylvan na bagsak balikat na naglalakad habang nakakunot ang noo nito.

"Hey, moron!" malainsultong tawag ni Dr. Frondoja kay Dr. Sylvan. "What's wrong with you people? Seriously? May panahon ka pa talagang mag-ganyan ganyan? Hello? We're facing a big problem here and all you did was–"

"Puwede ba, Maymie? Hear me out first," inis naman na saad ni Dr. Sylvan.

"Fine," Dr. Frondoja said as she rolled her eyes and crossed her arms.

Iniisip niya kung bakit ba nagkakaganito ang mga tao, when in fact wala namang dahilan para maramdaman nila ang ganito. They are doctors and they obliged to do this kind of job especially when it comes to their patient.

"I'm doing everything to help Lemuel and of course, Eve, but trust me, it's very difficult to find. Nakakabobo ang kasong ito, Maymie. Ang totoo niyan, gusto ko talagang malutas ang kasong 'to but heck, it's wasting my time. I couldn't eat and sleep properly. I couldn't–"

"Well, guess what?! It's not enough. Mas pinapairal mo kasi ang kapakanan mo. This is between life and death. Now choose, Eve's life or Eve's death?"

"What the hell, Maymie?! This is between OUR life and Eve's life. Not death! You're talking nonsense, you know that? Tsk. Diyan ka na nga." Tinalikuran ni Dr. Sylvan si Dr. Frondoja.

Nainis naman si Dr. Frondoja sa ginawa ni Dr. Sylvan kaya sinundan niya agad ito at hinarangan ang dadaanan sana nito.

"You're the one who's talking nonsense. You and Lemuel. Like, what the hell, guys? What is your freakin' problem? Bakit niyo iniisip na sumuko sa paseyenteng nangangailangan ng tulong at talento natin? Bakit niyo iniisip ang kapakanan niyo sa kapakanan niya? When in fact, tayo rin ang makikinabang dito at maliligtas pa natin si Eve. So, tell me, am I talking nonsense, huh?"

Hindi naman agad nakaimik si Dr. Sylvan kaya napasigaw na lang siya sa frustration na nararamdaman niya saka marahas na napasabunot sa ulo niya. Naagaw din niya ang atensyon ng ilang mga nurse at tao na dumadaan sa hallway kaya lalo lang ding nainis sa kanya si Dr. Frondoja.

"Ano ba, Knute?! Why are you acting so juvenile about this?! 'Yan ba ang sagot mo sa lahat ng mga sinabi ko sa 'yo? Damn it, Knute! I don't understand you. Makonsensiya ka naman," huling sinabi ni Dr. Frondoja bago niya talikuran si Dr. Sylvan.

Napatitig na lang si Dr. Sylvan sa papalayong pigura ni Dr. Frondoja but after a few minutes, hindi niya na ito nakayanan.

"Hey, I'm sorry." He gasped for some air to breath in.

"Bakit ka sa 'kin nag-so-sorry? I'm not Eve so don't apologize to me," Dr. Frondoja said it in a very serious way.

"Okay. Okay. But still, I'm sorry. Hindi ko naman kasi sinabing susuko na ako. I'm finding a way to fight my anxiety. It's killing me, you know. Bakit ikaw hindi mo rin ba ito nararamdaman?" Dr. Sylvan said as he challenged Dr. Frondoja on staring back at her.

"No, 'cause I always think positive, not negative." Dr. Frondoja faked a smile. "Parehas kayo ni Lemuel ng sinabi. Ibabalik ko sa 'yo ang tanong, ilang beses mo na ba itong naramdaman at naranasan tapos ngayon ka pa magpapalamon kung kailan kailangan na kailangan? So, always remember one thing: don't give up on Eve because real doctors never give up on their patients. Kailangan lang nila ng konting pahinga."

Natulala si Dr. Sylvan kay Dr. Frondoja dahil sa mga sinabi nito kaya nang walang makuhang sagot si Dr. Frondoja sa kanya ay tinapik-tapik niya na lang ito sa balikat saka na umalis. Hindi niya lubos maisip na tama si Dr. Frondoja at mali siya. All this time, he's suffering from a nonsense feeling called... anxiety.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top