April Fools: End

Sa buhay natin may mga tao talaga tayong namimeet na kahit hindi mo siya kilala sa personal, alam mo na may connection kayong dalawa.

Hindi mo na kailangang bumilang pa ng maraming panahon, para lamang makilala mo siya.

May mga tao pala talagang kahit sa loob ng isang araw, makikilala mo kung sino, at kung anong klaseng tao siya.

Katulad lang nung taong nakilala ko.. online.

Nandito ako sa park, simula nung matapos ang quarantine naging hobby ko na ang maglakad-lakad dito sa park tuwing umaga. Wala parang ang saya lang, ang fresh, hindi nakaka-stress.

Napaisip ako bigla, nasaan na kaya si Neil? Simula nung april 1 hindi ko na siya ulit na-chat, wala na akong balita sa kanya pero wala naman akong gaanong pinagsisihan. Atleast nakilala ko siya. Kahit sa loob ng isang araw, nakilala ko kung sino siya, kung ano 'yung pagkatao niya.

Sana one day, makilala ko rin siya sa personal.

Lakad-takbo na 'yung ginagawa ko ngayon, tinawagan kasi ako ni Mama, magpapasama raw siya sa grocery, galit na galit na sa akin, parang gusto na manakit.

"Miss!"

Napalingon ako nang may tumawag sa akin.

"Your handkerchief," dahan-dahan niyang pinulot 'yung panyo kong nalaglag.

"Mukhang nagmamadali ka, nakitang kong nalaglag." Naka-ngiti niyang inabot sa akin 'yung panyo ko. "Here."

Matangkad siya, at grabe 'yung smile niya sa akin. Masyado akong natulala sa kanya, na-stiff na ako dito sa kinatatayuan ko. Grabe, nakaka-gulat siyang makita.

"T-thank you," nahihiya kong sabi ko sa kanya.

"Btw, I'm Neil. Neil Kim."

Ngumiti siya sa akin at inilahad 'yung kamay niya for shakehand.

Tinanggap ko 'yun at nginitian ko siya, "Hyacinth. Hyacinth Park."

"I told you, magpapakita ako sayo after quarantine. So see you?"

Napa-tulala nalang ako sa kanya, habang naka-ngiti siyang tumalikod na. Bakit ganito? Kakaiba 'yung tibok ng puso ko. Merong something sa mga ngiti niya na hindi ko maintindihan, kaya napa-ngiti nalang din ako at nag-simula na nang mag-lakad pauwi.

Maybe, hindi naman siguro ganu'n kasama ang epekto ng april fools sa akin.


- END -

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top