3 | Paul De Villa


"Oh my God, I am so sorry..." she said as she covered her mouth in embarassment. Saktong naibuga niya ang alak sa suit nito. Umangat ang tingin niya sa lalaki. "I'm really so—"

"Are you dumb?" he asked. Annoyance, irritation and disgust were all over his gorgeous face.

She was about to apologize again when she felt her stomach convulsing. Sinapo niya ang tiyan at tumakbo sa hallway patungo sa restroom. Bahagya pa niyang narinig ang pagtawag ng lalaki sa kaniya subalit dire-diretso lang siya.

Pagdating sa loob ng restroom ay pumasok siya sa isa sa mga cubicle at nagkulong doon. She threw up everything on the bowl. Isang baso ng Margarita lang ang nainom niya pero ganoon na ang pakiramdam niya. Siguro dahil hindi siya manginginom. But she remembered having a few glass of champagne back in the wedding reception. Marahil isa rin iyon— ang pagkakahalo-halo ng mga nainom niya.

Matapos ang ilang sandali ay tuwid siyang tumayo at pawisang lumabas ng cubicle. Humarap siya sa harap ng salamin at naghilamos sa lavatory— washing away her make up. Matapos maghilamos ay muli siyang nag-angat ng tingin sa salamin upang pagmasdan ang sarili at nang makita ang pagkalat ng mascara sa paligid ng kaniyang mga mata ay napangiwi siya.

She looked like a mess!

Kumuha siya ng tissue sa sliver tissue box na nasa ibabaw ng lavatory at akmang pupunasana ang mukha nang mapatingin sa nakabukas na pinto ng restroom.

Marahas siyang napasinghap nang mula roon ay makitang nakasandal sa hamba ang lalaking nakabangga niya kanina at nakatitig sa kaniya— mata sa mata.

Pumihit siya paharap dito. "W—What are you doing in the ladies room?!"

"This is a unisex toilet," he informed in a nonchalant voice.

At bago pa siya muling makapagsalita ay inihagis ng lalaki sa sahig ang hinubad na suit na may suka niya, kasunod ang basag nitong iPad.

Nanlulumong ibinalik niya ang tingin sa lalaki. "I am really sorry—"

"I don't need your sorry. I need you to fix them for me pronto."

Natigilan siya. Gusto niyang mainis sa pagiging antipatiko nito pero huminahon siya. Dahil kung tutuusin ay naiintindihan niya ang pinanggagalingan ng init ng ulo nito. It was her fault— and her sorry wouldn't changed anything.

"I have to meet my client in 30 minutes and present my proposal saved in that iPad. But thanks to you— you ruined my suit and my multi-million deal. Now—fix."

Huminga siya ng malalim at itinaas ang mga kamay, "I—I can fix them for you but I can't do it in 30 minutes—" Nahinto siya at napa-pitlag nang ibinagsak nito pasara ang pinto ng restroom.

"I don't want to hear any reasoning, Miss. If you can't handle your alcohol, you shouldn't be drinking. And you shouldn't be wearing those damn heels if you can't walk properly on them!"

Dumagundong ang galit nitong boses sa buong restroom na ikinapikit ni Lilac. Suddenly, she felt so scared to speak. Lalo at na-corner siya nito sa loob.

"Shit!"

Pilit siyang nagmulat ng mga mata nang marinig ang pagmumura nito. Nakita niya kung paanong isinuklay nito ang buhok gamit ang mga daliri. He was fuming in anger. At nang bumaling itong muli sa kaniya ay napapitlag siya.

"So, what? Are you going to just stare at me?!"

Napalunok siya. "I—I can get you a new iPad now—"

"Do I look like I can't buy a new one?" Magkahalong pagkamangha at iritasyon ang naroon sa anyo ng lalaking kaharap. And Lilac did nothing but to flinch and blink in fear.

The man was tall and dangerous. Walang salitang lumabas sa bibig nito nang hindi sa pasigaw na paraan. Hindi siya sanay na ginaganoon. Tatlo ang kapatid niyang lalaki pero ni isa sa mga ito ay hindi siya kailanman sininghalan.

"You just ruined my appointment because of your clumsiness!"

"It was an accident!" There. She found her voice and fought back.

Hindi makatarungan ang pagsigaw nito sa kaniya na parang ang laking bagay ng nagawa niyang pagkakamali.

It was just a multi-million deal...

Natigilan siya.

A multi-million deal? Oh God, I'm doomed.

"Accidents don't happen. Carelessness and stupidity does," tuya ng lalaki kasunod ng pagsuyod nito ng tingin sa kaniya nang may inis at pang-uuyam.

Tumingala siya rito at ginantihan din ng pagsuri— at ginaya ang paraan ng pagsuyod nito ng tingin sa kaniya. At doon ay saka lang niya napansin ang kabuuang anyo nito.

Maliban sa matangkad ito at malaking lalaki, ay hindi nakaligtas sa kaniya ang kakaibang kulay ng balat nito. His skin was darker than normal Filipino. And his features looked... foreign.

A mixed blooded gorgeous demon... she thought, before her eyes landed on his. Sa pagkakatitig niyang iyon ng malapitan ay natigilan siya.

Wait a minute... Kinunutan siya ng noo nang may mapansin sa mukha ng lalaki. There was something familiar about him up close. And before she could even stop herself, she let out a very cliché question.

"Have we met before?"

The man smirked, and she was stunned.

"Very cliché, but ain't working on me." Tumalikod ito at dinukot ang cellphone sa likod ng bulsa ng suot na slacks. May tinipa ito doon at ilang sandali pa'y dinala na ang cellphone sa tenga. "Hey, yes. This is Paul De Villa from Texas Fuel. I need to speak to Mr. Go about my appointment tonight at nine thirty. Yes—okay. Can you please inform him that there is just an emergency and I need to cancel the meeting?"

Nanatili siyang nakikinig sa sinasabi nito sa kausap habang titig na titig sa malapad nitong likod.

Paul De Villa...

Why do you seem so familiar?

Napapitlag siya nang bigla itong humarap at tinitigan siya habang nakikinig sa kausap sa kabilang linya.

Lalo siyang nagtaka. Something is really familiar about this man... And I can't tell what.

"That's great. Thank you."

Napakurap siya nang makitang tapos na ito sa pakikipag-usap sa telepono.

"You are lucky that my client has rescheduled the meeting. Bukas ay buong laptop ko ang kailangan kong dalhin." Sinulyapan nito ang iPad at suit na nasa sahig bago umiling at tumalikod. "Fix them up and deliver to my room tomorrow before ten in the morning. You can find my room number at the front desk. That's the least you could do for ruining my night." Nang marating nito ang pinto ng restroom at muli siyang hinarap.

"You might as well fix your face before leaving this room. You look aweful."

Hanggang sa makalabas ang lalaki ay hindi makapaniwala si Lilac sa mga nangyari at narinig. Dahan-dahan niyang nilingon ang sarili sa salamin at doon siya malakas na umungol.

Ang kaninang kalat niyang mascara ay lalong kumalat, pati ang pink lipstick niya'y kumalat din sa paligid ng kaniyang mga labi. At ang ilang hibla ng buhok niya'y natanggal sa pagkaka-pin.

Napasandal siya sa lavatory at nanlulumong sinulyapan ang iniwang gamit ng lalaki.

She released an exhasperating sigh. "I shouldn't have left the reception."


*****


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top