2 | First Encounter




Nagpahid ng luha si Lilac habang pinagmamasdan ang mga bagong kasal. Finally, her eldest brother Blue has found his true love. No—his true love found him after six long years of being apart.

    Masuyo niyang pinagmasdan si Nevi, ang asawa na ngayon ni Blue, na sobrang ganda sa suot nitong gown habang nagsasayaw ang mga ito ng bridal waltz sa gitna ng bulwagan.

    It was a beautiful grand wedding at masaya ang lahat. Ginanap iyon sa isang malaking simbahan sa Maynila malapit sa mansion ng mga Venez. And the reception was held in one of the biggest and finest hotel in the city.

    Umuwi mula Australia si Grey at si Peach na kasalukuyang nagta-trabaho bilang photographer sa isang sikat na magazine company doon. Nakatira ito sa bahay ni Grey na ngayon ay may sariling negosyo na rin.

    Masaya siya sa narating ng mga kapatid.

    Her Ate Via and Kuya Xan have two sons; Alexis age ten and Achielles age seven.

    Nahanap na rin ni Blue ang kaligayahan nito at handa nang bumuo ng pamilya kasama si Nevi.

    Grey... was somehow happy, she would assume. Hindi ito nawawalan ng girlfriend sa Australia at maganda ang takbo ng business nito roon.

    And her twin sister Peach was living her life to the fullest. She's always happy and bubbly— and she never ran out of boys, too!

    Siya lang yata itong may kulang sa buhay.

    Oh yes, she's running the resort with her Kuya Xan. She loved her job. She had a comfortable life and a loving family. Pero alam niyang may kulang pa rin sa buhay niya.

    Si Philip.

    Bigla siyang nakaramdam ng lungkot nang maalala ang matagal nang hinahanap na kaibigan. Nagawa niyang maka-ipon para sa misyon na hanapin si Philip. She's paid a huge amount of cash for a private investigator to finding him, subalit makalipas ang mahigit isang taong paghahanap ay wala pa rin siyang natatanggap na balita. Ang ipon at sahod niya ay halos doon na lang napupunta.

    Hindi alam ng pamilya niya ang ginagawa niya. Naisip niyang kapag nalaman ng Ate Via niya iyon ay siguradong papakiusapan nito ang asawa na tulungan siya. At iyon ang ayaw niyang mangyari— ang abalahin pa ang mga ito.

    May kaniya-kaniya na silang buhay na magkakapatid, ayaw niyang pati ang buhay niya ay ipaubaya niya sa mga ito. Ang Ate Via niya at ang dalawa pang nakatatandang kapatid ay marami nang naitulong sa kaniya— sa kanila ni Peach habang lumalaki sila. It's time for her to do things on her own.  After all, she's already twenty-three.

    Bumuntong-hininga siya saka muling sinulyapan ang mga bagong kasal na puno ng pag-ibig ang mga mata habang nagsasayaw, bago tumalikod at lumabas ng event hall.

    She was one of the bridesmaids and she wore a pretty mint green silk gown, curving her slim but sexy body. People say she's sexy—ewan niya kung paanong nasasabi ng mga ito iyon samantalang madalas lang siyang naka-turtle neck top at slacks. She never showed her skin malibang magsu-swimming sila ng buong pamilya.

    Bagaman magkahawig sila ni Peach sa pisikal na kaanyuan ay malaki ang pagkakaiba ng personalidad nila.

    Peach was wild and liberated, while she was the opposite of that. Conservative. Prim and proper. Dahilan upang walang nakapapansin sa kaniya— which was totally okay with her.

    Noong nag-aaral pa sila ng kambal niya ay laging naaagaw ni Peach ang atensyon ng lahat dahil maliban sa ito ang mas friendly ay mas ma-porma rin. Samantalang siya ay tahimik lang at konserbatibo— wearing reading glasses and sporting a french braid hair everyday. At walang kaso sa kaniya kung mas gusto ng tao ang kakambal niya kaysa sa kaniya. Ayaw niya ng atensyon—atensyong si Peach lang ang may gusto. She always treasured her privacy. Gusto niya iyong hindi siya pinake-kealaman ng mga tao. 

    Nahinto siya sa paglalakad nang marating ang lobby ng hotel. Inikot niya ang tingin sa paligid at sinuri ang mga furniture na naroon— silently examining them. Ganoon ang ginagawa niya sa tuwing nakapupunta siya sa ibang hotels. Sinusuri niya ang bawat detalye ng paligid— sa design man niya, kulay ng pintura, mga furniture, customer service and food. She wanted to learn more, para mai-apply niya sa hotel and resort na pag-aari ng pamilya Castillano— ang pamilyang pinag-uutangan nila ng loob.

    Itinuloy niya ng pag-lalakad hanggang sa marating niya ang kabilang dulo ng lobby— kung saan doon ay may nakita siyang two-way door. Sa ibabaw ng pinto na iyon ay may nakasulat na "Accogliente"— an Italian word for cozy. Of course alam niya iyon, kasama iyon sa training niya bilang Hotel Manager ng Resort De Almira. She had to learn at least three languages— so she took up a course. She can speak basic conversational Nihonggo, Mandarin, Italian and French.

    Hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kaniyang pumasok sa silid na iyon, pero huli na para umatras.

    Literal na umawang ang bibig niya nang makita ang magandang interior design ng silid na iyon. Turned out it wasn't just a plain room— it was indeed cozy. A private lounge, where people wearing suit and tie, and expensove evening dress were sitting, sipping their wine.

    Huminga siya ng malalim bago itinuloy ang pagpasok. At habang naglalakad siya patungo sa bar counter ay umiikot ang kaniyang tingin.

    Napaka-elegante ng paligid. It was one of the biggest and most expensive hotel in Manila after all. Vintage ang style. There were Victorian couch around the area, antique furniture everywhere, expensive paintings on the wall, and thick vanilla-coloured carpet on the floor. Hindi crowded sa loob dahil iilang pares lang ang nakikita niyang naroon. Three pairs to be exact, plus a man in the corner. Sandali siyang nag-slow down nang mapatingin sa lalaking nakade cuatrong naka-upo sa sulok, nakaharap sa bilog na antique table kung saan may nakapatong na bote ng Château Cheval Blanc. Of course pamilyar din siya sa mga alak— she handled the stock inventory at the Resort De Almira.

    Inalis niya ang tingin sa lalaki at itinuloy ang pagsuri sa paligid. Napa-ngiti siya nang mapatingin sa salaming estante sa kabilang sulok kung saan mayroong naka-display na retro vintage telephone at vintage phonograph.

    Cozy and vintage — iyon ang impresyon niya sa paligid.

    Nang marating niya ang bar counter ay kaagad niyang binata ang bartender na naroon at naupo sa mataas na stool. She ordered a Margarita. At habang inihahanda iyon ng bartender ay itinuloy niya ang pagsuri sa paligid.

    Naisip niyang magandang ideya ang pagkakaroon ng private lounge sa Resort De Almira. Kakausapin niya ang Kuya Xander niya at imumungkahi ang pagkakaroon din nila ng ganoon sa hotel.

    Ibinaling niya ang pansin sa bartender nang ilapag nito ang order nya sa kaniyang harapan. She smiled and uttered her thanks. Kinuha niya ang basong may lamang alak at dinala sa bibig saka sumimsim ng kaunti. At habang ginagawa niya iyon ay muli niyang inikot ang tingin sa paligid hanggang sa dumapo iyong muli sa lalaking nasa sulok. The one who was drinking that very expensive red wine. Nakita niya kung paanong kumunot ang noo nito habang nakatutok ang pansin sa hawak na iPad. He was reading something at nakikita niya ang matinding stress sa mukha nito.

    She sipped her drink slowly as she silently watched the man. Hindi niya alam kung bakit ang tagal niya itong pinagmasdan, ni hindi niya alam kung ano ang dahilan at naagaw nito ang pansin niya. Her eyes just landed on him and she could not take them away anymore.

    Lihim niya itong sinuri mula sa mamahalin nitong black leather shoes up to his expensive suit. The man was actually good looking, sa kabila nang medyo hindi maliwanag sa area na kinauupuan nito. His shoulder length hair was brushed up neatly. And his skin colour was what people called the sexiest of brown— kung mayroon man niyon.

    Neat and gorgeous... she whispered in her mind.

    Tuluy-tuloy lang siya sa marahang pag-simsim ng alak habang sinusuri ang lalaki nang bigla itong mag-angat ng tingin upang lingunin ang pinto. Subalit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi sinasadyang mapatingin ito sa direksyong kinaroroonan niya at magtama ang kanilang mga mata.

    She panicked— for no reason at all! Mabilis siyang umiwas ng tingin at nilagok ang laman ng baso— dahilan upang ubuhin siya.

    Natatarantang ibinaba niya ang baso at tinakpan ang bibig upang hindi ubuhin. But she failed. Naligaw pa yata ang nilagok niyang alak at napunta sa kaniyang ilong.

    Ang masama pa, pakiramdam niya ay parang babaliktad ang sikmura niya. Tumayo siya at inikot ang tingin upang hanapin kung saan naroon ang restroom. At nahanap niya iyon sa bandang sulok, malapit sa mesa ng lalaking pinakatitigan niya kanina.

    She almost ran her way to the restroom. Ilang beses na bumangga ang balakang niya sa mga Victorian couch na nadaanan subalit hindi niya iyon pinansin. She's throwing up real soon! At ayaw niyang ipahiya ang sarili sa ilang mga taong naroon!

    Malapit na niyang marating ang hallway kung saan siya may nakitang sign ng restroom nang saktong tumayo rin ang lalaki— dahilan upang magkabanggaan sila.

Ang alak na kanina pa niya pinipigilan sa loob ng kanyang bibig ay naibuga niya sa lalaki— doon mismo sa dibdib nito.

At ang kasunod niyang narinig ay ang pagtilapon ng iPad nito sa ere at ang paghampas niyon sa pader— kasunod ng malakas nitong pagmumura.


*****

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top