1 | Long, Lost Love
"Hindi ako makapaniwalang nagpadala ka na naman ng lalaki sa mansion para sunduin ako at dalhin sa date!" sigaw ni Lilac sa kausap sa kabilang linya. "Ilang beses ko bang dapat sabihin sa iyong hindi ako interesedo na makipag-relasyon, ha, Peach? If you want to go wild and crazy with men, just go ahead! But you are not dragging me in to that kind of mess!"
"Calm down, Lilac. And I'm sorry, okay?" ani Peach na siguradong pigil-pigil na naman ang pagtawa. "Nakilala ko si Jonas last week sa isang pub sa Maynila. Nagpakilala ako bilang ikaw at sinabing dalawin ako sa mansion sa La Esperanza."
"Lagi mo na lang ginagawa iyon para bigyan ako ng manliligaw!" she hissed.
"No, of course not. Kaya ko ginagawa iyon ay dahil ayaw ko sa kanila. Hindi ba't nakakatuwa na may lalaking pumupunta riyan para yayain ka ng date thinking na ako ikaw, tapos susupladahan mo at itataboy? They'll think I'm crazy and they'll never approach me again kapag nagkita kaming muli sa pub."
"Mahirap bang sabihin mo na lang sa kanila na ayaw mo?! Bakit kailangang madamay ako sa mga kalokohan mo?"
"Dahil kambal tayo at natural lang na madadamay ka lagi sa mga pakulo ko. Come on, Lilac, chill. Habang tumatagal ay lalo kang nagiging kill joy."
Huminga siya ng malalim saka pasalampak na naupo sa kama. Sinapo niya ang ulo. "I—I have no time for this, Peach, kaya tigilan mo na itong mga ginagawa mo. Lagi akong umaalis nang wala sa oras mula sa trabaho ko sa resort para lang pumunta sa mansion dahil lagi akong nakatatanggap ng tawag mula kay Ate Via na may naghahanap sa akin dito. Stop this."
"Fine," sagot ni Peach. She could imagine her twin sister rolling her eyes upwardly.
"Lumabas pang utang na loob ko sa iyo itong gagawin mo," tuya niya.
"Ewan ko sa'yo at hanggang ngayon ay hindi ka umaalis ng La Esperanza. I mean, of course that's where our home is. Pero kahit ang magbakasyon para makita ang mundo ay hindi mo ginagawa. Just so you know, hindi lang ang La Esperanza ang lugar dito sa mundo, Lilac. Explore!"
"I don't want to explore. I just want to stay here and be happy."
"But are you happy? You know what I think of you? You're like a fish in a bowl— stuck and lonely."
Umikot ang mga mata niya sa sinabi nito.
"Ayaw mong umalis sa La Esperanza dahil umaasa kang anumang araw ay darating si Philip at hanapin ka. Move on, Lilac. It's been thirteen years since he last emailed you. Dalawa lang ang posibleng nangyari— kinalimutan ka na niya o pat—"
And that's when she ended the call. Ayaw niyang marinig ang iba pang sasabihin ni Peach tungkol kay Philip.
Huminga siya ng malalim saka tumitig sa kisame ng silid niya.
Thirteen years... Ganoon na pala ka-tagal siyang naghihintay at naghahanap kay Philip?
Fourteen years ago, ay umalis si Philip kasama ang ina nito patungo sa Estados Unidos para humanap ng lunas sa sakit nito. Bagaman narinig niya mula sa ina ng kaibigan na wala nang pag-asang gumaling pa si Philip ay umasa pa rin siyang isang araw ay magkikita silang muli nito.
Philip was someone very special to her. Nangako siya sa sarili noon na sa pagtanda nila ay ito ang nais niyang pakasalan. She also promised to herself that when they get married, she will devote her life to him. Na aalalagaan niya ito hanggang sa huling hininga nila. Pero... mangyayari pa kaya iyon?
Ilang linggo matapos nitong lumipad patungong America ay nakatanggap siya ng sulat mula rito. Naroon sa sulat ang email address nito. Kaagad siyang nagpaturo na gumamit ng computer sa dalawang nakatatandang kapatid, sina Blue at Grey. At nang matuto na siya ay gabi-gabi na silang nag-uusap ni Philip via email.
And it lasted for a year. May mga pagkakataong hindi nakakapag-email sa kaniya si Philip ng isang buong linggo— at sa kalaunan ay malalaman na lang niyang isinugod ito sa ospital.
Madalas siyang magkwento ng tungkol sa buhay nila sa La Esperanza. Tungkol sa mga kapatid at sa mga pamangkin. Ito naman ay nagku-kwento rin tungkol sa bagong asawa ng Mama nito at sa mga foster children ng mga ito. They would basically just talk about anything. Until one day—- he just stopped sending her emails.
Bigla na lamang itong naglahong parang bula. Ni hindi na ito nagparamdam sa paglipas ng mga araw, ng mga buwan at taon. She wanted to ask his grandmother, si Lola Bining. Subalit lumipat na ito sa probinsya dahil matanda na rin at walang ibang kasama sa bahay.
She had no source— she had no idea what to do or how to find him. Nakahiyaan niyang magpatulong sa dalawang nakatatandang kapatid. Kaya nangako siya sa sariling kapag lumaki na siya ay mag-iipon siya at ipahahanap niya ito sa isang magaling na imbestigador. Sa mga panahong iyon ay hindi pa sapat ang naipon niya. Pero kapag dumating sa puntong kaya na niya, ay gagawin niya ang lahat upang mahanap si Philip at malaman ang kalagayan nito.
Kailangan niyang malaman kung ano ang nangyari rito... para sa ikatatahimik ng isip at puso niya.
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top