Two
“Applicable Lover”
Rida found a suspicious site while browsing. Nakasaad din sa site na on going pa ang development sa app version nito na maaring i-download sa phone. Suspicious ang dating dahil bukod sa pangit ang layout ng website, ilang beses na rin niyang na-close iyon pero sa tuwing nire-restart niya ang kanyang laptop browser, iyon agad ang unang site na maglo-load.
“Scam siguro ‘to o malware gaya sa mga ad na nakikita ko sa kissasian dati,” aniya sabay pakawala ng malalim na buntong-hininga. Tumutuklap na talaga ang talukab ng kanyang mga mata ngunit hinahabol na naman ulit siya ng deadline.
Lately, mas lalo siyang nawawalan ng motivation na magtrabaho. Dahil para saan pa? Wala naman siyang binubuhay bukod sa sarili niya at hindi niya nagugustuhan ang mga nangyayari sa paligid, partikular na sa political issues at health crisis ng bansa.
How I wish I could just succumbed to death by a virus. Pero sadyang malakas ang immune system ko, hindi pa nga natatapos ang bakuna pero parang vaccinated na ako. I could just take my mask off tuwing lalabas, pero pag ginawa ko ‘yon ang selfish ko naman at pabigat sa bayan.
Naisubsob niya ang ulo niya sa desk at biglang narinig niya ang tunog sa laptop na galing sa website. Isang tunog na halintulad sa pagkatok sa pinto at nang iangat ni Rida ang kanyang mukha para tingnan ang screen ng laptop, nag-iba ang layout ng website at may nakalagay doon na phone number.
“Lonely, depressed or out of motivation during this pandemic? Try to reach me. I'm free. Text me.”
Napahagikhik si Rida. “Ako yata ang main target ng app na ‘to para ma-scam.”
Wala naman sigurong mawawala bukod sa load, kaya naisip ni Rida na subukang magpadala ng message sa number na kanyang nabasa mula sa applicable lover site.
“Legit ka ba talaga? Like, pwede ba talaga akong makahanap ng bf dito? Sobrang lungkot ko ngayon, wala akong kaibigan at mag-isa lang ako sa bahay.” Ipinadala niya agad ang ganoong mensahe.
Wala pang dalawang minuto, may natanggap siyang reply. “Have you tried considering to take care of a pet, either dog or cat?”
Napangiwi si Rida sa kanyang nabasa at dali-daling nag-reply pabalik. “So advice lang ang mabibigay nito, hindi boyfriend? Hindi pala ito katulad ng tinder?”
“Well, here with Applicable Lover, your desired boyfriend could possibly came to life. Just type your preferred details for your dream boyfriend. I'll send the link.”
“What? Nakakapag-produce kayo ng totoong tao? Huh? Is it sort of human exploitation using artificial intelligence? Yung nangingidnap at dadalhin sa laboratory?”
“Of course not. Our service is legit, unlike the philippine government.”
“ooohhhh...”
Naisara agad ni Rida ang kanyang laptop at pansamantalang nagmuni-muni. “It's a scam, probably. ”
****
“Patapos na ang application. Nasa 100 person pa lang ang nakakaalam ng site. Ibig sabihin, ilan lang sa 100 katao ang naniniwala sa kayang gawin ng app na ito.” The head programmer of Applicable Lover, Mr. Tyler let out a heavy sigh. Napatingin ang junior programmer na si Liam.
“May nag-reply na sa message ko about Applicable Lover,” tugon ni Liam na ikinangisi naman ni Mr. Tyler.
“That's good. Maybe we only need just one person for the trial. Ang problema na nga lang, ay kung sino ang gagawin nating reference para maging boyfriend ng isang potential subscriber na ‘yan.”
“I told you Sir, hindi po ako papayag na maging applicable lover. Kahit malaki pa ang i-offer ninyo,” giit ni Liam. Initially, nag-offer sa kanya si Mr. Tyler na gagawin siya nitong modelo para sa ginagawang clone ng kumpanya dahil ang main experiment, buhayin ang isang robot na inspired sa isang tunay na tao. Malapit nang ma-develop ang application ngunit wala pa silang nakukuhang modelo at lalo silang nagahol dahil nagsimula na ang lockdown sa Pilipinas dahil sa COVID-19 pandemic. Liam was Mr. Tyler's first choice because he's undeniably handsome and he got the looks of an ideal boyfriend.
“Sabi ng friends mo natamaan daw ng COVID-19 ang nanay mo hindi ba?” tanong ni Mr. Tyler na ikinasimangot naman ni Liam.
“Are you blackmailing me, Sir? I have a job here. I'm a junior programmer and my salary was enough to pay for her bills,” matapang na sagot ni Liam.
Hindi niya gustong ma-involve sa trick ng app na kanilang dine-develop. In the midst of pandemic, nauunawaan naman niya na maraming tao ang nalulunod sa kalungkutan, parang iyong naka-chat niya kanina na umamin pa na walang kasama sa bahay at walang kaibigan man lang. Maraming desperado na makaahon sa matinding depresyon.
“But Liam, I can give her good facility. Ipalilipat ko siya sa mas magandang ospital para tuluyan na siyang gumaling,” Mr. Tyler insisted.
“No Sir, I think that onuld be unfair. Overcapacity na ang mga ospital para maging VIP ang mom ko. I don't want to be greedy,” katwiran pa ni Liam.
“Ganito na lang, I think huwag mo nang bitawan ang naka-chat mo kanina. Kunin mo ang loob niya hangga't sa makumbinsi mo siya na mag-install ng app. At kapag tuluyan na niyang na-install, hindi na natin ire-release ang app in public para wala nang makaalam.”
“Iti-trick ko siya? Lalandiin?” Nalukot ang mukha ni Liam.
“No, just talk to her like a professional customer rep. Tutal, may experience ka naman sa call centers before and if she successfully installed the app, magkakapera agad tayong developers at matutuwa ang big boss natin dito sa Brilliant Minds Inc,” paliwanag ni Mr. Tyler.
Napasinghap lang si Liam at panandaliang lumabas sa working station. Nagbasa muna siya ng text messages sa cellphone at naalala nai-save din pala niya ang number ng ka-chat niya sa Applicable Lover site.
“Sino kaya ang mas malungkot sa'ting dalawa?”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top