Twelve
Nakatanggap ng isang text message si Rida mula sa unknown sender.
"Hi, this is from Galaxy Technologies, we have received a recommendation letter from a trusted partner. Our company is currently looking for a project based translator for our client. If you are willing to apply, feel free to reply in this message. Thank you and keep safe!"
Napangiti siya. Marahil boss niya ang nagpadala ng recommendation letter sa kompanyang nag-reach out sa kanya at kung sakaling qualified at matanggap siya sa ino-offer na trabaho, maaari na siyang makabayad sa ni-loan niyang pera na ginamit niya sa hospital bills ng kanyang nanay. Malapit na rin ang december at kahit may pandemya, hindi pa rin papaawat ang mga tao sa paghahanda sa darating na kapaskuhan.
Rida loves Christmas or everything about it. Kahit nag-iisa lang siya tuwing pasko, nabubuhay ang pagkatao niya sa diwa nito. She loves giving gifts to her acquaintances or some she considered as her close relatives. Siguro, pagbibigay ng regalo ang talagang love language niya at hindi siya nag-e-expect na bigyan siya ng regalo ng mga niregaluhan niya.
Dahil nae-excite siya sa pagdating ng pasko, dali-daling nireply-an na rin niya ang sender para madali siyang makapag-apply rito. Kailangan niya ng fallback lalo na sa financial aspects dahil takot din siyang ma-short sa budget at pinaghandaan niya rin ang funds kung sakaling tamaan siya ng sakit kahit hindi dahil sa virus.
Until it's already fourth week of November, natanggap na si Rida bilang project based translator para sa french client ng Galaxy Technologies. She felt nervous as she took her first step inside the corporate building. Ngayon niya makakaharap ang HR na nag-hire sa kanya, for the first time dahil sa virtual or zoom meetings lang naman sila nakakapag-usap.
"Good morning Ma'am." Nilakihan ni Rida ang pagkakangiti sa HR personnel na si Ms. Camille.
"Good morning. Mabuti na lang at nakapunta ka rin sa office, Ms. Rida, ang ganda ng feedback ng client namin regarding sa first part ng ginawa mong translation sa isang manual," balita naman ni Ms. Camille at inilabas ang isang folder at iniabot kay Rida. "That's your first breakdown of salary. Sa first part pa lang iyan, the one you already finished."
Nagdiwang agad sa tuwa ang puso ni Rida. Malaki kasi ang sasahurin niyang halaga, doble pa sa natatanggap niyang sahod bilang translator ng foreign soap operas. Kung makakagawa pa siya ng tatlong translations, mababayaran na niya ang loan na laging bumabagabag sa kanya tuwing araw ng sahod.
Hindi niya maitago ang ngiti sa harap ni Ms. Camille. "Makukuha ko na po ba ito sa katapusan ng buwan?"
"Yes, Ms. Rida. Kaya isulat mo rin sa next page ang bank account details mo para doon na lang din namin i-deposit. At hindi lang naman tungkol d'yan ang dahilan kung bakit kailangan mong pumunta rito, right?"
Rida nodded. "Makakausap ko na ang kasama ko sa project na gagawin. Sino po ba siya?"
"He is one of our pioneer employees here, but he's not a translator or interpreter. He's a software developer and he may need your skills."
Biglang sumagi sa isip ni Rida si Liam. Naalala niyang naikwento nito na software developer din ang trabaho nito. "At ngayon ko po siya mami-meet?"
"Oo Ms. Rida, pagkatapos mong ma-fill up ang form, proceed ka na sa room 303. Okay?"
"Okay Ma'am, pero gusto ko po sanang malaman kung sino or anong company ang nag-recommend sa'kin sa inyo." Optimistic si Rida sa pagkakataong ito, na ipapaalam ni Ms. Camille kung sino ang mabuting anghel na naging tulay sa pagkakaroon niya ng bagong trabaho.
"Sorry, nakalimutan ko na pero he's also working here. I'm not really sure kung anong katungkulan niya. Baka dati kayong magkakilala," sagot ni Ms. Camille.
"Okay Ma'am," tipid na tugon ni Rida. Ine-expect niya talaga na isa sa dati niyang employers o kaya ang boss niya sa paggawa ng script ang maaring mag-recommend sa kanya. Naging palaisipan tuloy sa kanya kung sino ang taong iyon.
****
Dalawang katok lang ang ginawa ni Rida bago bumukas ang pinto sa room 303. Isang intern ang sumalubong sa kanya.
"Hi, I'm the translator for the french software developing webinar," pormal na panimula ni Rida.
"Ah, si Mr. Liam po ba ang sadya ninyo?" tanong ng intern.
Biglang kumabog ang kanyang dibdib at kahit papaano, umaasa siyang ito rin ang Liam na itinuring na niyang ex boyfriend. "Basta, sabi kasi ni Ms. Camille isang software developer."
"Siya nga po iyon. Ang alam ko kasi siya lang ang may gano'ng project sa department namin. Sige po ihahatid ko kayo sa workstation niya."
Sinundan ni Rida ang intern at lalong kumabog ang puso niya sa pamilyar na lalaking nakaupo at nakaharap sa computer nito. She was a hundred percent sure that this man is Ezra or Liam. Lalo siyang nawindag nang ituro nga iyon ng intern. "Ma'am, that's Sir Liam."
"Yes?"
Iniikot ng lalaki ang swivel chair upang harapin ang kanyang nasa likuran. Naiwan namang mag-isa si Rida at kahit naka-mask pa ang lalaking nasa harap niya, madali niyang natukoy na si Liam nga iyon. Ang Liam na naging bahagi ng buhay niya.
"There's no such thing as coincidence," pakli ni Liam at bahagyang ibinaba ang suot niyang facemask. "Nice meeting you again, Ms. Rida."
Unti-unting nilapitan niya si Rida na halatang shocked pa rin sa muli nilang pagtatagpo. Lalo siyang napangiti at pasimple niyang inilagay ang susi sa sling bag nito. "Gagawin natin sa place ko ang project. Hindi rito," masuyong bulong niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top