Three

“Have you decided to download our app? Download now for your happiness!”

Napataas ang kilay ni Rida sa message na muling nag-pop up sa kanyang phone. She ignored it and focused to her pending work. Kailangang mas mauna siya sa deadline na binigay ng boss niya. Ngunit naantala na naman siya dahil nakatanggap na naman siya ng isa pang message. Napairap siya dahil sa applicable lover app pa rin pala iyon.

“You can find your dream guy here, just type it on the ‘ideal person area.’”

Napangiwi siya at itinapon na lang ang cellphone sa kama. Dinoblehan ni Rida ang pagf-focus sa kanyang trabaho.













****








“Liam, the target release of app is coming soon. We should meet the target date to release our app on the market. Why are you still refusing to use your face as the model of our AI?” Nanggagalaiti na si Mr. Tyler. Nagpatawag pa siya ng meeting para kumbinsihin si Liam na pumayag sa alok nito at naroon din ang iba pang big bosses ng kompanya. Hindi pwedeng mag-fail ang Applicable Lover dahil ang app na iyon ang magbibigay sa kanila ng malaking salapi.

“We're running out of time. We have also pending priorities Mr. Liam, why are you afraid pf showing your face? Is there anything wrong?” Kahit naka-mask, nahahalata pa rin ng lahat ang pang-uuyam sa mukha ng head nila na si Mr. Akira. Isa siyang american-japanese engineer na nakaisip ng Applicable Lover at ang ganitong klaseng app ang ima-market nila sa Pilipinas.

“I'm not going to be a clone. Please maybe just use idols faces. But please, not my face, please?” pakiusap ni Liam. Hindi niya magawang tingnan nang diretso ang mga amo. He felt so much pressure because of this.

“We can violate a law because of that, bad idea Liam,” paalala ni Mr. Tyler habang kumakamot sa ulo niya.

“Bakit hindi na lang tayo mag-generate ng mukha na inspired sa idols? Basta huwag ang mukha ko!” pagpupumilit ni Liam.

“English please!” sabad naman ni Mr. Akira sa paasik nitong timbre.

“Mr. Akira, I'm gonna talk to Mr. Liam, promise our project won't disappoint you,” Mr. Tyler excused and walked out the meeting room. Saka lang sumunod si Liam sa labas.








****









“Ano bang akala mo sa kausap mo? Ka-level ko lang? Liam, si Mr. Akira ‘yon, mahalagang tao ‘yon sa kompanya! Hindi dapat dadalo ‘yon sa mga ganitong meeting dahil takot siya sa virus!” sermon ni Mr. Tyler. Walang imik si Liam at napasinghap na lang.

“Ano ang naiisip mo na paraan para ma-launch na ang app? Kung ayaw mo namang gamitin ang mukha mo para sa clone!”

“Pwede akong magpaka-clone, magpanggap na robot pero hindi ko ipapagamit ang mukha ko, basta hindi pwede!” giit ni Liam na halos mangilid na ang luha sa mga mata.

“May tinataguan ka ba? Bakit hindi mo sabihin ang tunay na dahilan para magawan natin ito ng paraan Liam!” Halos mapatid naman ang litid ni Mr. Tyler.

But for Liam, he won't tell his reason even if Mr. Tyler pressured him to speak or even if he use a different method for convincing him. Dahil kapag nalaman nito ang tunay na rason ng kanyang pagtanggi, iyon na rin ang kahulugan na tuluyan na siya nitong mahahawakan sa leeg.

Matalim ang pagkakatitig niya kay Mr. Tyler. “May mga bagay na hindi n'yo maaring panghimasukan Mr. Tyler. Hindi por que kilala mo na ang pamilya ko, eh iba-blackmail mo na rin ako.”

“Hindi pa nga kita bina-blackmail niyan, masyado kang advance mag-isip!” singhal ni Mr. Tyler.

“Alam kong aabot ka rin sa point na ‘yon. Basta hindi ako pwedeng magsalita. Tapos ang usapan.”

“Okay then. But I would also like to consider your suggestion earlier, that you're willing to pretend as a robot or a product of artificial intelligence.” Ngumiti nang makahulugan si Mr. Tyler.

“Pumapayag ka ba? At kapag ginawa ko ba ‘yon matutulungan mo na akong ipagamot si mama at ilipat siya sa mas maayos na ospital?” Kahit papaano'y nakaaninag ng pag-asa si Liam.

“Gawin mo muna ang hakbang ng pagpapanggap saka ko siya ipapalipat. Ayokong madehado,” sabi pa ni Mr. Tyler.

“Deal! Uumpisahan ko sa pag-hack ng information ng una kong naka-chat sa site,” ani Liam na ikinataas ng kilay ng kanyang boss.

“Bawal ‘yan! Hindi mo ba alam ang data privacy act? Kapag nalaman ng taong ‘yon na h-in-ack mo siya o kaya kapag na-trace ang app natin, kalaboso tayong lahat at mawawalan na rin ng license to operate dito sa Pilipinas ang kompanya!” nag-aalalang bulalas ni Mr. Tyler.

“Trust me, I won't do anything to damage the company. Gagawa ako ng ibang interface para ma-access ang lahat ng laman ng phone niya at pwede ko ring marinig ang incoming at outgoing calls niya. Mababasa ko rin ang messages niya, pwede ko ring ma-hack ang social media accounts niya. I can do it for a week,” Liam assured.

“Please, don't make me disappoint. Your mother's fate relies on you.” Nagkibit-balikat na lang si Mr. Tyler.









****









“Yes Ma'am. I'm on my way to the office. I guess I'll be there within an hour. I'm so sorry,” hingal na sambit ni Rida sa kausap niya sa phone. Immediate ang pagpapapunta sa kanya ng boss niya dahil marami siyang errors sa ipinasa niyang translations ng spanish drama na ida-dub sa wikang tagalog.

Paakyat na siya sa mrt pero hinarang naman siya ng guard. “Ma'am bawal po ang walang face shield.”

“Hindi po ba pwede kahit mask lang? Hindi naman nakaka-prevent ng virus ang face shield, wala siyang silbi gaya ng gobyerno—”

“Ma'am sorry, sunod lang po tayo sa protocol. Thank you,” the guard insisted.

Walang nagawa si Rida kundi ang lumabas at maghanap ng lugar kung saan may nagtitinda ng face shield. May nakita nga siya pero medyo may kamahalan ang presyo. “65 pesos? Sa plastik na ito? Ako willing akong presyuhan ng 65 ang kaibigan kong plastik pero ito? Hindi makatarungan. Kung kailan mandatory ng gobyerno saka biglang nagtaas? Dati bente lang ito eh!” himutok ni Rida at nag-aalangang inabot niya ang bayad sa tindera.

Nagmadali siyang bumalik sa mrt entrance. Pinapasok na rin siya ng guard kaya lang, wala palang laman ang beep card niya at magpapa-load pa sana siya pero may nag-tap na para sa kanya sa barrier.

Nilingon naman ni Rida ang nanlibre sa kanya sa beep. Isang matangkad na lalaki at kahit nakatakip ang mukha nito ng mask at face shield, madali niyang natukoy na guwapo ito.

“Salamat!”

Hindi umimik ang lalaki kaya umalis na lang si Rida. Wala siyang kamalay-malay na nasa likod na rin niya ito habang nakapila at naghihintay sa pagdating ng sunod na  tren. Sobrang nagmamadali na talaga siya dahil kailangan niyang tuparin ang oras na sinabi niya sa kanyang boss.

Dahil sa pagmamadali ng iba, muntik nang masubsob si Rida sa railroad, sa mismong dinadaanan ng bagon ng tren. Mabuti na lang at may mabilis na humatak sa kanya. Saka lang nakahuma si Rida nang makita niyang umandar na ulit ang tren. Wala nang tao na naroon sa pila, maliban sa kanya at sa sumagip ng buhay niya. Kung nakitulak din pala iyon, paniguradong nasa bingit na siya ng kamatayan kanina.

He heart beats abnormally, not only because of her near death experience but because of the same man who saved her.

He tapped his beepcard for me. And he also tapped—my heart, just now.

Pinakatitigan ni Rida ang lalaki. Wala siyang mabasang ekspresyon sa mukha nito. Para itong tuod lang.

“Salamat, sa ikalawang pagkakataon. Muntik na akong mamatay kanina pero sana hindi mo na lang—”

“Hi. I'm your boyfriend. I'm Ezra.”

Rida was shocked after she heard what the man said.

The applicable lover, is not a scam?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top