Thirteen - Finale

Kahit hindi gusto ni Rida ang ideyang si Liam ang kanyang makakatrabaho, wala siyang choice dahil kailangan niya ng pera. Nasa second phase pa lang sila ng proyekto at may natitira pang dalawang phase. Kailangan niyang pakisamahan si Liam dahil ito raw ang magiging temporary boss niya sa project based job niya sa Galaxy Technologies.

Dahil nga gusto rin nitong sa bahay pag-usapan ang gagawin nilang project, inobliga pa rin siya nitong pumunta doon. Ang ipinagtataka lang niya ay kung bakit binigyan pa siya ng duplicate key at sinabihan pa siyang anytime, pwede siyang magpunta.

Marahan niyang pinihit ang susi sa door lock ng condo unit ni Liam. Namangha siya sa laki ng espasyo sa loob. Para kasing masyadong malaki ang lugar na iyon kung isang tao lang ang maninirahan.

Madali niyang natagpuan sa living room area si Liam at abala ito sa panonood ng TV. “Nandito na ako, Sir,” pormal na panimula ni Rida.

Tinawanan lang siya ni Liam at nilapitan siya nito bago nito ipukol sa kanya ang mapang-uyam na tingin. “Acting like you don't know me? Sa loob ng dalawang buwan, pinabura mo na agad ang alaala mo tungkol sa'kin? Anong software ang gamit mo para magkaroon ng selective memory?”

Napaatras si Rida at nakipagsukatan na rin ng tingin kay Liam. “Hindi kita nakalimutan, I'm just trying to be professional here.”

“Well, I don't like you to be professional with me. Lalo na kung ikaw din ang babaeng nagmakaawa sa'kin na paligayahin kita sa isang gabi.” Liam frowned and pulled Rida closer to him. Hindi na rin siya nag-atubili pa, niyakap niya nang mahigpit si Rida. “Na-miss ka ni Ezra, ang applicable boyfriend mo.”

Pinilit ni Rida na labanan ang bugso ng kanyang damdamin. Sa pagkakataong ito, hindi niya kayang i-deny na na-miss niya ang yakap ni Liam. And she missed Liam a lot too. Sa dalawang buwan na hindi na sila nag-usap, naging matibay ang paniniwala niya na mahal niya rin pala ito. Ngayon lang siya napaniwala ng kasabihang ‘distance makes the heart grow fonder.’

“Bakit mo pa ako pinapunta? Masyado ka palang demanding as a boss, pwede naman natin itong pag-usapan sa zoom.” Ipinakita ni Rida ang pagkayamot. Nagpumiglas din siya sa pagkakayakap ni Liam at itinulak niya ito kaya nasubsob ito sa couch.

“Hindi ko kayang ipaliwanag via zoom ang nararamdaman ko ngayon, kung gaano ko gustong makausap ka pero ni hindi mo man lang ako tinawagan,” pagdaramdam ni Liam.

“Yung totoo, h-in-ack mo pa rin ba ako kahit wala na ang Applicable Lover?” Tila umuusok na ang ilong ni Rida sa pagkainis sa binata lalo na't sinisingit na naman nito ang personal matters nilang dalawa.

“Hindi. Bakit ko naman gagawin iyon? Simula nang ma-dissolve ang app, wala na akong access sa'yo,” giit naman ni Liam.

“Kung gano'n, bakit ako na-recommend sa kompanyang pinapasukan mo? Bakit nalaman nila ang contact number ko?” paangil na tanong ni Rida.

Liam sighed and tilted his head. “Kasi bago ko mabura sa database ang mga info na na-hack ko sa phone mo, natatandaan ko pa rin ang phone number mo. At iyon lang ang tanging information mo na nalalaman ko. And I'm not rude to invade someone's privacy just because I'm knowledgeable to do it. At hindi mo naman tinanggap ang alok ko na pautangin kita kaya ginamit ko na lang ang connection ko para magkaroon ka ng bagong income at mabuti na lang na tinanggap mo iyon.”

“So, nandito ako kasi maniningil ka, gano'n ba Ez—Liam?” Nangilid na ang nagbabadyang luha sa mga mata ni Rida. Clueless siya sa ginawang ito ni Liam. Ni hindi niya ma-gets kung bakit tinutulungan pa rin siya ng binata kahit pinagtabuyan na niya ito.

“I have to win you back, I'm worried about you,” Ezra sincerely replied.

“You can never win me back, hindi naman naging tayo,” paglilinaw ni Rida.

“But in my mind, we're already lovers.”

“Si Ezra ang naging nobyo ko. Hindi ikaw Liam.”

“But Liam loves you more than what Ezra did.” Hinapit niya nang marahan ang braso ni Rida at napaibabaw tuloy ito sa kanya. “Ngayon lang ako nagmahal, Rida. At hindi ka naalis sa isipan ko kahit kailan.”

Sinampal nang malakas ni Rida si Liam at inilayo niya rito ang kanyang sarili. “Siraulo ka ba? Hindi mo ba nakikitang hindi tayo bagay?”

“Ikaw lang ang nag-iisip niyan Rida. Masyadong mababa ang tingin mo sa sarili mo. Hindi mo kayang mahalin ang sarili mo kaya hindi mo pa rin matanggap na kaya mo palang magmahal!”

Those words from Liam hit Rida too hard like she was slapped by the painful truth. Marahil tama ito sa part na hindi niya kayang mahalin ang sarili kaya pakiwari niya'y pinaglalaruan lang siya ng mga taong sumusubok na magmahal sa kanya. Dahil hindi niya naranasang mahalin, banyaga pa rin sa kanya ang pangyayaring ito na dumating sa buhay niya si Liam at may namagitan na sa kanilang dalawa.

Napaiyak siya nang mapagtantong naging harsh nga siya kay Liam. “Sorry, if you think like that. Pero bahala ka nang mag-isip. Pero okay, aaminin ko na lang din, na mahal nga kita!”

Liam beamed a smile on his face. He gently hugged Rida. “Sa wakas, nagpakatotoo ka rin.”

Iniangat ni Rida ang tingin kay Liam at isang inch na lang ang pagitan ng kanilang mga labi. “Na-miss kita. Salamat huh?”

“I don't accept that kind of thank you, ” Liam murmured. “Pwede bang ako naman ang mag-request ngayon?”

Napangiti si Rida. She's not naive anymore to understand what Liam wants to happen. “Sabi na eh, gumaganti ka talaga. But before that, paano na yung project?”

“That can wait, next month pa naman ang deadline, and we have a language translator interface. Remember?” Naging pilyo ang ngiti ni Liam. He didn't waste his time to do what his heart and mind desires. He really wants to devour Rida. He's been longing for her. He kissed her with enough gentleness.

“Liam, naiinis ka ba sa'kin noong una mo akong makita sa MRT?” Rida suddenly asked when they stopped kissing.

Umiling naman si Liam. “I already like you before we met.”

“Eh, bakit?”

“Because we're both watching a good series.”

“Huh? Paano mo nalaman ang mga pinapanood ko?” Napangiwi si Rida.

“I hacked your phone, remember?”

“Pero, wala ka namang ibang nakitang hindi dapat makita?”

“Mayroon pero iisa lang naman siguro ang pinakaayaw mong makita ko.” Tinapunan ni Liam si Rida ng ngiting may bahid ng pambubuska.

“Please, sabihin mo kung ano ‘yon,” nahihiyang pakiusap ni Rida.

“Yung drawing mo kay Ezra. Yung Ezra na d-in-raw mo sa picsart color. He looks scary. Ang layo sa Ezra na dumating sa'yo. We don't look the same.” Pumalatak si Liam.

“At least I'm a multilingual. Iyon lang ang talent ko, I guess,” pagmamalaki naman ni Rida.

“Hindi siya talent, skill siya,” pagtatama naman ni Liam saka muling hinapit si Rida upang muli itong mayakap. “Kung wala kang kumpiyansa sa sarili mo, hindi ka magiging multilingual. Masyado lang kasing mababa ang tingin mo sa sarili mo.”

“May iba pa siguro akong talent,” hirit naman ni Rida. “Then, what's it?” tanong naman ni Liam.

“Kaya kong magpaibig ng gwapong lalaki kahit hindi ako kagandahan.” Rida naughtily smiled.

“Looks doesn't matter, Rida.”

“It does. Ang unfair kasi sa society natin, pag di kagwapuhang lalaki ang nagkaroon ng magandang girlfriend, sasabihin nilang tamang diskarte iyon at true love ang naramdaman ng babae para sa kanya. Pero kapag ‘di kagandahang babae naman ang nagkaroon ng gwapong boyfriend, sasabihin nilang hindi bagay at posibleng gumamit lang ng gayuma ang ‘di kagandahang babae.” Bahagyang bumusangot si Rida.

“Well, true love kung hindi mayaman ang di kagwapuhang lalaki. At tamang diskarte naman kung mayaman siya,” Liam giggled.









Wakas.






AN: thank you so much for those who read and currently supporting this story of mine. Hindi po talaga ako ang tipo ng writer na nagpapahaba ng kwento. Hihi. Sana mabasa n'yo rin ang iba kong stories. Keep safe din po!

Michielokim

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top