Seven
“Let's clear these things up, para maging fair sa'tin pareho,” Ezra mouthed just as when he finally restarted his laptop. Gusto rin naman niyang maging honest kay Rida hangga't sa magkasama pa silang nagdi-date para sa research na kailangan niya sa ngayon.
“I'm glad na ikaw talaga ang unang nag-open ng kasunduang ito para sa'kin, at least maa-assure ko ang safety ko. Kasi kahit pangit ako alam ko balang araw may mangangahas pa rin na kantiin ako,” mayabang na tugon naman ni Rida.
“Over thinker,” maikling komento ni Ezra habang nanatili ang tingin sa kanyang laptop. “Here, take a look at it.”
“Ano ba ‘yan?” Nakiusyoso na rin si Rida at biglang kumunot ang kanyang noo dahil isang document file pala ang pinakita sa kanya ni Ezra. “Parang tatamarin akong basahin ‘yan. Parang mas mahaba pa sa ire-revise kong script, e.”
“Script! Tama ang script na dapat tatapusin ko!” Napatakip ng bibig si Rida at dali-daling bumalik sa desk table niya. Alas otso na rin at mas inaalala niya ang deadline na ibinigay sa kanya ng boss niyang parang bulkang nag-alburuto sa harap niya kahapon.
“Miss, gutom na ang boyfriend mo.”
Lalong tumindi ang kunot sa noo ni Rida at napalingon siya sa nakabusangot na si Ezra. “Rida, Rida ang pangalan ko. Okay? Stop calling me, Miss. Noong isang araw ‘my girlfriend’ ang tawag mo sa'kin.”
Ezra smirked. “Mag-dinner muna tayo, my girlfriend.”
****
“Pwede bang ipasa mo na lang sa'kin ang document file na ipapabasa mo sana kanina?” Rida initiated a conversation again with Ezra. Nakatutok na kasi agad ito sa laptop nang matapos silang kumain ng hapunan.
“Mamaya mo na isipin ‘yon. Tutulungan na lang kita sa project na tinatapos mo.” Saglit na sinulyapan ni Ezra ang nag-aalalang si Rida.
“But, gabi na. Kailangan mo nang umuwi. Buong maghapon ka na rito. Hindi naman sa pinagtatabuyan kita. Pero alam mo na, nag-iisa lang ang room ko at hindi ko alam kung saan ka patutulugin,” paliwanag naman ni Rida kahit gusto niya ang offer na tulong sa kanya ni Ezra.
“Kasasabi ko lang naman kanina na hindi kita aanuhin,” paalala pa ni Ezra at Iwinagayway kay Rida ang isang piraso ng papel. “Look, matatapos ko na.”
Rida's face lightened up. “Script na ba ‘yan?”
Mabilis na tumango si Ezra.
“Sure ka ba na hindi google translate ang gamit mo? At mas accurate iyan huh?” usisa naman ni Rida.
Ezra sighed and stopped looking at his device. “My girlfriend, sa'yo ko lang ish-share ang interface na gamit ko. Okay? Hindi mo pwedeng i-share sa iba dahil expensive ito.”
“Wala akong kaibigan para i-share ang sinasabi mong interface. Bigyan mo na lang ako ng access. Alam kong kaya mo ‘yon kasi na-hack mo nga ako eh,” hirit pa ni Rida.
“My girlfriend, wala ka talagang naging kaibigan? I mean, former colleagues, classmate or kahit ano, kahit pusa o aso. Wala talaga?” curious na tanong naman ni Ezra.
Tumango si Rida. “I don't really have friends. At kapag sinusubukan kong makihalubilo sa mga dating nakakasama ko, bigla kong nararamdaman na hindi ako belong. Siguro nasa akin o sa kanila ang mali. Pero hindi ko na iniisip pa ang bagay na ‘yon, ang mahalaga lang sa'kin, maka-survive nang mag-isa hangga't sa nasanay na lang ako.”
“Sometimes, I can relate myself to you.” Ezra timidly grinned. “Pero hindi ka na nag-iisa ngayon. Ituring mo nang kaibigan si Ezra.”
“Hindi ikaw si Ezra. May sarili kang identity dahil tao ka. Hindi pa kita pwedeng i-consider na kaibigan,” malungkot na pakli naman ni Rida.
“Sorry, I can't disclose everything about me. So I won't bother to ask about your personal life. I just want to know that even if we didn't know each other, we can still consider a friendship between us.”
Naaninag ni Rida ang kislap sa mga mata ni Ezra. Sincere man o hindi, na-move ang emosyon niya dahil sa mga salita nito. She feels that her own faith of humanity were slowly restoring.
“Ikaw talaga si Ezra ko. Sana talaga naging robot ka na lang.” Bahagyang kumirot ang puso ni Rida sa part na iyon. Whatever may happen to this stupid setup, she can't fall for Ezra or whoever he is. Mawawala rin naman ito sa kanya at naging malinaw naman sa kanya ang purpose ng kanilang pagtatagpo.
“Why did you name him like that?” Ezra suddenly asked. That name is gender neutral. Even in western countries, girl or boy babies are having that kind of name.
“Ezra means help. Kailangan ko ng tulong. At feeling ko, ang pagkakaroon lang ng boyfriend ang solusyon sa mga problema ko. Kailangan kong maging inspired sa araw-araw para makapagtrabaho. Hindi mo ako maiintindihan at hindi ko na rin balak na i-disclose lahat ng tungkol sa'kin dahil gano'n ka rin naman. At masyado nang gabi para mag-drama,” litanya pa ni Rida kasabay ng paghikab niya.
“I understand. Having no one to talk is difficult. Lalo na ngayong pandemic sa buong mundo, it feels like we're all living a hardest life. Unprepared tayong lahat para sa unos,” pakikisimpatyang tugon naman ni Ezra.
“Girlfriend, matulog ka na. Ako nang bahala rito,” dagdag pa ni Ezra at muling binalikan ang kanyang pinagkakaabalahan sa laptop. Sa tingin niya, aabutin pa ng isa at kalahating oras bago niya matapos ang task ni Rida.
“Sure ka? Kasama ito sa duties mo bilang boyfriend ko kunwari?” paninigurong tanong naman ni Rida bago siya pumwesto sa maliit na kama niya.
Ezra nodded twice. “You wrote this on app. Sabi mo gusto mo ng boyfriend na tutulungan ka at ito ang ginagawa ko.”
“Thank you, life saver. Pero bago ako matulog may request sana ako.”
Nagsalubong ang kilay ni Ezra. “What is it?”
“Pwede bang sabihin mo yung nai-text mo kagabi?” Rida felt shy to ask that but she's hoping that Ezra easily got an idea of what she's talking about.
“Na tutulungan kita?” kunot-noong sambit ni Ezra.
“Hindi, may iba pa.” Rida faked a smile.
“Iyong ‘cheer up my girlfriend?’”
Umiling si Rida.
“Iyon bang ‘love you?’”
“Oo, iyon nga! Please? Gusto ko lang maranasang sabihan ng I love you, kahit hindi seryoso. Okay na ako doon.”
“Okay. I love you.” Pinarisan ni Ezra ng pinakamayuming ngiti ang mga katagang binitawan niya. Rida finally smiled from ear to ear as she lay herself to bed.
“Thank you. Pwede na akong humimlay,” nakangiting bulong ni Rida.
“You mean, dahil lang sinabihan kita ng I love you, okay na sa'yong mamatay kaagad?” Ezra chuckled.
“Ang shunga. Ibig kong sabihin, dahil narinig ko na ang gusto kong marinig, pwede na akong matulog.” Nalukot ang mukha ni Rida at binalutan na niya ng kumot ang sarili.
“Ang ibig sabihin ng humimlay ay magpahinga habambuhay. Malalim na tagalog, my girlfriend,” paglilinaw naman ni Ezra. Natutuwa siya sa puntong ito na gumaan na ang pakiramdam nilang dalawa dahil natapos na rin ang madamdamin nilang pag-uusap.
“Basta yun na yun. Goodnight,” pakli naman ni Rida saka ipinikit ang mga mata.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top