Nine
"Rida, good job! Na-meet mo ang target deadline. Ay hindi, mas ahead ka pa pala at na-check ko na ang revisions. Tama lahat! Ipagpatuloy mo 'yan para mas dumami pa ang projects na ibibigay sa'yo."
Napangiti si Rida dahil sa text message ng kanyang boss. Mabuti na lang at maganda ang feedback na kanyang natamo sa revisions ng script na tinapos ni Ezra para sa kanya. Naisipan tuloy niyang i-text ang kanyang pekeng nobyo sa pamamagitan ng Applicable Lover app.
"I've received a good reply regarding my work. Thanks to you, Ezra."
Umaasa siyang makatatanggap agad ng reply pero lumipas na ang limang minuto, wala pa ring bagong mensahe na nag-pop up sa notification bar ng kanyang phone.
"Kung robot lang talaga si Ezra siguro nakatanggap na ako ng message. Pero tao siya at baka may iba pa siyang trabaho kaya hindi niya magampanan ang role niya bilang boyfriend ko." Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Rida at itinapon sa desk ang phone niya.
Ngayon pa nga lang na hindi pa malalim ang ugnayan nila ni Ezra, napakiramdaman na niya ang posibleng attachment dito. Mas ikinababahala niya kung magtagal pa ang pagpapalitan nila ng usapan.
"Bakit pa kasi in-install ko ang bwisit na app na 'yan. Ayokong hanap-hanapin siya dahil hindi naman talaga girlfriend ang tingin niya sa'kin."
She felt sleepy though she has been preoccupied by thoughts about Ezra. It's not really because of him, napuyat din kasi siya sa pag-check ng project revision niya.
****
"Liam. May good news ako sa'yo. Mabuti na lang at naka-duty ka ngayon."
Seeing Mr. Tyler's wide smile on his lips, madaling nahinuha ni Liam na maganda ang mood nito para magtrabaho.
"Yes Sir, what is it? Before that, gusto ko rin po palang i-report na may sapat na data na ako para sa study na hinihingi mo," tugon naman ni Liam bago umupo sa bakanteng upuan sa harap lamang ng table ng kanyang boss.
"Okay, sige. Mauna ka nang mag-share ng good news," pagsang-ayon ni Mr. Tyler.
"Na-send ko na po via email. It's about the subscriber's emotions and reactions about dating me or let's just say, the guy she desired on the app," kampanteng pahayag ni Liam.
"Maybe we will need that in the future." Humalukipkip si Mr. Tyler at muling nginitian si Liam.
"Hindi mo na kailangang i-hack ang subscriber na dini-date mo ngayon. Hindi mo na kailangang maging model ng AI at hindi mo na rin kailangang i-date siya."
Liam felt a sudden disappointment. If that's the case, he won't be able to see Rida again. Matatapos na ang ugnayan nilang dalawa. "Bakit parang ang bilis naman po ng pagbabago? Parang kailan lang nira-rush n'yo ako para sa app na 'yon."
"May naisip nang paraan si Mr. Akira at para maging fair na rin sa'yo dahil as per him, lumalayo ka na nga sa job description mo. I'm sorry if I pushed you that hard, Liam."
"Ano naman pong paraan ang naisip niya?" Liam was eager to find the answer.
"Ibinigay na niya sa advanced technology department sa Japan ang pagpapaganda ng app bago i-release sa Pilipinas. Nakita niya rin ang possibility na hindi siya kikita at ibang app ang kailangan niyang ipakilala rito na mas makakatulong sa pagpuksa ng virus. Ibibigay na niya sa'tin ang isang advanced contact tracing interface at e-consultation application. Kailangan na lang nating um-attend ng meetings with health professionals," Mr. Tyler clearly explained.
"Ano na pong mangyayari sa Applicable Lover app?"
"It will dissolve. Mawawala na lang siya sa phone ng user pero bago mo gawin iyon, kailangang itigil mo muna ang pagka-wiretapped mo sa phone ng subscriber pati ang pag-access sa phone niya. Delete everything para hindi tayo makasuhan pa. Okay?"
Tumango-tango lang si Liam kahit labag sa kalooban niya ang utos ni Mr. Tyler. Hindi niya maintindihan kung bakit sa puntong ito, iniisip niya ang mararamdaman ni Rida. Tatlong araw pa lang silang nagkausap at nagkasama pero sa maiksing panahon, batid niyang higit pa sa simpatya ang nararamdaman niya para rito. He didn't even fell in love before so he had no idea if this is love, sympathy or just a plain infatuation.
****
10 PM na pero hindi pa rin dinadalaw ng antok si Rida. Nababahala siya dahil hindi na rin niya mabuksan ang Applicable Lover App. Hindi rin siya makakuha ng idea kung bakit nagloloko ang app dahil hindi pa niya nakakausap si Ezra.
"Baka pag nasira ang app, mapuputol na rin ang communication namin. Pero, paano ko masisiguro na hindi na niya ako naha-hack?" Napapangiwi na lang siya sa bagay na iyon.
Minabuti niyang gawin ang iba pang projects na pending para wala na siyang alalahanin pa sa kinabukasan. From now on, ia-assume na lang niyang tapos na ang trial ng app at trial sa pagitan nila ni Ezra.
"7 days trial lang pala 'tong Applicable Lover. Nakakabitin," she winced.
Binuksan niya ang kanyang laptop at sinimulan na ang pagsasalin ng isang french movie. She was focused on that until one hour at bumigay din ang mga mata niya. She decided to sleep but she hear her phone ringing. Excited siyang tumingin sa screen, it was an unknown number.
"Hello? Sino po sila?"
"Rida, ang Tita Menchie mo ito, naospital ang mama mo, gusto ka niyang makita."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top