Four
“Ezra? Ikaw ba talaga ‘yan?”
Hindi makapaniwala si Rida at hinaplos pa ang mukha ng lalaking nasa harap niya. Agad naman itong umiwas.
“Kindly maintain social distancing in public for our safety,” sabi ng lalaking nagpakilalang si Ezra.
Napangiwi si Rida. Gusto niyang tanggalin ang mask ng lalaki pero kapag ginawa niya iyon, maari naman silang masita ng guard. “Okay, kung boyfriend talaga kita. Pwede mo ba akong ihatid sa pupuntahan ko? Late na kasi ako.”
“Sure. I'll drive a car for you. Where are we going, my girlfriend?”
That guy was consistently talking in english. Kung maaari lang sanang mabago ni Rida ang lenggwahe nito ngunit alam niyang sa app lang posibleng mabago ang language ng lalaki at hindi pa niya tiyak kung tao ba ito o produkto lamang ng artificial intelligence. Mabuti na lang at naiintindihan naman siya nito.
“Take me in this address.” Agad niyang ipinakita ang location na naka-pin sa location app.
Tumango-tango ang lalaki.
Rida was silent until she reached the office and that unfamiliar guy named Ezra was silent too.
“I'll wait for you here.” Ezra tapped Rida's shoulder. That's a method of putting a tiny device that can hear someone's voice even in a distant place. Liam s now Ezra. It's his first day of pretending as an AI model and he read carefully what Rida wrote on the beta version of Applicable Lover app.
“Good luck, my girlfriend!”
This time, mas may buhay na ang boses ni Ezra para na itong totoong tao sa pandinig ni Rida. Pansamantala namang nagtanggal ng face mask si Rida. “Thank you, Ezra.”
“Removing of mask is still prohibited. Kindly maintain health protocols,” paalala ni Ezra na ikinangiwi ni Rida. “Okay. Nakakabwisit naman itong robot na ‘to. Hintayin mo ako okay? Mamaya na kita ich-check!”
Nagmamadaling lumabas si Rida at habang papalayo siya, nakasunod pa rin ang tingin sa kanya ni Liam.
Natawa nang bahagya si Liam at kahit papaano naman, nakaramdam siya ng konsensya sa ginagawa niyang panloloko kay Rida. “Poor her, she's so naive.”
Liam took a deep breath before getting out of the car. Nakaramdam na siya ng gutom at hindi niya pwedeng ipakita kay Rida na ang tulad niyang AI model ay nakakaramdam ng gutom. All he have to do right now is also monitor Rida, kung anong kalalabasan ng meeting nito.
****
“You have to revise half of the 20 episodes that I assigned to you. Read this file. My gosh! Ginawa mong kabit ang tiyuhin ng bida sa serye! Rida, you're horrible now. Tell me do you have personal struggles? Kung may problema ka sana sinasabi mo! Bibigyan kita ng three days lang! Three days!”
Halos mapatakip na ng tainga si Rida dahil sa sunod-sunod na bulyaw ng boss niya. Nakatambak na sa harap niya ang sandamakmak na dokumento para basahin ang dapat niyang i-revise sa isinalin niyang spanish tv series.
She nodded twice and did her best not to cry in front of her boss. Mali naman talaga siya this time. Maybe, she's overthinking more often. At mas lalo pang lumala iyon dahil sa mga isyu niya sa kamag-anak na nagpupumilit sa kanya na magpautang kahit hindi sapat ang savings niya. She's been having a hard time dealing with them. Ginagamit na naman ng mga ito ang nakakaawang sitwasyon para mapilitan siyang mag-abot ng tulong. Samantalang hindi naman siya naaalala kapag siya ang nangangailangan. Katwiran nila, siya naman ang may trabaho at sila naman daw ang tumanggap sa kanya noong nag-aaral pa lamang siya.
Yes, I'm nothing without them. Gano'n lagi ang sinasabi nila.
“Hurry up Rida. Tapusin mo ‘yan. I know mahirap ang buhay ngayong pandemic pero kailangan nating pagbutihin ang trabaho natin para maka-survive tayo. Okay?”
Rida doesn't know if that's a motivation or just a nice way to pressure her. Pero kahit papaano, naging sampal naman iyon sa kanya. Wala siyang ibang masandalan sa ngayon at sarili lang din niya ang maaasahan niya.
****
“Gusto ko ng ice cream. Pag ganitong kailangan ko mag-recharge, kailangan ko ng ice cream.”
Paulit-ulit na bumuntong-hininga si Rida habang nasa elavator pa siya. Iniisip niya ngayon kung paano niya pupuyatin ang sarili sa pagre-revise at kung ano ang gagawin niya sa lalaking pinaghihinalaan niyang robot. She felt like she rode a roller coaster.
Bumalik siya sa parking lot kung saan niya iniwan si Ezra. And to her surprise, wala na doon ang sasakyan ng lalaki.
“Buti na lang, wala na siya.” Sa wakas, nakahinga na ulit siya nang maluwag. Iisipin na lang niya na blessing in disguise si Ezra o kaya guni-guni niya lang ang lahat.
Paalis na siya sa parking lot nang makarinig naman siya ng sunod-sunod na busina at natunghayan niya na sumusunod sa kanya ang pamilyar na kotse. Saka lang iyon huminto nang matagumpay itong nag-take over sa kanya.
Lumabas sa kotse si Ezra at lumapit sa harap ni Rida. Nakatulala lang ito hangga't sa hinagap na niya ang pulsuhan nito. “I have an ice cream for you.”
Napatakip ng bibig si Rida. Paano nalaman ni Ezra na gusto niya ng ice cream? Ni hindi pa nga niya binubuksan ang app?
“Get inside. I know you are having a hard time.”
Napatitig si Rida sa mga mata ni Ezra. Alam niyang nakangiti ito dahil naningkit ang mga mata nito habang nakikipagtitigan sa kanya. Hindi na niya tuloy mahintay ang sandali na makita niya ang buong mukha ng binata.
Pinagbuksan siya ni Ezra ng car door at lalo siyang kinabahan nang pumasok na rin ito at in-i-start ang engine ng kotse.
“We are going home. Because there's no open shops and parks during MECQ.” Nilingon siya ni Ezra.
Rida nodded. “Alam ko, at wala naman akong balak na pumunta sa kung saan. Marami akong tatapusin.”
“Good,” sambit naman ni Ezra at sa kalsada na ang kanyang tingin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top