Five
“Dito ang bahay ko. Thank you sa paghatid huh?”
Umiwas ng tingin si Rida, pagkababa niya sa kotse ni Ezra. Hindi siya makapaniwalang hanggang sa pagpasok niya ay nakasunod pa rin ito sa kanyang likuran.
She held her breath. “Hindi mo na ako kailangang ihatid sa loob.”
Ezra removed his face mask before speaking up. Iyon ang unang pagkakataon na makikita ni Rida ang buo niyang mukha. “Sabi mo sa app, dapat sinasamahan ka ng boyfriend mo sa bahay di ba? Number two characteristics.”
Lalong nawindang si Rida. That guy is probably a robot! Naaalala nito lahat, at marunong din pala itong magtagalog. She didn't answer him and she rushed herself to her room. Pinagsarahan niya ng pinto si Ezra.
“I'm sorry. Umuwi ka na! Hindi ako nagpapapasok nang hindi ko kilala!” sigaw ni Rida habang nakaharang siya sa pinto at naroon pa sa labas ang estrangherong pinaghihinalaan niyang AI product o robot.
Ngunit kung titingnan, hindi naman mukhang robot si Ezra. He's a hundred percent human, kung looks nito ang susuriin! At mas kamangha-mangha ang kagwapuhan nito. Rida couldn't imagine a guy like Ezra will suddenly appear in front of her.
“Pero boyfriend mo ako, ako si Ezra!” he insisted and knocked twice.
“Sorry! Matutulog na ako, uwi ka na!” sigaw ni Rida.
****
Pinaglamayan ni Rida ang revisions na pinagawa ng kanyang boss. Hindi na siya pwedeng mag-aksaya ng oras dahil nakasalalay dito ang kanyang career. Nakakadalawang tasa na rin siya ng kape ngunit humihikab pa rin siya.
“Nahihirapan na ako. Paano ko itatawid ang trabahong ito?” aniya saka bumuga ng hangin. Naka-focus lang siya sa laptop at sumasagi pa rin si Ezra sa kanyang isipan.
Kahit papaano, kung hindi niya ito pinagtabuyan eh baka makatulong pa ito sa kanya pero safety lang niya ang inaalala niya dahil nga baka scammer ang lalaking iyon. Ngunit ang mga sinabi ni Ezra, tugma naman sa mga isinulat ni Rida sa Applicable Lover.
She was drunk when she wrote those details of her ideal man. Hindi na niya na-unsent dahil wala namang ganoong option sa app.
Boyfriend name: Ezra
Ezra na nangangahulugang “help” sa salitang hebrew. Gusto kasi ni Rida na kapag nagkaroon siya ng nobyo, one call away lang dapat ito at matutulungan siya sa anumang bagay.
Preferred age: 25 to 30 years old
Profession: not specified
(She let the system decide for this)
Looks: tall, brown eyes, fair skin and has a curly hair.
(Kaya lang, hindi naman kulot ang Ezra na nasa harap niya kanina)
Characteristics;
1. Caring, will always treat food, will always send sweet messages.
2. Will drive his girlfriend home, be with her anytime and cheerful.
(Hindi tiyak ni Rida kung cheerful ang Ezra na nagpakilala sa kanya. For her, that Ezra gives her a creepy vibes. Medyo misteryoso rin ang dating sa kanya ng binata.)
Halos mabaliw na si Rida sa kakaisip. Nag-e-expect din siya ng mensahe mula kay Ezra via text message pero wala naman siyang natatanggap. Siguro nga scam lang ang Applicable Lover. Ngunit ilang minuto rin ang lumipas, tumunog ang notification tone ng phone niya.
“hi girlfriend, are u still up? It's late na.”
Bahagya siyang kinilig sa sandaling iyon. O marahil, bago sa kanya ang makatanggap ng ganoong mensahe kaya kinilig siya agad. O kaya, excited lang talaga siya at nag-e-expect na palaging padalhan ng mensahe ng lalaking kasinggwapo ni Ezra.
“Yup. May tinatapos akong script para sa spanish drama. Nahihirapan na ako.”
“Cheer up girlfriend! 😘”
Kusang napangiti si Rida. “Thank you na lang ang ire-reply ko.”
Magta-type na sana siya para mag-reply kay Ezra pero may kapapasok na namang text mula sa binata.
“Puntahan kita bukas. I'll help you finishing that. Okay?”
Napabitiw si Rida sa phone at napapikit.
“Pucha! Anong ire-reply ko! Makikita ko ang robot na yun ulit kung pumayag ako! Pero pwede ko naman siyang pagkatiwalaan dahil mas matatalino raw ang robot kaysa sa tao.”
Huminga siya nang malalim saka nag-type. “Kung gano'n, matutulungan mo talaga ako, a hundred percent?”
“Of course, para saan pa na naging boyfriend mo ako?”
And just like that, Rida's heart went wild and screamed for too much excitement. Sa simpleng text pa nga lang eh kinilig na siya, paano pa kaya kapag nagkita na silang muli?
“Thank you, Ezra.”
“No worries, para saan pa na naging boyfriend mo ako? Sleep na. Ako nang bahala bukas. Love you.”
Hindi makahuma si Rida sa dalawang huling katagang nabasa niya. Inulit pa niya ang pagbabasa nito saka siya napatakip ng bibig.
“Love you? Sa unang pagkakataon, may nakapagtext nang ganito sa'kin!”
Hindi na ito panaginip. Sa wakas, may matatawag na siyang boyfriend at hindi na rin puro tungkol sa mga panaginip niya ang kanyang maisusulat.
****
Limang sunod-sunod na pagkatok ang narinig ni Rida. Kagigising niya lang din at nag-abala pa siyang magsuklay bago harapin ang expected niyang panauhin sa araw na ito.
She welcomed Ezra with a wide smile on her face. Hindi na baleng litaw na litaw ang tigyawat niya sa mukha, sapantaha naman niyang hindi judgemental ang AI product na tulad ni Ezra at tatanggapin pa rin siya nang buong-buo kahit na mas pumangit pa siya sa paningin nito.
“Good morning,” sambit ni Ezra. May dala pa siyang snacks dahil sa duty niya para tulungan si Rida sa trabaho nito. Nakahanda na ang accurate translator device na gagamitin niya para tulungan si Rida sa pagsasalin nito ng script, naka-install na iyon sa dala niyang ipad. Mabuti na lang at fully backed siya ni Mr. Tyler para mas maging convincing ang pagpapanggap niya bilang nobyo ng babaeng desperada na sa buhay.
“Good morning, too.” Lumipas muna ang dalawang minuto bago magsalita si Rida. Naaliw na kasi siya sa pagkakatitig kay Ezra. Napakagwapo kasi nito at kanina pa niya gustong alisin ang suot nitong cap. Para sa kanya, sagabal ang cap ng binata. Gusto niyang ma-expose ang noo ni Ezra dahil mas nakaaaliw na tingnan ang kabuuan ng mukha nito. Mas lalo siyang kinikilig.
“Kagigising mo lang ba?” tanong pa ni Ezra nang papasukin na siya ni Rida sa tinutuluyan nitong bahay.
Tumango-tango naman si Rida. “Dapat nga matutulog pa sana ako kaso hindi naman pwede.”
Ezra grinned. “Don't worry, isang araw lang matatapos natin ‘yan. Pero kumain muna tayo. Okay?”
Rida nodded.
At gano'n nga ang nangyari, hinayaan ni Rida na si Ezra ang mag-asikaso sa kanya. Pinakain siya nito ng mga paborito niyang pagkain at lalo siyang nagtaka kung bakit nalalaman ni Ezra ang mga gusto niya. Nagpatianod siya sa mga pangyayari hangga't sa pinaubaya na rin niya kay Ezra ang revisions ng script sa buong maghapon at mas lalo na naman siyang nagulat sa kaya nitong gawin. Dahil nangalahati na si Ezra sa loob lamang ng limang oras at wala nang ibang ginawa si Rida kundi ang pagmasdan ito hangga't sa magsawa na lang siya.
“That's too much. Pagod ka na,” pag-awat naman ni Rida na ikinabunghalit ng tawa ni Ezra. “I'm fully charged since Four AM. ”
Kakaiba, makatotohanan ang tawa niya. Kung robot man siya o hindi, wala na akong dapat na pakialam pa roon. Kaso lang, kung hindi naman pala siya robot, bakit niya ginagawa ito para sa'kin?
Napanganga lang si Rida at halos mawala na naman siya sa sarili nang ilapit ni Ezra ang mukha nito sa kanya. Naramdaman niya ang init ng hininga nito.
“Hindi ka ba naniniwala, girlfriend ko?”
Rida frowned and starts to tremble upon realizing something about this man beside her, “Hindi ka robot, di ba?”
Napaalis ang ngiti ni Ezra. “Do I look unrealistic to your eyes?”
“So, hindi ka robot.”
Hindi sumagot si Ezra. At sa mga sandaling iyon, marami nang theory na nabuo sa utak ni Rida. Si Ezra siguro ay isang—
Miyembro ng sindikato!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top