Eleven
“Finally, naranasan ko rin ito,” Rida giggled. Inilayo niya ang mukha niya sa mukha ni Ezra. “Sorry, hindi ko napigilan. Harassment na bang maituturing ang ginawa ko? Dahil hindi ako humingi ng consent sa'yo? Sampahan mo na lang ako ng kaso, huh?”
Hindi na umimik pa si Ezra. He used his remaining strength to drag Rida on her bed. Kahit nahihilo na, nagawa pa rin niya itong kumutan. Aalis na sana siya ngunit nahatak naman siya ni Rida at napaibabawan na niya ito.
“Rida, we have to sleep. Stop bothering me,” Ezra complained. He has to beat this strange feeling but the more he looks at Rida, he feels that he's weak from this temptation.
“Halikan mo ako ulit,” anas ni Rida. She slowly wrapped her arms around Ezra's neck. “Pagmamahal na ba itong nararamdaman ko?”
“Like me, you are indeed confused,” Ezra murmured. Natantya niya na kasingnipis na lamang ng sinulid ang pagitan ng mga labi nilang dalawa.
“Kung anumang mangyari ngayon, hindi kita ioobliga na panagutan ako or whatever. Gusto ko lang ma-experience kung totoo bang masarap ang ano, alam mo na.” That's Rida's last words before kissing Ezra again.
Hindi na rin nalabanan ni Ezra ang kanyang emosyon. He initiated a right move to turn up the burning tension between them. He's not new for this, ang kaibahan lang ngayon, may kaunting feelings na siya sa isang babaeng makakaniig niya.
“Doing this feels good,” Ezra whispered just as when he's already done removing Rida's last piece of cloth on her body, her strapless bra.
“So this is not your first. Sabi ko na eh, nagsisinungaling ka. Nagkaroon ka na rin ng girlfriend,” Rida teased. She wanted to scream so loud but she's afraid that somebody might hear them. Her temperature slowly rises up too. Sa mga sandaling iyon parang napapaso siya sa marahang pagdama ni Ezra sa anumang parte ng katawan niyang mahahawakan nito.
“But this is my first, with a woman like you.” Ezra grinned and he kissed Rida again, but this time his kisses went deep and passionate.
At ilang saglit pa, tuluyan na silang natangay. Magdamag nilang inangkin ang isa't isa.
****
Dahan-dahang iminulat ni Rida ang mga mata. Pinilit niyang bumangon at inalala ang mga nangyari kagabi na malinaw pa rin sa kanyang utak. Napangiti siya tuwing maiisip kung ilang beses siyang dinala ni Ezra sa alapaap. Wala siyang naramdamang pagsisisi.
Pinagsawa muna niya ang mga mata sa pagtingin kay Ezra na mahimbing pa rin ang tulog at katulad niya, kumot lang din ang bumabalot sa katawan nito. “Thank you dahil dumating ka sa buhay ko kahit aalis ka rin. Salamat sa experience,” bulong niya pa.
When she's already done with looking at Ezra, she prepared a simple breakfast and a porridge to ease her hangover. After that, muli na siyang nagtrabaho kahit naka-leave pa sana siya ngayon. Inumpisahan na niya ang nakabinbin na tasks. Pakiwari niya kasi, naging inspired siya dahil kay Ezra at sa mga bagay na nalaman niya tungkol dito. Hindi rin niya lubos maisip na pareho rin pala silang may mapait na childhood at may mga bagay din silang napagkakasunduan.
Samantalang si Ezra naman, nakangiti na kaagad sa paggising niya. Bahagya nga lang siyang nadismaya dahil wala na si Rida sa kanyang tabi. From now on, he will ask Rida to be his girlfriend. He is also ready to take responsibility for what he did with her last night. Nagbihis muna siya bago hanapin si Rida na mabilis niyang natagpuan sa workstation nito.
“Masyado pang maaga para magtrabaho,” he commented. That made Rida startled for a while. Nahihiyang lumingon ito sa kanya. “Actually, tanghali na.”
“Napakasipag mo talaga,” natutuwang dagdag komento naman ni Ezra. “Sabi ko naman sa'yo kailangan ko ng pera kaya dapat akong maging masipag,” katwiran naman ni Rida. Lalo tuloy siyang naguguluhan sa damdamin niya para kay Ezra at hindi niya matukoy kung may ibig sabihin ang compliment nito sa kanya. Palibhasa, ngayon lang siya nakatanggap ng papuri sa ginagawa niya. Ibang level iyon sa papuring natanggap niya sa boss niya noong isang araw at alam niyang mas sincere si Ezra.
“Sabi ko naman sa'yo, pahihiramin kita ng pera,” nakangiting tugon ni Ezra bago maupo sa tabi ni Rida. “Bayaran mo na lang kapag may sapat ka nang ipon. I feel your struggle, kalalabas lang din kasi ng nanay, I mean yung pinakamabait na umampon sa'kin, sa ospital dahil nagkaroon siya ng covid19.”
“Good thing na okay na siya Ezra, masyado kang mapagbigay sa ibang tao. Sabi nila, ang mga taong katulad mo, mas matindi pa ang magagawa kapag na-inlove,” pakli naman ni Rida. “Pero, hindi ko matatanggap ang suggestion mo. Baka hindi ko rin mabayaran.”
“I don't know how to react with that compliment since hindi pa ako nai-inlove,” Ezra replied with a sly grin.
“Then I already get it, hindi ito pagmamahal. Can we get things right and clear? Kung nakokonsensya ka dahil sa ginawa mo last night, I remained firm to what I want, hindi kita inoobliga na panagutan mo ako o maging committed ka na sa'kin. Okay?” Dumistansya si Rida at ipinakitang wala lang sa kanya ang namagitan sa kanila ni Ezra kagabi.
“I finally understand the reason why you don't have any friend and you're living alone until now. Kasi yung mga gustong magmahal sa'yo, pinagtatabuyan mo.” Parang tinutusok ng karayom ang puso ni Ezra. He easily felt hurt for the possibility that he might get rejected. And for him, that is the most painful rejection that he will receive in his entire life.
“Ano ba kasing kailangan mo sa'kin? Wala na ang app, ano pang purpose ng pagpunta mo rito? Bakit mo pa ako kinakausap? Naaawa ka lang ba? Well, hindi mo kailangang maawa. Sanay na ako sa ganitong pakiramdam. At hindi pagmamahal iyan, Ezra or—Liam! Sabi mo ikaw si Liam.” Ramdam ni Rida ang pangingilid ng luha sa mga mata niya ngunit pinatatag niya ang sarili habang nakikipagtitigan kay Ezra.
“Okay, eh di ititigil ko na. Hindi na kita guguluhin, lalayo na ako sa'yo.” Ezra let himself lose from Rida. Marahil tama ito, genuine sympathy lang ang nararamdaman niya at baka impulsive lang talaga siya para i-require niya ang sarili na maging committed sa dalaga.
“Mag-iingat ka at salamat dahil dinamayan mo ako.” Pineke ni Rida ang ipininta niyang ngiti sa kanyang mga labi. She's ready to move on. Handa siyang kalimutan si Liam na nagtatago sa katauhan ni Ezra. Dahil napagtanto niya rin na ang ugnayang mabilis na nagsimula ay hahantong din sa mabilis na pagtatapos.
“Ic-consider ko na isa itong pinakamagandang panaginip na napanaginipan ko. Salamat, Liam,” she added.
“Okay then. But in case you change your mind, reach me again.” Ezra also faked his smile and put his business card on top of Rida's desk. Then, he left without any word.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top