Eight
“You can't escape from us. Kami na ang bagong pamilya mo at gagawin mo kung anong ipag-uutos namin.”
Napatakip sa mga tainga si Liam. Paulit-ulit na sinasabi iyon sa kanya ng adopted parents niya. Matapos ang successful surgery niya, nagbago na ang pakikitungo ng mga umampon sa kanya at unti-unting pinakita ng mga ito ang tunay nilang kulay.
“Hindi ko po kaya ang gusto n'yong mangyari! Ibalik n'yo na lang ako sa kumbento!” angil ni Liam hangga't sa tinalo na siya ng matinding emosyon na tuluyang nagpaluha sa kanya.
“Hindi na mangyayari pa ang gusto mo Liam, mawawala na ang kumbentong iyon pati na rin ang mga church servants na nakasama mo!” pagsisiwalat naman ng adopter dad niya.
“Babalik ako doon! Huwag n'yo na akong sundan!” di patatalong angil ni Liam. Dali-daling tumakbo siya palabas sa magarbong mansyon at hindi pa man siya nakakalagpas sa gate, umalingawngaw na ang putok ng baril.
****
Naghahabol ng hininga si Ezra nang imulat ang kanyang mga mata. He had a worst nightmare again. Pinanatili niya ang tingin sa kisame at pinalipas muna ang isang minuto bago magmasid sa bawat sulok ng lugar na kinaroroonan niya. When he look at the other side, namataan niya si Rida na mukhang kanina pa siya pinagmamasdan.
“Feeling ko lang, nananaginip ka kaya sinilip kita rito sa small living room ko,” pakli ni Rida bago niya lapitan si Ezra.
“Oo tama ka. Katatapos lang ng bangungot ko,” tipid na tugon ng binata habang bumabangon mula sa sofa. “Naririnig mo bang gumagawa ako ng ingay habang tulog? Pasensiya ka na,” paumanhin pa niya.
“Oo, kanina pa talaga ako gising. Kasi ich-check ko sana ang revision na ginawa mo para sa'kin kaso tulog ka pa. Naunawaan ko naman na late ka nang nakatulog, at ako ang dapat mag-sorry,” sincere na tugon naman ni Rida.
“Alam mo, kapag ako may napanaginipan, isinusulat ko sa notebook. Kasi makakalimutan ko rin naman ang mga napanaginipan ko.”
“Magandang isulat lahat kung maganda rin ang panaginip, pero kung kaakibat lang iyon ng past na gusto mong kalimutan, mas maiging huwag nang isulat para hindi na rin matandaan pa,” Ezra replied with a serious reaction reflected through his face.
“Tama ka. Pero in my perspective, sinusulat ko talaga ang mga napanaginipan ko kung nakakakilig iyon. Last week, ang huli kong panaginip ay tungkol sa isang lalaking sinagip ako mula sa mga goon na humahabol sa'kin.” Nangingiti si Rida habang hinihimay sa alaala niya ang mga detalye sa tinutukoy niyang panaginip.
“Bakit ka kaya hinahabol ng goons? May tinakasan ka bang utang?” Ezra popped up his own joke to lighten up himself too.
“Hindi ko alam, baka type nila ang mukha ko,” pabirong sagot ni Rida.
“Or they mistaken you as a terrorist.” Hindi nagpatalo sa pagbibiro si Ezra.
“Sobra naman ‘yon! Mag-almusal na muna tayo bago ka umuwi,” nagmamaktol na tugon ni Rida.
****
“Bye. Thank you,” sambit ni Rida kay Ezra bago ito sumakay sa kotse nito. Sinundan pa niya ng tingin ang paglayo nito hangga't sa may babaeng tumawag sa kanya.
“Rida! Ngayon lang kitang nakitang lumabas huh?” Malapad ang ngiting sinalubong sa kanya ng kapitbahay niyang si Aling Persing.
“Bawal naman po kasing lumabas at naka-work from home po ako,” turan naman ni Rida at mahiyaing pagngiti rin ang kaakibat ng pagharap niya sa kanyang kapitbahay.
“Sino yun?” Abot tainga pa ang ngiti ni Aling Persing sa nakakaintriga niyang tanong.
“Po?” takang balik-tanong naman ni Rida kahit hindi siya clueless sa tinutukoy ng ginang. For sure nakita nito si Ezra na lumabas sa nirerentahan niyang bahay.
“Yung lalaking nakakotse,” sagot ni Aling Persing.
“Kaibigan lang po,” nakakamot-ulong tugon ni Rida. She hated being interviewed for such small things, na parang inuusisa pa kung sino ang kasama niya at kung anong ginagawa niya. Palibhasa, isa sa mga numero unong tsismosa si Aling Persing sa kanilang lugar.
“May kaibigan bang pinapatulog sa bahay lalo na't magkaiba kayo ng kasarian? Alam mo na.”
Hindi naman tanga si Rida para makuha ang punto ni Aling Persing. Lalo tuloy nadagdagan ang pagkairita niya sa kapitbahay niyang ito.
“Wala naman po kaming ginagawang masama. Sige po, papasok na po ako, eh.” Rida escaped from that chaotic scenario by simply going back to her house.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top