Chapter 5 (Lunar Energy)

   All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014

  Alas diyes na ng gabi at mahimbing na natutulog ang mga magkakaibigan sa kanikaniyang silid. Dalawang gabi na lang ay sasapit na ang kabilugan ng buwan. Maliwanag na maliwanag ang paligid ngayon dahil walang maraming ulap.

     Habang tulog sila ay malayang nakakalabas ang nilalang ng dilim na si Neferu.

"Kaunti nalang at mapupuno na ako ng lakas!" makahumindig na boses ng itim na nilalang na lumabas sa mga anino.

Mala usok na itim ang kaanyuan nito na hugis tao.

"Sige Diyos ng kadiliman punuin mo ako ng lakas!" sabi niya habang nakatayo sa bubong ng mansiyon at kumukuha ng lakas sa bilog na buwan. Sa ngayon ay medyo wala pa siyang solid na katawan pero habang nahihigop niya ang enerhiya mula sa buwan ay unti-unti siyang nagkakaroon ng katawan.

     Ang lunar energy ay pinapalakas ang kanyang kapangyarihan. Nawala ang halos lahat ng kanyang kapangyarihan dahil sa mahabang pagkakakulong sa itim na kahon.  Sa loob ng maraming taon ay kumukuha siya ng lakas sa buwan at ngayon ay mas malalas na siya. Mas matinding lunar energy ang binibigay ng buwan sa kanya ngayon dahil nalalapit na ang solar eclipse.

"Dalawang araw na lang at muli akoy magiging makapangyarihan.!"

hahahahahaha......... halakhak ng nilalang ng anino.

Umaga.........

    Maagang nagising si Brent at pumunta sa study room. Binuksan niya ang lahat ng ilaw at iniawang ng kaunti ang bintana.

"Liwanag ang tatalo sa kasamaan, pusong dalisay na walang pagkamuhi ang magdadala ng pag-asa. Kapangyarihan ay makukuha kapag ikaw ay nagtiwala."

Ito ay mga katagang naisalin ni Brent sa tagalog mula sa itim na libro. Marami pa siyang binasa patungkol sa Shadow Builder at isa na dito ang pagkakaroon nito ng katawan kapag sumapit ang solar eclipse. Pati ang propisiya na nakasulat sa libro ay nabasa rin niya.

"Mukhang hindi mo parin tiniitigilan yan ah?" biglang sabi ni Crystel ng makita si Brent sa study room.

"It's somehow interesting kasi." at sinabi niya sa dalaga ang mga nakasulat.

"May kung anong kahulugan ang mga katagang iyan. Though I can't fully understand." sabi ng dalaga.

"Alam mo bang magkakaroon ng true form si Neferu kapag solar eclipse?" sabi ni Brent.

"Realy?"

"Oo, and during that time he will be on his full power but also mawawala ang pagiging imortal niya." dagdag ni Brent.

"That creature could be killed kapag nasa physical form niya siya?" tanong nito.

"Tama."

"Wow!" "Ang dami mong nakukuhang info diyan sa libro ah."  sabi ni Crystel. Marami pa silang pinag-usapan bago nagpasiyang kumain ng agahan. After that ay nagpunta sila sa beach.

....................

     Sumapit ang tanghali at masayang nagbalik ang magkakaibigan galing sa dagat. Naligo kasi sila pagkatapos mag-agahan.

"Sarap ng tubig ano?" sabi ni Fred na naka board shorts lang.

"Sinabi mo pa tol!" sumang-ayon naman si Jorge.

"Yeah. Sarap ngang magtampisaw kung di nga lang kumulimlim ang langit eh ayoko pa sanang umuwi." Missy with her cute face.

    Dumilim kasi ang kalangitan kaya nagpasiyang umuwi ng magkakaibigan. Luckily hindi sila inabutan ng ulan doon. Doon na sila nananghalian sa mansiyon. Masaya silang kumakain ng bigla ay nagpatay sindi ang ilaw. At after a while may humalakhak ng mahina pero nakakatakot. Tinig na parang nagmula sa ilalim ng lupa... Makapanindig balahibo. 

"Who's there?" tanong ni Brandon.

Medyo nagpanic naman ang mga babae kaya kumapit ito sa mga kasamahang lalake.

"Ako ang dilim, ako ang anino, ako ang kadiliman.... hahahahaha..." sagot ng boses.

"Magpakita ka!" hinamon ito ni Brent.

    Biglang nagkaroon ng anino sa may pintuan ng kusina. Unti-unti itong nabuo at nagkaroon ng hugis.

"Ako ang pagkawasak!" sabi ng itim na anino na may mapupulang mata.

"Waaaahhhhhhhh!" naghiyawan sila Crystel at ang ibang kaibigang babae.

"D-demonyo!......." sigaw ni Norman na parang nabaliw.. Nagtatakbo ito papunta sa itaas. Sumunod narin ang iba dahil sa sobrang takot at pagkagimbal.

"Tumakbo kayoooo.! wala kayong matataguan. Mamamatay kayo." sigaw ni Neferu.

Pati sila Brent ay nabalot ng takot. Sino ba naman ang hindi matatakot kapag nakakita ng diablo.?

Lahat sila ay pumasok sa kwarto ng mga babae dahil doon napunta si Norman. Nag lock sila ng pinto.

"Diyos ko ayoko pang mamatay!" histerical na sabi ni Norman na sinabayan ng paglulupasay.

Booogggshh! Pakkkk!

Isang sampal ang ginawa ni Crystel para matauhan ang kaibigan.

"Aray!" ayun at natigil din siya.

"Ok ka na ba?" Crystel asked. Tumango lang ito at tumahimik.

"Good! Let's all calm down guys!" sabi ni Crystel.

"Yes hindi tayo dapat magpadala sa takot." sabat ni Brent ng makabawi sa shock.

"How can we do that ha?!" sagot ni Trish.

"We were warned by that black book but we did not even care.!" sabi ni Amy.

"Let's just face this once and for all!" nagsalita si Brandon.

"If we want to survive, we need to fight it!" suggestion ni Boby.

"Pero ang tanong eh, pa'no?" dagdag niya.

"Guys remember salamin ang weakness niya." Crystel noted.

"Then we should move now." sabi ni Jake at kinuha ang isang may kalakihang salamin sa kwarto.

"So, that is the plan ha?" tanong ni Missy.

"Wala tayong ibang choice." sabi ni Brandon.

     Lahat sila ay nagsipag hanap ng kanikaniyang salamin. Madali lang para sa mga girls ang makakuha ng salamin. Natural may foundation kit sila and that have a mirror. Sa drawers naman ay may dalawa pang maliit na salamin kaya kinuha iyon nila Brent at Brandon.

"Sa loob ng banyo meron." sabi ni  Trish kaya agad na tinungo iyon ng mga boys.

Agad naman silang sumunod sa mga ito. Malaki ang salamin doon pero its connected to the wall. Sa walang pag-aalinglangan ay binasag iyon ni Fred gamit ng kamao na binalot nito ng panyo. It shattered easily at may mga malaking tipak na naiwan kaya ito ang kinuha nila.

    Ngayon ay tig isa ma silang may salamin. Somehow that made them at peace. Nakabukas ang bintana at nakita nilang lumiwanag na ang paligid.

"Shadow builder is only powerfull if madilim. He can't harm us kapag ganito kaliwanag." paliwanag ni Brent.

They opened the door. Mukhang wala namang panganib na nag-aabang dahan-dahan silang lumabas. Very cautious and slowly. Lahat ng mga ilaw ay nakabukas kaya hindi sila nangamba. Besides may mga salamin silang hawak.

Madali silang nakababa at tinangka nilang lumabas ng main door but to there dismay hindi mabuksan ang pinto. May maitim na usok ang ang pumapalibot sa door knobs. Pati ang ibang mga pinto palabas ay ganon din. They can't even bust the window. Kahit anong balya nila ng matigas na bagay ay hindi ito mabasag.

"We're trap!......." yun ang tanging nasabi ni Brent.

End of Chapter 5

Anong mangyayari sa kanila ngayon?

Makakatakas pa ba ang ating mga bida?

Abangan!..........

@TheoMamites

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top