Chapter 1 (Lurking Danger)

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014

Chapter 1 

     Naimpake na ni Brandon ang lahat ng mga gamit na kanilang dadalhin ng kanyang kapatid sa summer vacation nila . Minsan lamang sa isang taon kung magkaroon ng bakasiyon ang mga magbabarkada, kaya naman ay tuwang-tuwa sila.

“Crystel ang tagal mo naman diyan, sampung minuto nalang at aalis na tayo. Sige ka at iiwan ka namin.” Naiinis na turan ni Brandon.

“Saglit lang, namimili pa ako ng isusuot ko!” tugon ni Crystel.

“Hello? Magbabakasiyon lang tayo, hindi po tayo pupunta sa isang fashion show.” Pilosopong sagot ni Brandon sa nakababatang kapatid.

“Ah basta!, dapat ay maganda parin ako.” Sagot ni Crystel habang nakaharap sa salamin at nagpapaganda.

“I think I know why you are acting like that!” nakangiti si Brandon na nagbuhat ng mga gamit nila.

“At bakit naman daw?” tanong ni Crystel at lumapit sa kuya niya.

“Eh nandun sa labas ang crush mo at naghihintay sa’yo.” Nanunuksong pinisil ni Brandon ang pisngi at ilong nito.

“Sinong crush na iyan?” I don’t know what you’re talking about.” Pagmamaang-maangan pa nito.

“Eh di si Brent!” simpleng sagot ni Brandon.

“Hindi ko iyon crush noh!” pagsisinungaling ni Crystel.

“Hmm… Liar! Kung di mo siya crush eh, bakit namumula iyang pisngi mo?” sinundan ito ng tawa ni Brandon.

"Hindi kaya!”

“Alam mo sis! Kabisadong-kabisado na kita, alam ko kung kalian ka nagsisinungaling at nagsasabi ng totoo. Kaya huwag mo nang itanggi pa sa akin.” Paliwanag nito sa kapatid.

Sabay na napalingon ang magkapatid sa pintuan ng makarinig sila ng katok.

“Pasok!” pahintulot ni Brandon.

“O yaya ikaw pala. Ano hong kailangan niyo?” tanong ni Crystel kay yaya Adora.

“Dalhin niyo na daw iyong pulang Nissan Terrano.” At may inabot itong susi kay Brandon.

“Sige po yaya salamat!” tugon ni Brandon ditto.

Samantala naman sa ibaba ng bahay ay masayang nagku-kwentuhan sila Brent, Jorge, Jake at si Fred.

      Habang ang mga kababaihan sa grupo sila Trish, Missy, Kate at ang nag-iisang bading na si Norman ay nagre-retouch at nag chichikahan. Sina Amy at Bourgy naman ay parehong nakikinig ng music sa sa sakyan ni Jorge. Palibhasa ay parehong music lover ang kambal kaya hindi sila mapaghiwalay sa isat-isa.

“O, nandiyan na pala sila.” Wika ni Fred nang Makita sina Brandon na pababa sa hagdanan.

“Sorry guys ha kung pinaghintay namin kayo. Ito kasi eh, ang tagal sa kwarto.” Itinuro pa niya ang kapatid. Umismid lang ito sa kanya.

“Ayos lang yun, sanay na kami tol!” ngumiti na lamang ito.

“Oo nga naman Crystel, tsaka meh pagkain naman eh.” Sabat ni Boby na kalalabas lang sa kusina.

“You ha! Boby, puro ka na lang kain kaya you’re so fat na tuloy!” saway naman ni Trish.

“Oh, tama na iyang mga ganyan. I think we should go already, mukha kasing uulan eh.” Wika ni Amy na kakapasok lang sa loob. “Dito kami sa kotse ni Jorge, sinong sasabay sa grupo namin?” tanong nito sa kanila.

       Nang makapagpasiya na kung saang kotse sila sasakay ay lumabas na sila. Agad silang lumulan sa sasakyan. Si Trish, Boby, Kate, Crystel at si Norman ay sa Nisan Terrano ni Brandon sumakay habang sina Amy, Bourgy, Jake, Fred at Missy ay sa Toyota Prius ni Jorge sumakay.

        Sa kabila nang pagsaway ni Amy kanina sa mga kaibigan ay nagpatuloy parin ito sa pag-iinisan. At si Boby na naman ang napag-initan ni Trish dahil sa katabaan at sa sobrang katakawan nito. Habang sa kabilang sasakyan naman ni Jorge ay ayos naman at walang masyadong nag-iingay. Patxt2 lang ang mga ito at ang iba ay nakikinig ng music sa mga ipods nila. Makalipas ng ilang oras ay sa wakas natahimik din sa loob ng sasakyan nila Crystel. Marahil ay napagod narin sila sa tagal ng biyahe. Ngunit hindi nagtagal ay bumalik ang dating sigla nila ng matanaw ang dagat. Sa kabilang sasakyan din ay ganun din ang nangyari.

“Kaunting sandali na lang at makakarating na tayo sa Villa.” Wika ni Brandon.

“OMG! Salamat naman! Makakapagpahinga narin ang beauty ko!” pabirong reaksiyon ni Norman.

      Makaraan ng ilang saglit ng biyahe ay narrating din nila ang Villa Mondragon. Pagkalabas nila ng mga sasakyan nila ay sinalubong agad sila ng malamig na hangin. Dahil sa malapit ito sa dagat ay fresh na fresh ang hangin dito. Tamang-tama sa mga gustong magrelax ang lugar.

“Wow! Ang ganda naman dito sis!” wika ni Missy sa mga kaibigan

“Maganda talaga dito Missy, marami kang pwedeng gawin. You can swim, Jacuzzi, table tennis at basketball and even makinig ng music. May audio room sa loob ng mansiyon.’ Bungad na salita ni Crystel sa mga ito.

“Eh, ano pa’ng hinihintay natin? Let’s go!” excited na sabat ni Amy.

Binuhat na nila ang kanilang mga gamit papunta sa loob ng bahay ng mapansin ni Crystel na medyo balisa si Brent.

“Hoy!” sabi niya sabay tapik sa balikat nito. “Ok ka lang bah? Kanina ka pa kasi walang kibo diyan eh.” Tanong niya

“Wala…wala..it’s nothing really! Sagot ni Brent sa kanya. Pero ang totoo ay may biglang nasense si Brent na hindi kanais-nais sa villa. Bigla siyang nakaramdam ng panganib, at kapag nakakaramdam siya ng ganito ay tiyak na may mangyayaring hindi maganda. Hindi pa pumapalya ang ganitong pakiramdam niya. Matagal na siyang may ganitong kakayahan ngunit pilit niya itong tinatago at binabalewala.

      Medyo makaluma ang disenyo sa loob ng mansion, halatang puro antigo at mamahalin ang mga vase at iba pang mga ceramics doon. Halos mga antiques ang mga makikita mo sa loob, bihira lamang ang mga makabagong mga gamit. Ni-restore kasi nila ang pagka Hispanic ng bahay. Kadalasan ang mga makabagong gamit ay sina Brandon na at Crystel ang nagpalagay.

Kapansin-pansin sa gitna ng bahay ang isang chandelier na mababanaag mo kaagad na nagmula ito sa China dahil sa disenyo nitong bulaklak na lotus at ang mga Chinese calligraphy nito.

      Merong dalawang palapag ang bahay at may limang kwarto. Tatlo sa itaas at dalawa sa ibaba. Kasiya na sa mga magkakaibigan ang dalawang kwarto kasi may tatlong malalaking kwarto ang dalawang guest rooms. 

      Samantala sa loob naman ng Audio room ay nakikinig ng mga music ang kambal. May mga dala kasi silang mga audo files kaya pinatugtog nila ito doon.

Maya-maya ay nakarinig sila ng katok sa pintuan.

“Sino yan?” tanong ni Amy.

“Si Boby ‘to, papasok na ako ha?” sagot nito at binuksan ang pinto para makapasok. 

“Sige, go ahead.”

“Hindi ba kayo nagugutom sa ginagawa ninyo?” tanong ni Boby sa kanila.

“Kanina hindi, pero nang dumating ka bigla kaming nagutom. Diba sis?” sagot ni Bourgy kay Boby.

“Parang bigla tuloy kaming nahawa sa’yo.” Biro ni Amy.

“Eh ganun naman pala eh, hali na kayo sa baba at nang makakain na ako! Este, tayo pala.. pasensiya na.” sagot ni Boby.

      Tumango lang ang dalawa sa sinabi nito at pinatay ang mga pinapatugtog nilang musika. Iniwan nilang nakabukas ang ilaw ng Audio room pati narin ang mga Flashdrives nila na naglalaman ng mga music. Lumabas na sila at nagtungo sa baba ng mansiyon.

      Habang naglalakad sila sa mahabang pasilyo ay napalingon bigla si Amy sa may dereksiyon ng attic. Nagulat siya ng may nakitang isang pigura ng tao na umakyat papunta sa taas.

“Guys ano yun?! Tanong ni Amy sabay turo sa dereksiyon ng attic.

“May nakita ka bang pagkain Amy? A’san? Nandun ba? O baka naman nandun?” sagot ni Boby sabay turo-turo sa ibat ibang dereksiyon.

“Shunga! What I mean is nakita niyo ba yung nakita kong parang shadow na paakyat sa taas, sa attic.?” Sinabi nito ang nakita niya.

“Ok fine, pero baka malikmata mo lang yun sis ah. O dahil sa gutom lang, kaya naghahallucinate ka na.” pag-aasume ni Bourgy.

“Bourgy hindi ito gutom lang ok!? May nakita talaga ako, at malinaw na malinaw yun.” Paninigurado pa niya.

“O sige, para matahimik ka na, papanhik tayo sa attic.” Suggestion ni Bourgy.

Unti-unti nilang inakyat ang hagdanan patungong attic nang biglang…..

“BULAGA!....” sigaw ni Norman magmula sa likuran nilang tatlo.

“Ahh..” sigaw nilang tatlo sa sobrang pagkagulat.

“Hello? Ako lang kaya ito noh!” sabi ni Norman.

“Ano ka ba naman Norman!, halos mamatay na kami dito sa sobrang takot sa’yo ah. Next time naman wag kang manggulat.” Puna ni Bourgy sa kaibigan.

“Alam mo OA ka rin anoh?” sagot ni Norman.

“Sa pinaglalagay mo ba naman diyan sa mukha mo, sinong hindi matatakot.? sabat ni Boby.

“Hoy taba! Huwag mo nga akong inisin! Pampaganda itong nilagay ko a mukha ko. Getching mo?” paliwanag ni norman.

“Whatever!!” ganti ni Boby.

“So ano na? Anong meron dito? Tanong ni Norman kay Bourgy.

“Ito kasing si Amy may nakita raw na pumasok diyan sa attic.” Sagot ni Bourgy.

“Ghost hunting ang peg, ganon? Sabay silip sa dereksiyon ng attic. “Sa pagkakaalala ko, kayo nalang tatlo ang kulang dun sa ibaba. So how come na meh pumasok diyan?” dagdag pa nito.

“Tlaga? Eh sino iyong nakita ko?” nagtatakang wika ni Amy

      Napagpasiyahan nilang akyatin ang attic upang i-check kung sino ang nasa loob. Makaraan ng ilang sandali ay naakyat na nilang apat ang attic. Madilim ang paligid kaya ginamit nila ang kanilang mga cellphones para kahit paano ay mailawan ang paligid.

“Eiw! Eiw.eiw! eiw..!” nagtatalon si Norman dahil sa mga nagkalat na ipis at mga malalaking daga sa paligid. “Lumabas na tayo please!” nagmakaawa na si Norman sa kanila.

“Wala namang nandito eh. Labas na tayo.” Sabi ni Bourgy matapos nitong siyasatin ang buong paligid. Matapos nito ay lumabas na sila sa attic. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay may isang nilalang na lihim na nagmamatiyag sa kanila doon sa loob. Nilalang na nakakubli sa likod ng mga anino.

END OF CHAPTER 1

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top