4: The Proposal

“How’s the case?” bungad ni Adaline nang pumasok siya sa opisina ko. 

“God, Adaline! Masyado pang maaga para mang stress ka,” sabi ni Dazen na kasunod nya at tumingin sa akin sabay ngisi. “Ayumie, how’s Eleny?”

Inirapan ko sya. Umupo ang dalawang kaibigan ko sa sofa na katapat lang ng table ko. These past few days, I couldn’t get myself to sleep. Walang ibang nasa isip kundi ang natutulog kong kapatid. 

Although, I was worried about her condition. Thankful na rin ako na hindi niya nakikita lahat ng nangyayari ngayon. It was too stressful yet I’m trying my very best to handle it. Kasi wala namang ibang gagawa no’n kundi ako lang. 

Tumayo ako sa aking swivel chair at lumapit sa glass window ko. Mula dito ay makikita ang iba’t ibang establisyemento ng Manila. While other people dreamed of being on top, I also dreamed of just living a normal life. 

“Braxton Laurent wants to insist a hospital arrest warrant for Eleny,” panimula ko. “Wala pang alam sina Mamá at Papá tungkol dito and I planned to keep it until they got home.”

“Wait, what?!” 

Napalingon ako kay Adaline na nakatayo na rin. Habang naka de kwatro at kampanteng-kampante si Dazen na nakaupo sa sofa. Ganyan lang ‘yan, pero alam kong tensionado na rin sya.

Kilala namin ang mga Laurent. Isa sila sa mga pamilyang iniiwasan na banggain dahil sa mga kaya nitong gawin sa industriya. Maliban na lang siguro sa pamilya ko at sa mga Montefierros. Mas marami pa rin kasing kayang gawin sina Robber kaysa sa kanila.

At ang pamilya ko . . . . wala akong ideya. Pero minsan nang nabanggit ni Papá noon na kung sa usapang “may magagawa” ay kayang makipagsabayan ng pamilya ko. It was weird kasi iba ang linyada ng pamilya ko, malayo sa line up nila na puro mga chains of hotels and restaurants. 

Pero dahil sa nangyayaring ‘to, pinipilit kong kumapit sa mga salita ng Papá. 

“A hospital arrest, Ada. Hindi mo ba narinig?”

“Oh, dimwit! Of course, I’ve heard what she said. Gusto ko lang kumpirmahin. At saka, bakit nya ipapa-hospital arrest si Eleny, hindi ba malinaw sa kanya ang kalagayan noong bata?” tanong sa akin ni Ada. “Anong reaction mo do’n, Ayumie? Hinayaan mo ba sya?”

Umiling ako at biglang pinagpawisan. Agad akong lumapit sa lamesa ko at kinuha ang bote ng wine na isa sa product namin at nilagyan ang kopita na nasa tabi nito, saka ko ininom. Tapos sumagot ako, “Of course, not. Under autopsy pa ang katawan ni Zachary. At naniniwala akong walang kasalanan ang kapatid ko sa nangyari sa boyfriend nya.” Huminga akong malalim at humigpit ang hawak sa wine at kopita. “Hindi ko lang ma-digest hanggang ngayon, Adaline. It’s been two days simula nung aksidente. Hanggang ngayon, wala pa rin akong maayos na tulog kasi iniisip ko kung paano ba ayusin ‘to ng wala man lang akong kaalam-alam. Casidee is trying to work on what she could do. Pinapuntahan ko na sa kanya ang lugar na pinangyarihan ng aksidente but I still have no news.”

“Then, why aren’t you asking for my help?”

Natigilan ako ng bumukas ang pinto ng opisina at iniluwa non ang the rest of the Team Kalats member. Robber, Alessia, Echo, Chin, and Artemis. 

Sa itsura nila, para silang mga pupuntang business meeting. Alessia, Chin, and Artemis were wearing formal dresses. Habang naka pang business attire si Robber. At si Echo naman ay naka-black polo shirt, black cargo jacket, and pants. 

“Saan ang patay?” walang kwentang tanong ni Dazen na hindi pinansin ng mga kaibigan namin.

“What are you doing here?” tanong ko sa kanila. Umupo sina Artemis, Chin, at Alessia sa sofa - katabi ni Dazen. Tapos lumapit si Robber at Echo sa lamesa ko. 

May hinagis na envelope si Robber sa lamesa na agad ko namang tiningnan. It contains pictures. A lot of pictures na puro sasakyan, kagamitan sa sasakyan, pati na rin ang mga basag ng sasakyan. 

“Those came from the PNP Office of Antipolo. I got them through Jacob,” paliwanag ni Robber. Jacob is his brother. “Pinapuntahan ko na rin ang sinasabing lugar kung saan naaksidente sina Eleny. At naghihintay na lang ako ng tawag sa mga tao ko.”

Biglang nagtubig ang mga mata ko habang tinitingnan ang mga retrato. May mga dugo kasi ang upuan ng sasakyan. Wasak na wasak din ang harapan ng sasakyan. Ganoon din ang windshield at bintana sa front seat. 

“Kailan mo balak sabihin sa aming nahihirapan ka na, Ayumie?” tanong ni Echo. “You know how we are willing to help you get out of this problem.”

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko at muling isinilid ang mga retrato sa envelope. “I don’t want you to know my problems, Echo. You know that. Ipinapaalam ko man sa inyo ang usapang lovelife ko. But not my family life. I can handle this,” I said with conviction.

“Honey, you don’t have to suffer,” wika ni Alessia kaya napatingin ako sa gawi nya. “Let us help you. Alam namin na nahihirapan ka na rin kaya tutulungan ka namin.”

“At alam kong hindi ka hihingi ng tulong kaya inunahan ko na,” seryosong pagsasalita ni Robber. “Montefierros aren’t afraid of the Laurents. And I’m sure Credos too. Kaya kung kailangang sugalan ng buhay ‘to, susugalan namin. Maging maayos lang kayo ng mga kapatid mo.”

Tumalikod ako sa kanila dahil ramdam ko na ang pamimigat ng dibdib ko. Ito yung sinasabi ko na ayokong nakikita nila akong mahina. Ayoko rin naman kasing mag-rely na lang sa kanila palagi, kung alam ko namang kaya kong lutasin ‘to ng mag-isa.

“Ayumie . . .”

Suminghot ako at tumingala para bumalik ang luha sa mga mata ko. “Hindi talaga ako hihingi ng tulong,” saad ko habang pilit pinupunasan ang luhang sunod-sunod nang bumabagsak sa pisngi ko. “Lagi kong sinasabi sa inyong kaya ko . . . this is my problem so I will handle it . . .”

Naramdaman ko agad ang pagyakap sa akin ni Adaline. Mas lalo akong napaluha.

“Shhh, I know. We know how strong you are and how you are so eager to do everything for your sister,” bulong nya habang mahinang tinatapik ang balikat ko. “Pero mga kaibigan mo pa rin kami. Mga kaibigan mong handang tumulong sa ‘yo. So, at least let us help. Dahil ito lang yung kaya naming gawin para sa ‘yo.”

Crying is for the weak. 

Iyon ang naging mantra ko habang lumalaki ako’t nare-realize ko na ang mga bagay na dapat ko panindigan para sa pamilya ko. But shit, why the hell am I letting myself cry in front of them?

“Isang tawag lang, Ayumie. Isang salita lang, gagawin namin lahat ng kaya naming gawin para sa ‘yo,” dugtong pa ni Chin.

Damn!

“Teka lang, bakit wala akong entry?” basag ni Dazen. 

“Shut up, Daze! Wala na bang matinong lalabas dyan sa bibig mo?” suway ni Artemis. 

Napailing na lang ako. Nitong mga nakaraang araw, ramdam ko na ang bigat ng pakiramdam ko. Gustong-gusto na rin sumuko ng katawan ko at magpahinga na lang buong araw sa bahay. Pero kapag naiisip ko ang mga nangyayari, pinipigilan ako nito at automatic na pumapasok sa isip ko ang salitang: “wala akong karapatang magpahinga.”

This was a torture. Or maybe, this was the consequences of my action towards Kelvin. Bawal na bang basagin ang sasakyang ako rin naman ang nagbigay?

Muli akong suminghot bago hinarap ang mga kaibigan ko. All of them were silent. Para kaming nasa isang seryosong pagtitipon dahil nakatitig lang sila sa akin. Takot sa mga maaaring reaksyon o komento ko sa hakbang na ginawa nila.

“Thank you,” basag ko sa katahimikan.

Napabuga ng hangin sina Robber at Echo. Ngumiti lang sina Alessia, Chin, at Artemis. Habang tinapik-tapik naman ni Adaline ang balikat ko. At si Dazen? Nakangiti lang ng parang aso.

“Now, let’s plan this shit out,” biglang sinabi ni Dazen kaya natawa na lang kaming magkakaibigan. 

Dumating ang hapon, nag-decide akong dalawin si Eleny. Nasa Saint Bernardino na ako nang mahagip ko ang Café Estrelya sa tapat ng hospital. Nag-crave ako bigla sa kape kaya inikot ko ang kotse papunta sa establishment nito. 

When I got out of the car, cellphone at wallet lang ang dinala ko. Taas noo akong naglakad papasok ng Café Estrelya habang nag-iisip ng kapeng pampagising. Tumunog ang chimes dahilan para mapalingon sa akin ang mga tao. 

Their stares were making me boost my confidence as I made my way through the counter. 

“Good morning, Ma’am! Welcome to Café Estrelya, may I take your order, please?” Bumaba ang tingin ko sa nameplate ng staff and it says, Mariah. 

Natuwa ako dahil sa enthusiasm nya towards their customers. “I would like to have your iced coffee caramel macchiato.” At dahil nakaramdam na rin ako ng gutom. “And please add this one slice of carrot cake here.” Tinuro ko ang carrot cake na nasa display. 

“That would be PHP450, Ma’am.” Binigyan niya ako ng buzzer. “Magbi-beep lang po ito ‘pag nandito na ang order ninyo. Thank you!”

Agad ko namang kinuha ang one thousand peso bill sa wallet ko at inabot sa kanya. “Here. Please keep the change. Thank you for your hospitality,” I said with a smile. 

Nanlaki ang mata ng staff at umalis na dala-dala ang buzzer para maghanap ng lamesa. Pumwesto ako sa window at sinandal ang ulo sa couch. Very cozy ang place. Sakto lang for some relaxation.

Hindi naman siguro masama ang magpahinga kahit saglit. I feel so stressed. Hindi ko na nagawang damdamin pa ang break up namin ni Kelvin dahil sa mga nangyayari.

Umiling na lang ako at binuksan ang cellphone ko para mag-scroll sa X. Nang mahagip ng mata ko ang post ni Kelvin.

KelvinM • @KlvnMrnd • 1hr

Chill at Café Estrelya. 

💬 360 🔁 559 🤍 1,000

Kumabog nang mabilis ang puso ko. Agad hinanap ng mga mata ko si Kelvin. Iniisip ko palang na humihinga kami sa isang lugar ay bumibigat na ang pakiramdam ko.

“Ayumie?”

Muntik na akong mapatalon sa kinauupuan ko nang may tumapik sa balikat ko. Nang lingunin ko ito ay walang iba kundi ang lalaking gusto ko sanang iwasan.

“Ayumie.” lumawak ang ngiti niya. “How are you?”

Dang!

Wala na ba talagang kahihiyan ang lalaking ‘to? I looked at him with disgust. I made him sure he would feel uncomfortable. Normal reaction lang naman siguro ang nararamdaman ko, diba? Ayoko siyang makita. Hanggang ngayon, naaalla ko pa rin ang kagaguhan niya. And it also reminds me kung paanong na-prove nyang tama ang pinararamdan nya sa akin - that I’m worthless and useless - dahil hindi ko naprotektahan ang kapatid ko. 

“Ayumie?” sinubukan niyang tawagin ang pangalan ko. 

“Kelvin. . .” Bumuga ako ng hangin at napapikit ang mga mata. “Can you. . .can you stop calling me by name like you did not do anything? Kasi nakakapalan ako sa pagmumukha mo. May hiya ka pa naman siguro after what you did to me, right?” I feel my heart clenched at the thought of him. 

Moving on has never been easy. I literally spent three years of my life with him. Wala akong pakialam kung sino siya or kung ano lang ang ambag niya sa relasyon namin.

Pero ibang usapan na ang panloloko nya sakin. Non-negotiable na ‘yon.

Tumawa siya, na para bang nakakatawa ang sitwasyon naming dalawa. Even his laugh sounds disgusting. Parang bigla akong in-allergy.

“Look—” Hahawakan na sana niya ako nang may tumampal sa kamay niya. 

“Don’t you dare lay a finger on her,” a man with a deep voice butted in. Kaya napalingon kami ni Kelvin and there, I saw a familiar man in front of us.

Tapos, lumingon ito sa akin. At ngumiti. His smile looks sweet. But his eyes say otherwise. 

“Who—”

Pinutol niya ang sasabihin ko nang lumapit siya sa akin para makipag beso. Natulala na lang si Kelvin na nasa likuran niya.

“Ano ‘to, Ayumie? Sino ‘to?” Turo niya sa kapatid ni Zachary.

Tiningnan ko naman ang kapatid ni Zachary at para niya akong sinisendan ng message through his eyes. At dahil ramdam ko na rin naman ang pag ayaw sa presensya ni Kelvin ay tumikhim ako.

“It’s none of your business, Kelvin,” I said with a cold voice. “Ikaw nga dapat ang tinatanong ko niyan, anong ginagawa mo dito at nagpapapansin ka?”

He laughed sarcastically. “Tingnan mo nga naman . . . sinira mo pa yung kotse niya binigay mo sa akin, e ikaw naman ‘tong cheater sa ating dalawa?”

Nanlaki ang mata ko at napauwang ang labi ko. How dare this boy talk to me like that? Parang napakadaling kalimutan ng ginawa nya sa akin. This is what he did to me! And now, ako pa ang babaliktadin niya? 

“Man, if I were you, you should leave,” singit ng kapatid ni Zachary. “You’re not just bothering this woman but also the customers in this coffee shop. I believe that this was built so people could feel relaxed, and not annoyed.” Tinapik niya ang balikat ni Kelvin at umupo na sa harapan ko. 

I was amazed by how he handled the situation. Padabog na umalis na lang si Kelvin dahil wala naman siyang napala. At tinapos na nitong kapatid ni Zachary ang laban.

This is where my buzzer beeps. 

“I’ll get your coffee and I’ll order mine,” he smiled and got up on the sofa. Pinanood ko lang siyang pumunta sa counter na parang walang nangyari. 

Habang ako, naiwang nalilito kung paano niya napaalis ng ganoon lang si Kelvin. 

Ilang minuto lang at bumalik na siya dala-dala ang in-order kong carrot cake at iced coffee caramel macchiato. 

“Where’s yours?” I asked him nang makitang wala syang dala.

“Kaka-order ko lang.”

Tumango ako at nagpasalamat sa pagkuha niya. Lutang pa rin ang isip ko habang pinapanood siyang titigan ako na nagsisimulang kumain ng carrot cake.

“I’m already getting conscious, Zurien. Why do you keep on staring at me?” diretsong tanong ko sa kanya, mata sa mata. “And why did you do that earlier?” pertaining to how he protected me from Kelvin.

“I can see that you’re bothered by his presence so I did that,” sagot niya habang mainam akong tinititigan. “Also, I’m thinking if you would accept my lame proposal.”

Kumunot ang noo ko at wala sa oras na napainom ng iced coffee dahil para akong nag-init sa klase ng titig na binibigay niya sa akin. “What proposal? At bakit ako?”

I can see his eyes tracing my face. Mula sa mga mata pababa sa ilong, at hanggang sa labi. Tumayo ang balahibo ko.

“I heard my father wants to pursue a hospital warrant against your sister,” panimula niya.

Nailapag ko ang iced coffee sa lamesa. That caught my attention.

“And?”

“I want to help you not let my father do that to her,” aniya na parang sigurado sa plano niya. “I can’t tell you the details but I can assure you that with this plan, you’ll succeed.” 

Kumunot ang noo ko. Hindi ko siya maintindihan. Kapatid ko ang pinag-uusapan namin dito. At kahit ano kaya kong gawin para sa kanila. Kaya hindi ko makuha, bakit naman niya ako tutulungan sa bagay na ‘to kung pwede siyang mapahamak sa tatay niya?

“Wait, Mr. Laurent—”

“Zurien.”

“Okay, Zurien.” Huminga ako nang malalim. “Are you saying na kakalabanin mo ang tatay mo para lang matulungan ako? At ang kapatid ko?”

Tumango siya. “Yes.”

“Bakit? Your brother died. At ang tanging buhay lang ay ang kapatid ko. Although she's in a coma, there’s a possibility that she was the one who killed your brother,” paliwanag ko. Nao-overwhelm ako dahil sa ilang salita ni Zurien.

“Naniniwala ka sa sinasabi ng tatay ko?” tanong niya.

Mas lalo akong nalito. “No! I mean, of course not . . . dahil kung si Eleny ang pumatay sa kapatid mo, hindi siya nakaratay sa kama ngayon. Dapat tumakas siya’t nagpakalayo-layo.”

“Then, she’s not.”

“Seriously, why are you doing this?” seryosong tanong ko. Nawala bigla ang kagustuhan kong mag-relax dahil sa tense habang kausap si Zurien. Tingin ko, hindi na naman ako papatulugin ng mga nangyayari ngayon. “Hindi mo ba mahal ang kapatid mo?”

“I love him. That’s why I’m doing this for him.” Sinuklay niya ang buhok siya bago muling tumingin sa akin, kaya napalunok ako. “You just need to choose. It’s just a yes or no, Miss Credo.”

“Kailangan ko munang malaman ang rason mo. Kasi hindi ko maintindihan. May alam ka ba?” nalilito kong tanong ko sa kanya. 

“Wala. Kaya aalamin nating dalawa.” And he gave me a menacing smile. “Kailangan ko lang makita kung paano matakot ang tatay ko.”

“And what’s the catch?”

Umiling siya. “There’s no catch. I just need your cooperation. It’s a win-win situation for the both of us. Matitigil ang tatay ko sa lahat ng katarantaduhan niya. At ikaw? Si Eleny? Masasagip mo siya.”

The offer was so tempting. Muli ko siyang tinitigan. Pero hindi ko man lang mabasa ang tumatakbo sa isip niya. Alam kong handa akong tulungan ng mga kaibigan ko.

Pero mas mabilis kung may isa pang option, diba?

Tumikhim ako at umayos ng upo. “Okay, what’s the deal, then?”

Then, he showed me a smirk. “Be my fiancée.”

Umawang ang labi ko. Sa dami ng pwedeng i-offer, bakit ito pa?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top