2: Where Do Broken Hearts Go?
“Close your eyes.” Utos ni Adaline habang nilalagyan ng eye shadow ang mata ko. “Your ass of an ex doesn’t deserve any of your tears so we won’t give him the satisfaction.”
After being humiliated, nag-decide akong dito dumiretso sa condo ni Ada. May lakad kaming magkakaibigan mamayang gabi. But I declined their invitation dahil nga may date kami ni Kelvin. I want to at least let him feel my presence na walang istorbo from my friends.
But that’s all bullshit.
He ruined it. Like how he washed all my confidence away. And crushed my pride and ego through his words.
Funny how your most loved person can be your most hated. Ngayong nasa harapan ako ng salamin, biglang hindi ko na makilala ang sarili ko. I admit, I was shaken a bit. I may not be the breadwinner of our family but I'm the eldest.
And it was never an easy task to hold the responsibility of being an eldest Credo.
“Tell me, Ada, ano bang kulang sa akin?” I asked her while looking at the mirror. I mistook it as cracked just like my heart. “I don’t understand. Ang dami kong sinakripsyo para sa kanya. Pero nagawa nya pa akong sabihang people pleaser?”
“Cuz you are,” diretso ni Ada. “You may not pleasing us or your family, pero siya — siya ang piniplease mo. Sa kanya mo nararanasan ang abuse na hindi mo nakuha samin.” Sinimulan nyang i-blower ang buhok ko habang pilit kong nilulunok ang mga salita nya. “Kaya ikaw ang hindi ko maintindihan kasi nagkalinawan na tayo nina Dazen dati, Ayumie. Ayaw namin kay Kelvin. Ayaw ng mga kapatid mo kay Kelvin. Pero ikaw? Ayaw mong makinig. Ang tanga—”
“Ada, okay . . . okay. Gets ko na. Tama na, pwede?” Bumuga ako ng hangin. “Ang sakit mong magsalita. Dapat nga iniingatan mo yung nararamdaman ko ngayon cuz I’m currently fragile.”
Diniin nya sa bumbunan ko yung tip ng blower kaya napa-hissed ako sabay layo sa kanya.
“Aray! Ano ba?!” inis kong wika at inayos ang buhok ko. Nang humarap ako sa salamin ay saktong nahuli ko ang pag-irap ni Ada. “Mahal ko sya no’n . . . masisisi mo ba ako?”
“Mahal mo pa rin naman sya ngayon,” sagot nya at nakakunot noo nang b-in-lower ang buhok ko. “Ang hindi ko lang gusto sayo, matagal mo nang dama. Matagal mo nang alam na wala kang mapapala sa kanya pero sumige ka pa rin,” aniya. “Girl, hindi ka si Ruffa Mae Quinto. Kaya huwag kang go lang nang go dyan.”
Kinagat ko ang labi ko. I can’t deny that she has a point. Tagos lahat sa kaluluwa ang mga sinabi nya. Perks of having a straightforward friend ay hindi sila natatakot magsabi sayo ng totoo. Masakit man ‘yan o tipong average lang ng level of sensitivity mo ang kaya mo, pero once na may gusto silang sabihin sayo na dapat ikagising mo ay hindi ka nila titigilan.
I must admit, I’m happy and relieved at the same time that I have her by my side.
“But sige, I’ll be careful since broken ka pa sa broken ngayon. Pero please lang, when we dance — sumayaw ka naman. Hindi simbahan ang Black Market, okay? Bar sya. Bar,” paalala ni Ada.
Umirap na lang ako nang matapos nyang i-blower ang buhok ko. Ako naman ang tumayo at sya naman ang pumwesto sa inuupuan ko kanina para ayusin ang buhok nya. Nakapag-make up naman na sya kaya wala ng problema sa parteng ‘yon.
While doing her hair, I felt my phone vibrate on the pockets of my bathrobe.
Kasunod no’n ay ang pagtunog din ng cellphone ni Adaline. Kinuha nya ‘yon sa table at nakitang si Echo ang tumatawag. He’s one of our friends.
“Echo?” sagot ni Ada. “Yes, she’s with me.” Tiningnan ako ni Ada sa salamin. Tinaasan ko sya ng kilay bilang pagtatanong kung anong sinasabi ng kaibigan namin sa kabilang linya. “What?!” Bigla syang tumawa. “Dapat pinuruhan nyo!”
Kumunot ang noo ko. Pinatay ko ang blower ng matuyo na ang buhok ni Ada saka ko naman kinuha ang curler sa vanity table nya at sinimulan namang kulutin ang buhok nya.
“Saan nyo naman nahagilap ang balitang ‘yan?” tanong pa nya. “I see. Yeah, si Ayumie na ang magkukwento sa inyo. Good thing at napang-abot kayo. Yeah, sasama raw sya satin sa Black Market.” Tiningnan naman ni Ada ang nails nya. “Okay. Give her a full blow later. Bye.”
“What did Echo say?” tanong ko bigla. Pero medyo kinakabahan na ako kasi kung masakit magsalita si Adaline. Malala naman si Echo. “Sinong napang-abot nila?”
“Your asshole ex went to your condo. Hinahanap ka raw. Pero napang-abot sila doon nina Echo at Dazen kasi may nakapagsumbong kay Dazen about what happened sa café,” kwento ni Ada. “You know our boys. Walang news na hindi nakakaabot sa kanila. Kay Nico nga lang yata walang umabot. But understandable kasi wala namang pakialam ‘yon sa paligid nya.”
Pinatay ko na ang curler nang matapos ang buhok nya. Nandito na rin sa walk-in closet nya ang damit na susuotin namin. Dahil malawak naman ang espasyo ng pwestong ‘to sa condo nya ay mayroon na rin syang fitting room. Doon na lang ako nagpalit ng black bodycon dress na may slit sa magkabilang gilid.
I heard some creeks from the other fitting room dahil doon nagpalit si Adaline. “But girl, you should brace yourself. Galit na galit si Echo. Malamang sa malamang, mabubugahan ka ng bongga.”
Kinakabahan na rin naman ako kahit hindi nya sabihin. Ilang beses ko ng narinig si Echo magalit sa mga kaibigan namin tungkol sa pagsablay ng mga choices nila in life.
Pagtapos naming magbihis ay saglit kaming nagpahinga sa kanyang sala. Nilabas ni Adaline ang lady’s drink nya kaya bilang warm up na rin bago kami pumunta sa Black Market ay uminom muna kami. Though, it was hundred percent not alcoholic.
“I sincerely hope you’ll heal,” panimula ni Ada. “Three years is not an easy number. Hindi ko naman idedeny how I’ve seen you happy when you were still with him. But don’t hold with that memories lalo na dahil sya mismo ang sumayang no’n.”
Sumimsim ako sa wine goblet. “I will get there.” Tiningnan ko si Adaline and this time, what I saw in her eyes was sadness and hope. “Thank you, Ada.”
She placed her wine goblet on top of her coffee table and she offered me a hug.
Inilapag ko rin ang wine goblet sa coffee table at yumakap sa kanya.
“I’m always here. . .I will never leave you alone,” she whispered.
And with that, I burst into tears.
I am so blessed with my friends. And for having Adaline as my best friend. Busy man kami sa sari-sariling pamumuhay, but we never forget to get in touch with each other.
“Tama na nga!” natawa ako at humiwalay sa kanya. “Naiiyak na ako, o.” Kumuha kaming dalawa ng tissue na nasa coffee table at pinunasan ang mga luha namin. Pinaypayan ko ang sarili dahil ramdam ko ang hapdi sa mga mata ko. Nang tingnan ko si Adaline ay nakangiti lang sya. “But seriously, best of thanks, best friend.”
“Always.”
Nasa ganoong estado kami nang tumunog ang doorbell ng condo nya. Kaya naman tumayo sya habang ako ay naiwan sa sofa.
I took my phone on the sling bag that I will be using for tonight. Kinuha ko na rin ang wine habang nagsisimulang mag-dive in sa Twitter.
KelvinM • @KlvnMrnd • 2h
Let’s race! 🏎️🏁
💬 10 🔁 15 🤍 9
Han. • @HM • 1h
↪️ Finally!!! Let’s go, love!
↪️ R • @not_eos • 1hr
Love? May jowa si Kelvin ah?
↪️ Aesthetic • @abantebabae • 1hr
Issue ~
See more replies…
Agad kong in-off ang phone ko nang marinig ang boses nina Dazen papalapit sa sala.
“Look who’s here? Yung laging absent sa get together natin, o!” Iminuwestra ni Dazen ang kamay nya sa akin at tiningnan ako na parang isang clown.
“Ayumie!” Alessia squealed and went to me. Umupo sya sa tabi ko at mahigpit akong niyakap. “How are you?” Agad din syang humiwalay at tiningnan ang aking kabuuan. “I’ve heard you broke up with Kelvin?”
Tumango ako. “Yes, Sia. He cheated on me.”
“I told you, Sia.” Umupo naman si Dazen sa arm rest ng sofa. “Nabugbog nga namin yung lalaking ‘yon kanina!”
Umirap ako sa kawalan at hinampas ang binti ni Dazen. “Yeah, and what? Nageskandalo pa kayo ni Echo sa condo ko. Basag na yung mini-cooper no’n kaya sana pinabayaan niyo na siya.”
“What?” hindi makapaniwalang humarap sa akin si Dazen, fist on his mouth. “Ba’t mo sinayang yung kotse? Sana yung bayag na lang yung binasag mo! Tsk!” Inilingan nya ako. “Ang tagal ko nang hini-hit sayo ‘yon, binasag mo lang?”
“Dazen, you’re being insensitive. Broken yung kaibigan mo, puro ka pa kotse dyan,” sinuway sya ni Alessia. Tumingin ito sa akin. “What now? Anong gagawin mo?” may pag-aalala sa boses nya.
Umiling ako sabay kibit balikat. “I don’t know. . .maybe move on?”
“Sus, move on. Siguraduhin mo lang na magmu-move on ka. Huwag lang talaga kaming makakarinig na binalikan mo ‘yon dahil ako na mismo ang babasag ng kotse mo,” ani Dazen.
Natawa na lang ako. Our attitudes were obviously different from one another. But here’s how we tried to jive kahit na mahirap i-handle ang isa’t isa. That’s also one of the reason why I’m thankful that I have them, dahil alam nila kung paano ako iha-handle.
“Where’s Echo?” Adaline asked Dazen. “Nauna na ba sa Black Market?”
“Hindi. Nasa kotse nya sa parking lot. Magpapalamig muna raw dahil baka hindi sya makapagpigil kapag nakita nyang nasasaktan tong si Miss Broken,” sagot ni Dazen at tiningnan ako. Muli syang napailing. Naalala na naman siguro yung mini cooper na nabasag. “Tara na nga!”
Tinawanan lang sya nina Adaline at Alessia. “Ang dami mong pera, hihitain mo pa kaibigan mo,” sabi sa kanya ni Alessia.
“Most expensive mini cooper ‘yon,” diin nya. “Cooper SE ‘yon!”
“Right and what? Buy your own,” ani Adaline.
Sumakay kami sa elevator ng condo ni Adaline. Pababa na kami sa parking lot pero hindi pa rin natitigil si Dazen sa kakareklamo nya.
“Hindi ko na kailangang bumili kung hindi lang binasag ng kaibigan ninyo.” Umiling sya at tiningnan ako. “Sana binawi mo na lang tas pina-auction.”
Inirapan ko sya. “Dazen, sa ating dalawa, mas mayaman ang Furukawa. Alam kong mas mahal pa yung kaya mong bilhin kaysa sa Cooper SE. Kaya shut your mouth and let me enjoy the night.”
Nang tumunog ang elevator ay kumabog na ang puso ko. Dumaldal nang dumaldal si Dazen pero hindi ko na sya naririnig dahil para akong nabingi habang naglalakad kami papunta sa sasakyan nina Echo.
“Nandito na yung anak mo,” wika ni Dazen. Bumalik ang boses nya sa mapang-asar. “Pagalitan mo ‘yan. Binasag kotse nya.”
“Dazen!” tawag sa kanya ni Alessia.
“Whatever! Magkita na lang tayo sa Black Market. Kailangan ko pang daanan si Chin.”
“How about Artemis? Or si Robber?” tanong ni Adaline.
“Artemis is with Lucas. Si Robber, sabi nya, susunod na lang sya,” sagot ng seryosong si Echo.
Binuksan na nya ang kotse nya at isa-isa kaming pinasakay bago sya umikot sa driver’s seat. Lumakas bigla ang kaba ko.
Echo being serious is Echo being mad. Ilang beses ko na syang narinig magalit sa mga kaibigan ko but this time, it’s different. Parang may dark aura na pumapalibot sa kanya.
“Can I open the windows?” I asked him. “Magvi-vape lang ako.”
“It’s okay kahit huwag mo na buksan yung windows, Ayumie,” malambing na wika ni Alessia. Siya ang nasa shotgun seat. While, Adaline and I were both seated at the back.
I took my vape out of my sling bag and started to hits. Nagsimula na ring mag-drive si Echo paalis sa condo ni Adaline.
Nang tingnan ko ang rearview mirror ay nakatingin sa akin si Echo. Aaminin ko, medyo natatakot ako kay Echo. Sa Team Kalat kasi, that’s the name of our group, siya at si Alessia ang well-respected sa amin as we both treat them as our mother and father. Though, they were not in a relationship. Sadyang yung vibes lang na dala nila ay nagsusumigaw ng authority.
Siguro kung may masasabi akong gusto kong i-please pero hindi ko ginagawa ay silang dalawa na ‘yon.
Oh, and also Robber.
“Ayumie,” basag ni Echo sa katahimikan. “Tell me about what happened.”
Ito na nga ba ang sinasabi ko.
“To cut the story short, he cheated on me,” sabi ko sa kanya. “At. . .gaya ng sabi ni Dazen, I broke his car. May karapatan naman ako dahil ako yung bumili, diba?”
“What drove you to do that?”
Muli akong nag-hits at binuga ang usok. “He told me I was a people pleaser, Echo. And he fucking cheated. Wasn’t that enough? He made me feel worthless, useless, and irreplaceable. Tinapakan nya ang pagkababae ko. Kaya bakit hindi ko gagawin?”
Tumango si Echo, his eyes were fixed on the road. While, Adaline was patting my back. Biglang bumalik yung frustration na nararamdaman ko ngayong nagsi-sink in na sa akin yung nangyari kanina sa café. Hindi ko lang naramdaman na natapakan ang pagkatao ko. I even felt disgusted dahil napakaraming tao do’n tapos nageskandalo kami ni Kelvin.
“That should be enough for you to learn your lesson,” seryoso nyang wika. “Kung hindi lang ako pinigilan ni Dazen kanina, baka sa hospital sya nagci-celebrate at hindi sa bar ng break up nyo. Sa tingin ko, hindi ka rin naman aamin sa amin kung hindi pa malalaman ni Dazen sa kaibigan nya.”
“I’m a grown woman, Echo. I know how to handle myself.” I told him with conviction.
He scoffed. “Grown woman, my ass. Paulit-ulit ka na namin pinagsabihan no’n. But did you listen? Hindi. Kaya ngayon, learn your lesson. Never go back to that asshole.”
“As she should,” Alessia doweled. “He’s not worth it, Ayumie.”
Hindi na lang ako sumagot. Susundin ko rin naman ang mga sinabi nila. I’ve had enough. Hindi mapapantayan ng galit nila ang galit na nararamdaman ko towards that man.
Nang makarating kami sa Black Market ay tahimik na kaming apat. Ganito naman kami palagi, kapag we are on roll, kailangan naming umayos na para makaharap sa iba nang matino.
“Shit, what happened?” pagmumura ni Echo nang makita ang kaguluhan sa labas ng Black Market.
Nang makahanap ng parking si Echo ay agad kaming lumabas na apat. Lumapit din agad kami sa nagkakagulo and there, we saw Robber stepping on Kelvin’s chest. Ni hindi na makagalaw ang ex-boyfriend ko sa diin ng pagtapak nya.
“Robber!” Hinila ni Echo palayo si Robber kay Kelvin at umubo-ubo naman ang isa. “Huwag kang mageskandalo dito sa labas,” aniya.
“Fuck you all! Hindi kayo si Ayumie kaya bakit ba ang hihilig ninyong pakialaman ang relasyon namin?!” sigaw ni Kelvin. Behind him was Hannah. Taimtim na nanonood sa amin habang pinakakalma si Kelvin. “Or are you one of those people she pleases kaya ganito nyo siya ipagtanggol?”
Suminghap ako at akmang lalapitan sya para sampalin nang maunahan ako ni Adaline.
Pinigilan din sya agad nina Alessia at Chin na nandito na rin sa bar.
Hiyang-hiya na ako dahil marami na namang mga tao ang nakatingin sa amin. May ibang kumukuha na rin ng video. So much for this damn break up.
“Umalis ka na habang nagtitimpi pa ako sayo,” seryosong wika ni Echo. “Huwag mong hintaying balian pa kita ng buto bago mo maisipang tantanan ang kaibigan ko.” Tiningnan nya ako pati na rin sina Nico na nandito na rin. “Pumasok na kayo, Nico. Alalayan ninyo si Ayumie.”
“Echo, huwag ka nang magkalat dito,” pinagsabihan sya ni Alessia.
Pero hindi sumagot si Echo. Inakay na lang ako ng mga kaibigan namin hanggang sa papasukin kami ng bouncer. Ngunit pagtapak na pagtapak ko palang sa loob ng Black Market ay gusto ko na agad lumabas.
“Ayumie, narinig ko ang nangyari.” Mitz, one of my ex-flings showed up. “Kamusta ka na?”
Humalakhak si Dazen na kasama din pala namin. “Ano ‘to? Samahan ng mga binasagan ni Ayumie ng sasakyan?”
“Pogs, can you leave us alone? This isn’t a casual place to talk about Ayumie’s heartbreak,” ani Artemis. Siya ang nagpakilala sa amin noon as they were college blockmates.
“I’m sorry.”
Tuluyan na rin kaming nakapunta sa VIP seat na ni-reserve ng mga kaibigan ko. Nagkakasiyahan na ang mga tao sa gitna ng dance floor at may naglapag na rin ng drinks sa table namin. Pero yung isip ko, lumilipad pa rin sa labas ng bar. Si Robber at Echo kasi ang naiwan doon. And knowing both of them, it was a combo of disaster.
“Huwag mo na silang isipin, ‘di naman gagawa ng masama ang mga ‘yon unless provoked,” sabi ni Chin.
Gusto ko sanang sabihin kanina pa provoked si Echo, sa kotse palang. Paano pa si Robber na tinapakan na sya sa harap ng maraming tao?
“Ano ba kayo? Pumunta tayo rito para magsaya kaya let’s drink!” sigaw ni Dazen. Siya ang nag-serve sa amin ng mga shots namin. “Chin, I have a bet.”
Tumaas naman ang kilay ko. Dazen and his bets. Marami na syang naipanalo na bets sa amimg magkakaibigan and most of the things na hinihingi nya ay mabibigat.
“What bet?”
Kakainom ko palang ng shot ko nang hilahin ako ni Adaline papuntang dance floor.
“Dance, Ayumie!”
Nagsimula kaming umindak sa dance floor habang nagtatawanan. It was hard to forget what was happening at this moment pero kahit papaano ay naibsan no’n ang nararamdaman ko.
Ilang minuto palang kaming nasa dance floor nang puntahan kami ni Robber. He was sweating and his eyes were screaming fear.
“Your sister called,” bungad nya. “Eleny got into an accident.”
Pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko.
“What. . .?”
“We need to to go the hospital,” sigaw ni Adaline dahil maingay sa dance floor.
Hinila nila akong dalawa pero parang lutang ang pakiramdam ko.
My boyfriend broke up with me . . . and now . . . my sister got into an accident.
God, what should I do?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top