Kabanata 59: Ikalimang maalamat na hayop

Inabot din kami ng isang buong araw bago narating ang Fragkura. Pagkarating na pagkarating namin dito ay agad kaming tumungo sa palasyo upang ipagbigay alam kay Aimer na nahanap na namin ang kwintas na kanyang sinasabi.

"Panginoon!" sigaw ni Isla noong makita niya kami. Mahigpit na yakap ang isinalubong niya sa amin. "Lubha kaming nag-alala para sa inyo dahil natagalan ang inyong pagbalik."

"May kakaiba bang nangyari rito habang wala kami?" tanong ko. "Nasaan si Aimer?"

"Nasa liwasan sila upang magbigay ng hatol." si Flavia ang sumagot. Ang alam ko ay ilang araw pa ang nalalabi bago ang pagbibigay ng hatol kung sino ang tunay na Aimer. "Nahuli si Aimer na pumasok sa silid ng hari at napagbintangan bilang isang magnanakaw, ngunit ang totoo ay gusto niya lang dalawin ang kanyang ama."

"Kailangan nating magmadali pumunta sa liwasan," kinuha namin ang aming mga gamit at mabilis na tumakbo patungo sa liwasan. Pagkalabas pa pang namin sa silid ay may mga guwardiya ng humarang sa aming dadaanan.

"Hindi maaari na mangialam ang mga dayong gaya ninyo sa isang importanteng okasyon sa aming isla!" sigaw nung isa sa mga guwardiya.

Ginamit ni Luntian ang kanyang kakayahan at may mga ugat na gumapang mula sa paa ng mga guwardiya paangat sa kanilang braso kung kaya't napigilan silang gumalaw nito.

"Hindi rin maaari mangialam ang mga gaya ninyo sa bagay naming gawin," ngumisi ako sa kanilang dalawa. "Hindi kayo ang makakapigil sa mga plano namin."

Nagpatuloy kami sa pagtakbo at marami pang kawal ang humarang sa amin upang mapigilan kami. "Pinlano talaga ito ng pekeng Aimer!" inis na sabi ni Flavia habang nakatutok ang kanyang espada sa isa sa mga kawal. Hangga't maaari ay iniiwasan namin na makapanakit gamit ang aming mga kakayahan dahil gaya nang sinabi ni Aimer, isa ang Fragkula sa pinakamapayapang isla sa mundong ito.

Akmang sasaksakin ako ng isang kawal ngunit mabilis akong nakayuko at siniko siya sa kanyang mukha dahilan para mawalan ito ng malay. "Takbo! Takbo!" Dumarami ang kawal na nakasunod sa amin pero walang kahit isa ang nakapigil sa amin.

Nakarating kami sa liwasan at napakaraming tao. Nandito ang mga mamamayan na Fragkula upang masaksihan ang kamatayan para kay Aimer. "Ang pekeng Aimer na ito na pumasok—"

"Itigil ninyo 'yan!" malakas kong sigaw at tumakbo papunta sa sentro. Napatingin sa akin ang lahat, may mga kawal na nagtanglang humarang sa akin pero hindi nila ako napigilan. "Ang Aimer na balak ninyong patayin ay ang siyang tunay na prinsipe ng bayang ito!" malakas kong sigaw.

Umugong ang mga bulong-bulungan sa buong paligid.

"Basil, dumating ka—" hindi natapos ni Aimer ang kanyang sinasabi noong bigla siyang idinukdok sa pamesa ng kawal na nakabantay sa kanya.

"Paano ka naman nakakasigurado? Bakit kami maniniwala sa isang binata na dayo lamang sa aming lugar?" tanong ng hukom. "Pumasok siya sa silid ng mahal na hari at tinangka itong patayin!"

Hindi naman ako nasabihan na maging sa Fragkula ay uso ang paggagawa ng kwento para madiin ang isang tao sa kasalanang hindi niya naman nagawa. Siguro nga ay sakit na ito ng bayan, may mga mahihirap na nadidiin sa kaso upang makuha lang nang may kaya ang hustisya na hinahangad nila... kahit sa maling paraan pa ito.

"Oo, dayo ako sa lugar ninyo pero hindi ako kasing bulag ninyong lahat," hindi ugali nang isang Basil ang magmakaawa sa ibang tao para paniwalaan lang siya. Isasampal ko sa kanila ang katotohanan hanggang sila mismo ang tumanggap nito.

Akmang pipigilan ako ng ilang mga kawal ngunit itinaas ng mahal na hari ang kanyang kamay upang mapigilan ang mga ito. Hudyat niya ito para tumigil ang mga kawal at handa siyang pakinggan ang aking sasabihin.

"Itong Aimer na ito na hahatulan ninyo ng kamatayan ay siyang tunay mong anak." Sabi ko at kinuha ko sa bulsa ko ang kwintas. "Heto ang patunay na anak mo ang Aimer na hahatulan mo." paliwanag ko sa kanya.

"Peke iyan," sagot nung nagpapanggap na Aimer na nakaupo sa tabi ng mahal na hari. May inilabas siyang kwintas mula sa kanyang bulsa at kapareha ito ng kwintas na hawak ko. Nabigla ako sa aking nakita. "Ito ang tunay na kwintas. Paano namin paniniwalaan ang gaya mo?"

Kaya pala kampante ang pekeng Aimer na ito at hindi kami pinigilan sa aming pag-alis dahil may plano na pala siya simula pa lang. "Patayin ninyo rin ako kapag kasinungalingan ang aking sinasabi." humakbang ako paharap patungo sa kinauupuan ng mahal na hari.

"Wala kang karapatan na lumapit sa hari!" sigaw ng hukom.

Seryoso akong nakatingin sa mata ng hari. "Alam kong mas kilala mo ang anak mo sa kahit sino man. Hindi isang pagpapanggap anyo ang makakapaglinlang sa pagmamahal mo sa iyong anak."

Inihagis ko sa mahal na hari ang kwintas. "Ikaw na ang humusga kung peke ang kwintas na iyan o tunay. Ang desisyon mo ang magbibigay kasagutan sa gulo rito sa inyong bayan." wika ko.

Hindi ako takot mamatay dito, ilang beses ko nang nakaharap si kamatayan at tiwala ako na maibibigay ng hari ang tunay na sagot. Alam kong hindi magagaya sa akin si Aimer na napagbintangan at nahatulan ng kamatayan.

Kinuha ng hari ang kwintas na aking inihagis. "Akin na ang kwintas na iyong hawak." sabi niya sa Aimer na nasa kanyang tabi at inabot naman niya ito.

Hawak na ngayon ng hari ng bayang ito ang dalawang kwintas. Hindi ko alam kung ano ang magiging hatol niya. Alam kong magkamukhang-magkamukha ang kwintas iniabot namin nang pekeng Aimer ngunit naniniwala ako sa hari na malalaman niya ang kwintas na may halaga dahil siya ang nagbigay nito kay Aimer.

"Huwag mong sabihin na naniniwala ka sa mga impostor na iyan, ama?" tanong nung katabing Aimer ng hari. Napangisi ako sa kanya, naalala ko ang mga pinaggagawa sa akin ni Avery. Kaawa-awang nilalang.

Pinagmasdan ng hari ang dalawang kwintas at nagbitaw ng malalim na buntong hininga. "Nakapagdesisyon na ako,"

Lahat kami ay naghihintay sa susunod ma sasabihin ng hari. "Matagal ko nang alam na ang Aimer na iyon ang tunay kong anak." sabi ng hari at itinuro si Aimer na napagbibintangan. "Kung may tao mang higit na nakakakilala sa anak ko ay ako 'yon."

"H-hindi totoo 'yan, ama! Ako ang tunay mong anak!"

"Sa tingin mo ba ay hindi ko mapapansin ang panggagaya ko sa anyo ng anak ko? Hindi ako ang naging hari ng Fragkula para maging tanga! Maaari mong makopya ang pisikal na anyo ng aking anak ngunit hinding-hindi ang kabutihan nito." paliwanag ng hari. "Dakpin ang taong nasa aking tabi. Ngayon na!"

Lumapit ang mga kawal at noong lalapitan na nila ang impostor na Aimer ay naglabas ito ng punyal at itinutok sa mga kawal. "Huwag kayong lalapit!"

"Ipinakita mo sa akin Aimer na handa ka nang pamunuan ang ating nasasakupan. Mas inuna mo ang kapakanan ng ating bayan sa pagkakataong ito." sabi ng hari.

"Mahal na hari, kung bibigyan ninyo ng pahintulot ang aming grupo ay gusto sana naming kitilin ang buhay ng taong mapagpanggap na ito. Isa kasi siya sa mga taong hinahanap namin," inilabas ko ang aking Jian mula sa sisidlan nito.

"Kamatayan ang nararapat na parusa sa mga taong mapang-abusonsa kapangyarihan. Ikaw na ang bahala sa kanya."

Sa pagsabi ng hari nang mga salitang iyon ay agad akong tumakbo tungo sa direksyon ng pekeng Aimer. Mabilis ang aking naging pagkilos at hindi niya ito napansin agad, naiwasan niya man ang aking ginawang atake ngunit nasugatan ko naman ang kanyang pisngi.

"Tutal ay alam na ng pahat kung sino ka, bakit hindi mo ipakita ang tunay mong anyo?" nakangisi kong sabi habang pinaglalaruan ang Jian sa aking kamay.

"Sino ka para mangialam sa mga plano ko?! Sino ka para pigilan ang mga balak ko! Ang nais ko lang naman ay pamunuan ang lugar na ito!" sigaw niya at sumugod siya sa akin gamit ang punyal. Sinipa ko ang kanyang tiyan bago pa man siya makalapit at napaatras siya muli.

"Ako? Ako ang tatapos sa buhay mo," sumugod ako sa kanya. "Flavia paalisin ninyo ang mga tao!"

Kailangan ko munang masigurado na wala ng ibang tao rito sa liwasan bago ako gumawa ng malalaking pag-atake. Ayokong may madamay na mga inosenteng tao sa labang ito. "Hindi mo kilala ang kinakalaban mo."

"Isa ka sa maalamat na hayop?" tanong ko na may ngisi sa akong labi na siyang kanyang ikinagulat. "Sa totoo lang ay napabagsak ko na ang Bawa, Bakunawa, Minokawa, at Tambakanawa. Ikaw na ang isusunod ko."

"Luntian!" sigaw ko at may ugat na gumapang sa paa ng pekeng Aimer at hindi siya nakagalaw.

Nilaro-laro ko ang Jian ko sa aking kamay habang naglalakad tungo sa kanyang direksyon. "Ang lungkot naman kapag tatapusin natin ang laban na 'to na hindi mo ipinapakita ang tunay mong anyo," Lumawak ang ngisi sa aking labi. Hindi ako natatakot sa sitwasyon na ito, ang gusto ko lang ay matapos na ang gulong ito at makauwi sa Norton kasama ang pamilya ko. "Pero sige, kung ayaw mo talagang ipakita ang anyo mo ay tatapusin kita sa ganyang anyo."

Akmang isasaksak ko na sa kanya ang Jian ngunit nabalutan ng itim na liwanag ang pekeng Aimer at unti-unting nagbago ang kanyang hitsura. Kagayang-kagaya ito sa kung paano nagpalit ng anyo ang Bakunawa.

Natanggal ang mga ugat na nakakapit sa katawan nito at lumaki ang katawan nito. Nabalutan ng kaliskis ang katawan nito, tila nawalan ito ng buto at humana ang pangil nito— naging isang dambuhalang ahas ang anyo ng pekeng Aimer.

Narinig ko ang pagsigaw ng ibang mamamayan at nagmamadali silang umalis sa lugar. Mabuti na lamang at malawak itong liwasan kung kaya't malaya akong makakakilos.

"Basil, siya ang ikalimang maalamat na hayop— ang Sawa!" sigaw ni Jacko sa akin. "Mag-ingat ka sa kakaibang liksi ng hayop na 'yan!"

Akmang tutuklawin ako ng sawa ngunit mabilis akong nakatalon. Pinaulanan din siya ni Lucas ng mahikang apoy kung kaya't nabaling sa kanya ang atensyon nito.

Mabilis ang galaw ng sawa. Sa bawat gagawin naming atake ay mabilis itong nakakaiwas pero ang pinakakinaiiwasan namin ay ang matuklaw ng matalim na pangil nito na punong-puno ng lason. Ayon kay Jacko ay tatatlumpung segundo lang ang kinakailangan para mamatay ka sa lason nito.

Kahit maraming umaatake sa Sawa ay pansin kong nasa akin ang pinaka atensyon nito.

"Panginoon, iwas!" sigaw ni Isla, hindi ako nakatalon dahil sa bilis ng kilos mg sawa kung kaya't hinarang ko sa matalim na pangil nito ang aking Jian. "Hindi ikaw ang makakapatay sa akin," sabay tulak ko sa espada at napaatras ang dambuhalang sawa.

Umakyat ako sa bubong ng isang bahay at doon tumakbo, kinakailangan kong hanapin ang kahinaan nitong sawa. Ang naiisip ko lang na paraan ay hatiin ang katawan nito kagaya ng ginawa ni Melia sa Bakunawa.

Humigpit ang hawak ko sa Jian at malakas na tumalon. Nakapokus ang aking mata sa ulo nito.

"Iwas!" hindi ko napansin ang buntot nito na humampas sa aking katawan. Tumilapon ako at tumama sa pader ng isang bahay. Nasira ang bahay at napasigaw ang mga taong nagtatago sa loob nito.

"H-huwag kayong mag-alala... i-ililigtas namin kayo," nahihirapan man akong makatayo ay nagawa ko pa ring pagaanin ang loob ng mga tao rito kahit papaano.

"Lucas, Isla, Luntian! Libangin ninyo ang Sawa!" sigaw ni Jacko. "Flavia bigyan mo ng paunang lunas ang sugat ni Basil."

Lumapit si Melia sa akin at itinapat ang kanyang kamay sa tagiliran kong napuruhan dahil sa lakas ng pagkabagsak ko. "Kug gagawa ka ng ganoong kadelikado na atake ay sabihan mo kami para alam namin ang gagawin kung sakaling hondi gumana." sermon ni Flavia. Nabalutan mg puting liwanag ang kamay ni Flavia at gumaan paunti-unti ang nararamdaman ko.

Nagagawa mang libangin nina Lucas ang Sawa ngunit hindi naman nila ito magawang masugatan dahil sa taglay nitong liksi.

"Flavia, may alam ka bang enkantasyon para mapabilis at mapalakas ako?"

"Napuruhan ka na. Hindi lahat ng enkantasyon ay puro kagandahan lang ang maidudulot. Maaaring maapektuhan ang katawan mo matapos ang ilang minuto." sermon niya.

"Pero may alam ka nga? Upang matalo ang Sawa ay kailangan kong mapantayan o higitan ang taglay niyang bilis at lakas. Mas maraming mapapahamak kapag tumagal pa ang ganitong sitwasyon."

"Mayroon kaso ay tatagal pamang ito ng sampung minuto. Matapos no'n ay makakaramdam ka nang pagkahilo dahil sa pagsagad mo sa paggamit ng iyong kakayahan at maaari kang makatulog ng ilang araw," banta sa akin ni Flavia.

"Flavia, hindi pa ba tapos ang panggagamot mo kay Basil? Hindi namin alam kung hanggang kailan namin mapaglalaruan itong Sawa. Napapagod na si Isla at Luntian." sigaw ni Jacko.

"Gawin mo." utos ko kay Flavia. "Sapat na ang sampung minuto para tapusin ko ang buhay ng sawa. Mas mabuti nang makatulog ako ng ilang araw ke'sa sa ilang buhay ang masawi kung hindi natin siya agad mapapatay."

Sumeryoso ang tingin sa akin ni Flavia. "Binalaan kita."

"Ucrufreciel nevad drisa froha alubro obrekre."

Sa sinabing iyon ni Flavia ay nabalutan ako ng puting liwanag. Nawala ang iniinda kong sakit mula sa aking pagkakabagsak at mas gumaan ang pakiramdam ko.

Sampung minuto. Sampung minuto lamang ang mayroon ako upang makitil ang buhay ng Sawa kung kaya't wala akong dapat sayangin na oras dahil ang bawat segundo ay mahalaga.

"Sol Invictus!" malakas kong sigaw at nakuha ko amg atensyon nilang lahat. "Makinig lang kayo sa iuutos ko dahil tatapusin na natin ang labang ito!" malakas kong sigaw.

Ngumisi sila sa akin at nakuha nila ang ibig kong sabihin.

Mabilis akong tumakbo tungo sa direksyon ng Sawa. Mas mabilis ang pagkilos ko mgayon kumpara kanina, kakaiba nga talaga ang inilagay na mahika ni Flavia sa aking katawan.

Malakas akong tumalon at akmang tutuklawin ako ng sawa ngunit naiharang ko muli ang jian ko sa pangil nito.

"Luntian! Balitan ko ng ugat ang buong katawan ng sawa!" utos ko.

"Masusunod!" may mga ugat na kumapit sa katawan ng Sawa kung kaya't nahirapan itong kumilos

Umapak ako sa ilong ng sawa at gumamit ng puwersa upang mas makatalong ng mataas.

"Isla, gawin kong yelo ang iyong tubig at gawin mo itong patusok. Atakihin mo ang Sawa!"

"Masusunod, panginoon!"

Noong napansin kong hindi na makakagalaw ang Sawa sa kanyang pwesto ay hinanda ko na ang aking Jian. "Tapos na ang larong ito, ikalimang maalamat na hayop!"

Itinutok ko ang talim ng ang Jian sa ulo nito. Bumaon ang jian at mas lalo ko pa itong ibinaon hanggang mahati ang katawan ng Sawa. Nabalot ako ng dugo ngunit hindi ko ito alintana. Itonuloy ko ang paghiwa rito mula ulo hanggang buntot mg sawa.

Nahati sa dalawa ang maalamat na hayop at bumagsak sa lupa ang walang buhay nitong katawan. Humihingal man ay hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa wakas ay tapos na. Napatay na namin ang ikalimang maalamat na hayop.

"Panginoon!" sigaw ni Isla at lumapit sa akin. Hindi niya ako niyakap dahil balot ang aking katawan ng dugo mula sa Sawa. "Nagawa natin, natalo natin ang maalamat na hayop!"

Unti-unting naglaho ang katawan ng sawa hanggang sa maging abo ito at nilipad ng hangin. Ngayon ay dalawang maalamat na hayop na lamang ang kinakailangan naming patayin upang matapos ang aming misyon at mapigilan ang hindi magandang mangyayari sa pagdating nang paglalaho.

Nakita ko na lumalabas na mula sa kanilang pinagtataguan ang mga mamamayan ng Fragkula habang isinisigaw ang aking pangalan.

Unti-unti akong nakaramdam ng hilo at bumagsak ang aking katawan sa sahig.

*******

4-7 chapters left. Depende na lang sa magiging haba. :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top