Kabanata 58: Ang paglalayag

Nakasukob kami sa loob ng isang kweba habang si Lucas ang gumagamot ng aking sugat. Nakatulala lang at pinagmamasdan ang pagbagsak ng ulan. Hindi ko inasahan ang aking mga narinig, baka nga tama si Avery, naging hayok ako ma mapabilang sa Ixion noon at hindi ko na nabigyan pansin sina tatay David.

"Ano bang pumasok sa isip mo Blade at wala kang ginawa para labanan si Avery?" inis na sabi ni Jacko habang pabalik-balik na naglalakad. "Kung hindi pa namin naisipan ni Lucas na sundan ka ay baka kug ano na ang nangyari sa'yo,"

Hindi ako kumibo. Ang nasa isip ko lamang ay kung paano ko maibabalik sa dati ang pagsasama ng pamilya ko. Galit na galit ako kay Avery noon ngunit ginawa niya iyon para protektahan kami. Siya ang nagpatakas sa akin sa Norton sabi Jacko, siya ang nagligtas kay Parisa, siya ang tumulong kay tatay David para makakuha muli ng permiso na magbenta, ginagamit niya ang pwesto niya para protektahan ang pamilya namin... na hindi ko nagawa.

"Gusto ko na lang umuwi." sabi ko.

Kumunot ang noo ni Jacko at naglakad papunta sa harapan ko. "A-anong sinabi mo?!" Kinuwelyuhan niya ako. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo Basil? Ang dami na nating pinagdaanan para sa misyong ito, ngayon ka pa susuko?"

"Pagod lang si Basil. Hayaa—"

"Pagod? Sino bang hindi pagod? Nangako tayo na gagawin natin ang misyong ito kahit anong mangyari. May mga buhay na nakasalalay sa kamay natin. May paraan tayo para mapigilan ang kalagim-lagim na pangyayari pagdating nang paglalaho, bakit ngayon pa tayo hihinto?" kita ko ang galit at inis sa mata ni Jacko

"Buong akala ko ay galit lang sa akin si Avery kaya niya 'to nagagawa. Akala ko ay gusto niya lang ako mapabagsak," naluha na naman ako kapag naalala ko ang nangyari kanina. Kitang-kita ko sa mata ni Avery ang hirap na dinadanas niya dahil wala siyang ibang pagpipilian kun'di gawin ang bagay na iyon.

"Pero hindi siya nagdalawang-isip na saksakin ka kanina," sabi ni Lucas kung kaya't napatingin ako sa kanya. "Dahil alam niya pa rin ang bagay na dapat niyang gawin. Nanumpa siya na papatayin niya ang sinuman na mangialam sa mga maalamat na hayop kung kaya ginawa niya iyon. Sana ganoon ka rin, isantabi mo muna ang sarili kong problema dahil hindi dapat mawala ang tuon natin sa ating misyon. Nalalapit na ang paglalaho."

Ngumisi ako. "Ano bang alam ng taong walang nararamdaman gaya mo?"

"Marami akong alam. Kaya nga natutunton natin ang mga maalamat na hayop." sagot niya sa akin. "Wala man akong nararamdaman ngunt alam ko ang tama sa mali. Hindi ito ang panahon para mag-away tayo lalo na't kailangan nating iligtas si Aimer."

Naging tahimik ang mga sumunod na minuto namin at nakatanaw lamang ako sa walang tigil na pagbagsak ng ulan. Sinusubukan kong maging mahinahon ngunit magulo talaga ang emosyon na nararamdaman ko.

Mayamaya pa ay may isang tao kaming nakita na naglalakad tungo sa aming direksyon. Nakasuot siya ng balabal at natatakpan ang kanyang buong mukha. Hinawakan ni Jacko ang espada niya at tumayo naman si Lucas para maaninag ito.

Ibinaba ni Lucas ang hawak na espada ni Jacko. "Huwag, kilala ko ang taong iyan." sabi ni Lucas.

Papalapit nang papalapit sa loob ng kweba ang taong ito at tinanggal ang kanyang suot na balabal. Hindi ko inaasahan ang taong makikita kong nakatayo sa aming harapan ngayon— si Melia.

"Masaya akong makita ulit kayo," sabi niya sa amin. Sa pinakahindi ko inaasahang pagkakataon ko pa siya makikita kung saan hinang-hina ako. Kung saan pakiramdam ko ay bigo akong gampanan ang pagiging pamilya ko kanila Parisa at Avery.

"A-anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya.

"Nagpadala ng mensahe sa akin si Jacko gamit ang isang ibon." paliwanag niya. "Kumusta ka na?" tanong niya.

Hindi ako makakibo.

"Melia kausapin mo 'yan." sabi ni Jacko. "Lalabas na muna kami ni Lucas para makapag-usap kayong dalawa."

Umupo sa harapan ko si Melia. Malambot na ngiti ang sumilay sa kanyang mukha. "Kumusta ka?" tanong niya.

Bakit ganoon? Dalawang salita lang ang lumabas sa kanyang bibig ngunit iba ang naging epekto nito sa akin. May namuong luha sa aking mata. "Nalaman ko na ang lahat, Melia,"

Niyakap niya ako. "Nasabi sa akin ni Kaia ang naging pag-uusap ninyo. Ngayon ay naintindihan ko na rin si Avery."

"Pumapasok sa isip ko ngayon kung dapat ko pa ba 'tong ituloy dahil sa ngayon ay ang nais ko ay ang makita ko ang pamilya ko at magkasama-sama kami." pag-amin ko. Sa lahat ng tao sa mundong ito, pakiramdam ko ay si Melia lang ang makakaunawa kapag nakita niya akong nanghihina at nawawalan ng lakas loob. "Pakiramdam ko ngayon ay tama si Avery na pinabayaan ko sila."

"Hindi totoo 'yan," hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. "Saksi ako sa kung paano mo inisip at ginawa ang lahat para sa pamilya mo pero Blade... huwag ka munang sumuko ngayon. Kailangan ka ng buong mundo dahil nalalapit na ang paglalaho."

"Kung bumalik ka man sa pamilya mo ngayon, sa oras na dumating ang paglalaho at may natitira pang mga maalamat na hayop ay malalagay lang din sa panganib ang buhay ng pamilya mo. Oo, panandaliang maaayos ang lahat pero baka kung anong mangyari sa kanila kung titigil ka ngayon, Blade." paliwanag sa akin ni Melia at doon ko naisip na tama siya.

"Hindi ka ba nagagalit sa akin dahil naiwan ka na sa paglalakbay."

Ngumiti si Melia. "Kailanma'y hindi ko magagawang magalit sa iyo. Ilang ulit mo akong iniligtas at alam kong may dahilan ka kung bakit mo iyon nagawa. Pakiramdam ko pa rin naman ay miyembro ako ng Sol Invictus dahil pinapaunawa ko sa ibang Ixion ang tunay na sitwasyon ng ating mundo. Maging matatag ka, Blade, kaunting tiis na lang. maging ako ay nasasabik na sa muli nating pagsasama."

Mahigpit kong niyakap si Melia na kanya namang sinuklian. "Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka. Sa tuwing nalilihis ako ng landas ay parati kang nandiyan para muli akong dalhin sa tamang landas."

"Kahit ilang beses kang maligaw, hahanapin kita at tutulungan." nakangiti niyang sabi. "Sabi sa akin ni Jacko ay hindi kayo maaaring magtagal dito lalo na't may misyon kayong ginagawa."

"Kailangan namin bumalik sa Fragkula dahil nandoon ang Fragkula." paliwanag ko sa kanya.

"Wala na dapat kayong sayangin pang oras," tinulungan niya akong tumayo. "Tandaan mo Blade, kaunting tiis na lang. sana ay kumapit ka pa. Sana ay makayanan mo pang gampanan ang pagiging kontrabida sa mundong ito dahil maraming naniniwala sa'yo. Naniniwala ako na maililigtas mo ang mundong ito." nakangiti noyang sabi at inakay niya na ako palabas ng kweba.

Nandoon si Jacko at Lucas na pinagmamasdan lang ang pagbagsak ng ulan. Napalingon sila sa amin noong mapansin nila kami. "Ayos na ba si Basil? Naibalik mo ba sa katinuan?" pabirpng tanong ni Jacko. "Pasensya ka na nga pala Basil lung pinapunta ko si Melia rito. Siya lang kasi ang kilala kong makakatulong sa atin na makabalik sa Fragkula sa ganitong panahon."

"Ayos lang iyon. Nais ko ring magpasalamat sa'yo dahil dinala mo si Melia rito dahil nagkaroon muli ng lakas para lumaban."

"Tangina, nakakadiri kayo." sabi ni Jacko.

"Halika na, wala dapat tayong sayangin na oras lalo na't sa mga oras na ito ay nakarating na sa hari ang balita na gumagala kayo rito malapit sa Norton. Paniguradong nagpadala na ng mga kawal para hanapin kayo. Kailangan ninyo ng umalis." sabi ni Melia sa amin.

"Hindi ka sasama?" tanong ni Jacko.

"Hindi. May kailangan akong gawin sa Norton. Inaalam ko kung saan nakatago ang Arimoanga at kapag natuklasan ko ito ay ipagbibigay alam ko agad ito sa inyo." paliwanag ni Melia sa amin.

Mabuti pa si Melia na nakabalik sa Norton nang maayos. Ako ay sa oras na malaman nilang bumalik ako ay kamatayan ang magiging hatol sa akin. Pero tama si Melia, wala akong dapat na sayangin na oras dahil buhay ni Aimer ang nakataya dito.

Umalis kami ng kwebang pinagtataguan at sumunod kay Melia. Kabisado ni Melia ang pasikot-sikot sa lugar na ito dahil madalas siyang dalhin ni Adara rito noong mga panahong nagsasanay kami para mapabilang sa Ixion.

"Sa bandang dagat ay may barkong nakaabang sa inyo. Walang taong nakasakay doon pero alam kong kaya ni Blade na patakbuhin ito. Humina man ang buhos ng ulan pero mag-iingat kayo dahil malalakas pa rin ang hampas ng alon." paalala sa amin ni Melia.

Ilang minuto pa kaming naglakad at natanaw na namin ang maliit na barkong kanyang tinutukoy. Pumasok na sina Lucas at Jacko sa loob. "Saan mo nakuha ito?" tanong ko.

"Kay ina ang barkong ito, siya ang nagpadala nito bilang tulong at pasasalamat sa iyo. Heto raw ang paraan niya upang kaht papaano ay makabawi sa iyo."

"Pakisabi kay Adara ay maraming salamat." nakangiting tumango sa akin si Melia. "Pakibantayan sina Parisa at tatay David para sa akin."

"Makakaasa ka. Ilagay mo lang ang atensyon mo sa misyon na dapat mong gawin at poprotektahan ko ang pamilya mo." Hihintayin ko ang iyong pagbabalik." sabi niya, mahigpt ko siyang niyakap sa huling pagkakataon bago pumasok sa barko.

"Mag-iingat kayo." paalala niya.

Pinaandar ko na ang barko at nagpatuloy sa paglalayag. Malakas man ang bagyo ngunit gumagamit din si Lucas ng mahika upang kahit papaano ay mapahina ang pwersa na humahampas sa aming sinasakyan. Kailangan naming makabalik sa Fragkula agad.

"Si Melia talaga ang nagsisilbing liwanag sa'yo, no?" sabi ni Jacko at napailing na lamang ako. "Pero Basil, huwag mo na ulit sasabihin na gusto mo nang itigil ang misyon natin."

"Pasensya na."

"Heto na lang ang misyon na inaasahan ko para mabawi ko muli ang sarili ko at makabalik sa bayan namin." paliwanag ni Jacko. "At nakilala ko kayong lahat, ang buong Sol Invictus. Masaya ako sa paglalakbay na ito."

"Malakas ka Basil, kontrolin mo ang emosyon mo. Bigyan mo ng tuldok itong bagay na nasimulan mo." sabi naman ni Lucas at napangisi ako.

Kilala ako sa mundong ito bilang pinakamasamangn tao sa mundong ito pero dito ko rin nakilala ang mga taong higit na maniniwala sa akin. Itong kontrabida na ito na kinaiinisan ng buong mundo ang tatapos sa gulong ito. Para sa pamilya ko at para sa bayan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top