Kabanata 49: Laban sa Tambakanawa


Nakatanaw kami sa isang higanteng alimango na nasa gitna ng magulong gubat na ito, hindi ko inaasahan na dito namin makikita ang isa sa mga maalamat na hayop na ilang buwan na rin naming hinahanap-- Ang tambakanawa na isa sa pitong maalamat na hayop na kinakailangan naming patayin upang hindi masira ang aming mundo sa pagdating nang paglalaho.

Humigpit ang hawak ko sa aking Jian, dito, sa pagkakataong ito ay gagawin ng Ixion ang kanilang misyon na protektahan ang maalamat at gagawin din naming Sol Invictus ang aming misyon na patayin ang mga dapat patayin. Magkaiba kami nang pinaniniwalaan pero ginagawa lamang namin ang aming gampanin.

"Jacko at Isla, huwag ninyong hahayaan na makalapit sa kweba ang kahit sinong miyembro ng Ixion o kahit sino sa mga kalaban natin," wika ko sa dalawa at tumango naman sila bilang tugon. Ngayon ay kailangan naming magtulungan na Sol Invictus bilang isa lalo na't hindi lang ang Tambakanawa ang kalaban namin kun'di maging ang Ixion.

"Melia, Flavia, at Lucas. Kayo na ang bahala sa Ixion," bilin ko naman sa iba kong kasama samantalang si Luntian ang gagamot sa mga may sakit na mamamayan ng Kapura.

"Huwag mong sabihin na ikaw mag-isa ang haharap sa Tambakanawa, Blade?" tanong sa akin ni Melia at nginitian ko siya.

"Magtiwala ka sa akin. Hindi tayo matatalo sa laban na 'to." paninigurado ko sa kanya.

"Basta... mag-iingat ka," sabi ni Melia at humigpit ang hawak niya sa kanyang armas.

Tumakbo na kami sa kanya-kanya naming direksyon na dapat puntahan. Habang tumatakbo ako ay nakaharang si Gandalf sa daan at hawak niya ang malaki niyang maso. Malaki si Gandalf at malakas ang kanyang mga atake ngunit ang kahinaan niya ay mabagal siya kumilos kung kaya't mabilis ito agad mababasa.

Akmang hahampasin ako ni Gandalf ng kanyang maso ngunit mabilis siyang naharang ni Melia at sinangga ang kanyang atake. Saglit kaming nagkatinginan ni Melia at ngumiti ito sa akin. "Ako na ang bahala rito." wika niya.

"Hindi ninyo alam ang ginagawa ninyo Blade at Melia!" sigaw ni Gandalf pero nilagpasan ko na silang dalawa at dire-diretsong tinahak ang gubat. Hindi naaalis ang tingin ko sa malaking Alimnago na siyang gumagalaw sa lugar. Kung hindi ito mapipigilan agad ay mas malaki ang pinsala na magagawa nito sa paligid.

Alam namin ang ginagawa namin Gandalf, at kagaya ninyo ay may misyon din kaming dapat gawin at taliwas iyon sa inyong paniniwala.

Sinong mag-aakala na makakaharap ko ang mga kasama ko noon hindi bilang kakampi kun'di mga kalaban.

"Pigilan siya!" may ilang kawal na humarang sa aking dinadaanan ngunit mabilis ko rin naman silang napatay.

Habang tumatakbo ay may Griffin na sumabay sa akin. Napangiti ako dahil alam na alam ni Jacko ang kailangan ko upang maabot ang mataas na Tambakanawa.

"Tatapusin ko ang labang ito," wika ko sa aking sarili.

Tanaw na tanaw ko sa baba ang nangyayaring gulo, karamihan sa mga puno sa gubat ay naglalagablab na ngayon sa apoy o 'di kaya nama'y nasira na dahil sa nangyayari.

"Hindi kita hahayaang makalapit sa Tambakanawa," nabigla na lang ako nung biglang sumulpot si Avery sa aking gilid. Kahit pa napuruhan na siya sa nangyari naming paglalaban namin kanina ay hindi pa rin siya sumusuko at hindi ko nakikitaan nang pagod sa kanyang mukha.

Akmang aatakihin niya ako gamit ang kanyang espada ngunit mabilis ko itong nasangga gamit ang aking Jian ngunit nawalan ako ng balanse at nahulog sa sinasakyan kong Griffin.

Nahulog ako sa lupa at unang tumama ang aking likod sa malaking sanga ng puno. Napasuka ako ng dugo dahil sa nangyari ngunit hindi ako maaaring sumuko. Hindi ito ang magiging katapusan ko.

"G-gagawin ko ang responsibilidad ko bilang Ixion, hindi ikaw ang pipigil sa akin Blade," sumusugod si Avery sa aking direksyon at unti-unti naman akong tumayo ngunit alam kong kakapusin ako sa oras at hindi ko agad siya mapipigilan.

May malakas na ingay na nilikha ang Tambakanawa at biglang gumalaw ang lupa kung kaya't nawalan ng balanse si Avery. Ginamit ko iyong pagkakataon upang makatayo. Tumakbo ako tungo sa direksyon ni Tambakanawa. Mukhang galit ito dahil sa mga nangyayari.

Sinong hindi? Kahit ako rin ay magagalit kung bigla na lamang sumugod ang mga manluluipig sa lugar na aking pinagpapahingahan. Tahimik na naninimlay ang Tambakanawa ngunit nagulo ito dahil sa amin.

Anong magagawa ko? Parte ng misyon namin na patayin ang lahat ng maalamat na hayop upang sa ikabubuti ng mundong ito. Pero alam kong maiintindihan ng mga maalamat na hayop kung bakit ko ito ginagawa.

Iniwasan ko ang mga malalaking bato na lumilipad sa aking direksyon. Mayamaya pa ay naramdaman kong mas gumaan ang paggalaw ko at nakita ko si Lucas na habang nakikipaglaban kay Sabrina ay nakatingin sa akin.

Hindi ako mag-isa sa labang ito dahil may mga taong naniniwala sa akin.

"Blaaade!" napalingon ako sa aking likod at hindi pa rin tumitigil si Avery at gagawin niya ang lahat upang mapigilan ako.

Inilabas ko muli ang aking Jian at akmang sasaksakin siya sa kanyang tagiliran ngunit naiwasan niya ito.  

"etmeigra etuncsiquam." wika ni Avery, hindi ko inaasahan ang babanggitin niyang mahika. may mga kumawala na maraming bolang apoy sa kanyang kamay na lumilipad sa kung saan-saang direksyon. Ang mga bolang apoy na iyon ay naglilikha ng malalakas na pagsabog.

Akmang iiwasan ko ang isa ngunit huli na ang lahat dahil tumama na ito sa aking tagiliran. Ramdam ko ang sakit nung bumagsak muli ako sa lupa at punong-puno ng paso ang aking kanang tagiliran.

Humihingal si Avery na tumingin sa akin. "Hindi ka pa rin nagbabago Blade, nagpalit ka lang nang katauhan ngunit ikaw pa rin ang batang na kayang-kaya ko lokohin." hindi nawawala ang ngisi sa kanyang mukha.

Hindi na ito laban sa pagitan namin kun'di laban na ito nang aming mga ipinaglalaban. Tumayo ako at kahit iniinda ko ang sakit ay ngumisi ako kay Avery. "Hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nagbabago, Avery, marumi ka pa rin lumaro. Lahat ay gagawin mo upang mawala lahat ng humahadlang sa bagay na gusto mong makuha."

Humigpit ang hawak ni Avery sa kanyang espada at masama akong tiningnan. "Papatayin kita, Blade. Papatayin kita." wika niya.

Umuulan man ng bato sa paligid dahil sa galit ng Tambakanawa ngunit nakatayo kami ni Avery sa magkabilang panig ng gubat. Maririnig sa paligid ang mga sigawan ng mga tao at makikita ang nangyayaring labanan.

"Matagal na akong patay, Avery. Pinatay na ako ng taong pinakapinagkakatiwalaan ko. Idiniin ako sa kasalanang hindi ko ginawa, ginawang mahirap ang buhay ko, at kinuha ang lahat sa akin. Pinatay na ako ng taong iyon." 

Tumakbo ako patungo sa kanyang direksyon at ganoon din siya. Mata sa mata kaming nagtitigan ngunit nung aatakihin niya ako ay mabilis akong umiwas at tumakbo palayo sa kanya.

"Lucas ngayon na!" malakas kong sigaw at gumawa si Lucas ng malalaking bato na lumulutang na siyang magsisilbing tungtungan ko upang makatakbo papaakyat. 

Si Avery ay isa sa mga pinakadahilan kung bakit ko ito ginagawa ngunit alam ko ang priyoridad ko. Alam ko ang dapat kong unang gawin dahil kapag hindi napatay ang Tambakanawa ay mas malaking pinsala pa ang mangyayari at ang mas malala no'n ay maapektuhan ang mga kalapit na bayan ng Kapura.

Susunod sa akin si Avery ngunit may mga ugat na pumigil sa kanyang paa at nabalot ng makapal na ugat ang kanyang katawan hanggang sa kanyang balikat. Tumingin ako kay Luntian at ngumisi siya sa akin. 

Kaharap ko na ngayon ang Tambakanawa at mata sa mata kaming nagtinginan. Kita ko ang galit sa kanyang mukha. "Tapusin na natin 'to!" malakas kong sigaw.

Aatakihin ko na sana ang Tambakanawa ngunit may mga bato na lumabas mula sa kanyang katawan kung kaya't nawalan ako ng balanse sa ere ngunit mabuti na lang ay nakaalalay sa akin si Lucas dahil naghanda siya ng isang malaking piraso na aking babagsakan.

"Hindi simpleng mga bato ang makakapigil sa akin."

"Nosmisens boimofa" nagkaroon ng liwanag sa aking paa at malakas akong tumalon upang makatungtong sa ulo ng Tambakanawa.

"Basil mag-iingat ka, puno ng lason ang katawan ng Tambakanawa!" malakas na sigaw ni Luntian sa akin.

Pagkaapak ko pa lang sa ulo ng Tambakanaya ay ramdam ko na ang bigat sa aking paghinga, nababalot ng mahika ang katawan ng Tambakanawa... mahika upang protektahan ang sarili nito.

"Pasensya na Tambakanawa pero oras na para magpahinga." wika ko sa Tambakanawa. Napasuka ako ng dugo dahil sa nakakasuklaw na amoy mula sa katawan nito.

Nabigla ako nung makita akong liwanag galing sa may kweba at nakalabas lahat ng bata na mamamayan ng Kamora. Minsan nasabi sa akin ni pinunong Goryo na itinatago ng mga bata ang kanilang mga mahika sa isang kwintas upang makontrol nila ito nang mas maayos at hindi magamit upang makapanakit ng kapwa.

"Bayan ng Kamora, kailangan ko nang tulong ninyo!" malakas kong sigaw at itinaas ko ang Jian na aking hawak. Mayamaya pa ay may puting enerhiya na lumilipad tungo sa aking espada. Ramdam ko ang malakas na mahika na bumabalot dito na siya ring nagpapalakas sa akin.

Muling gumawa ng ingay ang Tambakunawa at malakas muling lumindol sa kagubatan. Marami na ang namatay at marami na ang nasaktan. Oras na para tuldukan ang gulong ito.

"Walang makakapigil sa akin sa pagtapos ng misyon ko! Gagawin ko ang lahat upang iligtas ang mundong ito sa kapahamakan!"  

"noli pequodricum" iyan ang enkantasyon na aking binanggit at nabalot ng kidlat ang aking Jian

"ahhh!" tumakbo ako patungo sa mismong mukha ng Tambakanawa. Hindi ko alintana ang lason na unti-unting pumapatay sa aking katawan. Manhid na ako sa mga nangyayari.

"B-Blade huwag!" dinig kong sigaw ni Sabrina.

Ngumisi ako sa kanya tutal ay isa na rin namang kontrabida ang tingin nilang lahat sa akin. "Hindi kayo ang makakapigil sa akin. Ako ang pinuno ng Sol Invictus na kalaban ng buong mundong ito.

Malakas kong isinaksak sa ulo ng Tambakanawa ang aking Jian na naglikha ng malakas na pagsabog. "Ahhhh!" mas nilakasan ko pa upang mabaon pa ang espada.

"Uameiest teectio" 

Isang kidlat ang gumuhit sa katawan ng Tambakanawa  at malakas na dugo ang nagtalsikan sa paligid dahil sa nangyari. Unti-unting bumagsak ang katawan ng Tambakanawa sa lupa at kasabay no'n ang aking pagkahulog. 

"Panginoon!" malakas na sigaw ni Isla.

Biglang nawala ang bigat sa aking katawan at unti-unting bumaba ang katawan ko... hindi ako sa lupa bumagsak ngunit sa mga bisig ni Melia nakaupo siya habang hawak-hawak ang aking katawan.

"Mahusay ang ginawa mo Basil," ramdam ko ang pagpatak ng kanyang luha sa aking mukha. "Nag-alala ako sa'yo."

"N-nagawa ko, Melia." maging ako ay hindi ko na maiwasan na maiyak dahil sa pangyayari.

"Nagawa mo, Blade. Nagawa mo." nakangiti niyang sabi. Natigil ang gulo sa paligid at unti-unting naglaho ang katawan ng Tambakanawa na animo'y isang abo na hinahangin sa himpapawid.

"Panginoon!" lumapit sa akin ang buong Sol Invictus.

Hinang-hina man ako ay inalalayan ako ni Melia na makatayo. Dati ay hinihiling ko na may isang tao lang na maniwala sa akin. Isang tao na ipaglalaban ako at sasabihing wala akong kasalanang ginawa. Pero ngayon, mayroong anim na tao na naniniwala sa akin. Sobra-sobra pa sa hiniling ko.

"Magbabayad ka!" akmang lalapit sa akin si Avery ngunit pinigilan na siya ni Gandalf at pare-parehas kaming pagod sa nangyaring gulo.

"Umalis na tayo, hindi na tayo ligtas dito!" sabi ni Sabrina at tumakbo na sila paalis. Binuhat ni Gandalf si Avery at kitang-kita ko ang galit sa kanyang mata.

"Hindi ba namin hahabulin ang mga asungot na 'yon?" tanong ni Jacko. "Ha! Iyon na ba ang sinasabi ninyong pinakamalalakas na bayani ng mundo natin! Ha! Walang-wala sa akin."

"Nagtago ka nga lang sa likod ng malaki na sanga ng puno," ganti ni Isla at napatawa kaming lahat.

Tumungo kami sa kweba at agad na lumapit ang mga bata sa akin. Ramdam ko ang lakas na ipinahiram nila sa akin kanina kung kaya't nagkaroon ako ng lakas ng loob upang matalo ang Tambakanawa.

Tumingin sa akin si Pinunong Goryo habang nasa likod niya ang mga mamamayan ng Kamora na ngayo'y napagaling na ni Luntian at wala nang iniindang karamdaman.

"Maraming salamat sa'yo Basil. Hindi ko alam kung bakit itinuturing kang pinakamasamang tao sa mundong ito ngunit iniligtas mo ang aming buhay. Utang na loob namin ngayon sa'yo kung bakit pa kami nandirito."

Tumingin ako sa mga kasama ko at ngumiti sila sa akin.

"Hindi pa tapos ang laban natin," wika ko sa kanila.

Tatlong maalamat na hayop na lamang ang dapat naming patayin bago ang paparating na paglalaho.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top