Kabanata 46: Ang pagbabago
Sorry for the delay update or sobrang natagalan, naging busy kasi ako sa pagpapublish ng book 2 ng SWO and I hope you guys understand. Next week ay asahan ninyong ita-try ko nang tapusin ang Anti Hero :)
For Class Zero readers, tapusin ko muna yung Antihero bago ko tapusin ang Class Zero. One story at a time tayo haha!
***
"Matapos kong marinig ang kwento ni Luntian ay hindi ko na alam ang mararamdaman ko," kwento ni Flavia sa amin habang naglalakad kami pabalik sa bayan ng Kamora. "Naaawa ako para sa bayan at mga tao pero naaawa rin ako para sa kalikasan." marahil ay pare-parehas kaming nararamdaman na tatlo dahil hindi rin naman ginusto ni Luntian ang kanyang ginagawa. Nais niya lang turuan ng leksyon ang mga tao na kung gaano kahalaga ang kalikasan sa buhay ng isang tao.
"Pakiramdam ko ay sila-sila lang din ang makakaayos ng gulong ito, si Luntian lang din naman ang makakapagpagaling sa mga taong may sakit." gumagamit si Luntian ng mahika para sa mga prutas ng punong sulpot at tanging mahika niya lang din ang makakapagwalang-bisa rito.
Pagkabalik namin sa bayan ng Kamora ay ganoon pa rin ang aming nadatnan, puno pa rin ng takot ang mga taong nandito na baka silang lahat ay mahawa sa sakit na kumakalat at mamatay.
"Kumusta ang inyong naging paglalakbay?" tanong sa amin ni Melia dahil siya ang unang sumalubong sa amin at kasi od niy si Isla. "Kakatapos pamang namin magluto upang ipakain sa mga taong nandito, nagtabi na rin ako ng pagkain para sa inyo."
"Nakakuha na kami ng bunga mula sa punong sulpot." sahi ko sa kanila at nakapagpangiti sa kanila.
"Sa wakas, magagawan na natin ng gamot ang mga taong may sakit. May pag-asa pang mailigtas ang kanilang buhay," malawak ang ngiti sa labi ni Melia dahil saksi siya sa paghihirap ng bawat taong nakakain ng bunga ng punong sulpot. Ngunit hindi nakita ni Melia ang paghihirap ng kalikasan sa kamay ng mga taong ito.
Kinuha ni Jacko ang bunga at saglit siyang napahinto at inusisa ang bungang ito. "Wala itong lason ngunit nararamdaman akong mahika na bumabalot sa bungang ito." sabi niya habang nakatingin sa amin. "Paniguradong may tao sa likod ng mga pangyayaring ito, tama ba?"
Isa talaga si Jacko sa mga taong mahirap linlangin dahil mabilis niyang nauunawaan ang mga bagay-bagay at sitwasyon. Para sa akin ay hindi mapapantayan ang talinong kanyang taglay.
Nagbitaq ako ng malalim na buntong hininga. "Kayo na muna ang bahala sa mga tao rito. Kakausapin ko si pinunog Goryo patungkol sa nangyayaring epidemya." naglakad ako paalis at iniwan ang jba kong kasamahan.
Dire-direrso akong naglakad tungo sa bahay na tinitirhan ni pinunong Goryo at pagkarating ko sa kanyang tahanan ay napatayo siya. "Basil nandito ka na pala, natukoy ninyo na ba ang sanhi ng epidemya? Maililigtas ba ang mga taong aking nasasakupan?" tanong niya at bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Bakas din sa kanyang mukha na sana'y mabuting balita ang dala ko sa kanya.
"Hindi na namin kayo matutulungan sa problema ninyo rito sa bayang ito," nahinto si pinunong Goryo sa aking sinabi at tila ba naguguluhan.
"B-bakit? Hindi ba naging maganda ang pagtrato ng aming bayan sa inyo? B-Basil, huwag ninyo kaming sukuan. Kayo na lang ang pag-asa ng mga tao rito at umaasa ang lahat na maililigtas ninyo ang mga taong apektado ng epidemya," nagmamakaawa niyang sabi.
"Natukoy ko na ang sanhi kung bakit ito nangyayari," natahimik si pinunong Goryo sa aking tinuran. "Masasabi ko na kayo ang may mali kung bakit nangyayari sa inyo ang mga bagay na ito."
"Saan? W-wala kaming ginagawang masama sa ibang tao o sa ibang bayan! Tahimik kaming namunuhay dito." paliwanag niya.
"Sa tao, wala. Pero sa kalikasan. Oo. Malaki ang kasalanan ninyo sa ating kalikasan. Inabuso ninyo ang gubat na malapit dito sa bayang ito, pinutol ninyo ang mga puno na walang itinatanim na bagong puno, nauubos na rin ang mga hayop sa paligid dahil na rin sa inyong patuloy na pangangaso. Marumi rin ang tubig ng ilog dahil sa dumi ng inyong bayan. Ngayon mo sabihing hindi ninyo inabuso ang kalikasan?" tanong ko sa seryosong tono.
Natahimik si pinunong Goryo ng ilang segundo. "Ang problema sa bayan ninyo ay hindi namin malulutas dahil b—"
"Anong gusto mong gawin namin!? Mamatay sa gutom? Hindi kami pinapapasok sa ibang bayan dahil kriminal kami noon, wala kaming kakayahan na bumili ng aming pagkain o kahit bagong saplot. Nakadepende lang kami sa kalikasan dahil ito lang ang nagbibigay ng aming pangangailangan. Basil, nahihirapan din kaming mamuhay, hindi ganoon kayaman ang bayan namin, gustuhin man namin mamuhay ng normal ay hindi namin magawa dahil lang mga dati kaming kriminal! Wala kaming tulong na nakukuha mula sa gobyerno, walang mangangalakal ang gustong tumungo sa bayan namin dahil sa takot," naiiyak na si pinunong Goryo habang siya'y nagpapaliwanag.
Hindi ako nagpaapekto sa kanyang sinasabi. Lahat ng bagay naman na iyon ay naranasan ko, kailangan kong ipakita sa iba na matigas ako upang hindi na mangyari muli ang ginawa sa akin ni Avery. "Bilang isang mamamayan na nakadepende sa kalikasan, hindi ba't resposinbilidad ninyo na pangalagaan ito at pagyamanin?"
"Galing kami sa gubat at sa punong tinutukoy ninyo. Nakausap namin ang isang tao na nagngangalang Luntian. Ibinabalik niya lang sa inyo ang mga bagay na ginawa ninyo sa kanyng tirahan. Ibinigay niya ang lahat upang suportahan ang pangangailangan nang bawat isa sa inyo ngunit ano ang inyong ginawa? Wala! Nagputol kayo ng puno at kumitil ng maraming hayop at hindi ninyo inisip ang magiging epekto nito sa kalikasan. Ngayong narinig ko ang ibang panig ng kwento ay tumatanggi na ako na tulungan kayo... kayo lang din ang makakaayos ng gulong ito, pinunong Goryo." paliwanag ko sa kanya.
"Ang ibig mong sabihin ay nagagalit ang kalikasan sa amin?" tanong niya.
"Hinihilom lamang ng kalikasan ang kanyang sarili at pinoprotektahan ang sarili nito sa mga bagay na lumalason sa kanya... kayo iyon," sabi ko sa kanya at natahimik ang pinuno, tila ba naisip niya na baka tama ang aking sinasabi ngayon. Yumuko ako bilang magbigay respeto. "Mauuna na ako pinunong Goryo. Nawa'y naintindihan mo ang sitwasyon ngayon at gawin mo ang bagay na sa tingin mong tama."
Naglakad na ako palabas ng kanyang tirahan at iniwan siyang nakatayo. Alam kong hindi madali para kay pinunong Goryo na pamunuan ang isang bayan dahil wala naman siyang kaalam-alam sa mga ganitong bagay. Pero sana naman ay magawa niyang protektahan ang kalikasan na isangmalaking bagay kung bakit sila nabubuhay ngayon. Hindi lang tao ang dapat pinoprotektahan, maging ang mga puno, hayop, o kahit anong may buhay dito sa mundong ito. Lahat ito ay pinapanatili ang pagiging balanse ng ating mundo.
***
Kinagabihan, Nandito ako sa labas ng bahay na aming tinutuluyan. Tila ba naging paborito ko nang bagay na gawin ang pagtingin sa mga bituin sa tuwing gusto kong mapayapa ang aking isipan. Ang makita ang kinang ng bawat bituin ang nagpapakalma sa akin. Biglang umupo si Melia sa aking tabi at niyakap ang kanyang tuhod. "Naikwento na sa akin ni Flavia ang nangyari sa gubat at engkwentro ninyo sa isang tao na nagngangalang Luntian," wala rin naman akong balak na ilihim sa kanya ang balak na iyon. Kung may ilang tao man akong pinagkakatiwalaan ay iyon ang Sol Invictus. Sila ang mga taong alam kong naniniwala sa akin kahit gaano pa kasama ang binibintang sa akin ng ibang tao.
"Masama na ba akong tao kung tinanggihan ko na ang hinihinging tulong ng bayang ito?" tanong ko sa kanya, sa tuwing tinitignan ko ang mukha ni Melia ay nakakaramdam ako ng kung anong gaan sa aking loob. Sa kanya lang ako komportable na nakakapagsabi ng aking saloobin.
"Hindi ko man alam ang pinag-usapan ninyo ni pinunong Goryo ngunit alam kong ginawa mo lang ang sa tingin mong tama," may ngiti sa kanyang labi at tumingin siya sa kalangitan at pinagmasdan niya rin ang mga bituin. "Alam kong maiintindihan din ni pinunong Goryo ang kanyang pagkukulang at gagawa siya ng paraan para maayos ang gulong ito ngayong alam niya na ang sanhi. Hindi niya rin naman pababayaan ang kanyang nasasakupan." paliwanag ni Melia sa akin.
"Paano kung mas lalo lang akong kamuhian ng mga tao rito dahil hindi ko na sila tulungan?"
"Kagaya nga nang sinabi mo noon, Blade, hindi mo ginagawa ang mga bagay na ito upang maging tanyag ka sa mga tao. Ginagawa mo ang mga bagay na ito dahil alam mo na ito ang tama at wala kang pakialam sa iisipin o sasabihib ng iba." Paliwanag niya at natuwa naman ako dahil naalala niya pa ang bagay na iyon.
"Hindi na rin dapat tayo magtagal sa bayang ito, Melia, kailangan na nating umalis upang hanapin pa ang apat na maalamat na hayop. Kaunting oras na lang ang mayroon tayo upang maisagawa ang ating misyon." Alam kong hindi tumitigil si Jacko at Lucas sa pagtukoy sa lokasyon ng iba pang maalamat na hayop. Mahihirapan na rin kaming pumasok sa iba pang bayan lalo na't alam na nila ang aming hitsura, hindi na sikreto sa mundong ito ang prisensya ng Sol Invictus. . "Bukas na bukas din ay kinakailangan na nating umalis sa bayang ito upang magpatuloy sa paghanap sa natitira pang maalamat na hayop."
"Nawa'y maghilom ang bayang ito at maging ang kalikasan nito." sabi ni Melia.
Ilang minuto rin kaming naupo sa labas at pinagmasdan ang mga bituin bago namin naisipang pumasok dala nang antok.
***
Kinaumagahan ay maaga pa lang ay maririnig na ang matinis at malakas na boses ni Isla. "Panginoon! Mga kasama! Gumising kayo!" sigaw niya sa amin habang niyuyugyog niya ang aking katawan. May importante bang nangyari? Pagod na pagod ang katawan ko dahil sa mga nangyari kahapon kung kaya gusto ko pang matulog. "Kailangan ninyo itong makita! Tingnan ninyo ang mangyayari sa bayan."
Agad na pumasok sa isip ko ang mga taong may sakit, dumami ba ang bilang ng mga taong nagkakasakit? Mas lumala ba ang epidemya na kumakalat sa bayang ito?
Dali-dali akong bumangon at magbihis. Ganoon din ang iba kong kasamahan sa Sol Invictus. Pagkabangon namin ay dali-dali kaming bumaba at hindi ko inasahan ang aking makikita... o baka naman inasahan ko na ito ngunit lubhang nagalak ang puso ko sa nangyayari.
Ang mga tao sa bayan ng Kamora ay nagsisimulang maglinis at pinangungunahan ito ni pinunong Goryo.
"Sabi ko sa'yo, hindi sayang ang ginawa mong pagkausap kay pinunong Goryo kagabi dahil ngayon ay natauhan siya na mahalaga ang kapaligiran para sa knyang mga nasasakupan." Nakangiting sabi sa akin ni Melia.
Noong mamataan kami ninpinunong Goryo ay agad itong naglakad tungo sa aming direksyon at may nakasunod sa knyang dalawang mandirigma o guwardiya. "Mabuti naman at gising na kayo."
"Anong nangyayari?" tanong ko.
"Matapos kitang makausap kahapon ay napagtanto kong tama ka. Masyado naming inabuso ang kalikasan, hindi namin inisip na madaming benepisyo kaming nakukuha rito ngunit kami itong lason na pumapatay sa kanya. Ngayon ay balak kong maglinis ng kapaligiran katulong ang mga tao sa bayang ito. Mamaya lang din ay balak naming pumasok muli sa gubat upang magtanim ng mga puno't halaman." paliwanag sa akin ni pinunong Goryo na nakapagpangiti sa akin. Tama iyan, ang kalikasan ay kayang mabuhay kahit wala ang tao samantalang ang tao naman ay hindi kaya mabuhay ng wala ang kalikasan.
Pinagmasdan ko ang paligid, ang mga taong hindi apektado ng epidemya ay heto sila ngayon at nililinis ang kanilang kapaligiran. Mukhang napagtanto na nila kung saan sila nagkulang at kung ano ang dapat nolang gawin.
"Ano, Blade, aalis na ba tayo ngayon?" ngumiti si Melia sa akin.
Kumamot ako sa aking baba. "S-siguro ay hindi naman masama kung mananatili tayo rito ng isa pang araw at tumulong sa kanilang ginagawa, hindi ba?"
"Ayos!" masayang sigaw ni Isla. "Handa na ako ulit na magluto para sa mga tao rito ate Melia, mag-isip na tayo ng putahe na ating ihahain!"
"Baka nakakalimutan mo na ilang araw na lang ang may—"
Mabilis kong pinutol ang pag-alma ni Jacko. "Bago tayo naging Sol Invictus ay tao tayo na parte ng isang mamamayan. Tulungan muna natin sila at ayusin ang gulo sa pagitan ng kalikasan at ng kanilang bayan." Desidido kong sabi at unti-unting napangiti ang mga miyembro ng Sol Invictus dahil wala na rin silang magagawa dahil buo ang aking desisyon. At isa pa, alam ko naman na gusto nilang manatili rito upang tumulong sa mga ginagawa ng mga tao.
Bitbit ko ang ilang maliliit na halaman na itatanim, naglakad kami nina Flavia at Lucas patungo sa lokasyon ng punong Sulpot kasama ang iba pang mamamayan ng Kamora.
"Mapapatawad kaya kami ng taong nagbabantay sa punong sulpot na iyon?" may pangamba sa mukha ni pinunong Goryo. "Tintignan ko ngayon ang mga putol na puno sa paligid ay pakiramdam ko ay malaki ang pagkakamali namin sa kalikasan."
"Kung ipapakita ninyo na tunay at tapat ang paghingi ninyo ng tawad ay paparawarin kayo ni Luntian, at baka ibigay din niya ang lunas sa epidemyang kunakalat sa inyong bayan." paliwanag ni Flavia.
Narating namin ang punong Sulpot at tahimik lamang ang lugar na ito. Mukhang walang balak si Luntian na lumabas mula sa puno kahit alam niyang nandito kami. "L-Luntian. Tagapagbantay ng lugar na ito. Hinihiling sana namin ang inyong pahintulot na ikaw ay aming makausap." sabi ni Pinunong Goryo at lumuhod siya at nagbigay respeto sa punong ito.
"Pahintulutan ninyo kaming makausap ka." sabi ng kanyang mga tagasunod.
Ilang segundo ang lumipas ngunit wala kaming sagot na nakuha. Mukhang ayaw ni Luntian na makausap ang mga tao sa bayan ng Kamora. Mukhang matindi ang galit niya rito dahil tirahan niya ang sinira ng mga taong ito. Bilang isang tao ay gusto kong magkaayos ang dalawang panig at maibalik ang dati nilang pagsasama na kung saan payapang ibinibigay ng gubat na ito ang pangangailangan ng mga tao at inaalagaan naman ng mga tao ang kalikasan bilang balik.
"Nakikiusap kami, Luntian! Kausapin mo kami!" muling pakiusap ni pinunong Goryo.
"Lalabas ka sa punong iyan o susunugin ko ang buong gubat na ito?" nagpalabas si Lucas ng apoy sa kanyang kamay at habang lumilipas ang ilang segundo na walang responde kay Luntian ay mas lumalaki ito. "Sige, madali akong ka—"
"H-heto na! Galit na galit?" lumabas si Luntian sa kanyang pinagtataguan at hinarap ang mga tao. "Kung hihilingin ninyo na ibibigay ko sa inyo ang gamot para maghilom ang mga taong nagkasakit, nagkakamali kayo! Kabayaran lamang ninyo iyon sa ginawa ninyong pag-aabuso sa kalikasan at pagsira sa aking tahanan."
Gumilid kaming tatlo nina Flavia at Lucas, hinayaan na lamang namin na ang dalawang panig ang mag-ugnayan dahil sila lang din ang makakaayos ng gulo sa pagitan nila.
"Hindi ako hihingi ng gamot sa iyo," sabi ni pinunong Goryo na ikinabigla ni Luntian. "Nandito ako para humingi ng kapatawaran dahil sa matinding kasalanan na nagawa ko sa kalikasan. Bilang isang pinuno ng isang bayan ay ang laki nang aking pagkakamali na hindi ko man lang naiwasto ang maling gawi ng aking masasakupan at hinayaan silang abusuhin ang kalikasan. Kung ito'y parusa sa amin ng kalikasan ay tatanggapin namin ito, pero gusto namin maayos ang gusot sa pagitan ng aming bayan at nang iyong tirahan."
"Humihingi ka nang tawad? Sana sinabi mo iyan sa mga puno na sinira mo para lang makapagpatayo ng bahay at makagawa ng apoy! Sana sinabi mo iyan sa mga hayop na umalis ma sa lugar na uto dahil wala na silang maayos na tirahan! Sana sinabi mo iyan sa mga isda na ngayo'y dumadaan na sa maruming tubig dahil sa dumi ng inyong bayan... sana noon pa lang ay inalagaan ninyo na ang mga ibinibigay kong bagay sa inyong bayan!" Umiiyak na sabi ni Luntian. "Oo, ginawa ang kalikasan upang tulungan mabuhay ang tao... pero inabuso ninyo kami, hindi ninyo kami ginamit sa mabuting paraan bagkus ay kami'y inyong sinira."
"Malaki ang aking pagkakamali. Nagprisinta ako maging pinuno ng bayang ito kahit wala akong kasanayan dahil akala ko ay madali lang ang gawain nito. Umasa kami masyado sa kalikasan. Hindi na namin maibabalik ang mga punong nawala o ang mga hayop na namatay para lang kami'y may makain. Ngunit hindi pa ang huli ang lahat, sa tulog nila Basil ay ipinaunawa nila sa akin kung gaano kaimportante ang kapaligiran. Humihingi ako ng kapatawaran sa aking pagkukulang at sa pag-abuso namin sa inyo. Pero hayaan mo kaming bumawi sa pagkakataong ito." paliwanag ni Pinunong Goryo at itinaas niya ang mga halaman na kanilang hawak. Sa unang pagkakataon ay nakita ko sa kanya ang isang katangian ng pagiging isang pinuno, iyon ay ang pagtanggap sa pagkakamali at gumawa ng bagay upang maiwasto ito.
"Magtatanim kami para sa kalikasan." nakangiti niyang sabi.
"Humihingi kami ng kapatawaran!" Yumuko ang lahat ng mga taong nandito at kita ko sa mukha ni Luntian ang gulat.
Napuno ng luha ang kanyang mata at napaiyak, iyon ang bagay na gusto niyang gawin ng mga tao sa kanya... ang tulungan siya.
Naputol ang lahat ng isang pagyanig ang aming naramdaman at isang malakas na pagsabog ang aming natanaw sa 'di kalayuan. Ang mga ibon ay nagliparan palayo na animo'y isang panganib ang paparating.
"Anong nangyayari?" tanong ni Luntian habang nakatanaw siya sa apoy na unti-unting lumalaki.
Ilang minuto lamang ay dumating si Jacko na nakasakay sa isang griffin, bakas ang pagkaalarma sa kanyang mukha at pawis na pawis ito at mukhang nagmadali tungo rito.
"Anong nangyayari—"
"Basil... sinusugod tayo! Nandito ang Ixion kasama ang ilang kawal mula sa kalapit bayan! Inaatake nila tayo!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top