Kabanata 44: Kapalaran

I know the fact that I don't usually update this story because I am busy in my life now (#adulting) thank you for 100,000 reads guys! I highly appreciated it.

-44-

Kaia

Pagkabalik namin sa Norton ay mabilis na kumabog ang aking dibdib, siguro marahil ay alam ko na ang aking kahahantungan at iyon ay matanggal sa Ixion. Nandito ako sa aking silid habang pinagmamasdan sa bintana ang mga taong abala sa kani-kanilang ginagawa.

Ang maging miyembro ng Ixion ang pangarap ng magulang ko sa akin. Sa ganitong paraan ko kasi maiaangat ang buhay ng mga magulang ko mula sa pagiging mahirap ay makakapasok sila sa mataas na antas ng lipunan... pero ngayon, hindi ko na alam. Sapat naman siguro kahit papaano ang aking naipon upang magkaroon ng negosyo sa bayang ito o kaya naman ay lisanin ko na rin ang lugar na ito.

Naputol ang aking pagmumuni-muni nung biglang bumukas ang aking pinto at tumambad ang mukha ni Sabrina na mukhang alalang-alala sa akin. "Sabrina, anong ginagawa mo rito? Baka makita ka ni Avery at madamay ka pa sa kanyang parat—"

Hindi ko na naituloy ang aking sinasabi nung mahigpit niya akong niyakap at ramdam ko ang luha niya sa aking balikat. Sa lahat ng miyembro ng Ixion ay si Sabrina ang pinakamalapit sa akin.

"Kaia, kakausapin ko si Avery, mapapakiusapan ko naman siya na huwag kang tanggalin sa grupo," sabi niya sa akin at alam kong isa siya sa mga maaapektuhan kapag nawala ako sa grupo.

Hinarap ko siya at pinahid ang kanyang luha. "Huwag mong gagawin iyan, Sabrina, madadamay ka lang sa gulong 'to at baka bigla ka na lang nilang parusahan. Ayoko rin naman ipakita kay Avery na desperado ako, ayokong magmakaawa sa hayop na 'yon." Buti na lang talaga at hindi ko siya nirerespeto. Iiwanan din pala ako sa ere ng gago.

"Pero ayos lang sa'yo na mawala ka sa Ixion, Kaia? Pangarap mo ito 'di ba?" Sabi niya.

Naputol ang pag-uusap naming dalawa nung may isang kawal ang pumasok sa aking silid. "Kaia, ipinapatawag ka ng mahal na hari." wika niya. Tingnan mo nga naman, kakabalik lang namin sa Norton ay nakapagsumbong na agad si Avery. Pero kung tutuusin ay kasalanan ko rin naman talaga. Kung hindi ko pinakawalan si Blade noon ay hindi naman 'to mangyayari, hindi mangyayari ang malaking gulo na ito.

Bumitaw ako kay Sabrina. Ayaw niya pa akong pasamahin ngunit wala naman din siyang magagawa dahil si Haring Arturo ang nagpapatawag kung kaya't nararapat lamang na sundin ito.

Tumungo ako sa pribadong silid kung saan ko makakaharap si haring Arturo. Maliit lang ito na silid na napapalibutan ng maraming libro at sa gitna nito ay nandoon nakaupo si haring Arturo habang nakatayo sa kanyang gilid si Avery na may malaking ngisi sa kanyang mukha nung makita ako.

Ngumiti ako kay Avery upang ipabatid sa kanya na hindi na ako natatakot sa kung anong maaaring kahantungan ko. Tandaan niya, isa ako sa mga malalakas na miyembro ng Ixion. Hindi ako ang nawalan, ang ixion ang mawawalan. Nagbago ang ekspresyon niya nung makita niya na para bang hindi ako apektado sa mangyayari.

Kahit pala anong pagpupimilit ko na hindi ako kinakabahan ay walang epekto dahil kinakabahan talaga ako sa kahihinatnan ko. Ayoko lang na makita ni Avery nagtagumpay siya na mapatalsik ako, hindi rin naman ako tanga na hindi ko alam na walang galit sakin si Avery.

Nagbigay respeto ako kay haring Arturo sa pamamagitan nang pagyuko sq kanyang harapan at muli siyang hinarap. "Ipinatawag ninyo raw ako, mahal na hari?"

Seryoso ang mahal na hari at hindi man lang nito nagawang ngumiti sa akin gaya nang lagi niyang ginagawa noon. "Kaia, totoo ba ang sinabi ni Avery sa akin?"

Umupo ako sa bakanteng upuan. "Ano po ba ang sinabi sa inyo ni Avery, haring Arturo? Minsan kasi ay gumagawa rin ng kwento si Avery kung kaya't 'di ko rin alam kung tunay ang kanyang sinasabi." ngumisi ako kay Avery at nagbago ang timpla ng kanyang mukha at halatang nainis sa aking sinambit.

"Umayos ka sa iyong pananalita, Kaia. Pinuno pa rin ako ng Ixion at kailanma'y hindi ko magagawang magsinungaling lalo na sa harap ng hari." wika niya. Gusto kong malaman kung saan humuhugot ng lakas ng loob itong gago na ito. Wala na bang katotohanan na lalabas sa bibig nito? Ito siguro marahil ang dahilan kung bakit hindi ko siya magawang respetuhin—alam kong isa siyang malaking kasinungalingan.

"Hindi kita kinakausap, ang hari ang tinatanong ko. Pinuno ka pa man din ng ating samahan ngunit nakalimutan mong kabastusan ang pagsabat sa usapan nang may usapan." baka ito na ang huling araw na mapipikon ko si Avery kung kaya't susulitin ko na. Panigurado namang grabeng paninira ang mga sinabi niya sa mahal na hari upang matanggal lang ako sa Ixion.

"Tumigil kayong dalawa!" Inis na sabi ng mahal na hari at malakas na kinalampag ang lamesa. "Kaia totoo ba na ikaw weng nagpalaya kay Blade nung siya'y nakatakdang patayin?" bakas ang galit sa boses ng hari at hinihintay ang aking kumpirmasyon.

Nagbitaw ako ng malalim na paghinga. Totoo naman din na ako ang nagpalaya kay Blade na pinagsisisihan ko ngayon dahil sa kasamaang ginagawa niya. "T-tunay po, haring Arturo."

"At hinayaan niyang makatakas sina Blade noong nakipaglaban siya rito at hinayaan niya rin na mamatay ang Bawa." sabat ni Avery at masama ko siyang tiningnan. Bakit ba nandito ang gagong 'to? Pribadong usapan ito sa pagitan ko at ng hari pero heto siya, pana'y ang pagbabato ng mga salita na puro kasinngalingan. Hindi ko alam kung bakit siya ang naging pinuno ng Ixion kung kalahati ng kanyang pagkatao ay binubuo ng kasinungalingan..

"Hinayaan? Nagpapatawa ka ba? Ginawa ko ang lahat para pigilan silang makatakas, hindi basta-bastang mga rebelde ang tinutugis natin, Avery, binubuo ng malalakas na mandirigma ang Sol Invictus." Kung personal niya lang talagang nakalaban sina Blade ay hindi siya mag-a-angas nang ganito.

"Mahal na hari, alam nating malapit na kaibigan ni Blade si Kaia. Nagawa niya ngang patakasin ito noon at nagawa niya ulit ngayon, hindi malabong gawin niya ulit iyon sa mga susunod pang pagkakataon. Sa totoo lamang ay hindi naman talaga siya nakakatulong sa Ixion bagkus ay nakakaperwisyo pa siya," palihim akong napakuyom ng aking kamao.

"Oo nagawa kong patakasin si Blade noon dahil naniniwala ako na hindi siya ang pumatay kay Ginoong Alvaro. Pero ngayon ay ginawa ko ang aking makakaya para lang mapigilan siya. Huwag mong kwestyunin ang katapatan ko sa bayan at sa aking trabaho dahil ginagawa ko ito ng maayos. Hindi ako katulad mo na magaling lang mag-utos pero wala pang napapatunayan." Parang sa isang iglap ay nawala sa isip ko na nasa harap ko si haring Arturo. Ibig kong sapakin ang gagong si Avery na ito ngunit pinipigilan ko lang ang aking sarili. Ayokong gumawa ng eskandalo o mas malaking gulo.

"Tumigil kayo!" sigaw ni haring Arturo kung kaya't naputol ang aming pag-aaway. "Ngayon ay alam ko na kung bakit maraming beses nang pumapapalpak ang Ixion sa kanilang misyon. Wala kayong pagkakaisa, walang respetuhan, at hindi kayo nagkakasundo." 'Si Avery lang ang hindi ko kasundo mahal na hari. Wala akong problema sa ibang miyembro.' Gusto kong dumabat ngunit ayoko ring maging bastos sa pinuno ng bayang ito.

"Kaia, alam mo naman siguro na walang kasalanan ang hindi pinagbabayaran. Malaking gulo ang nangyayari dahil sa pagpapatakas mo kay Blade," seryosong sabi ng mahal na hari sa mas mahinahon na tono. Alam na alam niya talaga kung paano hahawakan ang ganitong klaseng sitwasyon dahil kahit anong panunulsol ni Avery ay bibigyan niya pa rin ang gulong ito nang masyos na hustisya.

"Naiintindihan ko po mahal na hari, hindi ko rin kayo masisisi kung papatawan ninyo ako ng mabigat na parusa." kanina ko pa hinanda ang sarili ko sa aking kahahantungan.

"Matitigil ang trabaho mo bulang miyembro ng Ixion at mananatili ka sa ating bayan upang magserbisyong bayan," sabi na't matatanggal ako sa pagiging Ixion. "Sa loob ng isang linggo." Nabigla ako sa pahabol na salita ng mahal na hari dahil sinuspinde niya lang ang trabaho ko bilang Ixion at hindi tuluyang tinanggal.

Maging si Avery ay nagulat sa sinabi ni Haring Arturo. "Ngunit mahal na hari, mabigat ang kasalanang nagawa ni Kaia sa bayan!"

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ng mahal na hari. "Ngayon ko pa ba tatanggalin si Kaia sa Ixion kung mas nalalapit na ang paglalaho at may apat na maalamat na hayop na laman ang natitira?" natahimik si Avery sa sinabi ni haring Arturo habang lumiwanag naman ang ekspresyon ng aking mukha. Mas ayos nang magserbisyo ako sa bayan ng Norton panandalian ke'sa makasama ngayon si Avery, kailangan ko ring magnilay-nilay at maibalik ang aking konsentrasyon sa tunay naming misyon.

"Sana ay magawa ninyo ng maayos ang inyong misyon at maprotektahan ninyo ang mga maalamat na hayop. Iligtas natin ang mundong ito sa magaganap na paglalaho." Huling sinabi ng mahal na hari sa amin.

Sa huli, ay hindi muna ako gagawa ng kahit anong aktibidad na may kinalaman sa pagiging Ixion ko sa loob ng isang linggo at mananatili ako sa bayan ng Norton habang sila ay magklalakbay upang tugisin ang Sol Invictus at maprotektahan ang ibang maalamat na hayop.

Pagkalabas naming dalawa ni Avery sa munting silid na iyon ay agad akong tumingin kay Avery na masamang nakatingin sa akin. "Paano ba 'yan, pinuno, hindi umayon sa'yo ang desisyon ng hari. Hindi mo ako nagawang patalsikin kahit nagbato ka pa ng ilang kasinungalingan." wika ko sa kanya habang kumuyom ang kamao ni Avery.

Mabilis na nagbago ang ekspresyon ni Avery pero alam kong ipinapakita niya lang iyon upang itago ang kanyang galit. "Sinabi ko lang naman sa mahal na hari ang katotohanan sa abot ng aking makakaya. Masaya ako para sa'yo, Kaia, mananatili ka pa rin sa Ixion." 

"Masaya rin ako na mananatili ako sa grupo, pero hindi ako masaya na makikipagtulungan ako sa gagong gaya mo." naglakad ako sa kabilang direksyon ng may ngisi sa aking labi.

Hindi ko sasayangin ang ibinigay na pagkakataong ito ng mahal na hari at gagawin ko ang lahat upang mapatay si Blade at ang buong Sol Invictus. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top