Kabanata 42: Abandonadong bayan
"Apat na maalamat na hayop na lamang ang kailangan nating patayin at matatapos na ang ating misyon!" masayang bigkas ni Isla habang kumakain kami ng isda na aming nahuli sa ilog na aming nadaaanan.
Saglit kaming tumigil sa tabing ilog upang makakain at makapagpahinga, siguro naman ay hindi na kami masusundan dito nila Avery o Kaia dahil malayo na ito sa bundok kung saan nananatili ang Bawa.
"Hindi dapat tayo makampante," wika ko sa kanila at napatango-tango si Jacko. "May isa't kalahating buwan na lamang ang mayroon tayo bago dumating ang Paglalaho. Kaunting oras na lamang ang mayroon tayo ngunit apat pang maalamat na hayop ang kailangan nating mapatay."
"Pero dahil tatlo na ang namamatay sa mga maalamat na hayop ay paniguradong mababawasan na ang malaking pinsala na mangyayari sa paglalaho." may punto rin naman ang sinabi ni Melia ngunit mas magiging malakas ang maalamat n hayop sa darating na paglalaho kung kaya't hindi dapat makampante.
"May paparating." naalarma kami sa sinabi ni Lucas ngunit mabilis niyang ginamit ang kanyang kapangyarihan upang palitan ang anyo ng bawat isa.
Ilang minuto lamang ay lumipas ay may narinig kaming tunog ng karwahe na dumadaan. Isang matanda ang nagpapaandar samantalang may kasama pa siyang tatlong manlalakbay sa loob ng bagon. Mabuti na lamang at malakas ang panramdam ni Lucas, sa sitwasyon ng Sol Invictus ngayon ay itinuturing kami na pinakamasamang grupo sa mundong ito kung kaya't kailangan din naming mag-ingat.
"Kain po," alok ko sa mga manlalakbay at inangat ko ang inihaw na isda na aming naluto.
Ngumiti sa akin ang isang manlalakbay, hindi naman din sila mukhang masama at mukhang mangangalakal lamang sila na naglalakbay sa iba't-ibang panig ng mundo.
"Maraming salamat sa iyong alok ngunkt katatapos lang din naming kumain." wika niya at saglit niyang inihinto ang kanyang karwage sa aming tapat. "Mga manlalakbay din kayo, tama ba ako?" tanong niya.
"Oo." tipid na sagot ni Jacko.
"Kung gayon ay mag-iingat kayo sa inyong paglalakbay at iwasan ninyo tumungo sa bayan ng Kamora at kahit sa gubat malapit dito," paalala sa amin ng matanda. Kilala naman talaga ang bayang iyon bilang kinattakutang bayang dahil itinuturing itong tirahan ng mga rebelde at masasamang loob. "Lubhang mapanganib ang lugar na iyon para sa gaya nating mangangalakal."
"Maraming salamat sa inyong paalala at susundin namin ito," ngumiti si Melia sa kanila na ngayo'y nsa matandang babae n anyo. "Hindi kami tutungo sa bayang iyon at nawa'y maging maayos din ang inyong paglalakbay."
Tuluyang nakaalis ang mga manlalakbay at hindi na sila sumabay sa amin kumain. Itinigil na ni Lucas ang paggamit ng kanyang mahika at bumalik na kami aa tunay naming anyo. "Panginoon, sigurado kang tutungo tayo sa bayang iyon?" bakas ang takot kay Isla. Bata pa rin talaga siya dahil mabilis pa rin siyang matakot sa mga nakakatakot na lugar.
"Iyon ang pinakaligtas na lugar para sa ating ngayon, Isla," paliwanag ko sa bata.
"Pinakaligtas? Pinamumugaran ito ng mga bandido, rebelde, at mga masasamang loob. Paano tayo naging ligtas sa lugar na iyon?" sabi ni Flavia.
"Magtiwala na lang tayo kay Basil, hindi niya naman hahayaan na mapahamak tayo. At isa pa, tayo ang Sol Invictus, is sa pinakamalakas na grupo sa mundong ito." paliwanag ni Melia.
"Kami lang," biro ko sa kasama at masama niya akong tiningnan. "Wala kang marka ng Sol Invictus."
"Ha! Hindi ko kailangan ang markang iyan para patunayan ang pagiging tapat ko sa grupo." depensa niya. Hindi ko maitatanggi na naging isa ng pamilya ang turing ko aa Sol Invictus, marami nang pinagdaanan ang aming grupo na magkakasama naming nilampasan.
"Ilang araw naman tayong mananatili doon?" tanong ni Lucas. "Hindi tayo maaaring magtagal sa lugar lalo na't apat pa ang buhay na maalamat na hayop."
"Mga ilang araw lang. Kailangan muna nating magtago panandalian dahil hinahanap tayo ng Ixion." paliwanag ko.
Natapos kami sa aming pagkain at muling ipinagpatuloy ang paglalakbay. Pumasok ang iba sa loob ng bagon upang kahit papaano ay makapagpahinga samntalang ako ay umupo ako sa tabi ni Jacko na siyang nagpapaandar ng bagon.
"Sigurado ka ba sa daan na tinatahak natin, Basil?" tanong niya. Habang ako namay ay nakatingin sa mapa na aking hawak upang masigurado na makakarating kami sa aming destinasyon at hindi maliligaw. "Puro puno lang ang nakikita ko at sa palagay ko ay nasa gitna tayo ng kagubatan."
"Ayon sa mapa ay tama lang 'tong daan na binabagtas natin," muli akong yumingin sa paligid. Kahit pa puro puno ang nakikita naming dalawa ay may kakaiba akong nararamdaman sa gubat na ito. Pakiramdam ko ay maraming pares ng mata ang nakatingin sa amin at minamatiyagan kami. "Abandonadong bayan na ang Kamora kung kaya't maging ang daand ito ay hindi na rin naalagaan at napanatili."
Mayamaya lamang ay isang palaso ang bumubulusok tungo sa aking katabi. Mabilis na kumilos ang aking kamay upang masalo ang palaso. Tama ang hinala ko, may mga taong nagbabantay sa amin. Mukhang nagulat si Jacko sa nangyari pero agad niyang inihinto ang pagpapatakbo sa bagon. Pinagmasdan ko ang palaso at may kasama itong lason.
"Sol Invictus, maghanda!" malakas kong sigaw at mabilis na lumabas sa bagon ang iba naming kasamahan. "Huwag ninyo ring hahayaan na matamaan ng mga palaso dahil may kasama itong lason." paalala ko.
Hindi nagpapakita ang mga kalaban namin at maigi silang nakatago. Pakiramdam ko ay gumagamit sila ng mahika upang itago ang kanilang mga sarili.
"Lucas, kaya mo bang ugain ang bawat sanga ng puno?" tanong ko.
"Kaya ko kung gagamit ako nang kapangyarihan na makakapagpagalaw sa lupa. Ngunit maging tayo ay madadamay." paliwanag ni Lucas.
Tatlong palaso ang bumubulusok tungo sa aming direksyon at mabilis naman namin nahiwa ng bawat isang palaso nina Flavia at Melia. "Gawin mo na!"
Nagbigkas nang enkantasyon si Lucas at malakas na lumindolsa lugar, napakapit ako sa bagon upang hindi mawala ang aking balanse.
Akmang matutumba si Melia ngunit mabilis kong nahawakan ang kanyang braso upang tulungan siyang maayos na makatayo. "Ayos ka lang ba?" tanong ko.
"O-oo."
Nagbagsakan ang madaming mamamana at mahikero mula sa sanga ng puno. Tama ang hinala ko na gumagamit sila nang kapangyarihan upang irago ang kanilang sarili. Mukhang natakot sila dahil nahuli namin sila.
Akmang susugod na kami ngunit matapang na naglakad ang isa sa mga namamana. "H-huwag ninyong patayin ang kahit isa sa amin. M-maawa kayo."
"Ha?! Maawa? Kayo nga 'tong biglang umatake sa amin." sabat ni Jacko.
"Pinoprotektahan lamang namin ang lugar na ito. Nakikiusap kami na lisanin ninyo na ang lugar," pakikiusap niya atbinaba nuya ang hawak niyang pana at palaso para patunayan na seryoso siya sa kanyang binitawang salita.
"Pinoprotektahan? Para saan?" tanong ni Melia.
"Kami ang mga nagbabantay papunta sa bayan ng Kamora. Iniiwasan namin na makapasok ang nga mangangalakal o kung sinong estranghero sa aming bayan." paliwanag niya.
Kung isa silang rebelde, masasabi kong ang bait nila sa pagsasabi ng totoo.
"Tama ka, pupunta kami ngayon sa bayan ng Kamora, may balak ka bang pigilan kami?" tanong ko sa mas seryosong tono at hangga't maaari ay pinagmumukha ko na naman masama ang aking sarili. Kung kinakailangan kong magmukhang masama para mapasunod ang mga tao sa aking paligid.
"Ramdam ko ang kakaibang lakas na bumabalot sa bawat isa sa inyo kung kaya't kapag pinigilan namin kayo ay mamamatay lang kami," paliwanag niya sa akin at mukhang mas kalmado na siya. Hangga't maaari ay pipilitin niyang maayos ang gulong ito sa maayos na pag-uusap. "At isa pa, sinong hindi makakakilala sa inyong anim? Kayo na yata ang pinakasikat na mga rebelde sa mundong ito."
"Kung gayon ay sasamahan ninyo kami makarating sa bayan ng Kamora?" tanong ni Flavia pero hindi niya pa rin ibinababa ang kanyang espada dahil baka mamaya ay isa lamang itong patibong. Pero pakiramdam ko naman ay hindi dahil ramdam ko naman ang sinseridad sa taong kausap ko ngayon.
Tumingin muna siya sa mga kasama niy bago muling humarap sa amin. "Ako na lang ang sasama sa inyo. Ako si Kalus, isa sa mga tagapagbantay sa sirang bayan na ito," pagpapakilala niya sa kanyang sarili. Hindi pa ganoon katanda si Kalus at sa tingin ko ay mas matanda lang siya sa amin ng kaunti. Halos magkasingtangkad lang din kami at kayumanggi ang kulay ng kanyang balat.
"Isa lang ang hinihiling ko sa inyo, Sol Invictus, ayaw namin ng gulo at ayaw naming masangkot sa kahit anong gulo." sabi niya sa akin bago niya kami sinamahan tungo sa bayan ng Kapura.
***
Gaya nang aking inaasahan, isa na itong abandonadong bayan at iilan na lamang ang nakatira (dahil kalat sa mundong ito na kuta ito ng mga rebelde). Nangangalawang na ang mga bakal sa paligid at sira-sira na ang karamihan sa mga bahay dito.
Dire-diretso kaming pumasok sa bayan dahil ang sabi sa amin ni ginoong Kalus ay ipapakilala niya muna kami sa kanilang pinuno at ipagpapaalam ang pananatili rito. Ibinilin niya rin sa akin na kung tumutol man ang kanilang pinuno na manatili kami rito ay sana ay lumisan kamo sa bayang ito nang mapayapa. Sinang-ayunan ko naman ang kanyang sinabi.
Nagtungo kami sa isang bahay na kung saan binabantayan ng ilang mga rebelde. Hinarang nila kami ngunit si Kalus ang humarap sa kanila. "Nais lang nilang makausap si pinunong Goryo."
"Hindi ba't sila ang Sol Invictus? Hindi ka ba nag-iisip Kalus? Ipapahamak mo ang ating grupo dahil sa mga rebeldeng 'yan!" naiintindihan ko naman ang kanilang hinanaing lalo na't mainit ang mata ng gobyerno sa amin.
"Hindi ba't rebelde rin kayo?" ngumisi ako sa kanya. "Nagtatago kayo rito sa abandonadong bayan na ito kung kaya't mga kalaban din kayo ng bayan." hindi siya nakapagsalita sa akinh ipinunto dahil tama ako.
"Kakausapin lang nila si pinunong Goryo. Baka sila na ang sagot sa problema natin." nagkatinginan kami nila Melia. Kung gayon ay may kailangan siya sa amin king kaya't pinapunta niya kami rito.
Inalis ng mga rebeldeng kawal ang harang attuluyan akminb pinapasok sa bahay. Sira-sira na ng mga gamit na nasa loob at karamihan sa mga dingding ay may sura na rin. Isang natandang nakaupo sa tapat ng lamesa ang sumalubong sa amin habang umiinom ng mainit na sabaw.
"Maligayang pagdatibg, Sol Invictus," sabi nung matanda sa amin at ngumiti. "Malayo pa lamang ay ramdam na ramdam ko na abg malakas na prisensya na tumutungo sa bayang ito. Anong maipaglilingkod ng mga rebelde sa inyo?"
"Nandito kami par--"
"Magtago?" tumawa ang matandang si Goryo. "Iniisip ninyo na hindi kayo pupuntahan ng Ixion dito dahil puro rebelde ang lugar na ito?"
Natahimik kami. Hindi ko alam kung paano niya nalalaman ang mga bgay na iyon pero isa lang ang nasisigurado ko, hindi basta-basta ang matandang ito. "Nandito kayo, nagtatago rin naman kayo sa gobyerno."
"Mali ka, masyado kang mapanghusga inuno ng Sol Invictus," natahimik ako at pinaunlakan niya kaming umupo sa kanyang tapat. "Nandito kami para magbagong buhay at lumayo na sa mga nangyayaring gulo bayan at gobyerno. Ang bawat rebelde rito ay nais na nang tahimik na buhay."
Natahimik ako sa ginawa kong panghuhusga. "Hindi na kami maaaring pumunta sa iba't ibang abyan dahil paniguradong huhulihin kami kung kaya't dito kami sa bayan ng Kapura tumungo sahil kahit abandonado ito, walang manghuhusga sa amin. Kaya namin bumuo nang isang pamayanan na walang gobyernong namamalakad at nagdidikta sa amin. Kayong Sol Invictus, kayo ang grupong maaaring maglagay sa panganib sa aming bayan kung kaya't hindi ako makakapay--"
"Pero pinuno! Baka sila na ang sagot sa epidemyang kumakalat sa lugar natin, kasama nila ang babaeng may basbas ni bathala. Baka sila na ang makakagamot sa mga toang may sakit na nandito. Sa pamilya ko, kay Anna at Sandro." naluluha na sabi ni Kalus. Kung gayon ay tama ang hula ko na may problema sa bayang ito.
"Hindi nila matatanggal ang sakit na iyon--"
"Masyado mo naman minamaliit ang grupo namin, tanda. Hindi mo ba alam ay binubuo ang Sol Invictus nang magagaling, matatalino, at mahuhusay na mandirigma." ngumisi ako sa kanya.
"Habang naglalakad kami ay kapansin-pansin ang kapayatan ng mga taong nasasakupan mo na sa hula ko ay dumadaan sa matinding malnutrisyon," sbi ni Flavia at naobserbahan niya pala ang mga tao kanina. "Karamihan din ay namumula ang mga balat at panay ang ubo na sa tingin ko ay may matinding sakit na dinadamdam. Ngayon mo sabihin na hindi mo kailangan nang tulong ng Sol Invictus kung nandito ako." hindi ko inaasahan na sasakyan ni Flavia abg pagiging mayabang ko pero ayos din ito upang makumbinsi namin si pinunong Goryo na hayaan kami manatili rito ng ilang araw.
Natahimik si Pinunong Goryo ng ilang segundo. "Hayaan ninyo silang manatili rito, pinuno. Baka sila ang makatulong sa atin lalo n't hindi tayo maaaring humingi ng tulong sa mga kalapit bayan at gobyerno dahil paniguradong tatanggihan lamang nila tayo. Hayaan ninyo sila rito, iligtas natin ang mag-ina ko at magibg ang ibang mga mamamayan sa bayang ito." pakiusap niya.
Doon sumagi sa isip ko na wala ngang ibang matatakbuhan ang mga tao sa bayang ito dahil hindi naman sila tutulungan ng gobyerno dahil mga rebelde sila. Soguro ay may mga manggagamot naman sila sa lugar ngunit mukhang hindi na ito kayang gamutin ang mga tao.
"Ano, pinunong Goryo, hahayaan mo na ba kami manatili rito?" wala siyang ibang pagpipilian dahil kami lang ang maaaring makatulong sa kanya. "Ang iyong dangal bilang pinuno o buhay ng iyong nasasakupan. Mamili ka."
Nagbitaw siya ng malalim na buntong hininga. "Ilang araw ninyo ba binabalak manatili sa aming bayan?"
"Dapat ay dalawang araw lang pero dahil may problema rito sa Kapura ay baka higit sa dalawang araw ang maging pananatiki namin lalo na't ililigtas namin ang nawat mamamayan dito." paliwanag ko. "Huwag kang mag-alala, magbibigay din kami ng maraming buto ng iba't-ibang gulay at prutas upang magkaroon kayo ng pangkabuhayan dito. Tuturuan din namin ang ilang mga tauhan mo sa paggawa ng mga armas at paggamit ng sandata sa mas maayos na paraan." hindi na rin masamang alok ito lalo na't gusto ko ring tulungan ang bayang ito.
"Pumapayag na ako pero nakikiusap ako. Huwag ninyong isali ang Kapura sa kahit anong gulo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top