Kabanata 32: Laban kay Flavia
I really miss writing this story lol. Sorry for the very long hiatus of this story because of my studies (wow, nag-aral haha)
Pero iyon nga, I will try to update this story as fast as I can.
KABANATA 32: LABAN SA BABAENG MAY BASBAS NI BATHALA
Natapos ang labanan sa pagitan nina Lucas at Zardo. Saglit na nagpahinga sa aming tabi si Lucas at masayang-masaya si Isla at Jacko para sa kanya, tunay na isang magandang laban ang ipinakita niya at hindi niya ipinahiya an gaming grupo. Masasabi kong hindi maling desisyon na isang ang lalaking ito sa aming grupo kahit wala kaming ideya sa kung sino at kung ano nga ba ang tunay niyang pagkatao.
"Kaya mo pa ba itago ang hitsura namin ni Melia?" tanong ko sa kanya habang siya'y nakaupo sa aming tabi. Maraming magi ang nawala sa kanyang katawan dahil sa laban, at alam kong mahirap para sa kanya na gamitan pa rin kami ni Melia ng mahika lalo na't may sunod pa siyang laban.
"Kaya ko." Tipid niyang sagot sa akin habang walang ekspresyon ang kanyang mukha.
Lumipas ang ilang oras at mabilis na natalo ni Flavia si Calio, tunay ngang hindi basta-basta ang babaeng ito lalo na't nakita ko na ang tunay niyang galing sa pakikipaglaban. Hindi nga dapat maliitin ang kakayahan ng babaeng ito lalo na't siya ang babaeng may sandatang Templar na may basbas nang mga malalakas na pari sa bayan ng Kaliba.
"Dumating na ang pinakahihintay nating lahat, ang huling labanan ngayong araw at magbibigay kasagutan kung sino nga ba ang dapat tanghalin na pinakamalakas na mandirigma sa mundong ito!" Ani nung taga-anunsyo at mas lalong nabuhayan ang mga tao. Sa isang linggong labanan na naganap ay eto na ang huling sandal.
Tumayo si Lucas upang umakyat muli sa entablado. "Lucas, tandaan mo, hindi mo kailangang talunin si Flavia. Ang kailangan natin ay maisagawa ang plano. Ihanda mo rin ang iyong sarili dahil anumang oras ay maaaring paulanan ang entablado ng mga palasong may lason," bulong ko sa kanya at tumango naman siya sa aking sinabi.
"Flavia! Flavia!"
"Lucas! Lucas!"
Dalawang pangalan na lamang ang isinisigaw dito sa entablado. Ang bawat sigaw ay mapapansin mo talaga ang sigla at antisipasyon ng mga tao.
"Sa kanang panig, ang mandirigmang tumalo kay Zardo... Lucas!" Malakas na sumigaw ang mga tao nung umakyat sa entablado si Lucas.
"Sa kaliwanag panig! Ang babaeng may basbas ng mga pari at pinakamalalakas na salamangkero ng Kaliba, Flavia!" mas malakas ang hiyawan ng mga tao lalo na't simula pa lang ng labanan ay batid na nilang malaki ang tiyansa na si Flavia na manalo sa labanang ito. Marami ring tao ang pumusta sa kanya at marami ring nananalig sa kanyang kakayahan.
"Isla, Jacko. Maging handa kayong dalawa, gamitin ninyo ang inyong mahika sa tamang oras," bilin ko sa kanilang dalawa at tumango naman sila.
"Bago natin simulan ang labanang ito, may munting mensahe ba kayo para sa isa't isa?" Tanong nung tagaanunsyo kung kaya't saglit na natahimik ang mga tao.
Unang nagsalita si Lucas. "Hindi ko hangad na manalo sa kasiyahang ito... alam mo kung bakit ako nandito ngayon, Flavia," sabi niya na nakapagpangiti sa akin. Mayroon si Lucas nang katangian na gusto ko sa isang kasamahan. Kaya niyang pikunin ang kalaban niya gamit lamang ang salita. Ang tinutukoy ni Lucas ay alam ni Flavia na may mga palaso na maaaring biglang sumulpot sa gitna ng labanan.
Sunod na nagsalita si Flavia, hinawi niya ang mahaba niyang buhok at ngumiti kay Lucas. "Kung totoo man 'yang sinasabi mo... hindi ikaw ang gusto kong makalaban," wika niya. "Hindi ko minamaliit ang kakayahan mo bilang mandirigma, alam kong malakas ka... pero mas malakas ang pinuno ng inyong grupo."
Ang hintuturong daliri ni Flavia ay tumuro sa aking direksyon at tumingin siya sa akin. "Ikaw! Ikaw ang gusto kong makalaban para sa huling raun na ito, bakit hindi ikaw ang umakyat dito sa entablado upang patunayan sa akin ang iyong binigay na babala." Sabi niya na nakapagpatahimik sa lahat ng tao.
Lahat ng tao rito sa koliseo ay nasa akin ang atensyon. Nagsalita si Melia sa aking tabi "Basil, anong gagawin mo? Lahat ng tao ay na sa'yo ang atensyon at maaaring masira ang ating—"
Tumayo ako at naglakad pababa ng entablado. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ng aking mga kasama ngunit itinuloy ko lamang ang paglalakad na parang wala akong narinig.
"H-hindi maaari ang gusto mo, Flavia! Si Lucas ang nakarating sa huling raun kung kaya't nararapat lamang na siya ang makalaban mo rito," pigil nung taga-anunsyo habang patuloy pa rin ako sa paglalakad paakyat sa entablado.
"Mga tao sa koliseo ngayon, alam kong naniniwala kayong malakas na mandirigma si Lucas... ngunit itong tao na 'to," hindi nawawala ang tingin sa akin ni Flavia at ang malaking ngisi sa kanyang labi. "Alam kong mas malakas siya kay Lucas, mas mabibigyan namin kayo nang magandang laban na hindi ninyo makakalimutan habang buhay." Paninigurado niya sa mga nanunuod.
Dahil nga karamihan ng nasa entablado ay tagahanga ni Flavia ay malakas na nagsigawan ang mga tao sa koliseo. "Hayaan ninyo sila! Hayaan ninyo sila!" iyan ang paulit-ulit nilang isinisigaw na para bang sinasabi na pabor sila sa pakikipagpalit ko kay Lucas sa labanan ngayon.
Pagkaakyat ko sa entablado ay lumapit ako kay Lucas. "Kaya mo pa bang itago ang tunay kong anyo?" tanong ko sa kanya.
"Kaya ko. Pero ayos lang ba sa 'yo na ikaw ang lumaban sa babaeng ito?" tanong niya sa akin. "Punong-puno lamang siya ng kayabangan sa kanyang katawan." Panlalait niya kay Flavia na nakapagpatawa sa akin.
"Ayos lang, sa totoo nga lamang ay magiging madali na isagawa ang pagliligtas sa kanya lalo na't malapit ako sa kanya." Kwento ko sa kanya habang ipinahahawak ko ang aking balabal sa kanya.
"Pero delikado ito para sa'yo lalo kapag tinamaan ka ng mga palaso,"
"Magtiwala sa akin, Lucas." Hinawakan ko siya sa balikat upang bigyan siya nang kasiguraduhan. "Ilang beses ko nang tinakasan si kamatayan ngunit heto ako, buhay pa rin ako. At isa pa, nandito ngayon ang mga kaaway natin, kahit pa hindi ko sila maaaring kalabanin ngayon... gusto kong malaman nila na hindi basta-basta ang Sol Invictus dahil tayo ang grupo na magliligtas sa sanlibutan."
Naglakad pababa si Lucas pababa ng entablado at naiwan kami ni Flavia rito kasama ang taga-anunsyo.
"Ayos lamang ba sa lahat ng mga manunuod ngayon na papalitan nitong si..."
"Basil." Pagpapakilala ko sa kanya.
"Papalitan nitong si Basil si Lucas para sa huling labanan dahil na rin sa kahilingan ni Flavia," Sigaw niya at tumugon ang lahat ng nanunuod na ayos lamang. "Gusto ko ring hingin ang opinyon ng mga ispesyal nating panauhin na Ixion kung ano ang kanilang opinyon sa pagpapalit ng mandirigmang lalahok sa huling raun."
Tumingin siya sa Ixion na nakaupo sa gitnang bahagi ng Koliseo at napapalibutan ng mga kawal. Tumahimik ang lahat upang marinig ang kanilang sasabihin. "Kung wala namang nilalabag na patakaran ang pagpapalit na ito at pabor naman sa magkabilang panig ng mandirigma. Ito'y ayos lamang dahil itong labanan din na ito ang hinihintay ng maraming tao." Malakas na nagsigawan ang mga tao dahil sa anunsyo ni Avery. Sa wakas, may magandang salita rin na lumabas sa bibig ng traydor kong kaibigan.
"Kung gayon! Simulan na natin ang labanan sa pagitan ni Flavia at Basil!"
Parehas kaming umayos ng tayo ni Flavia. "Ngayon mo patunayan sa akin kung gaano ka kalakas," bigkas ni Flavia habang hinuhugot ang kanyang templar sa lalagyan nito. "Hanggang ngayon ba ay gumagamit ka pa rin ng mahika upang itago ang totoo mong pagkatao?" tanong niya.
Hinugot ko ang aking jian mula sa lalagyan nito. "Importante pa bang malaman mo kung sino ako? Ang lakas ko ang pagbasehan mo sa labanang ito at huwag ang aking anyo. Baka kapag nalaman mo kung sino ako... manginig ka na sa takot." Nakangisi kong sagot at nakita ko ang kaunting pagkunot ng noo ni Flavia na parang nainis siya sa aking sinabi.
"Simulan na!"
Ako ang unang tumakbo patungo sa kanyang direksyon at mukhang hindi niya rin inasahan ang bilis kong taglay dahil wala pang ilang Segundo ay nasa harap niya na ako. Akmang isasaksak ko sa kanya ang Jian ko ngunit mabilis niyang naiwasan ang lahat ng aking atake. Ang mas nakakamangha pa ay iniiwasan niya ito nang hindi umaalis sa kanyang kinatatayuan.
Umatras ako nang bahagya. "Dolibix alan ith!" nagliwanag ang aking espada at nabalutan ng nag-aapoy na liwanag. "Tapos ka na." sabi ko at akmang isasaksak ko sa kanyang dibdib ang aking espada.
Nung malapit ko nang maisaksak sa kanya ang espada ko ay nabigla ako nung mabilis na kumilos ang kanyang kanang kamay at gamit ang kanyang espada ay nasangga niya ang aking ginawang atake. Hindi nawawala ang ngisi sa labi ni Flavia. Mabilis kong pinalitan ang aking atake at pinaulanan ko siya ng bawat saksak ngunit ang lahat ng iyon ay mabilis niyang nasasangga.
Hindi nga isang biro ang babaeng ito, kakaiba ang taglay niyang lakas. Hindi siya isang mandirigma lamang... siya ang mandirigma na isinugo ng bayan ng Kaliba. Siya ang babaeng may basbas ni Bathala.
Akmang sasaksakin ko siya sa mukha ngunit mabilis niya itong naiwasan nabigla ako nung halos malapit na siya sa aking tabi at ihahampas sa akin ang kanyang templar. Nagawa kong makatalon palayo ngunit hindi pa rin naiwasan na maabot ako ng talim ng espada na dahilan upang magkaroon ako ng malaking sugat sa aking dibdib.
Nagsimulang umagos ang pulang likido mula rito. Tumalon ako palayo sa kanya at humihingal siyang tinitigan. Mukhang ang lahat ng tao ay hindi makapaniwala lalo na sina Isla dahil may isang tao na humigit sa aking kakayahan.
Imbes na magalit si Flavia ay tumingin din siya sa aking mata at matamis na ngumiti. Ngiti na parang nasisiyahan siya sa nangyayaring labanan. Malakas na nagsigawan ang mga tao sa paligid. Masaya ba siya na napapahiya ako sa harap ng maraming tao? Ngumiti man ako pabalik sa kanya pero pilit na pilit lamang ito.
Malakas siyang mandirigma, pero hindi ako naging pinuno ng Sol Invictus nang wala lamang, hindi ko tinakasan ang aking kamatayan para rito, hindi ko pinapatay ang mga maalamat na hayop para lamang mapahiya ng ganito.
Nung naisip ko ang bagay na iyon ay napatingin ako sa direksyon ng Ixion at may malalaking ngisi sa kanilang mukha, hindi man nila ako kilala dahil sa kaanyuan ko ngayon... pakiramdam ko ay pinagtatawanan nila ako. Pinagtatawanan na naman ako ni Avery dahil muli... isa na naman akong malaking kapalpakan.
Huminga ako ng malalim at seryosong tinignan si Flavia. "Malakas ka, pero ngayon pa lang magsisimula ang totoong laban. Umayos ako ng aking posisyon at hindi ko inalintana ang pulang likido na umaagos mula sa aking dibdib. Maliit na sugat lamang iyon, kayang-kaya ko ito tiisin.
Seryoso ko siyang tinitigan, hindi na ito laro para sa akin. Nung matalim ko siyang tinitigan ay nawala ang ngiti sa labi ni Flavia at mukhang nakita niya na seryoso na ako kung kaya't pumosisyon din siya nang maayos at seryoso na rin maging ang kanyang mata.
"Haaa!" Sabay kaming tumakbo sa direksyon ng isa't isa hanggang sa magtagpo kami sa gitna ng entablado. Gamit ang espada ay inatake ko siya na mabilis niyang nasangga, kumalansing ang tunog ng mga espada sa buong koliseo.
Mukhang nagulat siya sa mas malakas na pwersa ngayon nang aking atake dahil napaatras siya at malakas na hangin ang bumalot sa aming dalawa na nadama sa buong lugar.
Siya naman ngayon ang sumugod sa aking direksyon at ako naman ang sumangga sa kanyang ginagawang pag-atake.
Ito'y labanan sa pagitan ng tunay na mandirigma, walang mahika, tanging ang galing lang sa paghawak ng espada ang magiging basehan kung sino ang dapat manalo sa labang ito.
"Hindi ka na makakatakas pa!" Kumislap ang hawak niyang espada kung kaya't mas naging alerto ako. Ginamit ko bilang panangga ang aking espada at nagkaroon ng malakas na hangin sa paligid nabitak din ang entablado na kakaayos lamang kanina dahil sa lakas ng pwersa.
Tumalon ako upang atakihin siya at itinutok sa kanya ang aking espada. Malakas kong inihampas ang espada ko sa kanya ngunit kagaya kanina ay mabilis niya itong nasangga at nagkaroon ng malakas na pagsabog sa buong paligid.
Patuloy namin inaatake ang isa't isa at nagawa ko siyang masugatan sa kanyang pisngi habang siya ay nagawa niya akong masugatan sa aking hita.
Sinugod ko muli at inatake ngunit nasangga niya ang aking atake. Malapit ngayon ang aming mukha at parehas kaming seryoso sa labanang ito. Ngumisi ako sa kanya at malakas ko siyang sinuntok sa tiyan. "Baka nakakalimutan mo lang na bakante ang kaliwang kamay ko."
Malakas na napaubo si Flavia at napaupo sa entablado. Nagsigawan ang lahat dahil sa labanan. Magkatitigan kaming dalawa at parehas tumatagaktak ang pawis at dugo sa aming katawan. Parehas dangal namin bilang mandirigma ang nakataya rito. "Katapusan mo na." sinamantala ko ang pagkakataon habang nakaupo pa siya sa sahig at tumakbo muli tungo sa kanyang direksyon.
"Ngayon na!"
Isang hudyat, isang hudyat ang umalingawngaw sa buong paligid at parehas kaming naalerto ni Flavia. Sa iang iglap lamang ay nakita na lamang naming dalawa ang aming sarili na napapalibutan nang napakaraming palaso.
"Anong nangyayari?" bakas sa mukha niya ang pagtataka at pagkabigla. Ilang beses ko ba siyang sinabihan na maaaring patayin siya sa araw na ito ngunit hindi siya naniwala.
"Ngayon na!" malakas kong sigaw kung kaya't naalerto ang aking mga kasama.
Mabilis na lumilipad sa amin ang palaso. Hindi sila aabot. Kailangan mag-isip ako nang ibang paraan upang mailigtas si Flavia.
"Yuko!" malakas kong utos sa kanya, at ipinahiga siya sa entablado habang ako ay pumatong sa kanya upang hindi siya matamaan ng mga palaso. Gamit ang aking kamay ay ioinantukod ko ito upang hindi siya madaganan nang tuluyan.
"A-anong ginagawa mo?" sabi niya sa akin pero hindi na ako nakasagot.
Isa-isang tumama sa aking likod ang napakaraming palaso at ramdam ko ang pagbaon nito at ramdam ko rin ang pag-agos ng pulang likido mula sa aking katawan.
"Umalis ka diyan! Para sa akin dapat ang mga palasong iyan! Huwag mo akong protektahan." hindi ako sumagot bagkus ay ngumiti ako sa kanya.
Nakita ko na lamang na nakahinto sa ere ang iba pang palaso at mukhang pinioigilan ni Lucas ang pagtama nito sa akin.
Isang ungol ng griffin ang unalingawngaw sa paligid. "Basil!" tawag ni Jacko at tinulungan niya akong makasakay sa likod ng griffin. "Flavia, sumakay ka na sa griffin. Hindi ka na ligtas sa lugar na ito." sabi niya nanghihina man ako ay inalalayan nila ako na makasakay at maging si Flavia ay sumakay din naman kahit naguguluhan siya sa mga nangyayari.
Unti-unting lumabas ang tunay kong hitsura dahil sa panghihina.
"Siya si Blade!" Sigaw ng isang tao na nakakita. "Mga miyembro ng Sol Invictus! Mga masasamang tao!" sigaw nila.
"Patay na." wika ni Jacko at gumawa pa siya ng ilang griffin para kay Melia, Isla, at Lucas. "Kailangan na nating umalis dito. Hindi na tayo ligtas."
Pinalipad na namin ang griffin paangat sa kalangitan.
"Huwag ninyo hayaang makatakas ang mga taksil na iyan!" malakas na sigaw ni Avery, napipikit man ang aking mata dahil sa kawalan ng dugo pero nakita ko pa rin ang mga pag-atake nila gamit ang mahika upang mapigilan ang aming pag-alis.
"Bilisan ninyo pa, bilisan ninyo pa!" sigaw ni Jacko habang si Isla naman ay ginagamit ang kanyang kapangyarihan upang mapatay ang apoy na bola na lumilipad sa aming direksyon.
Nakita ko na lamang si Zardo na tumayo sa gitna ng entablado at nabalot sa bato ang buong koliseo. Tinulungan niya kami.
Dahil nabalot sa bato ang buong koliseo ay walang nagawa na makalabas sa lugar at wala na rin ang mga pag-atake. Nagawa namin makatakas sa koliseo at nagawa naming matakasan ang Ixion.
"B-Basil, ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Flavia habang nasa himpapawid kami.
Hindi ko na siya nasagot dahil unti-unti nang bumigay ang aking mata at nawalan na ako ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top