Kabanata 30: Ang labanan
Kabanata 30: Ang labanan
Malakas na hiyawan ang dumadagundong sa buong koliseo dahil sa ganda ng laban sa pagitan nina Isla at Zardo. Malaki ang agwat ng kanilang edad pero hindi mapapantayan ang lakas nila sa pakikipaglaban.
"Mukhang mahihirapan na makapasok si Isla sa huling raun," sabi ni Jacko sa aking tabi. "Hindi isang sakit ang pagiging bulag ni Zardo bagkus ay ito ay naging kanyang lakas. Kahit panramdam lang ang ginagamit niya sa pakikipaglaban ay daig niya pa ang ibang mandirigma na nandito sa koliseo na ito."
"Hindi mo naman hahayaan na may mangyaring masama kay Isla, 'di ba?" tanong naman sa akin ni Melia.
"Wala sa ugali ko ang manlaglag ng kasamahan," bumaling ang tingin ko kay Isla na naghahabol nang paghinga at nagsisimula muling umabante tungo sa direksyon ni Zardo. "At isa pa, nakikita ko kay Isla na wala siyang balak sumuko sa labanang ito."
Ang maliliit na hakbang ni Isla ay naging takbo at sa isang iglap ay nasa likod na siya ni Zardo, akmang sisipain niya muli ito ngunit naramdaman ni Zardo ang kanyang prisensya kung kaya't nakiwas ang matanda.
May binigkas na enkantasyon ni Isla na hindi ko na narinig ngunit nabalot ng yelo ang kanyang kanang braso na animo'y isang matulis na espada. Napangisi ako, ginagamit na ni Isla ang buong lakas niya. Kagaya nang parati niyang sinasabi, hindi nga siya basta-basta na bata lang.
Tumakbo siya sa direksyon ni Zardo ngunit si Zardo, ay nagpalutang ng maliliit na bto at pinasugod ito sa direksyon ni Isla, nagawang maiwasan ni Isla ang karamihan at nagawa niya ring masira ngunit hindi maiiwasan na madaplisan siya kahit papaano. Dahil sa tulis at bilis ng bawat bato ay nagkasugat si Isla sa kaliwang pisngi at ilang parte sa hita. Nagsimulang umagos ang pulang likido mula rito.
Mas lalong lumakas ang sigawan ng mga tao. Para sa kanila, isang laro langa ng labanang ito upang masukat ang kakayahan ng isang madirigma ngunit para sa mga lumalaban sa entablado... Buhay, dangal, at ang pagiging mandirigma nila ang nakataya rito.
Hindi natinag si Isla sa pagtakbo hanggang sa nasa mismong harap na siya mismo ni Zardo, mukhang nagulat ang matanda dahil sa nangyari. Nagawa siyang atakihin ni Isla ngunit mabilis itong nakaiwas pero hindi pa rin maiwasan na masugatan ito sa kanyang pisngi.
Humakbang si Isla paatras at muli silang nagtitigan na dalawa. Hindi maipagkakaila ang tensyon na mayroon sa pagitan nila ngayon.
"Malakas ka bata," sabi ni Zardo sa kanya.
Napangiti si Isla. "Kayo rin po."
"Pero dito na matatapos ang laban na ito. Sapat nang nasugatan mo ako sa aking pisngi." wika ni Zardo at may sinabi siyang enkantasyon.
Napakapit ang lahat sa kanilang upuan dahil sa malakas na paglindol, kagagawan ba ito ni Zardo? Mayamaya lamangay dalawang bitak ng lupa ang umangat sa ere na nasa magkabilang panig. "Tapos na ang laro, bata." wika ni Zardo sa biglaan niyang pagpitik ng kanyang daliri ay bumubulusok sa direksyon ni Isla ang dalawang malaking bitak ng lupa na animo'yy iipitin siya.
Mabilis na iniharang ni Isla ang kanyang kamay upang mapigilan ang masamang mangyayari at napapasigaw na siya dahil unti-unti siyang iniipit ng dalawang bitak ng lupa.
Malakas ang pagsigaw ni Isla at pakiramdam ko ay hindi na kakayanin ni Isla.
Tinawag ko ang taga-anunsyo at sumenyas ako sa kanya na tapusin na ang laban. Malakas si Isla pero dapat naming tanggapin na mas malakas si Zardo. Hindi biro ang kakayahan niya na hinasa ng panahon.
Umakyat sa entablado ang taga-anunsyo.
"Sa puntong ito ay tinatapos na namin ang labanan sa pagitan ni Zardo at Isla ayon na rin sa kahilingan ng ama ng bata," naglaho na ang mga bitk n lupa na gawa ni Zarso at napaupo si Isla sa sahig.
Sa kumpetisyon na ito, dahil nga bata lang si Isla ay nasa pangangalaga ko pa rin siya at itinuturing akong ama ng bata base na rin sa aking anyo. Hindi ko rin gusto na rito matapos ang buhay ni Isla dahil may mahalaga pa kaming misyon na dapat gawin.
Bakas sa sigaw ng mga tao ang pagiging dismayado dahil hindi nila nasaksihan ang gusto nilang makita. Mga tao nga naman, ayos lang sa kanila na mamatay ang isang bata para sa pansarili nilang kasiyahan.
"Itinatanghal na nating panalo si Zardo sa--"
"Hindi! Kaya ko pang lumaban," bumaling ang tingin sa akin ni Isla. "Kaya ko pang lumaban, panginoon."
Umiling ako at ngumiti sa kanya. Tumayo ako at naglakad patungo sa entablado. "Hindi na, Isla. Sapat na ang ipinakita mo, hindi mo na rin kaya dahil sa dami ng iyong sugat na natamo."
"Pero panginoon..." may luhang namuo sa mata ng bata. "Paano ang misyon? Kabilinbilinan mo na dapat ay makaabot kami sa huling raun tapos... Hindi ko nagawa."
Si Isla ang batang kilala ko na may isang salita at mabilis siyang sumusunod sa aking utos. "Ang sa akin ay subukan ninyong makapasok. Pero wala, eh, malakas ang natapat sa 'yong kalaban. Hindi ako galit sa 'yo o itatakwil sa grupo. Bagkus ay masaya pa ako dahil mukhang nasiyahan ka naman sa buong proseso ng kumpetisyon at iyon ang mahalaga. Nandiyan pa naman din si Lucas, nananalig akong magagawa niyang makaasok sa huling raun."
Bumaling ang tingin ko sa taga-anunsyo at sumenyas na ituloy niya na ang kanyang sinasabi.
"Ahh! Dahil na rin sa kahilingan ng kanyang ama ay ititigil na ang labang ito at hihirangin nating panalo si Zardo sa raun na ito!"
Humiyaw sa tuwa ang mga tagasuporta ni Zardo ngunit maraming nadismaya sa aking desisyon dahil naglalagablab na ang labanan. Pero anong magagawa ko? Hindi ko naman maaaring pabayaan ang isa kong kasamahan.
Lumapit ako kay Zardo at ngumiti ito sa akin. Napapaisip tuloy ako kung tunay ngang bulag ang matandang ito dahil mabilis niyang naramdaman ang aking prisensya.
"Maraming salamat sa isang magandang laban, Zardo," wika ko sa kanya at siya'y aking kinamayan.Akmang kakamayan niya na ako peor sa maling direksyon siya humarap. "Wala po ako riyan."
"Pasensya na, bulag," tumawa ang matanda at nung hinawakan ko ang kanyang kamay ay bakas ang gulat sa kanyang mukha. "H-hindi ka basta-basta mandirigma. Nararamdaman ko ang kapangyarihan sa iyong katawan. Isang pambihirang kapangyarihan."
Dahil na rin kinilabutan ako sa kanyang sinabi ay mabilis akong bumitaw at naglakad na muli patungo sa direksyon ni Isla. Hanggang sa pagkababa namin sa entablado ay bakas ang lungkot sa kanyang mukha. Kahit siya ay dismayado sa resulta at hindi niya tanggap ang kanyang pagkatalo.
Pagkabalik namin sa aming pwesto ay mabilis siyang yumakap kay Melia at umiyak. Napabuntong hininga naman ako, kahit papaano ay bata pa rin talaga si Isla. Mababaw pa rin ang kanyang luha pagdating sa mga bagay-bagay.
"Shhh... Shhh... Ganyan talaga sa labanan, minsan ay hindi mo makukuha ang inaasahan mong resulta." sabi ni Melia sa kanya.
"Huwag kang mag-alala, Isla. Kakain pa rin tayo ng maraming karne mamayang gabi bilang selebrasyon sa pagpapamalas mo nang iyong galing sa pakikipaglaban." sabi ko at kahit papaano ay napangiti ang bata.
Bumaling ang tingin ko kay Lucas na kahit walang ekspresyon na ipinapakita ang kanyang mukha ay naghahanda na siya para sa kanyang magiging laban. "Lucas, ikaw ang pag-asa ng ating grupo, sana'y makapasok ka hanggang sa huling raun."
"Makakaasa ka." sagot sa akin ni Lucas.
"Ang susunod nating laban ay magsisimula na! Mula sa kanang panig, isa rin sa mga paboritong mandirigma ng ating kumpetisyon ay ang binatang may mala-prinsipeng kaanyuan! Lucas!"
Umakyat sa entablado si Lucas at maraming babae ang nagsigawan sa paligid.
"Ha! Mas gwapo pa ako sa taong iyan. Mas nagpapakita pa ng ekspresyon ang bato ke'sa sa kanya." reklamo ni Jacko sa aming tabi kung kaya't napatawa na lamang kami.
******
"Ang nanalo sa raun na ito at makakaspok sa susunod na laban... Lucas!" malakas na nagsigawan ang mga tao matapos ang anunsyo. Noong simula ng laban ay kinakabahan pa ako dahil baka matalo si Lucas ngunit walang kahirap-hirap niyang nilampasok ang kanyang kalaban gamit ang kanyang malalakas na enkantasyon.
"Nagawa natin, Basil! Nakapasok tayo hanggang sa huling raun!" biglang napayakap sa akin si Melia dahil sa tuwa. Hinayaan ko na lamang siya dahil maging ako rin naman ay natuwa sa naging resulta.
Pero kung sakaling hindi man kami makapasok sa huling raun ay iisip pa rin naman ako nang panibagong plano sa kung paano ko maililigtas ang buhay ni Flavia. Hindi ko hahayaan na masayang ang buhay ng isang malakas na mandirigma kung maaari naman siyng tumulong sa pagprotekta sa mundong ito.
Para sa huling laban na gaganapin bukas, may apat na natitirang mandirigma sa buong kumpetisyon. Si Flavia, Zardo, Lucas, at isang binata rin na nagngangalang Calio.
Sa laban na gaganapin bukas ay magkakaroon muna nang laglagan sa kung sino ang dalawang mandirigma na maglalaban upang hirangin na pinakamalakas na mandirigma sa mundong ito. Bukas din, kahit saang laban ay maaaring simulan ni Ibarro.
Si Flavia laban kay Calio
Si Lucas laban kay Zardo
Huling raun na ito at kailangan ko nang planuhin at puliduhin ang aking plano upang maiwasan ang mas matinding kaguluhan sa paligid.
"Mga kaibigan at mamamayan ng Zamora, may importante akong anunsyo na mainit-init pa galing sa may taas!" sigaw nung taga-anunsyo kung kaya't nakuha niya ang atensyon ng lahat nang mga nanunuod. "Ang mga bayani ng ating mundo na Ixion ay dadalo sa huling raun ng kumpetisyon upang makidiwang at makipagsaya sa atin!"
Malakas na nagsigawan ang nga tao dahil sa tuwa. Sinong hindi matutuwa? Dadating sa bayan nila ang mga bayani ng mundong ito. Ang nga bayani na sinasabi nila na nagpapanatili nang katahimikan at kapayapaan sa lugar na ito, ang nagbibigay balanse sa mundo dahil sa pagpoprorekta sa mga maalamat na hayop. Ayos na sana ang Ixion, nandoon lamang si Avery na isang buong sinungaling.
"Mukhang mahihirapan kang maisagawa ang misyon mo, Basil. Nandito ang Ixion bukas," sabi ni Jacko na kasabay kong nablalakad palabas ng koliseo.
Ngumisi ako sa kanya. "Baka nakakalimutan mo, Jacko, ilang beses na nating nautakan ang Ixion. Hindi nila tayo mahuhuli at hindi sa ganitong klaseng lugar." paliwanag ko sa kanya.
"Hindi ang Ixion ang mga taong makakapigil sa mga balak ko."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top