Kabanata 29: Si Zardo

Kabanata 29: Laban kay Zardo

Ikatlong araw na buhat nung nagskmula ang labanang ito. Sunod-sunod din ang naging pagkapanalo nina Isla at Lucas at nafawa nilang makapasok sa ikalawang parte ng kumpetisyon. Masasabi ko na paborito silang dalawa ngayon ng mga taong nanunuod nang labanan sa koliseo lalo na't silang dalawa ang pinakabatang kalahok dito.

"Nakita mo ba kung paano ko tinalo ang kalaban ko, Panginoon? Nahulog siya sa entablado nang walang kahirap-hirap!" masayang kwento ni Isla sa amin habang kumakain kaming lima. Talagang aliw na aliw siya sa kumpetisyong ito, pakiramdam ko nga ay najalimutan niya na ng tunay naming pakay at gusto niya nng manalo sa kumpetisyon.

"Nakausap ko kahapon si Flavia," napatigil silang apat sa pagkain at nabaling ang kanilang atensyon sa akin.

"Pumayag na ba siya na sumama sa ating grupo?" tanong ni Jacko.

"Anong reaksyon niya nung sinabi mong may banta sa kanyang buhay?" tanong naman ni Melia.

"Hindi siya naniwala sa binigay kong babala," nakita ko ang pagkunot ng kanilang noo. "Para kay Flavia, isang kumpetisyon ito at para sa kanya ay gumagawa lang ako nang dahilan para matalo natin siya."

"Ha! Kung ayaw niyang maniwala sa atin ay huwag na natin siyang tulungan," malakas na reklamo ni Jacko. "Hindi nga natin habol ang kahit anong pabuya o parangal sa kumpetisyong ito, eh."

"Hindi rin naman natin siya masisisi kung bakit ganoon ang kanyang pag-iisip. Para sa kanya, matagal niya nang pangarap ang manalo rito. Malamang ay hindi siya maniniwala agad sa mga sabi-sabi at gugustuhin niya talagang makarating aa huling laban." paliwanag ni Melia at napatango-tango ako. Tama siya, hindi rin namn ganoon kadali na baguhin ang isip ni Flavia.

At isa pa, isa lamang akong estranghero na biglang nagpakita sa kanya. Kung sa akin man mangyari iyon ay hindi ako agad-agad magtitiwala, eh.

"Lucas at Isla, may gusto sana akong ipagawa sa inyo," naalerto silang dalawa at nakinig sa aking sumunod na sinabi. "Bilang patunay kay Flavia na hindi ako nagsisinungaling, isa sa inyo ang dapat makapasok sa huling raun ng kumpetisyon at makalaban siya."

"Hindi maaari! Ikaw na ang may sabi, magpapaulan ng palasong may lason sa huling raun. Hindi ko hahayaan na isa sa atin ang mapahamak. Tandaan mo, Basil, hindi ito ang ating mis--"

Umayos ako nang pagkakaupo at ngumisi sa kanya. "Sino bang may sabi na hahayaan kong mngyari ang ganoong bagay? Wala sa atin ang mamamatay. Ililugtas lang natin si Flavia."

"Ate Melia, huwag ka po masyadong mag-alala sa amin. Malaki ng tiwala namin kay panginoon at alam naming hindi niya kami hahayaang mapahamak." nakangiti sa kanyang paliwanag ni Isla, napatahimik naman si Melia dahil doon.

Nagtiim-bagang ako bago ko ipinaliwanag sa kanya ang mngyayari. "Ang dapat na mangyari ay isa sa inyo ang dapat makapasok sa susunod na raun. Alam kong mahihirapan na kayong magawa ito dahil na rin malalakas na ang magiging kalaban ninyo ngayon," napanuod ko rin ang laban ng ibang mandirigma nung mga nakaraan at masasabi ko na may ilan sa kanila na tunay na malakas at may angking galing sa pakikipaglaban. "Kung isa sa inyo ang makakapasok, madali na lang din natin maisasagwa ang misyon."

"Kapag nagawa natin ang misyon?" tanong ni Lucas na madalang lamang magsalita.

"Mapapatunayan natin kay Flavia na tama tayo. May posibilidad na magtiwala siya sa atin dahil doon at makuha natin ang kanyang loob."

Ilang beses ko na rin ipinaliwanag na hindi basta-basta mandirigma si Flavia. Katulad lamang nung engkwentro namin kahapon, alam niya na hindi ko ginagamit ang orihinal kong anyo at nababalot ng mahika ang buo kong katawan. Kakaiba rin ang galing niya sa aoghawak ng espada, at ibang klase rin ang depensa niyang taglay.

"Makakaasa ka sa amin, panginoon. 'Diba, Lucas?"

"Oo." tipid na dugtong ni Lucas.

Biglang bumukas ng pinto nang bahay na kinakainan namin, natahimik ang ahat at napatingin sa pinto na para bang nabigla sila sa kanilang nakita.

Napabaling ang tingin ko sa pintuan at maging ako ay nabigla sa aking nakita. Si Kaia at si Sabrina. Malapit na kaibigan ko si Kaia at malapit naman na kaibigan ni Melia si Sabrina. Anong ginagawa ng ilang miyembro ng Ixion sa bayang ito? Kailan pa sila naging interesado sa labanan sa koliseo o baka naman hinahanap niya pa rin ang mga miyembro ng Sol Invictus sa mga bayan-bayan.

Masayang nagkukwentuhan si Kaia at Sabrina habang paupo sila sa upuan malapit sa bintana.

Napatingin ang tatlo naming kasamahan sa aming dalawa ni Melia.

"Tapos na ba kayo kumain?" tanong ko. "Alam kong iba ang aming anyo naming dalawa ni Melia pero kailangan na nating umalis dito para sigurado,"

"Malakas ang panramdam ni Sabrina kung may malakas na mahika ang nasa paligid niya." kwento naman ni Melia.

Mabilis lamang namin tinapos ang pagkain at naglakad na ulit palabas. Sa huling sandali ay pinagmasdan ko muli ang kaibigan kong si Kaia. Masaya ako na ayos lang siya, masaya ako para s kanya dahil nagagawa niya ang mga bagay na gusto niyang gawin. Tunay na karapat-dapat siyang maging miyembro ng Ixion... Kahit pa kalaban ko siya.

Habang naglalakad kami pabalik sa bahay na aming tinutuluyan ay pansin ko ang agam-agam sa mukha ni Melia. "Ayos ka lang?" tanong ko.

"Ah... Oo, masaya lang ako na ayos si Sabrina. Noong umalis ako bilang kalahok ng Ixion ay siya ang una kong naisip dahil siya lang ang maiiwan na babae. Pero ngayong nakita ko siya na nasa maayos na kalagayan at nakakatawa, masaya na ako roon." kwento niya at napangiti na lamang ako. Parehas kami nang nararamdaman ni Melia.

Ibig kong lapitan si Kaia at Sabrina upang yakapin dahil sila'y malapit kong kaibigan. Pero hindi pwede, magkakaibigan kami ngunit magkaiba kami ng daan na tinahak. Sila ay bayani sa harap ng madla samantalang kami ay ang mga taonv kinasusuklaman ng lahat.

"Balang-araw ay maiintindihan nilang dalawa ang bagay na ating pinaglalaban," nakangiti kong sabi kay Melia.

Habang tumatagal, nakikita ko si Melia na isang malambot at may pusong babae. Noong nagsasanay kami sa Ixion ay napakatigas nito at bihira makakakitaan ng emosyon, parati rin itong palaban sa mga hamon kung kaya't nakakapanibago na makita siyang ganito.

"Halika na, magpahinga na kayo Lucas at Isla. May laban pa kayo bukas," aya ko sa kanila para bumalik sa bahay na aming tinutuluyan.

*****

Ikaapat na araw ng laban sa koliseo, ito ang raun kung saan malalakas na mandirigma na ang maglalaban-laban kung sino nga ba ang karapat-dapat na makasali sa huling laban.

Nakaupo kami malapit sa mismong entablado, napanuod ko ang ilang labanan kanina at masasabi kong ibang-iba ito sa unang raun. May mga walang puso na mandirigma na pinatay ang kanilang mga kalaban o kaya naman ay binabalian ng buto.

"Handa ka na ba?" tanong ko kay Isla na kinokundisyon ang kanyang katawan dahil sunod na ang kanyang laban.

"Oo naman, panginoon. Kaso ay kinakabahan ako dahil baka matalo ako sa raun na ito. Ayoko kitang biguin, panginoon," napangiti ako sa sinabi ni Isla. Simula umpisa ay kasama ko na ang batang ito at ilang beses niya nang pinatunayan ang kanyang sarili sa akin.

Umupo kami upang mapantayan ang kanyang tangkad. "Hindi ko naman sinabi na dapat kayong makapasok sa sunod na raun, ang sinabi ko lang ay subukan ninyo. Kung matalo man kayong dalawa ni Lucas dito ay ayos lang. Gagawa pa rin tayo ng paraan para mailigtas si Flavia." hinimas ko ang kanyang ulo at mas lalong lumaki ang nguti ni Isla.

"Ang susunod na kalahok, ang pinakabata sa lahat ng mandirigma na nandito!" malakas na nagsigawan ang mga tao, dumami ang sumusuporta kay Isla nung makita nila ang kakayahan, nung makita nila na hindi lang basta-basta bata si Isla. "Si Isla!"

Umakyat sa entablado si Isla at nakangiti pa rin siya. Si Melia naman at Jacko ay todo suporta sa kanya at napakalakas nang kanilang sigaw. "Bakit ka ganyan makatingin?" mataray na tanong ni Melia.

"Wala, hindi ko lang inakala na aakto ka ng ganyan sa pagsuporta kay Isla." naiiling kong sabi.

Imbes na magalit siya ay ngumiti lang siya sa akin. "Hindi mo pa ako lubusang kilala, Basil. Kaya mo 'yan, Isla!"

Bumaling muli ang tingin ko sa entablado at nakita ko ang kalaban ni Isla. Isang bulag na matanda. Marami ring sumusuporta rito. Minsan ko na siyang nakita na makipaglaban at ginagamit niya lang ang panramdam upang malaman kung nasaan ang kanyang kalaban. Mabilis niya lang din natatalo ang kanyang mga kalaban. Mukhang mahihirapan si Isla rito pero naniniwala ako sa kanyang kakayahan.

"Mukhang magiging maganda ang laban natin sa pagkakataong ito dahil ito'y laban sa pagitan ng pinakabata at pinakamatandang kalahok ng kumpetisyon!" mas lalong lumakas ang sigawan ng nga tao. "Huwag na nating patagalin pa! Simulan na natin ang laban nina Isla at Zardo!"

Natahimik ang lahat nung magsimula ang laban. Nakatayo lamang sa kanyang kinatatayuan si Zardo at pinapakiramdaman kung nasaan si Isla. Maingat na naglalakad si Isla patungo sa direksyon ni Zardo habang may tubig na namumuo sa kanyang kamay.

"Magiging mahirap ang laban na ito." mahina ko na lamang na bulong sa aking sarili. Kilala si Zardo sa labanang ito dahil sa tindi ng kanyang panramdam.

Ang maliliit na hakbang ni Isla ay unti-unting bumilis hanggang s maging takbo ito. Tumalon si Isla at akmang sisipain niya si Zarso ngunit ilang sentimetro na lamang ang pagitn sa paa ni Isla at mukha ni Zardo ay mabilis nitong nahawakan ang paa ni Isla.

"Bitawan mo ak--" hindi na natapos ni Isla ang kanyang sinasbi nung bigla na lamang siyang malakas na ibinagsak ni Zardo sa lapag ng entablado. Nagkaroon ng malaking lamat ang sahig dahil sa nangyari.

Napasigaw ang lahat dahil sa tindi ng mga nangyayari kahit kakasimula pa lamang ng laban. Unti-unting bumangon si Isla at pinagmasdan ang matandang si Zardo na ankatayo lamang at hindi pa gumagalaw mula sa kanyang kinatatayuan.

Nakita ko ang inis sa mata ng bata kong kasama at nagsimula na siya gumamit ng mahika. Gumawa siya ng malaking bolang tubig sa kanyang kamay at bumubulusok itong tumungo sa direksyon ni Zardo na mabilis namang naiwasan ng matanda ang bawat pag-atake.

Tunay na namamangha rin ako sa ipinamamalas na galing ni Zardo sa pakikipaglaban, wala man siyang kakayahan na makakita pero ang galing ng estilo niya nang pakikipaglaban at nagagawa niyang maiwasan ang bawat atake ni Isla.

Nabigla na lamang kami nung biglang may isang malaking mga lupa ang biglang lumabas sa kinatatayuan ni Isla. Ibig sabihin lamang nito ay kayang kontrolin ni Zardo ang lupa ito nag unang beses na makita ko ang paggamit niya ng mahika.

Nagawa na maiwasan ni Isla ang atake at humakbang siya palayo kay Zardo.

Nasa magkabilang panig sila ng entablado, naghahabol nang paghinga si Isla habang si Zarso ay nakatayo pa rin sa kanyang kinatatayuan at nakangiti. Mukhang si Zardo ang sisira sa plano ko. Mukhang siya ang magiging sanhi upang hindi kami makapasok sa huling raun.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top