Kabanata 28: Pagbibigay babala


Kabanata 28: Pagbibigay babala

Nandito kami ngayon sa Marnova, kakatapos lang nang mga laban at dumiretso kami dito upang magkaroon ng munting selebrasyon dahil sa pagkapanalo ni Isla at Lucas sa unang raun. Maingay ngayon sa buong Marnova dahil napakaraming mandirigma ang nandito ngayon. Mukhang hindi lang kami ang nakaisip na dito magsaya dahil sa pagkapanalo.

"Panginoon, maaari ba ako kumain nito?" tanong ni Isla habang nakaturo sa isang putahe.

"Kahit ano ang kainin ninyo, huwag kayong mag-alala dahil ako ang magbabayad." natuwa ang aat sa aking sinabi kung kaya't kinain nila ang mga gusto nilang kainin.

Naalala ko noon, hindi naman kami nakakakain nila Parisa at Avery sa ganitong klaseng lugar. Masaya na kami sa mga luto ni tatay David. Ang bilis lumipas ng mga araw, isa nang ganap na Ixion si Avery samantalang ako ay isa nang ganap na miyembro nhh Sol Invictus. Magkaiba kaming dalawa nang pinaglalaban at higit sa lahat, may inis at galit na nakapagitan sa aming dalawa. Imposible na magkaroon pa ng araw na magkakasama kami kumain nina Parisa.

Kumusta na kaya sila Parisa sa bayan ng Norton? Sana naman ay maayos ang kanilang kalgayan. Si Parisa ang dahilan kung bakit ako nakaalis sa Norton at nakapagsimula muli. Hindi niya man alam ang katotohanan sa gulong nangyari ay pinili niya pa ring tulungan ako dahil kapatid ang turung niya sa akin.

"Basil..." mayamaya pa ay may naramdaman ako na humawak sa aking balikat. Si Melia lang pala.

"H-ha? Bakit?" tanong ko.

Bumuntong hininga siya at tumingin sa akin. "Kanina ka pa nakatulala, nag-aalala sa 'yo sila Isla. Ano ba ang sanhi nang iyong malalim na pag-iisip?"

"Wala lang," ngumiti ako sa kanila para mawala ang pag-aalala nila. "Sige lang kumain kayo. Sayang naman ang masasarap na pagkain na nakahain sa ating harap."

Nagpatuloy sa pagkain sina Lucas, Jacko, at Isla pero si Melia ay hindi pa rin nawawala ang tingin sa akin. "Kumain ka na,"

"Sabihin mo muna sa akin ang dahilan kung bakit ka natahimik," tinignan ko si Melia at nakita ko ang sinseridad at pag-aalala sa kanyang mata. "Alam kong marami ka nang pinagdaanan, Basil. Hindi naman kita huhusgahan sa mga kwento mo."

Alam kong kukulitin lang ako ni Melia sa oras na hindi ako magkwento. "Naalala ko lang sila Parisa, kababata ko na itinuturing kong kapatid. Naisip ko lang kung kumusta na kaya sila sa Norton? Alam mo, gustong-gusto ko na sila makita. Gusto ko na ulit maramdaman ang mga yakap nila. Gusto ko nang bumalik sa aming tahanan."

Nakinig lang si Melia sa aking sinabi. "Bakit hindi tayo tumungo sa Norton?"

"Hindi pa pwede. Hindi pa ako muling handa na makita ang bayan na hinusgahan ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa. At isa pa, bago ako umuwi ay gusto kong matapos ang misyon ko. Anv mga bagay na dapat kong gawin." paliwanag ko sa kanya at napatango-tango siya sa aking sinabi.

"Alam mo, parehas lang tayo. Nangungulila na rin ako kay Ina. Umalis ako sa Norton nang hindi nagpapaalam sa kanya kung kaya't batid ko na nag-aalala siya para sa akin. Sana nga lang ay maaari akong magpadala ng liham upang sabihin sa kanya na nasa maayos akong kalagayan. Gusto kong sabihin sa kanya na marami akong natututunan habang wala ako sa palasyo katulad na lamang ang mapanghusgang lipunan, ang pandurugas ng ibang opisyal, ang mababang pagtingin sa mahihirap. Gusto ko ikwento sa kanya lahat iyon," nakita ko ang kinang sa mata ni Melia habang inaalala ang kanyang ina.

Hinawakan ko siya sa kanyang kamay at nginitian. "Balang araw, makakabalik tayong dalawa sa Norton na malinis parehas ang ating pangalan at makakapiking natin ang ating mahal sa buhay na walang pangamba sa ating puso."

Nagpatuloy lamang kami sa kasiyahan. Habang nagkakaroon kami ng selebrasyon ay maraming bumati kanila Lucas at Isla dahil sa galing na ipinakita nilang dalawa. Aliw na aliw ang mga mandirigmang nandito sa Marnova sa kanilang dalawa lalo na kay Isla dahil siya ang pinakabatang kalahok sa labanan.

"Basil," tawag sa akin ni Melia. "Nakita mo ba kung paano nakipaglaban si Flavia kanina? Hindi talaga maitatanggi ang lakas at galing niya pagdating sa labanan."

Naalala ko bigla ang mga pangyayari kanina... Kung paano tinalo ni Flavia ang knyang kalaban.

"Simulan na ang laban!" sigaw nung taga-anunsyo at nakatingin lamang si Flavia sa kanyang kalabang habng may matamis na ngiti sa kanyang labi. Nilalaro niya lang ang kanyang Templar s kanyang kamay.

"Pwedeng-pwede kang sumuko sa labang ito ngayon, ayokong manakit nang isang mahinang nilalang na gaya mo," sabi ni Flavia sa kalaban niya na nagngangalang Rigurd. Si Rigurd ay isang malaking tao na ang pambabang katawan ay parang isang kabayo.

Imbes na masindak si Rigurd ay lalo lang itong nainis ni Flavia. Wala pang ilang segundo ay nas harap na siya ni Flavia at akmang aatakihin ito ng kanyang itak ngunit mabilis na nabasa ni Flavia ang knyang kilos. Sa isang segundo, nagawa ni Flavia na bunutin sa lalagyan ang kanyang Templar at hinarang sa atake ni Rigurd.

"Gusto mo nang laban? Sige, pagbibigyan kita," hindi ko alam kung nang-iinis lang itong si Flavia o totoong natutuwa siya s mga nngyayari.

Malakas niyang sinipa si Rigurd sa tiyan at muntik na itong malaglag sa entablado pero mabuti ay agad niya ito dahil na rin sa lakas ng kanyang paa. Naghiyawan ang mga tao sa paligid dahil na rin sa ganda ng laban.

Sumugod muli si Rigurd tungo kay Flavia.

"Vigis akula kair!"

Sinong mag-aakala na sanay gumamit ng mahika ang gaya niya. Dumoble ang laki ng itak ni Rigurd at mas lumaki ang kanyang katawan. Iba talaga ang isang labanan kapag may kasamang mahika dahil mas lalo nitong pinapainit ang mga pangyayari.

Inatake niya si Flavia pero mabilis na iniharang ni Flavia muli ang kanyang Templar. Sa pagkakataong ito ay gumamit ng lakas si Flavia par mapigilan ang atake nito. Mas lalong sumigaw ang mga taong nanunuod.

Ngayong napapanuod ko makipaglaban si Flavia, hindi ko maiwasang mamangha sa mga nangyayari. Hindi nga siya pangkaraniwang babae, tama ang lahat. Halos kaya niyang pigilan ang malalakas na atake na ibinabato sa kanya.

Mas nilakasan ni Flavia ang pwersa kung kaya't napatigil si Rigurd sa kanyang ginagawa. Bumwelo si Flavia at nakita ko ang pagkinang ng kanyang Templar.

Kasing bilis ng hangin ay napunta si Flavia sa kabilang dulo ng entablado habang nakatayo si Rigurd at hindi gumagalaw. Sa pagbalik ni Flavia ng kanyang templar sa lalagyan nito ay kasabay nang pagbagsak ng katawan ni Rigurd at sumirit ang masaganang dugo mula sa kanyang tiyan.

Napatigil ang lahat dahil sa bikis ng pangyayari pero matapos no'n ay malakas na nagsigawan ang lahat dahil sa pangyayari. Maging si Jacko ay napapalakpak at napatayo dahil sa galing na ipinakita ni Flavia.

"Hoy hindi natin siya kakampi!" sabi ni Isla sa kanya at hinhatak ulit paupo si Jacko.

"Napakahusay! Isa na akong tagahanga niya magmula ngayon." tuwang-tuwa na sabi ni Jacko.

"Iba rin ang estilo niya sa pakikipaglaban," sabi ko kay Melia. Kami kasi ni Melia ay halos parehas ang estilo namin sa pakikipaglaban dahil na rin iisang pagsasanay lamang ang pinagdaanan namin sa Ixion.

"Mukhang mahihirapan tayo na pasalihin siya sa ating grupo,"

"Hindi rin. Kayang-kaya ko pasalihin si Flavia sa grupo natin bago pa man tayo dumiretso sa lokasyon ng bawa." sabi ko sa kanya. Hindi rin naman kami pwedeng magtagal sa bayan ng Zamora dahil na rin may misyon kaming dapat tapusin.

Naputol ang usapan namin ni Melia nung biglang umupo sa aming tabi si Isla.

"Panginoon, maaari rin ba akong uminom nito?" turo ni Isla sa baso ng alak na nakapatong sa aming lamesa.

"Hindi," sabay naming tutol ni Melia.

Ngumuso ang batang si Isla. "Bakit naman? Halos lahat kayo ay ganyan ang inumin. Gusto ko rin 'yang matikma--"

"Hindi pwede," kumuha si Melia ng isang basong tubig. "Heto ang tubig. Iyan ang inumin mo. Masyado ka pang bata para sa alak."

Napatawa ako dahil sa kanyang inakto. Para talaga siyang isang kapatid para kay Isla. "Anong tinatawa-tawa mo riyan? Sa susunod na pupunta tayo sa ganitong klaseng lugar at kasama natin si Isla ay bawal kang uminom ng alak, maliwanag ba?"

Nagkibit-balikat lang ako s kanyang sinabi ngunit mayamaya ay may kutsilyo nang nakatutok sa aking leeg. "Maliwanag ba kako?"

"O-oo. Mas maliwanag pa sa sikat ng buwan." biglang pagsang-ayon ko na lang sa sinabi ni Melia. Nakakatakot pala magalit ang babaeng ito.

*****

Kinabukasan, bumalik akong mag-isa sa koliseo dahil na rin walang laban sina Isla at Lucas ngayon... Pero si Flavia, mayroon.

Naglakad ako patungo sa loob ng koliseo at nakita ko ang ng mandirigma na hinahanda ang kanilang mga sarili para sa kanilang laban. Madali lang akong nakapasok dahil sinabi ko na may kasama akong mandirigma na nandito sa loob.

"Nasaan si Flavia?" tanong ko sa isng mandirigma na tahimik na nakaupo sa sulok.

"Ha! Sino ka ba par kausapin ako nang gany--" binubot ko ang aking Jian mula sa lalagyan nito at itinutok sa kanyang leeg.

"Inuulit ko, nasaan si Flavia?" May diin sa bawt salitang binitawan ko.

"N-nasa kwarto sa ikalawang palapag, sa pinakadulong bahagi ng pasilyo." wika niya kung kaya't mabilis ko na muli tinago ang aking Jian.

"Madali ka lang naman palang kausap, gusto mo pang tinatakot." naglakad na ako paalis at umakyat sa ikalawang palapag.

Mukhang mahalagang tao nga si Flavia dahil may sarili siyang kwarto rito sa koliseo. Pagdatingi ko sa dulong bahagi ng pasilyo ay may isang pinto at kinatok ko ito.

Noong una ay walang sumagot pero kumatok akong muli.

"Sino 'yan?" sigaw ng taong nasa loob at makalipas lamang ang ilang segundo ay nagbukas na ang pinto at tumambad sa akin si Flavia.

"Anong kailangan mo sa akin?" seryoso niyang sabi pero hindi nawawala ang ngiti sa kanyang labi. "Hindi iyan ang tunay mong anyo, tama ba? Ramdam kong nababalot ng mahika ang buo mong katawan."

"Mahusay, pero hindi mo dapat malaman ang tunay kong katauhan... Sa ngayon," pumasok ako sa kanyang kwarto kahit wala akong pahintulot mula sa kanya.

"Gusto mo ba ng tubig?" kumuha si Flavia ng isang basong tubig. "Kilala kita, ikaw ang kasama nung dalawang batang mandirigma."

"Oo, ako nga."

"Nandito ka ba ara sindakin ako para umatras sa laban?! Ha! Hindi mangyayari iyan! Ako ang makakakuha ng mga premyo!" pagmamayabang ni Flavia.

"Wala akong pakialam kung ikaw ang makakuha ng premyo." nabigla siya sa aking sinabi na para bang hindi niya iyon inasahan. "Nandito ako para bigyan ka nang babala,"

"Babala?"

"Alam kong makakarating ka hanggang huling laban sa kumpetisyon na ito. Gusto ko lang sabihin sa iyo na plano kang patayin ni Ibarro sa araw na iyon. Balak niya na sa gitna nang iyong magiging laban ay paulanan kayo ng mga palaso na may lason. Pagmumukhain niyang isa iyong palabas at parte lang ng kumpetisyon. Papatayin ka niya sa huling laban kasama ang iyong magiging kalaban." kwento ko sa kanya.

"Hindi ako naniniwala sa 'yo. Alam kong naninirang puri ka lamang, gusto mo lang makapasok sa huling laban ang iyong mga kasamahan."

"Sa oras na makapasok sa huling laban ang isa sa aking mga kasamahan ay mamamatay din sila. Pero sige, para maniwala ka na totoo ang aking sinasbi ay papaabutin ko hanggang huling laban ang isa sa aking mga kasama, isusugal ko rin ang kaniyang buhay." tumayo na ako at naglakad paalis pero bago ako umalis ay may sinabi pa ako sa kanya.

"Nagbigay lang ako nang babala sa 'yo, Flavia. Hindi ako ang kalaban mo rito... Ang gobyerno, ang mapanlinlang na pagpapatakbo ng mga opisyal. Parehas tayong nilalabanan ang mga mali sa gobyerno at sa mundong ito."

Naglakad na ako paalis at oobserbahan ko na lang ang mga mangyayari. Kailangan ko na rin mag-isip ng plano sa kung paano ko maililigtas sila Flavia sa huling laban.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top