Kabanata 27: Labanan sa Koliseo
Kabanata 27: Labanan sa Koliseo
Pagkarating na pagkarating ko sa loob ng koliseo ay malakas ang hiyawan ng mga tao. May mga kanya-kanya silang mandirigma na sinusuportahan. Puno ang koliseo pero dahil nga kasamahan kami ng ilan sa mga lalaban ay may nakhndang upuan para sa amin.
"Handa na ba kayo para sa susunod na laban?!" mas lalong nagsigawan ang mga tao dahil sa tanong nang tagaaliw sa istadyum.
"Madali lang malulusutan nina Isla at Lucas ang raun na ito. Hindi rin ganoon kahina ang dalawang iyon," sabi ni Jacko sa aking tabi kung kaya't napangiti ako. Madalas man silang mag-awy ni Isla ay parang magkapatid din ang turingan nilang dalawa dahil sa laki ng tiwala niya rito. Kabilin-bilinan ko rin ka kanila Isla na maaari nilang saktan na pisikal ang kung sinong makakalaban nila ngunit huwag lang nila itong papatayin.
Hindi papatay ng tao ang Sol Invictus para maaliw lamang ang madla.
Isa pang dahilan kung bakit puno ang koliseo na ito-- may laban si Flavia. Hindi ko pa man din siya nakikita ng personal ngunit dahil na rin sa pinapakitang suporta ng mga tao ay parang ramdam ko nang hindi isang basta-bastang mandirigma. May basbas ang templar niya mula sa bayan ng Kaliba, isang bagay n bihira magawa ng isang mandirigma.
"'Wag kang mag-alala, magiging madali lang ito para sa kanila. Ang kinatatakot ko ay baka matanggal ang bandana ni Lucas sa kanyang braso at makita ang marka niya na isa siya sa mga Sol Invictus," pag-amin ko sa kanilang dalawa. Kahit pa sabihing nakabalat-kayo kami ay mahirap pa rin mahuli sa ganitong klaseng lugar lalo na't punong-puno ng mandirigma ang lugar na ito.
"Ang susunod nating kalahok sa kanang panig! Si Duran!" anunsyo nung lalaki at may lumabas sa kanang lagusan na isang lalaki na napakalaki ng katawan. Nababalutan ang kanyang katawan ng pilak na kalasag at may hawak siyang isang malaking palakol. Malakas na nagsigawan ang mga tao sa paglabas niya at pag-akyat sa entablado. "Mukhang maraming pumusta at sumusuporta kay Duran! Sa laki ng katawan nito ay mukhang hindi siya mahihirapan na makapasok sa susunod na laban."
Napangisi na lang ako sa sinabi nung tagaanunsyo. Asa pa kayong makapasok iyan. Tunay na malaki ang katawan nitong Duran na ito ngunit habang pinagmamasdan ko pa lang siya ay alam ko nang mahina ito.
"Mula sa kaliwang panig! Si Lucas!" anunsyo nito at lumabas si Lucas mula sa kaliwang lagusan at walang pinapakitang emosyon ang kanyang mukha. Napatigil ang pagsigaw ng lahat nung makita nila na isang binata na gaya ni Lucas ang lalabas mula sa lagusan, idagdag pa rito na hindi naman ganoon kalaki ang katawan ng aming kasamahan.
"Ha! Anong akala ng bata na iyan?! Isang laro lang ang pagsali sa ganitong klaseng palabas?!" sigaw nung isang lalaki na sa hula ko ay nasa likod ng aming kinauupuan.
"Tapusin na 'yan! Tapusin na 'yan!" lumalakas ang sigawan ng mga tao habang nakatingin kay Lucas.
Kalmado lang kaming tatlo dahil alam naming hindi naman basta-basta matatalo si Lucas. Sa totoo nga lang ay kaya niyang tapusin ang labanan na ito sa loob lamang ng ilang segundo pero hindi ko rin alam kung ano ang magiging estilo ni Lucas sa pakikipaglaban.
"Handa na ba kayo sa labang ito?!" malakas na sigaw nung taga-anunsyo at nagsigawan ang lahat. Karamihan sa kanila ay sumusuporta kay Duran. Dapat pala ay mas nilakihan ko pa ang pusta kay Lucas kung alam ko lang na ganito kahina ang makakalaban niya. "Simulan n--"
"Sandali lamang," biglang nagsalita si Lucas kung kaya't napatigil ang tagapag-anunsyo. "Wala naman kayong batas sa labang ito, hindi ba? Kahit ano ang gamitin namin sa pakikipaglaban."
"Wala! Hindi ipinagbabawal sa labanan na ito ng paggamit ng kahit anong mahika, kahit anong armas, at kahit anong teknik sa pakikipaglaban. Lahat pwede!" sigaw nito at sa unang pagkakataon ay nakita kong ngumisi si Lucas.
"Mukhang balak noyang seryosohin ang labang ito," nagsalita si Jacko sa aking tabi. "Ayos na rin na seryosohin niya ang unang laban niya para naman hindi isipin ng mga tao na basta-basta lang siya na mandirigma." may punto rin itong si Jacko.
"Simulan na!"
Bumaba ang taga-anunsyo sa entablado. Matapos no'n ay nakita naming lahat na mabilis na tumatakbo si Duran tungo sa direksyon ni Lucas habang hawak-hawak niya ang kanyang malaking espada. Mabilis man ito, nakikita ko pa rin ang kanyang galaw. Malakas na napapasigaw ang mga tao dahil sa mainit na pagsisimula ng laban.
Nakatayo lang si Lucas at nung nasa harap niya na si Duran ay iniwas-iwasan niya lang ang mga atake at tulis ng espada nito. Hindi nawawala ng ngisi sa mukha ni Lucas. Sa mata ng ibang manunuod dito ay mabilis ang kilos nitong si Durn ngunit sa mata namin o kahit sinong malakas na mandirigma... Mabagal lang ito.
May mga sinasabi si Lucas sa bawat pag-ilag niya ngunut hindi na namin ito marinig dahil sa malakas na hiyawan ng mga tao.
"Mukhang pinaglalaruan na lang siya ni Lucas," sabi ni Melia. "Kitang-kita ko sa amta nung Duran na naiinis siya sa sinasabi ni Lucas."
Nagawa ni Duran na masugatan si Lucas sa braso at umagos ang pulang likido mula rito, sumigaw ang mga tao pero mabilis ding natahimik. "Ha! Ang isang bata na gya mo ay walang lugar sa mundo ng malalakas! Umuwi ka na lang sa inyo at tumulong ka na lang sa magulang mo haha!" malakas na pang-aasar ni Duran.
Pinahid ni Lucas ang dugo sa kanyang braso. Kayang-kaya naman ni Lucas na pahilumin ito ngunut hindi niya ginawa. "Tapos ka na?" ngumisi si Lucas at inikot-ikot ang kanyang leeg na arang naghahanda sa susunod niyang gagawin. Bakas ang takot sa mukha ni Duran dahil napaatras siya ng ilang hakbang. "Ako naman, ha. Huwag kang iiyak sa gagawin ko."
Pagkasabi ni Lucas no'n ay wala na siya sa kanyang pwesto at nasa likod na siya ni Duran. Napakabilis nang pangyayari at maging ang mga nanunuod ay nagulat sa nangyari.
Lilingon pa lang si Duran sa kanyang likod ngunit malakas na siyang nasipa ni Lucas at nangudngod ang mukha nito sa sahig. Hindi biro ang sipa na iyon dahil nawarak ang sahig at umagos ang likido mula rito. "Dapat ay hindi lang katawan mo ang binalutan mo ng pilak na mga sangga. Dapat maging ang iyong ulo."
Bumangon si Duran at puro dugo ang kanyang mukha, kinuha niya ang kanyang espada at muling aatakihin si Lucas ngunit nakataas pa lang ang kamay niya para atakihin si Lucas pero naunahan na siya ni Lucas. Tumama na ang kamao nito sa tiyan nito at lumipad palabas ng entablado si Duran.
Napakabilis lang nang laban na ito, nagaw siyang tapusin ni Lucas sa ilang minuto. Sa tingin ko nga ay magagawa niya ito kahit ilang segundo lang dahil pinaglaruan niya pa ito. Nalakas na napasigaw sina Melia at Jacko dahil sa mga nangyari at mayamaya lamang ay umugong na rin ang malakas na sigaw ng mga taong nanunuod.
Sa labanan kasi na ito, isa sa mga patakaran nila na sa oras na nahulog ka sa malaking bilog na entablado ay talo ka na. Nahulog si Duran kung kaya't ang ibig sabihin lamang nito ay nanalo na si Lucas sa pagkakataong ito.
Nawala ang ngisi ni Lucas at bumalik muli ang kanyang mukha sa pagiging walang eksresyon.
"Ang nanalo sa labang ito ay si Lucas! Pasok na siya para sa susunod na raun!"
*****
Kagaya nung nangyari kanina, nanalo rin si Isla sa laban niya. Minaliit din siya dahil siya raw ang pinakabatang kalahok sa labanang ito ngunit mabilis niya lang rin nilampaso ang kanyang kalaban. Hindi ko naman sila isasama sa Sol Invictus kung parehas silang mahina, hindi nila ipinahiya ang aming grupo.
Umupo si Isla sa aking tabi. "Nakita mo panginoon kung paano ko mabilis na nilampaso ang aking kalaban!?" tuwang-tuwa niyang sabi pagkarating niya pa lang.
"Oo, magaling ang iyong ipinakita, Isla. Pero dapat ay mas maging handa ka dahil mas malalakas ang magiging kalaban mo sa mga susunod pang mga araw," mabilis na tango ang itinugon sa akin ni Isla at napangiti ako. Bata pa rin talaga siya na gustong-gusto napupuri. "Dahil nanalo kayo ni Lucas, kakain tayo sa Marnova mamayang gabi."
Napasigaw ang lahat puwera kay Lucas na wala pa ring ipinaakitang ekspresyon ang mukha. Ang Marnova ay ang pinakasikat na kainan dito sa bayan ng Zamora. Siguro naman ay ayos lang kumain kami ng masasarap na putahe ngayon dahil magkakaroon kami ng selebrasyon dahil sa pagkapanalo ng aming dalawang kasamahan.
"Ngayon ang pinaka inaabangan ng lahat!" sigaw ng taga-anunsyo at malakas na nagsigawan ang mga nanunuod. "Mukhang kagaya pa rin ito ng dati, marami pa ring sumusuporta sa kanya..."
"Flavia! Flavia! Flavia!" paulit-ulit na sigaw ng mga tao. Siya nga ang ipinunta ng karamihan. Mukhang dati pa lamang ay sumasali na si Flavia sa labanang ito dahil kilalang-kilala siya ng lahat. Samantalang sa bayan ng Norton ay hindi naman siya ganoon kakilala.
"Manalo na kaya siya bilang isa sa pinakamalakas na mandirigma sa mundong ito?! Huwag na nating patagalin pa! Mula sa kanang panig-- Flavia!"
Bumukas ang kanang lagusan at isang babae ang unti-unting lumabas. Seryoso ang kanyang mukha. Kulay itim ang kanyang bagsak na Buhok na sa tingin ko ay hanggang bewang. Maliit at bilugan ang kanyang mukha at kay amo nitong pagmasdan. May suot itong kulay lila na kapa at puti ang kanyang suot na damit. Mukha man itong simpleng damit pero alam ko na hindi ito pangkaraniwan base sa kinang at ganda nang pagkakahabi nito. Ang isa ring nakapukaw ng aking atensyon ay ang balikat pababa sa kanyang kamay na nababalutan ng aluminyong kasangga at maging ang paa nito.
Sa wakas, nakita ko rin ang espada niya na templar. Tunay ngang hindi basta-basta na espada iyon dahil sa ganda nito.
"Iyan ba si Flavia? Kakaibang awra ang ipinaparamdam niya sa akin. Alam kong s kabila ng kanyang maamo na mukha ay isa siyang malakas na babae... Hindi iyon mapagkakaila." biglang nagsalita si Melia sa aking tabi. Parehas kami nang iniisip.
Siya na nga, siya ang perpektong tao na dapat naming isali sa Sol Invictus para mabuo na ang aming grupo. Siya ang tao na maaari pang tumulong sa amin ara mapatay ang iba pang maalamat na hayop.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top