Kabanata 24: Pag-alis sa Mitra

Kabanata 24

Hindi nga ako nagkamali nang pag-aakala, binntayan nga ng Ixion ang mga lumalabas at pumapasok sa bayan ng Mitra sa araw na ito. Nakangisi ako habang pinagmamasdan sila.

"Napakadali ninyong mabasa, itinuring pa man din kayong mga bayani sa lugar na ito ngunit ngayong nasa harap ninyo ang kalaban ninyo ay hindi ninyo ito makilala," mahina kong bulong sa aking sarili. Tamang desisyon lang na manatili muna kami sa bayan ng Mitra ng isa pang araw upang hindi kami mahuli ng Ixion.

"Magkano ang kagamitang ito?" nabaling ang tingin ko sa isang manlalakbay na biglang bumili sa aking tindahan.

"limang pilak lamang, ginoo." sagot ko sa kanya habang nakangiti.

Sa pananatili pa namin sa bayang ito ay ms marami akong natutunan tungkol sa bagay-bagay. Sa kung paano tumatakbo ang isang gobyerno, ang buhay ng isang mangangalakal, at nakkakuha rin kami ng mga impormasyon mula sa iba't-ibang tao lalo na sa mga manlalakbay na madalas bumili sa aking tindahan.

Kumuha ng salapi ang manlalakbay sa kanyang pitaka. "Hindi pa rin talaga tumitigil ang Ixion para mahuli ang Sol Invictus," kwento niya.

Inilagay ko sa isang supot ang kanyang gamit na binili. "Hindi ba't magandang bagay nga ito lalo na't ginagawa nila ang lahat para mapanatili ang kapayapaan sa lugar na ito." paliwanag ko sa kanya. Kailangan kong umakto na mabait upang hindi ako mapaghinalaan ng mga taong nakapaligid sa akin.

"Hindi tanga ang Sol Invictus, naniniwala ako roon. Kung ako man ay miyembro ng isang masamang grupo, tatang ay hindi ko ilalapit ang sarili ko sa kapahamakan. May plano ang Sol Invictus. Ke'sa magsayang sila ng panahon sa bayang ito ay ituon nila ang kanilang pansin sa pagpoprotekta sa maalamat na hayop." napangisi ako sa sinabi nitong manlalakbay na ito. Mabuti pa ito, may utak. Si Avery at ang kanyang grupo ay itinuring na mga bayani pero hindi man lang nila magamit sa maayos ang mataas na pwesto na mayroon sila.

Pinagmasdan ko ang manlalakbay at doon ko napansin ang pgiging malaking tao nito. Halos doble ko ang tangkad nito at batak na batak ang katawan nito sa pakikipaglaban. "Mukhang malakas kang manlalakbay, ah. Saan ang tungo mo nito, ginoo?" tanong ko.

"Sa bayan ng Zamora." sabi niya sa akin. "magkakaroon ng laban ng mga eskriminador at gladyador sa arena ng bayang iyon. Balak kong lumahok dahil sa malaking premyo nito." paliwanag niya sa akin.

Naisip ko na madadaanan din namin ang bayan ng Zamora sa paglalakbay namin patungo sa lokasyon ng Bawa. Kilala ang bayan ng Zamora dahil sa labanang madalas mangyari sa arena nito. "Nawa'y maging silbing pampaswerte sa iyo ang kagamitang binili mo sa akin." umalis na ang manlalakbay at naiwan muli akong mag-isa sa aking pwesto.

Mayamaya lamang ay bumalik na si Melia kasama si Isla. Sina Jacko at Lucas naman ay nasa silid-aklatan ng bayang ito upang manaliksik kung nasaan nga ba ang eksaktong lokasyon ng Bawa at kumalap na rin ng impormasyon patungkol sa mga maalamat na hayop.

"May plano na ako para gagawin nating pag-alis bukas," sabi ko kanila Melia at Isla.

"Ano 'yon?" tanong ni Melia.

"Dadaan tayo sa bayan ng Zamora upng manuod ng labanan sa Arena ng mga Eskriminador at gladyador." paliwanag ko sa kanya.

"Manunuod tayo, panginoon? Hindi ba't magiging sanhi lang ito nang pagpapabagal sa ginagawa nating paglalakbay? Hindi ko alam na interesado ka sa ganoong klaseng katuwaang pagtatanghal, panginoon." sabi ni Isla na para bang nagtataka rin siya sa aking ideya.

"Hindi lang tayo pupunta sa bayang iyon upang manuod," ngumisi ako at napatingin sa akin si Melia. Mukhang nakuha na niya ang nais kong ipunto.

"Pupunta tayo sa bayang iyon upang makakilala ng mas malalakas pabg manlalakbay at mandirigma. Hihikayatin mo sila na sumali sa Sol Invictus, tama ba?" tanong ni Melia.

"Tama. Magaling si Isla, Jacko, at Lucas pagdating sa mahika. Iba-iba sila nang kayang gawin pero malalakas sila sa kanilang kadalubhasaan. Tayo naman ay magaling makipaglaban pero kulang tayo sa taong malakas na makipaglaban na mataas ang depensa. Kailangan pa natin ng kasamahan na makakatulong sa atin sa paggawa ng ating misyon." paliwanag ko at mukhang maging si Isla  ay nakuha na ang nais kong ipunto.

"Ibig sabihin lamang nito na mannatili tayo roon ng ilang araw para panuorin ang magiging labanan sa arena. Magsasayang tayo ng ilang araw pero kung kapalit naman nito ay mas mapapadali ang ating trabaho sa pagpatay sa maalamat na hayop ay pabor ako sa iyong nais." sabi ni Melia.

"Ako man, panginoon, pabor ako sa bagay na iyong binabalak." mabuti na lang talaga ay iba pa rin ang mga anyo namin kung kaya't walang nakakakilala sa amin. Malaki talagang tulong si Lucas sa aming grupo.

Nagpatuloy ang aming pagbebenta sa ibang manlalakbay. Kinahapunan din ay umalis na ang mga Ixion sa bayan ng Mitra at bigo silang mahanap ang taong pakay nila.

*****

Natapos ang maghapon at bumalik na kami sa aming tinitirahan. Sinabi ko kay Lucas at Jacko ang aming plano at kagaya nila Melia ay pabor din sila rito.

"May impormasyon ba kayong nakuha patungkol sa Bawa?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Iilang libro lamang ang may nilalaman patungkol sa maalamat na hayop ngunit nagawa namin maghanap ng iilang impormasyon," panimula ni Jacko sa kanilang pag-uulat sa akin.

"Ang bawa ay sinasabing naninirahan sa isang kweba at lumalabas tuwing kabilugan ng buwan upang pagmasdan ang kakaibang gand nito." dugtong ni Lucas at napatango-tango ako sa kanilang sinabi. "Hindi rin namin masasabi kung konkreto nga ang impormasyong ito lalo na't iilang tao lang naman ang nakakita sa Bawa."

"Ang mahalaga ay may impormasyon tayong nakuha. Magpahinga na kayo. Maaga tayong aalis ng bayang ito bukas dahil tutungo tayo sa bayan ng Zamora." paliwanag ko sa kanila. Inialis na ni Lucas ang pagbabalat kayo namin at nagpahinga na sila.

Naiwan akong gising sa gabing ito, pinagmamasdan ko ang kagandahan ng kalangitan tuwing gabi. Ang sarap sa mata na pagmasdan ang mga bituin na kumikinang sa kalangitan.

Naalala ko naman ang kabataan namin nina Avery at Parisa.

"Bakit kaya ang kikinang ng mga bituin tuwing gabi, 'no? Ang sarap nilang pagmasdan." sabi ni Parisa habang nakahiga kaming tatlo sa bubong ng munting bahay ni tatay David.

"Ang sabi ni tatay David, ang mga tao raw na namamatay ay nagiging bituin sa kalangitan. Kumikinang at binabantayan ang mga mahal nila sa buhay." sabi naman ni Avery at hindi naaalis ang tingin niya sa bituin.

"Ha! Hindi totoo ang sabi-sabi na 'yan," tutol ko sa kanilang dalawa.

"Totoo 'yon! Galing ang mga salitang iyon kay tatay David. Tsaka ayaw mo no'n? Kahit na patay na ang ating mga ama't ina ay naging bituin sila. Binabantayan nila tayong tatlo." paliwanag sa amin ni Avery.

"Gusto ko kapag namatay tayo, maging bituin tayo sa kalangitan at magkakasama pa rin," kita ko ang kinang sa mata ni Parisa habang sinasabi niya iyon na para bang kami ang pinakamahahalagang tao para sa kanya.

Hindi ko man madalas ipakita pero si Avery at Parisa din ang pinakamahalagang tao para sa akin. Hindi man kami magkakadugo pero sabay-sabay at magkakasama kaming lumaki rito sa bayan ng Norton. Sila ang mga taong gusto kong protektahan hanggang sa aking paglaki.

"Ipangako natin sa isa't- isa na hindi tayo maghihiwa-hiwalay at hindi tayo magkakaroon nang alitan dahil malulungkot talaga ako." sabi ni Parisa. Bumangon siya mula sa kanyang pagkakahiga at itinaas ang hinliliit niyang daliri na parang nangangako.

"Nangangako ako," nakangiting sabi ni Avery.

"Ang pambata naman nang pinapagawa mo--" naputol ang aking reklamo nung tinignan ako ng masama ni Avery. Alam niya kasing maaaring umiyak si Parisa kapag nagreklamo pa ako. "O-oo, nangangako ako. Hindi tayo mag-iiwanang tatlo."

Tumingin kaming tatlo ng mata sa mata at ngumiti.

"Mga bata, bumaba na kayo riyan at kumain na tayo." sabi ni tatay David at nag-unahan kaming tatlo sa pagbaba.

"Mukhang malalim ang iniisip mo, Basil." sabi ni Melia kung kaya't naputol ang aking paggunita sa mga alaalang iyon. Ang mga pangako na binitawan namin nung mga bata pa kami ay tuluyn ng napako. Sinira ni Avery ang simple at tahimik naming pamumuhay.

"Bakit gising ka pa?" tanong ko. "Anong oras na rin, matulog ka na. Maaga pa ang ating paglalakbay bukas."

Tumayo si Melia sa aking tabi at pinagmasdan din ang mga bituin habang may ngiti sa kanyang labi. "Siguro ay nangungulila lang ako kay Ina ngayon. Matagal-tagal na rin buhat nung umalis ako sa Norton. Ikaw, ba't gising ka pa?"

"Parehas tayo. Naalala ko lang sina tatay David at Parisa." pag-amin ko.

"Hindi ako makapaniwala na isa na tayong kalaban ng bayan ngayon. Dati ay nangangarap tayong dalawa na protektahan ang bayan ng Norton pero ngayon, buong mundo na ang galit sa ating dalawa." sabi ni Melia.

"Nadamay ka lang naman. Nadamay lang kayo. Sa akin talaga galit ang buong mundo buhat nung mapagbintangan ako sa kasalanang hindi ko ginawa at hindi ko magagawa." kwento ko sa kanya. Sa lahat ng kasama ko rito ay kay Melia ako pinakakomportable magkwento dahil alam kong maiintindihan niya ako dahil halos parehas ang aming mga karanasan.

"Pero dadating kaya ng araw na magkaayos pa kayo ni Avery? Naalala ko nung kalahok pa tayo ay halos magkapatid ang turingan ninyo sa isa't-isa tapos ngayon ay kinikilala ninyo nang dalawa na kalaban ang isa't isa." tama si Melia, sobrang nagtulungan kaming dalawa ni Avery upang manatili na kalahok.

"Umaasa rin akong magkaayos kami, pero gusto kong itama niya ang pagkakamali niya." pag-amin ko. Kahit papaano ay mahaba ang pinagsamahan namin ni Avery. Galit man ako sa kanya pero hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ko sa knya bilang kapatid ko.

"Sana ay matapos na ang gulo sa pagitan ng Ixion at Sol Invictus." sabi ni Melia.

"Imposible 'yang nais mo. Nagsimula na ang gulo at kailangan natin itong tapusin. Kung kinakailangan kong kalabanin ang Ixion para sa misyon ko, gagawin ko. Gagawin ko ang nakabubuti sa bayang ito." paliwanag ko sa kanya. "Matulog ka na, maaga pa tayo bukas." paalala ko sa kanya.

Ngumiti sa akin si Melia. "Ikaw man, Blade. Magpahinga ka na. Tandaan mo lang na kahit kalaban mo ang buong mundo, nandito kaming Sol Invictus na kilala ang totoong ikaw at kakampi mo kami." sa pagkasabi niyang iyon ay ngumiti ako pabalik sa kanya.

Pumasok na muli sa silid si Melia at makalipas ang ilang minuto ay pumasok na rin ako dahil dinapuan na ako nang antok.

Kinaumagahan, maaga pa lamang ay inilalagay na namin ang lahat ng aming gamit upang simulan ang paglalakbay. "Handa na ba ang lahat?" tanong ni Jacko dahil kagaya nung mga nakaraan ay siya ang magpapatakbo ng karwahe.

"Handa na kami sa bagong paglalakbay!" malakas na sigaw ni Isla at napangiti kami.

Pinaandar na ni Jacko ang karwahe paalis ng bayan ng Mitra. Hindi naman kami nahirapan makalabas sa bayan ng Mitra lalo na't iba ang aming anyo at hindi na rin ganoon kahigpit ang mga bantay lalo na't wala na rin ang Ixion sa bayan.

Pagkalabas namim sa bayan ng Mitra ay dumampi sa aking balat ang malamig na simoy ng hangin.

"Bawa, hintayin mo lang kami. Malapit na kami sa iyong lokasyon." Mahina kong bulong sa aking sarili at pinagpatuloy ang aming paglalakbay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top