Five
Five years ago...
Sarah
Weeks have passed and Bernadette's party was a blast. I had fun spending time with them.
And now as we neared the fourth quarter of the School Year, more projects and tasks were given.
I was at the waiting shed while waiting for the rain to stop. If there is one thing I hate, it's forgetting my umbrella.
Ang init-init kanina tapos biglang uulan? Nasaan ang hustisya, diba?
I sighed and clung to my skirt and occasionally look for a taxi who will be kind enough to stop to where I am. Unfortunately, lahat may sakay.
It's already past 5pm and here I am, stuck in the waiting shed. Nakakainis!
Ako na nga lang yata ang nandito dahil nag-uwian na ang mga estudyante. Yung iba naman ay may sundo. Yung iba na malalapit ang tirahan, sinuong na ang ulan makauwi lang.
Isang oras pa ang biyahe ko pauwi sa amin. At wala akong planong magkasakit at bigyan si Mama ng sakit sa ulo para alagaan ako.
Isang buntung-hininga na naman ang pinakawalan ko dahil ramdam ko na ang lamig. Napatingin ako sa palda ko at napansing nababasa na pala ako.
Tumingala pa ako ng bahagya at lumakas pa nga lalo ang ulan.
Napakunot ang noo ko ng may makita akong pamilyar na sasakyan na papalapit sa kung nasaan ako.
Agad itong huminto sa harapan ko at binaba ang bintana. Dumungaw sya sa akin sabay sabing, "hop in. Hatid na kita pauwi."
Nagtumbling na naman ang puso ko pagkakita sa kanya. Alam kong ang nararamdaman ko sa kanya ay iba na.
Mabilis kong binuksan ang pintuan sa passenger seat at agad na umupo.
"Sorry! Nabasa pa ang sasakyan mo." Pagpapaumanhin ko habang pinapagpagan ang sarili kong mga braso na nabasa ng ulan.
"Here, use this." Abot niya sa akin ng panyo.
Umiling ako at ngumiti, "huwag na. May panyo ako. Sobra-sobra na ang paghatid mo sa akin pauwi. Salamat."
Nagtama ang mga mata namin at bigla akong nailang. Binuksan nya ang radyo at nagpatugtog si Billy upang maalis ang namuong tensyon sa sasakyan.
"Partner! Ang lakas daw ng ulan sa labas!" Biglang kumento ng isang DJ sa istasyon at sinang-ayunan naman ng kasama nya.
"Ay, nako! Sinabi mo pa, Partner! Balita ko nga daw, lumalabas ang mga emosyon kapag ganitong tag-ulan!" Tawa naman ang isinagot ng lalaki. "Ano tinatawa-tawa mo dyan, Partner! Kunwari ka pa, siguro naaalala mo yung mga panahong tinago mo ang nararamdaman mo para sa matagal mo ng kras!"
"Hoy! May pag-atake!" Protesta naman ng lalaking DJ. "Pero, oo?"
"Hahahaha! Dedeny ka pa, hindi ka din nakatiis!" Bumunghalit ng tawa ang masayahin nyang karelyebo at nagkwentuhan pa sila ng kaunti bago nagpatugtog ng kantang tinamaan naman ang lahat.
"Kaya sa mga torpe dyan! Aba'y galaw-galaw din! Hindi sa lahat ng pagkakataon kaya niyang maghintay! Magpakalalaki kayo, oy! Hindi na uso ang torpe ngayon!" Sabi ng babaeng DJ.
"Andaming ebas, Mars!" Natatawang banggit ng lalaking DJ. "Oh siya! May point naman siya pero bago pa humaba ang sermon niya, papatugtugin ko na ang nais sabihin ng iyong pusong nagsusumamo. Ayos ba, Partner?"
"Naaaks! Yan si partner! Mas madaming ebas! Play mo na nga 'yan!" Halakhak n'ya pa at ilang minuto lang ay nangingibabaw na nga ang kanta.
You flashed me a smile
Telling me it's okay.
I thought for a little while
Then smiled in return.
Biglang napa-ubo si Billy sa narinig at nag-init ang pisngi ko sa kantang iyon.
Mabuti at may nakita ako sa likod ng sasakyan nya at inabot sa kanya iyon, "tubig oh."
Mas lalo pa siyang napa-ubo at umiling. Awkward na ngumiti ito sabay sabing, "o-okay lang ako. Nasamid lang."
Those expressive eyes of yours,
Every time you look my way...
Got me totally swept away!
"Nakaka-antok ang kanta, lipat ko ha?" Sabi ni Billy at napatango na lang ako.
It's amazing how great of an effect you had on me,
No doubt
That I'm starting to fall for thee!
Mas lalong pumula ang mukha ko sa sumunod na kanta. At mukhang ganoon din ang pakiramdam ni Billy dahil ang kaninang tinatanggihan nyang mineral water ay ininom niya kahit nagmamaneho sya.
Habang binabagtas namin ang daan pauwi, maya't maya din ang traffic dahil sa namuong baha sa daanan.
Naka-ilang shortcut din siya at ilang palit ng istasyon sa radyo.
You flashed me a smile
Telling me it's okay.
I thought for a little while
Then smiled in return.
"Iisa lang ata mga kanta nila!" Komento ni Billy na tinawanan lang naming dalawa.
"Hayaan mo na. D'yan sila masaya eh. " pagbibiro ko pa.
Makalipas ang ilang mga minuto ay sa wakas, tumila na rin ang ulan. Nakarating din kami ng matiwasay at buo sa bahay.
"Salamat sa paghatid sa akin. Gusto mo bang pumasok muna para uminom?" Sabi ko.
"Oh, Anak! Andyan ka na pala!" Saktong labas naman ni Mama sa amin. "Billy! Kamusta? Noong isang araw ay nandito ka ha. Anong meron at magkasama kayo?" Usisa nya pa na may himig ng pang-aasar.
"Maa!" Protesta ko.
"Bisita natin sya. Halika, iho. Pasok ka sa loob." Sabi ni Mama na sya namang pinaunlakan ni Billy.
Sinara ko ang gate namin at hinayaan sila ni Mama na mauna sa loob.
Matapos bigyan ng juice at meryenda, biglang nagseryoso ang ekspresyon ni Billy sa sofa namin.
Si Mama naman ay prenteng naka-upo sa one-seater na sofa.
Kapag ganito na ang itsura niya, kabahan ka na. Simula kasi ng nag-abroad si papa, si mama ang batas sa bahay. Na understandable naman dahil kaming dalawa lang ang nandito.
"So, may gusto ka bang sabihin, Billy?" Tanong ni Mama na nagpakaba sa akin.
"Ma? Anong sasabihin? Bakit nga pala ganyan ang itsura mo?" Hindi ko naiwasang magkomento sa postura nya.
"Ah. Uhm. Gusto ko sanang humingi ng permisong li-ligawan ng pormal si Sarah." Kinakabahang sagot ni Billy at nagtama ang mga mata namin.
Literal na napanganga ako sa pagkabigla at gulat.
"Depende iyan kay Sarah." Binaling sa akin ni Mama ang atensyon niya at ganoon din si Billy. "Go ahead. Ask her."
I blinked in disbelief and shock. It was still unbelievable.
"Can I court you, Sarah?" Billy asked again, this time, meeting our eyes.
✉✉✉
The above songs: What You Do To Me and Kisses Under The Moonlight are originally composed by me.
They can also be found in my Poetry Compilation entitled Songs for Lyrica.
😍😍😍
O to the M to the G!
Ayan na nga!
Abangan ang susunod na kabanata!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top