CHAPTER 074



FULL CHAPTER CAN ONLY BE FOUND ON MY FACEBOOK VIP GROUP - PM ME FOR DETAILS


*

*

*


Kanina pa alarm nang alarm ang cellphone niya pero dahil naka-baba ang volume ay hindi niya narinig! Oh, sa dami ng mga gumugulo sa isip niya'y nakalimutan niyang lakasan ang volumen ng kaniyang cellphone!

Nagmamadali siyang bumangon dahilan upang bahagya siyang mahilo. She closed her eyes tightly and shook her head a little. Nang sa tingin niya'y okay na siya ay inisuot niya ang flipflops at sa malalaking mga hakbang ay tinungo ang pinto.

Halos takbuhin niya ang hallway nang makalabas sa guest room, at nang marating ang puno ng hagdan ay sandali siyang nahinto.

Para siyang sasakyang biglang nag-preso.

Nahinto siya nang may maamoy.

At tila may usok.

Tila may nasusunog.

At nanlaki ang kaniyang mga mata nang mapagtanto kung ano at saan iyon nanggagaling.

"Oh no!" Mahigpit ang kapit niya sa barandilya ng hagdan nang takbuhin niya iyon pababa. At habang pababa siya nang pababa ay tumatapang nang tumatapang ang sunog na nalalanghap niya.

Nang tuluyan siyang makababa at mapatingin sa direksyon ng kusina ay muli siyang nahinto at napaatras. Panic consumed her.

Makapal ang usok na nagmumula sa loob ng kusina—makapal na halos hindi na niya maaninag ang daan.

And she knew where the smoke was coming from.

Nasusunog na ang manok sa oven! At hindi niya nabuksan ang kitchen hood kanina dahilan kaya hindi kaagad nakalabas ang usok! Kumakapal nang kumakapal na iyon—she had to act fast!

Tinapangan niya ang sarili at sa malalaking mga hakbang ay itinuloy ang paghakbang patungo sa kusina. Bago marating iyon ay pinuno na muna niya ng hangin ang dibdib saka initakip ang braso sa ilong. She narrowed her eyes to see the oven—at dahil hindi pa niya gaanong gamay ang kusina ay hindi niya alam kung saan ang tamang direksyon. Nilamon na ng makapal na usok ang loob, at nakailang bangga na siya sa mga edges ng sink, fridge, at island counter.

Makalipas ang ilang sandali ay nahanap niya ang cooking area—binuksan niya ang kitchen hood sa ibabaw ng stove saka niyuko ang oven. Lalo siyang natakot nang makitang may apoy na sa loob, kaya taranta niya iyong binuksan. Doon ay tuluyang lumabas ang mas mainit at makapal na usok..

She panicked again and coughed. Naubusan na siya ng hangin kaya patakbo siyang lumabas ng kusina. Muli ay ilang ulit siyang tumama sa kung saan at kung anong nadaanan niya hanggang sa makalabas siya sa kusina.

Nang makalabas ay kaagad niyang napansin ang usok na kumalat na rin hanggang sa sala, at unti-unting umaakyat sa itaas.

Oh, no. Is Van still sleeping?

Muli siyang sinalakay ng pag-aalala nang maalala ang asawa.

Patakbo niyang tinungo ang hagdan at halos liparin ang bawat baitang. Inatake siya ng takot sa maaaring mangyari kung hindi sila makalalabas sa bahay na iyon sa susunod na mga sandali.

Pero paano niya mailalabas si Van sa bahay nang mag-isa lang siya?

She needed help--she needed to call for some rescue. Dahil kung hindi ay baka mapuno ng usok ang buong bahay!

Nasa gitna na siya ng hagdan nang bumukas ang smoke alarm.

Sa isip ay nagrereklamo siya kung bakit tila ang tagal bago iyon bumukas, pero magkaganoon man ay nagpapasalamat na rin dahil umaasa siyang may darating na rescue para sa kanila--as soon as possible.

Itinuloy niya ang pag-akyat hanggang sa marating niya ang master's bedroom. Umabot na doon ang manipis na usok.

Madali niyang binuksan ang pinto, inisara, saka nilapitan ang kama. Niyugyog niya sa balikat ang natutulog pa ring si Van.

"You need to wake up!" aniya sa nag-aalalang tinig. Nababahala siyang kung walang darating na tulong sa loob ng sampung minuto ay siguradong tuluyang kakapal ang usok sa itaas.

Pero kahit na magising si Van, kaya ba nitong bumaba? Papaano sila lalabas?

"Van!" Naluha na siya sa takot. Kung siya lang ay kaya niyang tulungan ang sarili, pero paano ito?

At naiiyak siya dahil sa pag-aalala.

Para rito.

"Van, please wake up!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top