CHAPTER 047



TATLONG ARAW LANG NA NANATILI SA OSPITAL SI DEMANI. Sa ikatlong araw ay sinabi na ng doktor na maaari na siyang lumabas at nagbilin na inumin niya ang lahat ng gamot na ini-reseta nito. Maliban sa mga gamot ay pinayuhan siyang magpahinga at matulog sa tamang oras. The doctor advised bed rest for the whole week; at dahil nag-aalala ang mama niya na magaya siya kay Cori na pinanghinaan ng loob at na-stress ay nagsabi itong ipadadala sa bahay nilang mag-asawa ang kasambahay na si Mari. Ayon sa mommy niya ay abala si Van sa negosyo at baka hindi siya nito mabigyan ng oras para asikasuhin.

Speaking of her husband...

Kahapon pa ito hindi nagpakita sa kaniya.

Nang magising siya noong araw na iyon sa ospital ay pangalawang araw na niya sa ospital, at simula noon ay hindi na ito bumalik upang kausapin siya. Her mother said that he was calling to check on her. Nagalit pa ang daddy niya dahil bakit daw hindi muna iniwan ni Van ang trabaho para samahan siya sa ospital.

Well... she couldn't tell her parents. Hindi niya masabi sa mga itong nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan ni Van, at na aminado siyang kasalanan niya kung bakit nawala ang dapat ay una nilang anak nito. Hindi niya masabi sa mga itong siya ang may pagkakamali; at na hindi nagpakita roon si Van dahil labis itong nasaktan sa nangyari.

Iyon ang kinatakutan niyang mangyari. Hindi niya naagapan. Dahil hindi niya alam.

Noong inalam niya ang kondisyon niya sa pamamagitan ng PT ay hindi na siya nagpatingin pa sa doktor. She had missed her period but she considered it due to stress. She was seven days delayed and it happened a few times before, kaya hindi na siya nanibago. She didn't expect that the pregnancy test kit was defected and gave her an inaccurate result.

Tama si Van, dapat ay nagpatingin din siya sa doktor upang nasiguro niya. At kung sinabi niya sa asawa ang hinala niya'y baka dinala rin siya nito sa doktor. Knowing her husband who was always worried about her...

Yeah. Her husband was always worried about her. He cared a lot about her. At ginawa nito ang lahat. Pero dahil sa stress na pumapaligid sa kaniya ay nagiging sarado ang utak niya na intindihin din ang rason nito, ang intensiyon nito.

Inaamin niyang siya talaga ang may mali.

And by God, sana matuto na siya sa napakaraming pagkakamaling nagawa niya sa relasyon nila. She had just lost a child because she didn't take care of herself and didn't listen to her husband! May rason si Van na lalong magalit sa kaniya; at naiintindihan niya kung bakit hindi na ito bumalik pa sa ospital.

Kapag umayos na ang pakiramdam niya at bumalik na siya sa dati ay kakausapin niya ang buong pamilya at sasabihin sa mga itong gusto na niyang ituon ang buong oras at atensyon sa pagsasama nila ni Van. The doctor said she couldn't get pregnant in the next four months; ibig sabihin ay muli silang maghihintay ni Van ng ilang buwan bago ituloy ang planong bumuo ng pamilya.

Gusto niyang bago nila muling subukang magkaanak ay maayos na ulit ang gusot nila ng asawa, at nakausap na niya ang buong pamilya. Ngayong nasa poder na ng mga magulang si Coreen, at si Maureen naman ay nako-kontrol na ngayon si Jimmy, siguro naman ay wala na siyang stress na dadalhin?

"Ilalabas ko na ang mga gamit mo, anak. Dumating na ang sundo mo."

Nagising siya sa malalim na pag-iisip nang marinig ang tinig ng ina. Hindi niya namalayan ang pagpasok nito sa private unit niya. Lumapit ito at kinuha ang duffell bag na puno ng mga gamit niya sa upuang katabi ng kama.

"Thanks, Mom," she answered. Nanatili siyang nakaupo sa gilid ng kama habang hinihintay ang mommy niya. Sandali itong pumunta sa nurse's station upang kunin ang mga resetang iniwan doon ng doktor. "Ihahatid niyo po ba ako ni Dad sa Antipolo?"

"No," her mother answered, smiling. Tumalikod na itong muli at nang nasa pinto na'y muli siyang nilingon. "Your husband is here to pick you up."

Hindi na siya nakasagot pa nang sa pagbukas ng mommy niya sa pinto ay nakita niya ang asawang nakatayo sa harap niyon. Sa kamay ni Van ay isang boquet ng samut-saaring mga bulaklak.

Napatingin siya kay Van; subalit ang tingin nito'y nasa Mommy niya na lumabas at sandali silang iniwan. Nang tuluyang makaalis ang mommy niya ay doon pa lang ibinaling ng asawa ang tingin sa kaniya.

She held her breath.

She missed her husband so much she couldn't wait to hug him. But she knew there were many things they needed to talk about. Hihingi siya ng tawad sa naging pagkakamali at pagkukulang niya- na naman. At muli siyang mangangako rito na gagawin ang lahat upang ayusin ang pagsasama nila.

Oh, she craved to be in her husband's arms and cry for the loss of their first child. Kung hindi sana siya naging pabaya ay baka ngayon, magulang na sila.

The thought of her unborn baby pained her heart; pero sinisikap niyang h'wag iyon gaanong isipin upang tulungan din ang sarili. Ayaw niyang magaya kay Cori. Ayaw niyang mawalan ng pagmamahal sa sarili, ng pag-asa sa kinabukan. Ayaw niyang matulad dito na nilamon ng kalungkutan at pagsisisi.

Natigil siya sa pag-iisip nang tuluyan nang pumasok ang asawa. Inisara muna nito ang pinto bago lumapit sa kaniya. Huminto ito ilang dipa mula sa kama at tinitigan siya.

She didn't know what to say. Her husband's eyes were filled with sadness still. At hindi niya kayang titigan ito ng diretso dahil alam nagi-guilty siya. She was the cause of his pain, of his sadness.

At upang sagipin ang sarili na makaramdam ng kalungkutan ay ibinaba niya ang tingin sa dala nitong bulaklak. At doo'y hindi niya napigilang magpakawala ng bahaw na ngiti. They were all her favorite flowers. At nang iabot iyon ng asawa sa kaniya ay kaagad niya ang mga iyong tinanggap.

Ibinalik niya ang tingin sa mukha nito saka tinitigan nang husto. They stared at each other for a while, both of them were unable to say a word.

At makalipas ang ilang sandali ay unti-unting napalis ang kaniyang ngiti. Ngayong natitigan niya nang husto ang asawa ay may napansin siya.

Something was off...

There was something odd on his expression. Hindi niya maipaliwanag kung ano, pero nabahala siya.

She had never seen that expression on his face before.

Pero sa ilang pagkakataon ay nakita niya ang ekspresyon na iyon kay Jimmy, sa asawa ni Maureen. Ganoong-ganoon ang ekspresyon ng mukha ni Jimmy sa tuwing tinatanong ito ng Uncle Lau niya kung nagsusugal pa ito.

There was guilt and remorse.

And she was about to ask him what the problem was when he spoke first,

"How are you feeling?"

Matagal bago siya sumagot. "Physically, I feel better. Emotionally, I'm not sure yet..."

Tumango ito, at sa pagkagulat niya'y dahan-dahan itong tumingkayad ng upo sa harapan niya. He then took her other hand and kissed the back of her palm without breaking eye contact.

"I'm sorry..." he said.

Sandali siyang naguluhan sa ginawa at sinabi ng asawa. Hindi ba dapat ay siya ang humingi ng dispensa dahil siya ang nagkamali at nagkulang?

"What's... going on?' she couldn't help but ask.

Napayuko ito saka humugot nang malalim na paghinga. "I'm... sorry for everything."

What everything?

Napatingin siya sa pinto nang marinig ang muling pagbukas niyon. Doon ay nakita niya ang kaniyang mga magulang. Her mom had a soft smile on her face, her father was serious.

Oh... Siguro ay napagsabihan ng daddy niya si Van tungkol sa hindi nito pagsama sa kaniya sa ospital kahapon.

Pero naiintindihan niya kung bakit wala roon ang asawa. She was the one who made mistakes.

Inilapag niya ang bulalak sa tabi at hinawakan ang asawa sa mga kamay. Pinatayo niya ito subalit hindi natinag ang asawa; iniluhod pa nito ang isang tuhod sa sahig upang manatili sa kaniyang harapan.

Nagpakawala siya ng malalim na paghinga saka masuyong hinaplos ang buhok nito. "Don't be sorry, I made a mistake, too. At may pagkukulang ako."

Nagtaas ito ng tingin, at doon ay nakita niya ang pagsisisi sa mga mata ni Van. Naisip niyang marahil ay isa rin sa inihihingi nito ng tawad ay ang mga nasabi noong huli silang mag-usap.

She forced a smile. "I'm not mad, honey. I understand why you said what you said. At naiintindihan ko rin kung bakit ka umiwas na makita ako. It was my fault that we lost the baby—"

"This is not just about that, Demani." Muli itong napayuko. Ang pagkakahawak nito sa mga kamay niya ay humigpit.

Bumaba ang isang kamay niya sa pisngi ng asawa. "Let's just move on and work on our marriage; alam kong may pagkakataong darating tayo sa hindi pagkakaunawaan tulad ng nangyari sa nakalipas na mga linggo, but Im sure our love for each other will always prevail. Gusto ko rin na... humingi ng tawad sa mga pagkakamali at pagkukulang ko sa relasyon natin. I have a lot to learn about marriage, at nakahanda akong pagdaanan ang lahat ng pagsubok para matuto. Let's just... not give up on each other, okay?"

Hindi sumagot si Van; ang anyo ay hindi nagbago. Ang emosyong naroon sa mga mata'y hindi nawala.

Muli siyang nagpakawala ng banayad na ngiti. "I missed you, honey..."

Wala na naman siyang nakuhang sagot mula rito.

"Let's just go home, okay?" she suggested, ignoring the remorse that crossed her husband's eyes. "I missed home; I missed being with you."

Van released a deep sigh. Tumayo ito at inalalayan siyang tumayo na rin. "Okay," he said; the expression on his face didn't change. "Let's go home..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top