Chapter 018 - Heart Made of Stone
NANG UMAGANG nagising si Demani ay ang nangyaring pagtatalo nilang mag-asawa kagabi ang kaagad na pumasok sa isip. She felt heavy; parang ayaw niyang lumabas ng silid at harapin ito. Alam niyang maya-maya ay papasok ito sa silid nila upang maghanda na sa pagpasok sa opisina, at hindi pa siya handang kausapin ito.
Naroon pa rin ang sama ng loob sa kaniyang dibdib. Pero naroon din ang bigat—sa unang pagkakataon ay nag-away sila ni Van at wala siyang ideya kung papaano niyang pakikitunguhan ang bagay na iyon. She didn't know how to fix it. Hindi niya alam kung sino ang unang dapat na gumawa ng hakbang upang magkaayos sila.
It should be him, bulong ng isang bahagi ng kaniyang utak. He should be the one to talk to me first and apologize. Tutal ay siya ang may pagkukulang, siya ang nagsalita ng hindi maganda tungkol sa pamilya. Lumabas na rin ang totoo—he hates my family!
Oh, muling bumangon ang inis sa kaniyang dibdib habang pinakikinggan ang demonyong bumubulung-bulong sa kaniyang isipan.
Padabog siyang bumangon at nakabusangot na humakbang patungo sa banyo. Nagpasiya siyang hindi kakausapin si Van kung hindi ito hihingi ng tawad sa mga pagkukulang nito at sa mga salitang binitiwan kagabi.
Naiintindihan niyang hirap pa itong mag-adjust na mapabilang sa pamilya niya; it's almost six months since they were married, dapat nga ay nakapag-adjust na ito. Alam niyang hindi ito sanay sa kulturang bumubuo at nagpapatibay sa isang pamilya, kaya nga nais niya itong hilahin palapit sa pamilya niya upang matuto ito—at yakapin ang tradisyon nila.
Family should stick together. Hindi dapat tinatalikuran ang pamilya. Hindi dapat nagiging pabaya. sa obligasyon nilang miyembro niyon, at hindi dapat naghihiwalay.
Well... maliban kay Sam.
Damn Sam.
Siguradong sa araw na iyon ay ipadadakip na ng Tito Lau niya ang gagong iyon. Kaya magtago na ito. Her uncle wouldn't stop until he went to jail. Sigurado siyang ipakukulong ito sa ginawang pananakit kay Coreen, at sa pambababae nito.
Oh, bakit ba niya iniisip ang problema ng pinsan niya? May problema rin sila ng kaniyang asawa; iyon muna ang iintindihin niya.
Nang makapasok na siya sa banyo ay kaagad siyang naghubad ng damit at binuksan ang shower upang timplahin ang tubig sa maligamgam. Habang nakabukas ang shower ay nagsipilyo na muna siya. And while she stared at her face in the mirror, she noticed something. Kunot-noong inilapit pa niya ang mukha sa salamin upang suriing mabuti ang mukha.
Maliban sa namumugto niyang mga mata sa pag-iyak kagabi dahil sa sama ng loob ay tila may kakaiba pa siyang napapansin sa sarili. Something she hadn't noticed until today.
Something...
Pinanlakihan siya ng mga mata nang mapagtanto kung ano iyon.
Kay nipis na ng kaniyang buhok! At napansin niya iyon ngayon lang dahil tila lumapad ang kaniyang noo. Ang mukha niya'y tila lumubog, ang kaniyang leeg at tila humaba, at ang kabuuan ng kaniyang mukha ay tila lalong namutla.
Napaatras siya sa panggilalas.
She looked unhealthy!
Ano ang nangyayari sa kaniya?
Bigla niyang naalala ang sinabi ng asawa noong nakaraan. Napansin na ni Van ang pag-iiba sa kaniyang katawan noon, at sinabi nitong kailangan niyang magpatingin. She did go to the doctor and had herself checked; but the doctor said it was only due to stress. Kailangan ba niyang muling magpatingin sa doktor?
Hindi niya madalas inumin ang gamot na ini-reseta nito, and the consultation was over a month ago—may iba pa ba siyang karamdaman maliban doon?
Mabilis niyang tinapos ang pagsisipilyo, at mabilisan ding naligo. Wala pang sampung minuto ay tapos na siya at halos takbuhin ang palabas ng banyo. Nang buksan niya ang pinto ay napatda siya sa kinatatayuan nang makita ang asawang nasa loob ng kanilang silid. He was opening the walk-in closet when he turned and glanced at her.
She swallowed. Why did she suddenly miss her husband?
At ngayong nakita niya ito sa umagang iyon ay bakit pakiramdam niya, nawala na ang sama ng loob na bumalot sa kaniyang dibdib sa buong gabi at kaninang paggising?
Or maybe she was too worried about her health that she decided to forgo her vexation and talk to her husband about what she noticed.
Oh, she wanted to tell him about what was happening. But—Van turned his back on her again and proceeded to open the closet, without a single word.
Doon siya napalabi; ang kaniyang lalamunan ay tila nagbara—she felt like crying.
Tahimik niyang inituloy ang paglalakad at muli lang nahinto nang humarap si Van, hawak-hawak sa kamay ang bagong set ng pambihis nito. Her husband didn't even glance at her as he walked past her.
Her jaw dropped in disbelief. Did Van just pass by her?
Muling uminit ang kaniyang ulo.
Nakapamaywang niya itong sinundan ng tingin, at nang papasok na sa banyo angasawa ay saka siya nagsalita.
"Wala ka man lang sasabihin?"
He stopped and let out a sigh before he turned his head and looked over his shoulder. "Good morning."
Lalo siyang namangha. "Wala kang planong humingi ng dispensa sa mga sinabi mo laban sa pamilya ko kagabi?"
Napahugot naman ito ng malalim na paghinga. "Masyado pang maaga, Demani—"
"Oh, God. Was your heart made of stone?"
"Let's not argue this morning, okay?"
Nakikita niya ang malawak na pagpasensya ni Van sa kaniya. Ayaw din niyang mauwi na naman sila sa pagtatalo, kaya minabuti na lang niyang tumalikod at tinungo ang walk in closet. Pabalya niya iyong binuksan, pumasok, saka malakas na inisara.
Bumangon ang inis niya; hindi ganoon ang insahan niya.
She expected him to apologise and admit his fault. Hindi ang pagmamatigas nito!
Oh, parang gusto niyang magwala. Gusto niyang magsisigaw at sabihin ditong kahit ano ang mangyari ay hindi siya makikipag-usap dito.
*
*
*
MATAPOS niyang magbihis ay nagtagal muna siya sa loob ng walk-in closet hanggang sa marinig niya ang pagbukas at pagsara ng pinto ng silid nila. Lumabas siya at nakitang nakabukas na ang pinto ng banyo at wala na roon si Van.
Great. Umalis na ito at pumasok sa opisina. Matira matibay sa kanilang dalawa.
Nakasimangot niyang inayos ang kamang hinigaan, at padabog na pinagpagan ang mga unan. Nang maayos niya iyon ay dumiretso siya sa banyo. Nanggalaiti siya nang makitang nakalimutan na naman ni Van na patayin ang ilaw roon. Nang makalapit ay akma ng sana niyang papatayin ang switch nang may makita siya sa tiled floor.
Lalo siyang nanggalaiti. Pumasok siya at isa'isang dinampot ang mga nagkalat na damit ng asawa sa sahig at kung paano na lang ini-itsa sa laundry basket na nasa likod ng pinto. Nilingon niya ang sink, at tulad ng inasahan niya ay nagkalat na naman ang mga gamit nito roon; ang aftershave nito'y hindi natakpak at nakalapag lang sa sink, ganoon din ang toothpast at hair wax nito. Ang shaved ay malinis, subalit hindi ang lababo kung saan sigurado siyang pinagpag ng asawa ang mga na-shave nito. Ang salamin sa harap ng sink ay natalsikan ng tubig at naging marumi.
Gustong sumabog ng ulo niya.
Kung tutuusin ay normal na sa kaniya ang ganoon sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Ang mga pinaghubaran nito'y madalas na siya ang umi-itsa sa laundry basket, ang mga aftershave, gel, at toothpaste ay siya parati ang nagbabalik ng takip at naglalagay sa tamang lagayan, at ang salamin ay lagi niyang nililinis kapag tapos na ang asawa niya sa paggamit ng banyo.
There was nothing new.
Pero dahil mainit ang ulo niya sa asawa at hindi sila bati ay ikina-init iyon ng ulo niya. Gusto niyang magwala at sigawan ito. May gusto siyang gawin na hindi niya maipaliwanag. Parang puputok ang ugat sa ulo niya sa labis na inis, parang gustong sumabog ng dibdib niya, at ang kaniyang batok ay tila biglang nangalay.
O, nai-i-stress na naman siya.
Doon ay naalala niyang uminom ng gamot na ini-reseta sa kaniya ng doktor para sa stress niya. The antidepressants. She pressed the mirror, and it opened. Sa likod niyon ay ang medicine and vanity cabinet nila. Kinuha niya mula roon ang bote ng gamot niya, kumuha ng isa, at ini-itsa iyon sa bibig. She then opened the faucet and scooped a palmful of water. It was filtered water, she could drink it without worries.
Sa muli niyang pag-angat ng tingin ay akma na sana niyang isasara ang vanity cabinet nang mapasulyap siya sa isa pang bote. It had become a ritual for her to take one pill in the morning.
A birth control pill.
Matagal siyang nakipagtitigan doon. Araw-araw siyang umiinom niyon sa bilin na rin ng OB Gyne niya. Oh well, isang taon lang naman niyang gagawin iyon. Because she and Van would try to conceive a baby next year.
Muli siyang nakipagtitigan sa bote ng pill.
To take? or Not To Take?
Well, it's not needed now, she thought after a while. It's not needed dahil walang rock 'en roll na magaganap sa mahabang panahon.
Paismid niyang ini-sara ang vanity cabinet saka tumalikod na.
She turned the light off and went out of the toilet.
But then...
Just less than ten seconds, she came back, turned the light on, opened the vanity cabinet, grabbed the birth control pill bottle, and took one.
She changed her mind. She needed to take one.
Just in case.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top