Day 6
Day 6
"Magandang umaga Pilipinas!" Sabi ko habang iniinat ang dalawang kamay ko at umupo mula sa pagkakahiga. Ang sarap ng gising ko ngayon.
Nakahiga kasi ako sa malambot na kama ngayon, dati kasi sa sahig lang. Tapos ang lamig pa, may aircon kasi eh, yung parang sa kinainan ko kahapon. Sana magkaroon din ako ng ganitong bahay.
Tumayo ako para buksan ang kurtina ng bintana na nasa kanan ng kama ko. "Ang ganda!" Sabi ko habang tinititigan ang magandang tanawin ng mga- malalaking bahay at mga halaman.
Teka- anong oras na ba? Lumapit ako sa aparador sa tabi ng kama para tignan sa orasan kung anong oras na.
"8:37am? Ngayon lang ako nagising ng ganito katanghali ah?" sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa orasan.
Kinuha ko na ang tuwalya ko at sinimulang maligo. Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako ng pang bahay ko. Tshirt na puti at tokong na itim.
Hindi naman siguro ako mukhang gusgusing bata dito?
Tinignan ko ang sarili ko sa malaking salamin, "Itali ko nalang kaya buhok ko? Mukha akong ewan, eh" sabi ko kaya itinali ko ang buhok ko, ponytail ba. "Yan" sabi ko at ngumiti sa sarili ko.
Nagulat ako nang may biglang kumatok, "Bakit po?" Tanong ko habang naglalakad papunta sa pintuan para pagbuksan yung kumatok, "Kakain na daw po sa baba" sabi ni ate, "Ah, sige po bababa na po ako, salamat po" sabi ko at nginitian ko siya, baka siya yung katulong nila kuya dito.
Hay, ang yaman talaga ni kuya. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin sa huling pagkakataon at bumaba na.
Nang dalawang hakbang nalang ay nakita ko sila na nasa lamesa na, malaking lamesa na puno ng masasarap na pagkain. "Goodmorning ate Sera!" Bati saakin ni Erin, nginitian ko naman siya at bumati pabalik, "Magandang umaga"
Bumaba na ako at lumapit sakanila, "Goodmorning Sera, eat with us" sabi saakin ni kuya. Nag goodmorning din ako sakanya at umupo na sa tabi ni Erin kaya katapat ko si kuya.
"Anong gusto mo ate?" Tanong ni Erin at ako nakatingin lang sa mga nakahain, ang dami kasi talaga.
"Ah, itlog nalang" sabi ko kaya kinuhanan ako ni Erin ng ulam at inilagay iyon sa plato ko na may kanin, "Thankyou" sabi ko at ngumiti siya.
Nagsimula na rin silang kumain, "Ate Sera try mo 'to! Bacon yan, masarap yan hehe! Tsaka etong sausage! Or gusto mo nitong maling?" Sabi ni Erin bigla kaya napatingin ako sakanya, nilagay niya sa plato ko yung bacon kaya wala akong nagawa kundi tikman 'to. "Ang sarap!" Sabi ko ng nakangiti.
Ang sarap talaga! Hindi pa kasi ako nakakatikim nito eh, mahal daw sa probinsya yung ganito sabi ni lola. Kaya minsan tuyo ulam namin o kaya toyo.
Sinubukan ko lahat at masarap talaga sila! Nagpasalamat ako kay Erin dahil doon, hehe. Itlog lang kasi alam kong kainin eh.
"By the way, Sera. Kailan ka magsisimulang hanapin daddy mo?" Tanong bigla ni kuya kaya napatingin ako sakanya, puno pa yung bibig ko kaya ang laki ng pisngi ko, hala nakakahiya!
Uminom ako agad ng tubig para mawala yung laman sa bibig ko, tumatawa kasi sila eh, ang cute ko daw. Pero nakakahiya, huhuhu T_T
"Ngayon po sana" sabi ko nang wala nang laman ang bibig ko. "Gusto sana kitang samahan pero may pinapagawa saakin si dad sa company kaya pina-absent niya ako sa school, I'm sorry" sabi ni kuya.
"Ako din ate Sera gusto kitang samahan kaso I have school eh" sabi niya at ngumuso, haha ang cute niya.
"Ano ba kayo okay lang, kaya ko naman mag-isa eh, salamat" sabi ko sakanila at ngumiti.
"Okay lang ba?" Tanong ni kuya at umoo ako, okay lang naman talaga eh. Kaya ko naman mag-isa, laban lang!
Nang tapos na kami kumain ay nagpaalam na silang dalawa na mag-aayos para makaalis na sila ng maaga, umoo lang ako at nagpasalamat ulit bago umakyat sa kwarto ko.
10:00am nang napagdesisyunan kong magbihis para sa unang paghahanap ko kay tatay.
Suot ko ang tshirt na puti na plain at pantalon na may punit sa isang tuhod na bigay saakin ni tiya, siguro sira na 'to kaya niya binigay sakin. Pero sabi niya uso daw 'to eh. Sinuot ko nalang kaysa naman mapagliitan ko pa, sayang naman. Nakasapatos din ako at sa tingin ko ayos na 'to.
May dala akong bag na maliit, dun ko nilagay ang dalawang bote ng tubig ko at pitaka ko, kahit paubos na pera ko. Hays.
Sana makapaghanap ako ng trabaho dito sa Maynila para may pagkukuhanan ako ng pera.
"Sera? Aalis na kami" biglang nagsalita si kuya habang kumakatok sa kwarto, kaya napatingin ako sa may pintuan. Dali dali ko siyang pinagbuksan at nakapang-opisina siya. Ang gwapo niya.
Sinampal ko ng mahina ang sarili ko, ano ka ba naman, Katie!
"Why?" Tanong niya, "Ah, eh may lamok eh" sabi ko at ngumiti.
Tumango lang siya at biglang dumating sa harapan ko si Erin, "Bye ate Sera! Goodluck po! Pag kailangan mo kami tawagan mo kami, ha?" Sabi ni Erin kaya ngumiti ako at tumango, binigay na nila saakin ang mga contact numbers nila para daw pag kailangan ko eh makakatawag ako.
"Goodluck, Sera" sabi ni kuya bago sila nawala sa paningin ko. Buti nalang nakatabi ko si kuya sa bus, pero kung mayaman siya, bakit siya sumakay ng bus kung may kotse naman siya?
Ngayon ko lang naisip yun, ah.
Pagkatapos kong mag-ayos ay sinukbit ko na ang bag ko at umalis ng bahay. Saan ako magsisimula? Lumingon ako sa kaliwa't kanan ko at nagkamot ng ulo, hindi ko alam kung saan ako magsisimula, huhu.
Lumabas ako ng subdivision dahil dito nakatira sila kuya. Mayaman nga eh, diba? Hehe. Nagpasalamat ako kay kuya guard at ngumiti.
Okay, huminga ako ng malalim nang makarating na ako sa parte ng syudad na maraming tao. Inilabas ko ang litrato ni itay na mayroon ako at sinimulang magtanong tanong sa mga taong nakakasalubong ko. "Kuya kilala niyo po ba 'to?" Tanong ko, humindi siya at naglakad palayo.
"Ate kilala niyo po ba 'to?"
"No"
"Sige po salamat" sabi ko at naglakad papalayo.
Tumigil ako sandali sa paglalakad at umupo sa may upuan sa labas ng TGIFridays. Tinignan ko ang relo ko kung anong oras na.
2:32? Ilang oras na rin pala akong palakad lakad dito, ngayon ko lang naramdaman gutom ko, kawawa naman tiyan ko. Hays, inilabas ko ang wallet ko at tinignan ko kung magkano laman, "50 pesos? Hays." Anong mabibili ko sa 50? Buti sana kung may ulam at kanin na bente pesos dito, hays.
Uminom ako ng tubig na galing sa bag ko, isang bote nalang natitira, ubos ko na yung isa. Hindi ko pa alam kung paano umuwi galing dito, hays. Ano na, Sera?
Habang umiinom ako ay lumilingon lingon din ako sa paligid, nagbabakasaling masulyapan ko si itay.
Habang naghahanap ako ay may tumama sa ulo ko, "Aray!" Sa sobrang lakas ng pagkabato, naibuga ko yung iniinom ko, yung iba napunta sa ilong ko.
Huhuhu alam niyo ba kung gaano kasakit mapasukan ng tubig sa ilong? Huhu T_T
"Aray! Huhu sino ba yun?" Tanong ko sa sarili ko at pinunasan ang mukha ko habang lumingon sa likod para hanapin kung sino yung bumato, masakit yun ah!
"Pft" narinig kong may nagsalita malapit saakin, at ayun may nakita akong magandang nilalang sa tabing lamesa na unuukupa ko. "Hahahaha" narinig kong tawa niya habang nakalagay ang kamay niya sa bibig niya, halatang nagpipigil ng tawa habang pasulyap-sulyap saakin.
"Kuya! Bakit mo ako binato? Masakit yun ah!" Sabi ko sakanya, masakit naman kasi talaga! Siya kaya mapasukan ng tubig sa ilong?
Hinila niya ang isang upuan at itinabi iyon saakin, tumabi rin siya saakin, "Sorry, di ko sinasadya, hehe" sabi niya at tumatawa pa. "Talaga?" Tanong ko. Parang hindi naman siya seryoso eh.
"Yeah" sabi niya at inayos na niya ang postura niya.
"I'm Axl Blake Callum. Nice to meet you, cutie"
###
~mich
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top