Day 5
"Sinong nagsabing pwede kang tumuloy dito ng libre?" Seryosong tanong ni kuya. Hala?
"Hala? Sabi mo kuya kanina 'diba?" Paninigurado ko. Huhuhu biro lang ba yun? Saan na ako titira ngayon? Huhu T_T
Huminto ako sa paglalakad nang maisip ko 'yan, kawawa naman ako. 'Di ko namalayan na umiiyak na pala ako. Huhu T_T
"Hey? I'm sorry! Biro lang yun, ito naman, halika nga" sabi bigla ni kuya kaya napatingin ako sakanya, "Huhuhu!" Lalo akong napahagulgol nang sabihin niyang joke lang 'yun.
Kuya naman, e! T_T
"Don't cry" sabi niya at bigla niya akong niyakap.
*0*
Bakit bumibilis tibok ng puso ko? Hala baka may sakit na ako sa puso!
Kumalas na siya sa pagkakayakap habang ako ay pinupunasan ko ang luha ko. Ang iyakin mo talaga, Sera.
"Wag ka na umiyak, sorry na haha" sabi niya kaya umoo nalang ako.
Hinawakan niya ang kamay ko hanggang sa makapunta kami sa kwarto na tutuluyan ko.
"Hala ang ganda!" Sabi ko, kumalas ako sa pagkakahawak sakanya at pumasok na sa kwarto.
Ang ganda talaga! Kulay itim yung kulay ng pader at may malaking kama sa gilid na may itim na kutson at puting mga unan. Paborito ko 'tong kulay! Parang para saakin talaga itong kwarto na 'to! Iuwi ko na ba? Biro lang, ahehe.
Sa gilid ng kama ay may maliit na aparador na kulay puti. Nakapatong naman ang lamparang parang galing sa ibang bansa. 'Yung saamin kasi kandila lang. May iba't ibang disenyo ding nakapatong doon. Ang dami eh, alarm clock lang alam ko (pinakita saakin ni tiya 'to nung nakaraan)
Sa may tapat naman ng kama ay may malaking aparador na kulay puti na moderno ang disenyo. Ang ganda! Binuksan ko iyon at tumambad saakin ang-
"Ang ganda!" tumambad saakin ang parang isa pang kwarto. Pumasok ako doon at ang lawak niya! Mas malaki pa 'to sa bahay namin eh.
Lumabas ako para hanapin si kuya, "Kuya kwarto ko rin ba 'to?" Tanong ko nang makita ko siya. Tumawa siya na para bang biro ang sinabi ko, "Kwarto 'yan para sa mga damit mo" sabi niya habang nakangiti.
Teka, para sa mga damit ko lang? Bakit ang lawak? Hindi naman madami yung damit ko, eh. Kaunti lang.
"Kuya, kaunti lang naman ang damit ko, eh" sabi ko. Lumapit siya sa may kabinet at may hinila doon, "Eh di gawin nating maliit" sabi niya at biglang nawala sa paningin ko yung malaking kwarto. Ordinaryong kabinet nalang siya na may pagsasabitan at harang na pwedeng paglagyan.
"Ang galing!" Nasabi ko nalang. Ang galing naman kasi talaga. Marami pa pala akong hindi alam sa mundong 'to. Kawawa ka talaga, Sera.
Nang nabusog na ang mata ko sa kabinet na 'yon ay tumungo naman ako sa palikuran. Binuksan ko ang pinto at tumambad saakin ang isang malaking cr.
Okay, bakit ang lalaki ng kwarto dito?
Kasi nga, mayaman sila. Okay, kuha ko na.
Pumasok ako doon at may nakita akong lababo na may salamin sa harap. Tumuloy pa ako sa paglalakad at may tumambad saaking dutsa (shower) na nakasabit sa pader. May nakita rin akong malaking pader na gawa sa salamin na humahati sa parte ng cr. Dumiretso pa ako ng lakad at hinawi ang kurtinang nandoon.
"Banyera!" (Bathtub) Ang laki niya! Kulay puti at ang laki niya. Hala, panigurado ay magtatagal ako sa banyo nito.
"Mayroon ka pang hindi nakikita" sabi bigla ng nasa likod ko, "Ay palaka!" Kuya naman, e! Para kang kabute na malaki!
Pero teka, anong sabi niya? "Mayroon pa?" Naglakad siya papalayo saakin kaya sinundan ko siya, ano pa kaya yun? Baka isang kwarto na puno ng kabute? O kwarto na puno ng mga hayop?
Grabe talaga pag-iisip mo, Sera.
"Eto" sabi niya at tumigil siya sa paglalakad, nasa harap kami ng isang maliit na pintuan na kulay itim. Oo nga ano? Hindi ko 'to napansin kasi kulay itim yung pinto.
Binuksan niya ito, "Halaaaa!!" Sigaw ko. "Wala akong maaninag kuya ahehehe" sabi ko. E pa'no ba naman kasi, ang dilim. Ano ba 'to? Horror room? Kailangan ko bang maghanap ng masasamang ispiritu dito? O pugot ng ulo? Naku, 'yan ang ikamamatay ko ng maaga.
Binuksan niya yung ilaw, "This is your own Theatre House habang dito ka nakatira"
Isang salita. "ANG GANDA!" sabi ko at tumakbo papasok. May malaking telebisyon na plat sa harap. Ang laki laki, sobra! Para akong nasa sinehan!
Sa tapat ng telebisyon ay may isang malambot na sopa na kulay puti. Ang ganda talaga! Nakakaiyak siguro presyo ng bahay na 'to.
Lumabas ako para pasalamatan si kuya, "Kuya! Huhuhu salamat talaga! Hindi ko alam kung saan ako titira kapag wala ka! Huhuhu" sabi ko at bigla ko siyang niyakap dahil nadadala ako ng emosyon ko.
Totoo naman, 'diba? Kung wala siya, baka sa kariton ako natutulog ngayon kasama ang mga lamok.
Saka lang ako natauhan sa inasta ko, kumalas ako ng mabilis mula sa pagkakayakap, "A-eh pasensya na kuya, masaya lang po ako" sabi ko. Nakakahiya ka, Sera!
Hi lupa, lamunin niyo na po ako. Salamat.
Ngumiti siya ng payak, "Haha ayos lang, ikaw talaga" sabi niya at ginulo ang buhok ko. Ay!
"Sige, maiiwan muna kita. Mag-ayos ka na muna ng gamit mo. Malapit na magtanghalian. Bumaba ka nalang kapag alas dose na ha?" pamamaalam ni kuya. Tumango ako sakanya, "Opo, salamat ulit kuya" sabi ko.
Sumaludo siya saakin at lumabas na ng kwarto. Hala, mukha na ba akong lider ng sundalo? Abusayyaf? ISIS?
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin na nandoon sa tabi ng kama, ayos naman itsura ko, ah? Si kuya talaga.
Binuksan ko na ang maleta kong cute at sinimulang ilabas ang mga gamit ko. Binuksan ko ang kabinet at hinanger ang mga panlakad kong damit. Puro tshirt lang naman. Tapos tinupi ko ng maayos ang mga damit ko at nilagay sa kabinet sa bandang baba. Hinubad ko ang suot kong sapatos at nilagay iyon sa pinakababang parte ng kabinet. May tsinelas naman akong dala.
Napatingin ako sa maleta kong cute, may litratong naka-ipit doon sa pinakaloob. Kinuha ko iyon, "tay"
Ito lang ang litratong mayroon ako. Bata pa siya dito pero siguro naman ay makakatulong ito saakin.
"Bukas na bukas 'tay, hahanapin kita"
###
~mich
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top