Day 4

Day 4

SERA MIERE

...

...

...

...

"Uy?" Ay tokwang malaki! Nagulat naman ako 'don. Lumingon ako sa gilid ko para malaman kung sino yung kumalabit saakin.

"Uy, kuya? Bakit po?" Tanong ko sakanya. "You're spacing out. Wala ka sa sarili mo, anong iniisip mo?" Tanong ni kuya.

Saka ko lang napansin na nakatingin silang lahat saakin, "Ah, eh hehe?" Sabi ko.

Ay hala. Sorry kuya! Natulala kasi ako doon sa kapatid mo huhu. Yung reaksyon niya kasi habang nanonood ng hindi ko alam, mura siya ng mura tapos puro siya 'Omygod'. Nakuha niya talaga atensyon ko. Wala akong masabi, 'e.

"I'm sorry about that" sabi ni kuya kaya umoo ako. Tumingin ako sa kapatid niya, nakataas yung isang kilay niya saakin. Ang taray naman nito, huhuhu natatakot ako! T_T

"Sino ka?" Tanong niya saakin. Ang taray niya magtanong huhu, 'di naman nasabi saakin ni kuya na may kapatid siyang mataray T_T

"A-ako po si Sera" sabi ko at nauutal pa ako. Grabe siya makatitig sa'kin. Huhu kuya nangangain ba kapatid mo?

"Kaano-ano ka ni kuya?" Tanong niya. "Huy Erin umayos ka nga!" Sabi ng katabi niyang babae.

"K-kaibigan po" sabi ko at nagulat ako nang bumaba siya sa higaan niya at lumapit saakin. Hindi niya inaalis ang tingin niya sa'kin. Kakainin na ba niya ako? Aahhh!!

Tinakpan ko ang mukha ko sa sobrang takot. Huhuhu 'wag niyo 'kong kainin, hahanapin ko pa tatay ko huhuhu!

"Kyaaa!! Hi ate Sera, I'm Erin!" Nagulat nalang ako nang bigla niya akong yakapin. Eh di hindi niya ako kakainin?

"Hindi mo po ako kakainin?" Tanong ko habang dahan-dahang tinanggal ang kamay ko sa mukha ko.

"Haha ano ka ba, hindi ako nangangain, ano!" Sabi niya at kumalas na sa pagkakayakap saakin.

Nakahinga ako ng maluwag dahil doon, mabuti naman! Akala ko katapusan ko na, eh.

"Ah ganun po ba? Hehe, pasensya na po" sabi ko.

"Erin, usap tayo sandali?" Sabi bigla ni kuya sa kapatid niya. Umoo naman si Erin, "Sandali lang ate Sera, ah? Mag-uusap lang kami ni kuya. Hoy Tammy! Ientertain mo muna si ate Sera habang wala ako! Alam mo na ah? OD_TKPOP!" Sabi ni Erin.

Ano daw? Odtk- ano?

Lumabas na silang dalawa at lumapit saakin si Tammy, ayun daw pangalan niya, e. "Halika, ate Sera! May ipapanood ako sa'yo!" Sabi niya at hinila niya ako palapit sa--? Kung saan nanood si Erin kanina. Ano tawag dun?

"Ano tawag dito, Tammy?" Tanong ko at tinuro yun. "Ah, eto ba? Laptop yan, ate" sabi niya kaya tumango nalang ako.

Wala kasi kaming ganyan sa bahay, e. Magkano kaya 'yan? Siguro mahal 'yan. Baka ilang taon na naming pambili ng pagkain yung presyo nito. Ang ganda kasi, e.

Tinipa-tipa niya ang 'keyboard'. Napaka-ignorante ko naman. Doon saamin akala ko alam ko na lahat, nakatapos kasi ako ng hayskul, pero hindi natapos yung kabobohan ko sa ingles, kawawa ako, 'diba? Huhu.

"Eto ate, o. Tignan mo, ang ganda!" Sabi niya kaya tinignan ko naman kung ano yun.

"Ano yung BTS?" Tanong ko. "Bangtan Sonyeondan po, ayan yung pinanood ni Erin kanina kaya siya naging oa." Sabi niya. Ah, ano bang nakakabaliw dito?

"Sige ipeplay ko na" sabi niya kaya naman tutok na tutok ako, dala na din ng kuryosidad kaya ako manonood.

Puro lalaki pala ito, mga koreano ba sila? Bakit ang dami kong nakikitang koreano sa Maynila? Hays.

"Dibaa? Oh eto ate tignan mo siya! Siya si Taehyung, ang pogi niya 'no?" Sabi niya habang tumitili. Tinignan ko naman yung tinuro niya, "oo nga, ang cute niya"

"Ate eto pa! Ang hot ni Jimin! AAAA!!" Sabi niya kaya tinignan ko ulit, "oo nga, pogi nga. "

'Di ko maintindihan yung kinakanta nila pero si Tammy kayang sumabay sakanila, koreana din ba siya?

"Andal nasseo, na andal nasseo. Niga mwonde? Neoman jallasseo?~" kanta niya habang sumasayaw nang nakaupo. Bakit ang daming koreana sa Maynila?

"AAAAA!! Ate tignan mo si Jungkook! AAAAA!!" Sabi niya at inalog-alog ako. Hala Tammy hinay hinay lang, mahihilo ako niyan, huhuhu!

Pareho lang sila ni Erin na ganyan yung reaksyon eh. "Ggwak jaba nal deopchigi jeone, nae mami neol nohchigi jeone. Say what you want, say what you want, niga jinjjaro wonhaneun ge mwoya!~" kanta niya ulit. Maniwala man kayo o hindi, wala akong naintindihan.

"I'm baaaack!!" Sigaw ni Erin sa may pintuan kaya napalingon kaming dalawa. "Erin! OD_TKPOP success!" Sigaw ni Tammy nang makalapit na sakanya si Erin. "Talaga?" Tanong ni Erin habang nakangiti.

"Yes! Sabi ni ate Sera pogi daw si Jimin at cute daw si Taehyung!" Sabi niya. Lumingon naman saakin si Erin nang napakabilis, "Ate Sera, friends tayo ah? Pero akin lang si Jimin, okay?" Sabi niya kaya tumango nalang ako sa sobrang kaba. Iba kasi yung boses niya, huhuhu.

Kasintahan niya ba si Jimin? Ang swerte naman niya kung ganon, sikat.

"Siya nga pala ate Sera, sabi ni kuya dito ka na daw muna titira? Yeyy!!" Sabi niya at tumalon talon pa sa tuwa. "Ah, oo eh. Kung pwede sana" sabi ko.

Kaso naalala ko! Wala akong pambayad! Hala paano na 'to? Lola tulong huhuhu!

May naalala ako! "Gusto niyo po ba ng suman?" Tanong ko. "Suman? Para saan?" Tanong ni Erin.

"Pangbayad ko po sa pagtuloy niyo saakin dito" sabi ko at bigla siyang tumawa. Hala, anong nakakatawa sa sinabi ko? Ayaw niya ba ng suman?

"Don't bother, Sera. Okay lang kahit wala kang ibayad dito" sabi ni kuya, nagulat naman ako! Bigla biglang sumusulpot, buti nalang at wala akong sakit sa puso, hays.

"Talaga? Salamat po talaga!" Sabi ko sakanilang dalawa.

"Ihahatid ko muna si Sera sa kwarto niya, okay? Tara na Katie" sabi ni kuya kaya tumayo na ako ngunit pinigilan ako ni Erin. "No! Manood ka muna ate huhu!" Sabi niya.

"That can wait Erin, let her go" sabi naman ni kuya kaya binitawan ako ni Erin at sumunod na ako kay kuya.

Habang naglalakad kami ay, "Kuya, salamat talaga ah?" Sabi ko sakanya.

"Para saan?" Tanong niya.

"Kasi po pinatuloy niyo ako dito ng libre" sabi ko. Tumaas naman ang gilid ng labi ni kuya,

"Sinong nagsabing pwede kang tumuloy dito ng libre?"

###

[A/N: Hola! Eto na yung update. Sorry kung puro BTS, wala pa kasi akong maisip na twist. Pero ngayon meron na hehehe. Next update will be tomorrow. Don't forget to vote and comment guys. Thankyou!]

~mich

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top