Day 1

Day 1

Inilabas ko ang headset mula sa aking bag at sinaksak iyon sa cellphone ko at naghanap ng magandang kanta. Inilagay ko na ang headset ko sa aking tainga nang makahanap na ako ng kanta.

Headset daw ang tawag doon sabi ni tiya. Ibinigay niya saakin iyon at tinuruan niya ako kung paano gamitin, kaya ngayon ay alam ko na.

Pati na rin yung cellphone ay ibinigay saakin ni tiya, para daw may makontak ako kapag kinakailangan.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang nagha-hum dahil nadadala ako ng kanta.

Ilang oras na rin ako dito sa loob ng bus.

Ano kayang mangyayari saakin sa Maynila? Saan ako titira habang hinahanap ko pa si itay? Wala akong sapat na pera para umupa ng bahay. May makikilala kaya ako doon? Ano kayang itsura ng Maynila? Parang saamin din ba? May sariwang hangin at malawak na lupain? Bayan din ba iyon?

Hay. Isa sa mga pangarap ko ang makapunta ng Maynila, at ngayon palang matutupad iyon. Sana ay maging maganda ang buhay ko doon.

"Hoy!" Ay anak ng tupang malagkit! Napatigil ako sa pag- iisip. Tinanggal ko ang nakasaksak sa tainga ko at hinarap ang kumalabit saakin. "Bakit po?" Tanong ko.

Katabi ko pala siya sa upuan at ngumunguso siya sakin. Huh? "Po?" Tanong ko ulit. Ngumuso ulit siya saakin.

Baka gusto makipaglaro ni kuya? May laro bang kailangan ngumuso? O gusto niyang gayahin ko siya?

Siguro gusto niyang gayahin ko siya kaya ngumuso din ako kagaya niya. "Gusto mo bang gayahin kita kuya? Ganito ba?" Sabi ko at ngumuso lalo.

Tumigil naman siya sa pag nguso at umiling- iling. May mali ba sa ginawa ko?

"Bakit kuya? Mali po ba?" Tanong ko at ngumuso ulit katulad ng ginagawa niya.

Napatawa siya kaya itinigil ko ang ginagawa ko, "Stop it, you look like a duck. Hahahaha!" Sabi niya.

Ano daw? Hala. Hindi ako marunong mag-ingles. Naku, paano ba yun? Paano ko na siya kakausapin?

"Ah, eh hehehe" Anak ka ng pating Sera! Hehe nalang nasabi mo dahil hindi ka marunong ng lengwahe niya. Kawawa naman ako, huhu.

Marunong ako mag-ingles pero hindi masyado. Driver, inhale, exhale, sorry, crossed arms, senior, cute at last bite nga lang nagamit ko sa unang kabanata eh, 'diba? Hindi talaga ako marunong. Baka isipin ni kuya alien ako.

"Kyeopta" sabi niya. Ano daw? Ingles pa rin ba yun? Hala paano na to? Kuya naman dukha lang ako T_T

Kaya mo 'yan Sera! Subukan mo mag-ingles, malay mo marunong ka pala, 'diba? Hays.

"Ah, eh w-what you say? I- I didn't understanding.. Hehehe" sabi ko, ngumiti naman si kuya. Hala ang pogi.

Naintindihan niya kaya?

"Haha, wala. Ang sabi ko ang cute mo" Anak ng tinapang hiniwa! Marunong pala si kuya mag tagalog, pinahirapan pa ako!

"Ah hehe salamat po, marunong po pala kayo mag tagalog eh pinahirapan niyo pa ako eh" sabi ko na may boses na nahihiya.

Nakakahiya naman kasi talaga! Nag-ingles ako pero mali mali naman. Hay nako, Sera.

"Sorry, I didn't mean to" sabi niya. "Eh? He-he" sabi ko. Nag- iingles nanaman! Susmiyo! Di ko maintindihan kuya, masakit sa ulo huhuhu.

"Ay sorry, 'di ko mapigilan eh haha" sabi niya kaya ngumiti nalang ako.

Magtagalog ka nalang po kuya para magkaintindihan tayo T_T

"Ah ayos lang po hehe, bakit nga po pala kayo ngumuso?" Tanong ko.

"Ah I was just wondering if-- ah sorry-- ah I mean pasensya na, pero kung maaari sana, if I-- ah pwede ba palit tayo ng pwesto?" Sabi niya.

Hala pasensya na kuya kung nahirapan ka magtagalog. Mukha ka pa namang dayuhan. Huhu, wag mo akong ipabitay please?

"Pasensya na kuya ah? Pero kasi mahihiluhin ako eh, pasensya na talaga" sabi ko.

"Oh, It's alright" sabi niya. Uy himala, naintindihan ko! Sabi niya ayos lang daw. Narinig ko kasi kay tiya iyon nung isang araw, eh. Hehe.

Ngumiti lang ako sakanya at tumingin nalang sa bintana.

"Ah hindi ka marunong mag english?" Tanong bigla ni kuya. Lumingon ako sakanya at tumango, "Opo, eh. Pasensya na po" sabi ko. Ngumiti lang siya at tumango din.

"I can teach you" sabi niya. "Po?" Tanong ko. Di ko maintindihan eh.

"Hahaha! Sabi ko tuturuan kita" sabi niya. "Hala, talaga po?" Tanong ko. Eto na ang simula ng panibagong buhay Sera!

Tumango siya kaya ngumiti ako ng ubod ng tamis, salamat Lord!

"Salamat po kuya!" Sabi ko. May kinuha siya sa bulsa niya at cellphone iyon.

Namangha ako sa cellphone niya. Ang ganda! Walang keypad katulad ng saakin pero mas maganda sakanya. May mansanas na may kagat na nakadrawing sa likod. Ang laki ng screen!

"Wow kuya ang ganda naman ng cellphone mo!" Nasabi ko nalang bigla. Napatingin siya saakin kaya nag peace sign ako."Hala, pasensya na kuya. Di ko mapigilang mamangha eh, ang laki kasi" sabi ko at nakatingin parin sa cellphone niya.

"Haha salamat" sabi niya kaya ngumiti lang ako. Marami siyang pinindot sa cellphone niya saka niya pinakita saakin.

"Ano yan kuya?" Tanong ko. Di ko kasi maintindihan. Nakalagay 'Basic English' pero di ko maintindihan. Kawawa naman ako. Hays.

"Basic English, ibig sabihin, yung mga madadali lang muna ituturo ko sayo" sabi niya.

"Sige po!" Sabi ko.

"Ang english ng kamusta ka ay 'How are you?'. Sabihin mo nga" sabi niya. "How are you?" Sabi ko at ngumiti siya at tumango. Tama ako?

Ang ingles ng kamusta ka ay how are you. Aalalahanin ko 'yon.

"Eto, 'How was your day?' Ang ibig sabihin 'non ay 'Kamusta ang araw mo?'" Sabi niya. "How was your day?" Sabi ko naman at pumalakpak siya at ngumiti. Hehe kuya nemen enebe.

Ganun lang ang ginagawa namin buong biyahe kaya masayang masaya ako. May alam na akong ingles na mga salita at pangungusap! Malaki maitutulong 'nun saakin kapag nasa Maynila na ako.

"Salamat kuya, ah?" Sabi ko. "You're welcome" sabi naman niya. Ngumiti ako dahil naintindihan ko ang sinabi niya, walang anuman daw.

Gumagaling kana, Sera. Ahehehe.

Tumingin siya bigla sa gamit na dala ko, "Saan ka pupunta?" Tanong niya. "Sa Maynila po" sagot ko naman. Tumango siya at, "Bakit?"

Hindi sana kita sasagutin kuya kasi ang dami mong tanong pero dahil tinulungan mo ako eh magpaparaya na ako, "Hahanapin ko po tatay ko" sabi ko at napa 'Ahh' siya.

"Ah pwede ko bang malaman pangalan mo?" Tanong niya bigla. "Ah, ako si S-"

Biglang tumigil ang bus at nagsalita ang konduktor, "Oh Maynila, Maynila!"

"Kuya! Kailangan ko nang bumaba, salamat sa tulong mo ah? Bye!" Sabi ko at dali daling isinukbit ang bag ko sa likod ko at hinila ang maleta kong cute at tumayo palabas.

"W-wait miss! Anong pangalan mo?" Sigaw ni kuya ngunit sa sobrang excited ko ay hindi ko na iyon pinansin.

Alam ko na ang salitang excited, nasasabik pala iyon, at 'yon mismo ang nararamdaman ko, hehe. Salamat kay kuyang pogi.

Nakapikit akong bumaba ng hagdan ng bus, gugulatin ko ang sarili ko, ano kaya itsura ng Maynila? Ahehehe excited na ako!

Eto na, bubuksan ko na mata ko!

"Hello Mayni-"

###

[A/N: Hello sainyo ulit HAHAAHAHAHAHA kbye]

~mich









Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top