Chapter 1: Mystery... Mystery... Mystery...
Chapter 1: Mystery... Mystery... Mystery...
*****
Isang napakalaking kamalian sa konsepto ng mystery na isipin ito bilang isang bagay na imposibleng maipaliwanag, maunawaan, o malutas. It is clearly not impossible, just improbable. Bilang isang tao sa loob ng mundo ng mahika, lahat ng bagay ay komplikado kung inyong iisipin ngunit lahat ng iyon ay may kasagutan ngunit hindi pa lamang natutuklasan. At naniniwala akong, iyon ang dapat gampanan ng mga tao, ang tuklasin ang kasagutan; hanapin ang katotohanan. And that makes life full of mystery.
At dito na nga pumapasok ang isa pang misconception sa mystery, na ito ay isang genre; sa totoo lang ay tama naman ito, ngunit mas naniniwala akong ito ay elemento. Ika nga nila, Life is full of mystery, and I do believe in that saying. It is an important element of our life. It gives chills, excitement, butterflies in the stomach, feelings of addiction, and many more. That brings to light the another misconception, just like every genre, the mystery is not made for all.
Even though it is not made for all, it surely is made for this young man working at a magical grocery store called the Humble Cauldron at the Sharlin City, one of the city state in the magical country of Jhaolin. He was busy aligning all the toothpaste when his phone rang - it was his mom who called him.
"Shoji! Pag-uwi mo mamaya, bumili ka ng ham para sa Yule Eve," utos ng kaniyang ina. Dahil dito ay nabaling ang atensyon niya sa tawag.
"Opo, mamaya na lang pagkauwi ko. Wala na po bang kulang?" malumanay na paglilinaw ng binata habang tinitingnan at iniiikot-ikot ang toothpaste na ilalagay niya sa shelf.
"Dagdagan mo na rin pala ng choco lava, 'yong 500 mL lang," napatigil ang kaniyang ina at rinig ng binata ang pag-hum nito na tila nag-iisip. Mga ilang segundo lang ang nakalipas ay idinagdag ng ina niya, "Pati pala red ball cheese, 'yong katamtaman lang ang laki ha?"
"Okay ma, sige na po patayin ko na tawag baka makita pa po ako ng manager ko," pamamaalam ng binatilyo sa kaniyang ina.
Akmang itatago na niya ang kaniyang cellphone nang matanaw siya ng kaniyang manager.
"Shojiro! Nasa toothpaste ka pa rin?!" Nakapamewang at nakakunot noo na tanong ng kaniyang manager. "At nagcecellphone ka pa sa oras ng trabaho?" mataas ngunit pabulong na sabi ng manager niya.
"Naghahanda po kasi ang pamilya ko para mamayang gabi sa Yule Eve -," nais pa sanang ipaliwanag ni Shojiro sa kaniyang masungit na manager na may iniutos sa kaniya ang kaniyang ina ngunit pinutol siya nito.
"Mukha na bang 'mamayang gabi' ngayon Shojiro? Dahil sa'kin ngayon, hapon' pa lang!" the manager bluntly said to Shojiro. Napakamot na lamang siya sa kaniyang ulo na nagpagulo ng kaniyang tuwid na tuwid na brown na buhok.
"Dalian mo d'yan, isunod mong ayusin 'yong mga dishwashing wands."
Lumipas ang buong hapon sa trabaho ni Shojiro nang double, ngunit hindi iyon sa manager niyang kabaliktaran ng kaniyang store na pinagtatrabahuhan niyang "Humble Cauldron", iyon ay dahil sa Holiday na kinabukasan, ang Yule.
Dala-dala ang pinabili ng kaniyang ina, ay naglakad siya sa manyebeng daan. Tanging ang makapal na jacket na lamang niya ang tumutulong sa kaniya na hindi lamigin.
Limang blocks lamang ang layo ng apartment complex na tinitirahan ng kaniyang pamilya mula doon sa Humble Cauldron kaya nilalakad lamang niya iyon. Habang naglalakad ay nakaramdam siya ng kaunting ligaya sa kaniyang sarili nang matanaw ang mga fairy lights, lanterns, at mga poste na nagpapaliwanag sa kaniyang daan. Tanaw rin niya ang ilang fairies na lumilipad sa paligid at naglalaglag ng mga fairy dust. May isang grupo rin ng mga matatandang masayang kumakanta at sumasayaw. Tunay talagang nakakapagpangiti ng puso ang mga ganitong tanawin.
Patuloy pa ring binabaybay ni Shojiro ang malamig na kalye patungo sa kaniyang tirahan at habang naglalakad ay biglang sumagi sa isipan niya ang bagay na laging bumabagabag sa kaniya.
"Paulit-ulit na lamang itong nangyayari sa akin. Ito na lamang ang iniikutan ng buhay ko," bulong niya sa kaniyang isipan at napailing na lamang siya sa sarili. "Mabuti na 'to kesa walang nangyayari sa'kin, talaga nga lang walang thrill."
But one thing he didn't realize in his life yet, when his life feels like a cycle, that's when he get hit by something he never saw coming.
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top