Kabanata 7 - Kalapati

Biglaan na lamang akong napasinghal at napabagon ako sa pagkakatayo, malalim ang paghinga ko at hawak-hawak ko ang dibdib ko habang naghahabol ako ng hangin. Medyo madilim sa paligid, hindi ko rin gaanong maaninag kung nasaan ako dahil malabo pa ang paningin ko. Kinuskos ko ang mga mata ko at natagpuan ko ang sarili ko sa isang silid na kung saan ay malamlam ang ilaw. Napatakip ako sa bibig ko, hindi pa rin ako nagigising sa totoong reyalidad.

Iba na ang damit ko, nakasuot na ako ngayon ng kulay puting long sleeves at kulay puting jaggers, puti rin ang kulay ng medyas ko. Luminga-linga ako sa paligid, nakita ko si Ethan na nakaupo habang nakadukdok sa paanan ko, gano’n na rin ang suot niya sa suot ko. Gumapang ako patungo sa kan’ya at niyugyog ko siya upang magising. Nagsisimula na ’kong mag-panic, hindi ko alam kung anong nangyayari at kung ano ba ang pinasok ko.

“Ethan, Ethan! Gumising ka!” taranta kong saad habang niyu-yugyog ko siya. Unti-unti namang nagising si Ethan at bumangon siya sa pagkakadukdok, napahikab siya at tumingin sa pagilid nang may ngisi.

“Oh, we’re still here? Well... it’s the hard way for us, then.” Kinuskos ni Ethan ang mga mata niya at tumayo siya sa pagkakaupo, nag-inat saglit bago muling tumingin sa ’kin.

“Kasalanan mo naman ’to kaya pagdudusahan mo rin, saka ’wag kang mag-alala, Ejiroh... nandito naman ako para gabayan ka from now on.” Ngisi ni Ethan, huminga siya nang malalim at tumingin siya sa labas ng bintana, napailing-iling na lang siya at sinara niya ito.

Napahawak ako sa dibdib ko nang sabihin niya sa ’kin ang mga ’yon, naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa mga nangyayari, hindi ko alam kung anong kahihinatnan ng making desisyon ko, hindi ko alan kung paano kami makakalabas dito.

“It seems like we’re stucked inside a dystopian city—a dystopian world, perhaps. And based on what we’ve encountered earlier, this world is solely heavy on Science Fiction elements.” Saad niya sa ’kin at umupo siya sa kama.

“Ejiroh, we could’ve been killed. Buti na lang talaga at dumating ’yong mga taong nagligtas sa ’tin kanina.” Rason ni Ethan.

“P-Pero... bakit nandito pa rin tayo, Ethan? Nawalan na ’ko ng malay at dapat nagising na ’ko pero nandito pa rin tayo. Ibig sabihin, wala pa rin akong malay doon sa totoong mundo.”  Banggit ko naman sa kan’ya, nakita ko naman siyang tumango.

“Okay lang ’yon, dahil na-stuck ka rito, hangga’t hindi mo natatapos ang dapat mangyari sa reyalidad na ’to ay hindi ka makakaalis.” Tugon naman ni Ethan, saglit pa ay nagtaka ako.

“Pero bakit sa mga nakaraang pinuntahan naman natin, bakit ang dali kong nakakaalis sa desired reality ko?” tanong ko muli.

“Simply because you’re in a world with an infinite sequence, walang kaganapan, walang ibang taong mayroong background at istorya bukod sa ’ting dalawa, kaya tayong dalawa—particularly ikaw, ang sentro ng reyalidad na ginagalawan mo.” Humiga si Ethan sa kama habang iniinat niya ang mga kamay niya.

“Pero ngayon... may ibang mga karakter dito na may sariling mga pag-iisip at malaki ang impact nila sa reyalidad na ’to kaya sila ang sentro nito. Hindi mo hawak ang mundong ito, Ejiroh. Hindi katulad no’ng ibang pinuntahan nating walang ibang taong may impact to the point na malaki ang epekto no’n sa reality na ginagalawan natin.” Dagdag pa niya.

“Kung gano’n, paano ’yong ako sa totoong reality ko?” tanong ko naman.

“You’ll stay unconscious until you wake up, don’t worry... your reality is different from others’, time stops for your reality when you’re in a world like this.” Ngiti niya.

“So... kailangan nating nanatili rito nang matagal hanggang sa matapos natin ang mga dapat na mangyari rito, gano’n ba?” tanong kong muli, hindi na siya tumugon at tumango na lang siya.

“’Di kung may mangyayari na pala rito, bakit hindi na lang natin ’yon hintayin? P’wede namang manood na lang tayo rito habang naglalaban-laban silang lahat.” Saad mo pa, muli ay nakita kong umiling si Ethan.

“Shifting doesn’t work that way, Ejiroh. Kung balak mo lang manood ay hinding-hindi ka talaga makakalabas sa mundong ’to, at hindi ka papahintulutang lumabas ng mundong ’to kahit na shifter ka. Hindi ka makakabalik at hindi ka makaka-travel sa ibang reyalidad.” Kuwento niya namang muli.

“So wala talagang ibang paraan para makaalis ako rito?” tanong ko pang muli.

“Wala, the only way you could get out of this world is to finish what’s supposed to happen and play along with it as your part. Since you dragged me into this, I’ll be playing my part, too.” Sumagot namang muli si Ethan.

“And ang pinaka-importante sa lahat, no one must know that we’re shifters except our fellow shifters in a particular universe. It’s rare to encounter a fellow shifter in a particular desired reality but it happens. Nobody must know who we really are and nobody must know that we’re not from here.” Dagdag pang muli ni Ethan sa mga sinasabi niya.

“Anong mangyayari kapag may nakaalam ng totoong pagkatao natin?” tanong ko naman.

“A certain reality is completed and perfectly arranged on its own way, Ejiroh. We’re just fillers that travels along the reality we step in, even so... we’re not actually a part of this reality kahit na nandito tayo. By saying who you really are, you’ll add up in the particular reality, since it’s already perfectly arranged, the reality loses its perfection and balance and it overfills. It would cause a great catastrophe if that happens.” Paliwanag niya naman.

“Anong klaseng gulo naman ’yon?” tanong ko muli.

“That’s something I never knew.” Ngisi naman ni Ethan.

Ilang sandali pa ang lumipas nang may kumatok sa kuwarto kung nasaan kami, tumayo naman si Ethan upang pagbuksan ng pinto ang kumakatok. Bumungad sa pintuan ang isang babaeng nakasuot ng itim na mga vestments at itim na hood. Namukaan ko kaagad siya, ’yong babaeng ’yon ang nagligtas sa ’min kanina mula sa mga nilalang na malapit na kaming patayin!

“M-Magandang araw po.” Saad naming dalawa ni Ethan nang pumasok ang babae, nakangiti naman siyang tumango sa ’ming dalawa.

“Magandang umaga rin, ayos na ba ang pakiramdam niyong dalawa?” tanong no’ng babae, tumango naman kaming dalawa ni Ethan.

“You know, you both could’ve been killed. Mabuti na lang at dumating kami, baka kung ano pang nagawa sa inyo ng mga aswang na ’yon.” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi no’ng babae.

“A-Aswang?” tinanong ko ’yong babae, kumunot naman ang noo niya.

“Oo, mga baguhan lang ba kayo sa siyudad na ’to? Para yatang ’di niyo pa alam ang mga nangyayari?” tanong ng babae, nagkatinginan naman kami ni Ethan at muli kaming tumingin sa babae at sinagot namin siya ng isang tango.

“Paano kayo nakapasok dito?” tanong pa niya.

“Sumakay po kami ng tren just to visit an old friend here, but to our surprise, this city was already in ruins when the train arrived at the subway station. W-We stepped down out of curiosity.” Ethan made a lame excuse.

“What the? Wala nang iba pang modes of transportations sa lugar na ’to, how come na may nakapasok na tren? The tracks are already screwed.” Naghinala na ang babae, nawalan naman kami ng kibo ni Ethan.

“Tell me, sino ba kayo at ano ang ginagawa niyo sa siyudad na ito? O hindi naman kaya... mga aswang din kayo.” Nanlaki na lang ang mga mata ko nang biglang nag-apoy ang kamay no’ng babae at lumabas ang isang baston mula rito—ang bastong inamba niya sa mga aswang kanina.

Kaagad na pumunta si Ethan sa harap ko ay ibinuka niya ang mga braso niya, nanlalaki ang mga mata niya na para bang takot na takot siya sa mga nangyayari. Nakikita kong nanginginig siya at malalim ang paghinga niya, mabilis din ang pagtibok ng puso ko sa mga nangyayari. Baka mapagkamalan pa kaming kaaway ng mga taong nagligtas sa ’min.

“Pakiusap po, spare us! Hindi po kami mga aswang, we just happened to be passing by this city and the reason I told you earlier was true!” pakiusap ni Dante sa babae, ngumisi naman ang babae sa ’min.

“And how am I suppose to believe you?” tanong niya.

“Mga tao po kami, tama na pong rason ’yon para paniwalaan kami.” Saad ko naman, muli’y tumingin si Ethan sa ’king para bang nais niyang tumigil ako sa pagsasalita, alam kong nag-aalala siya kasi baka may masabi akong makapagpalala pa sa sitwasyon.

“Then, we’ll find out. Loren, come in.” Pumasok sa kuwarto ang isa pang babaeng nakasuot ng kaparehong damit, para bang ang suot nila ngayon ay ang kanilang uniporme.

“Test your daggers on them, Lor.” Saad nito habang nakatingin sa babaeng nagngangalang Loren.

Tumingin naman sa ’min si Loren at bigla na lang nangislap ang kamay niya at may mga matutulis na punyal na siyang hawak matapos ang isang kisap-matang liwanag. Umaapoy ang mga punyal at kulay berde ang apoy nito, kasing-kulay naman ng bughaw na langit ang usok sa apoy ng punyal.

“I’ll try my best.” Walang kahudyat-hudyat ay ibinato sa ’min ni Loren ang dalawang magkaparehong punyal, ngunit nang tatamaan na kami nito’y bigla itong huminto sa ere.

“I see, I’ll take your alibi. You can go now, Loren.” Tumango lamang si Loren sa sinabi ng babae at lumabas na rin ng kuwarto.

“Our weapons doesn’t hurt a single human skin, lalong-lalo na ang mga punyal ni Loren na sinasagisag ang katotohanan.” Saad naman sa amin no’ng babae at sa isang kumpas lang ang kamay niya ay nawala ang baston.

“Sumama kayo sa amin kung gusto niyo pang makaalis sa siyudad na ito.” Inilahad ng babae ang kan’yang kamay kay Ethan sa ’kin, kinuha naman ni Ethan ang kamay niya at inalog niya ito.

“Ako si Fiona Tribiana, I’m the head of the Infantry on Ghoul Extermination in this city. Our job is to slay all of the ghouls and wipe them off this city.” Saad ng babae. Oo, naaalala kong Fiona nga pala ang pangalan niya dahil binanggit ’yon no’ng aswang.

“Ako po si Ethan Angeles.” Pakilala ni Ethan.

“Ejiroh Eludes naman po ang pangalan ko.” Pakilala ko.

“Glad to meet you, two. Inaanyayahan namin kayong sumali sa pakikipaglaban namin sa mga aswang sa siyudad na ito. Matagal nang pinaghaharian ng mga aswang ang mundo at hindi kami papayag na maghari pa sila.” Dagdag pa ni Fiona.

“Lalaban po kami sa... sa kanila? Sa mga aswang?” tanong ko. Saglit pang lumingon sa ’kin si Ethan at tinignan niya ’ko nang masama, para bang pinapatigil niya ’ko sa pagsasalita.

“Oo, if you want to get out of this city, you need to fight. Gusto niyo pa bang makauwi nang buhay sa pinanggalingan niyo?” tanong ulit niya. Pareho naman kaming tumango ni Ethan.

“Paano niyo po sila nilalabanan kung ordinaryong tao lang kayo? Saka ano pong klaseng armas ang gamit niyo para labanan sila? A-Ano pong reason kung bakit nasakop tayo ng mga aswang?!” hindi ko pa napigilang magtanong. Tinapik naman ako ni Ethan at tila ba pinipigilan niya ’kong magsalita ulit pero huli na ang lahat.

“Hindi pa ba balita sa inyo ang mga nangyayari? Bakit yata wala kayong kaalam-alam sa mundong ginagalawan natin? Bakit parang ngayon lang kayo nakalabas sa mga koral niyo? Saan ba kayo nagmula?” Nanlaki ang mga mata namin, napatingin ako kay Ethan at napalunok ako.

“Actually po, we’re from a less habited island. Madalang po kaming ma-reach ng technology so... wala po kaming ideya sa mga nangyayari, at... wala pong ni isang napadpad na aswang sa lugar namin. Tama po kayo, ngayon lang po kami nakalabas sa koral namin and we don’t know what the hell is going on!” pinilit maging emosyonal ni Ethan sa pagsisinungaling niya, blanko lang siyang tinignan ng babae at huminga ito nang malalim.

“Look, paniniwalaan ko kayo sa mga sinasabi niyo pero don’t expect me to be unsuspicious of you, two. I don’t care kung saang lupalop pa kayo galing, pero ang issue... nandito kayo at kung paano kayo nakarating dito. We’re going to work on that, but first... you need to learn how to fight.” Saglit pa’y may dinukot si Fiona mula sa kan’yang bulsa at inilahad niya ’yon sa ’min.

Dalawang maliliit na box ’yon. Kulay itim ang mga box at kapwa may simbolong puti naka-imprenta sa takip no’n. Kapwa hayop ang mga simbolo, may leon at may kalapati. Parehong ibinibigay sa ’min ’yon ni Fiona, kapwa naman kami nagtataka ni Ethan sa mga maliliit na box na ’yon.

“Pumili kayo ng isa at ’yan ang magiging sandata niyo sa pakikipaglaban sa mga aswang. Handa akong i-kuwento sa inyo ang lahat at ang kasalukuyan nating sitwasyon, at ipapaliwanag ko rin sa inyo kung paano gamitin ang mga armas.” Saad ni Fiona at ibinigay niya na nga sa ’min ang mga box.

Pinili ko ang box na may naka-imprentang kalapati sa takip, binuksan ko ’yon at bumungad sa ’kin ang isang maluwag na singsing na gawa sa pilak at may puting hiyas na nakakabit dito. Tinignan ko ang kay Ethan, kaparehong singsing lang din ’yon pero iba naman ang kulay ng hiyas sa kan’yang singsing—kulay kahel ang hiyas ng singsing niya. Hindi ko pa tapos suriin ang singsing nang marinig kong magsalita ulit si Fiona.

“A year has passed when suddenly, there was a phenomenon that took the lives of many people here in the Philippines and around the world, it was a curse—black magic created by the creatures of darkness. When the curse hit the people, they just vomited blood and died. Cities turned into massive ruins and the world was never the same ever again. Ang mga nilalang ng kadiliman na tinutukoy ko at ang mga aswang, marami silang uri... and some of them can even do magic.” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi niya.

“Maraming tao ang namatay sapagka’t ang tinamaan ng sumpa ay ang mga taong labis na makasalanan, nanatiling buhay ang mga taong may mga malilinis na kalooban. Creatures of light soon bewildered the land, they gave us a gift—a ring with an enchanted stone on it, and its power can be cloned and transmitted for the use of the greater good. Nandito kami ngayon, buhay at napamanahan ng kapangyarihan, dahil may nagpakabuti kami—at kayo rin, buhay kayo dahil mabuti kayo.” Dagdag pa ni Fiona sa kuwento niya.

“H-Hindi po ba takot ang mga aswang sa mga bawang, asin, and sunlight? How can they be that strong to withstand countermeasures?” Narinig ko namang nagtanong si Ethan.

“Hindi rin namin alam kung bakit, pero ang hinala namin ay dahil sa kapangyarihang taglay ng kanilang mga mahika.” Tugon naman ni Fiona.

Ngayon, naiintindihan ko na ang nangyayari sa mundong ito. Habang nakatingin ako sa singsing ay nagdesisyon akong kuhanin ito sa box at isuot ito sa ’king palasingsingan. Nang makita ako ni Ethan ay nanlaki ang mga mata niya, nakangiti lang si Fiona nang isuot ko ang singsing.

Nagulantang ako nang bigla na lang sumakto sa daliri ko ang singsing at kumislap ito. Parang isang kisap-matang ang lahat at nakita ko na lang na may makinang na ’kong pakpak at mula sa kamay kung saan ko isinuot ang singsing ko ay mayro’n na ’kong hawak na panang gawa sa ginto. Nanginginig akong tumingin kay Fiona na kasalukuyang nakangiti ngayon.

“G-Ganito pala...” utal kong saad at tumingin ako kay Ethan na sinuot na rin ang singsing.

Nagkaro’n ng isang umaapoy na espada si Ethan sa mga kamay niya, pareho kaming nagulat sa nangyari. Oo, nagulat ako pero sa kabilang banda ay namangha rin ako dahil sa hiwagang dulot ng mga singsing na isinuot namin.

“Pero paano niyo po itinatago ang mga armas niyo?” hindi ko na rin mapigilang magtanong.

“Simple lang, isipin niyo lang na gusto niyong mawala at itago ang mga armas niyo sa mga kamay niyo. At kapag gusto niyo namang ibalik, isipin niyong hawak niyo ang mga armas niyo sa inyong mga kamay.” Sagot naman ni Fiona.

Ginawa ko ang sinabi niya, nang isipin kong nawala ang pana at pakpak ko ay bigla na lang ’yong naglaho. Inisip kong bumalik ’yon, at bigla na lang lumitaw sa palad ko ang pana at nagkaro’n ulit ang pakpak sa likuran ko. Hindi ko lubos maisip na posible pala ang mga bagay na ’to, at ngayon ay mararanasan ko ang makipaglaban sa mga masasamang elemento.

Hindi ko alam, pero parang magugustuhan ko yata sa ang reyalidad na ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top