Kabanata 13 - Balik

Naaninag ko ang liwanag, dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at mula sa malabo ay naglinaw ang paningin ko. Maliwanag ang kuwarto kung nasaan ako ngayon.

May nakaturok na kung anong aparato sa kamay ko, may dugong nakalagay sa plastic bag na dumadaloy mula sa maliliit na tubong nakakabit sa likod ng aking kaliwang palad. Marahan ang aking paghinga, sinusubukang unawain ang nangyayari sa kapaligiran ko.

Namalayan ko rin ang kasuotan ko, sa huling natatandaan ko’y nakasuot ako ng uniporme ng infantry pero ngayon ay simpleng puting long sleeves na gawa sa manipis na tela at puting pajama pants ang suot ko. Puti rin ang medyas kong kumokontra sa lamig na namumuo sa ’king paanan.

Tumingin ako sa puting kisame ng kuwarto, sa kaliwa, at sa kanan, ito ang kuwarto namin ni Ethan sa kampo. Bukod sa karaniwang gamit sa kuwartong ito ay nakita kong may flower vase na may mga nalalantang bulaklak ang nakapatong sa lamesita sa tabi ng kama at may kasama itong isang tray ng mga prutas. Alam na alam ko ang hitsura no’n, nandito na ’ko sa kampo at ligtas nila akong naibalik. Teka, ligtas akong nakabalik?

Oo, naaalala ko, kinalaban namin ang grupo ni Guilbert Ferrol sa abandonadong stadium. Naaalala ko ang mga pangyayari, ginamit ko ang kapangyarihan ni Ethan para mapatay ko si Guilbert, napatay ko siya, oo... naaalala kong napatay ko siya! Tapos na ang mga kailangang mangyari pero... bakit nandito pa rin ako? Saka... nasaan si Ethan?

Bumangon ako sa kama, medyo namamanhid pa ang mga paa ko pero nakaya kong tumayo. Napansin kong may gulong naman ang pinagsasabihan ng tubo at dugong nakasalpak sa kamay ko kaya hinawakan ko na lang ’yon at isinama ko sa ’king paglalakad. Narating ko ang bintana ng kuwarto at binuksan ko ’yon, tumama ang malamig na simoy ng hangin sa muka ko.

Maaraw ang panahon, kulay bughaw ang langit. Naririnig ko ang huni ng mga ibon sa himpapawid, napatingin ako sa daliring kinasusuutan ng singsing na armas ko, nakasuot ang akin pero wala na ang kay Ethan. Baka tinanggal na noong mawalan ako ng malay matapos ang laban—naaalala ko na ring hinimatay nga pala ako nang mapatay ko si Guilbert.

Sandali pa’y narinig kong bumukas ang pinto sa likuran ko kaya kaagad naman akong napalingon, pagbukas ng pinto’y iniluwa nito si Ethan na ngayon ay may dalang isang tray ng ubas at bulaklak na panglagay sa flower vase. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya, gayon din naman siya sa ’kin at naihulog niya pa ang dala niyang bulaklak at ubas.

“E-Ejiroh...” sambit ni Ethan sa pangalan ko saka siya tumakbo palapit sa ’kin at sinunggaban ako ng isang mahigpit na yakap.

Mas lalong lumakas ang simoy ng hangin mula sa bintana, malamig ito ngunit kinokontra ng yakap ni Ethan ang lamig na dulot ng hangin. Napangiti ako habang nakapalag ang ulo ko sa kan’yang dibdib, pumikit ako at niyakap ko siya pabalik. Nanatili kaming gano’n nang ilang saglit pa bago siya kumalas sa yakap.

“I thought I’m going to loose you, Ejiroh. Thanks for coming back!” masayang saad ni Ethan at humawak siya sa mga kamay ko, nadama ko ang mainit niyang palad.

“Hindi ko naman magagawang iwan ka rito, Ethan. Masaya lang akong natapos natin ang kuwento ng mundong ’to.” Nakangiti ko ring saad sa kan’ya.

Bumitiw siya sa pagkakahawak sa mga kamay ko at nakangiti lang siyang tumingin sa ’kin, na para bang ayaw niya na akong maalis sa paningin niya, nakikita kong ang saya-saya ni Ethan ngayon. Ano ba ang halaga ko sa kan’ya at labis-labis ang ligaya niya ngayon? Hindi naman ako gano’n ka-espesyal.

“Akala ko talaga, hindi ka na gigising. Isang linggo ka nang nakaratay sa higaan mo. You haven’t woke up since you passed out from the battlefield.” Paliwanag naman ni Ethan, saglit ko pang naalala ang mga nangyari noong araw ng laban at sinariwa ko ang mga pagkakataong ’yon.

“Walang katiyakan ang naging desisyon ko no’ng araw na ’yon, at ginawa ko lang ang nararapat para matalo natin si Guilbert—para matapos na ang k’wento ng mundong ito.” Simpleng ngiti ko naman, saglit ko pang naisip ang isang katanungan.

“Siya nga pala, tapos na ang kuwento ng mundong ’to, ’di ba? Bakit pala nang mahimatay ako, bakit ’di pa ’ko nakakabalik sa totoong reyalidad ko?” tanong ko kay Ethan.

“Getting out of here doesn’t work like that, Ejiroh. You need to ride the train back to Betty Go-Belmonte Station, only then you can wake up.” Saad naman niya habang nagkakamot ng ulo.

“Forcing you to wake up was useless, anyway.” Dagdag na usal naman niya saka siya humagikgik, tunay ngang tama ang sinabi niya kasi hindi ako nagising noon. Pinipilit niya ’kong gumising no’ng malapit na kaming kainin ng dalawang aswang.

“Before leaving this world, would you like to say goodbye to your friends here?” tanong niya. Nang marinig ko ’yon ay kaagad akong tumango.

“Then... let’s say goodbye to them.” Saad pa ni Ethan.

Nagpalipas pa kami ng ilang oras bago malaman ng lahat na gising na ’ko. Tinanggal na ang nakakabit na tubo sa kamay ko dahil normal na ang pakiramdam ko. Naglinis na rin ako ng katawan dahil limang araw akong walang ligo dahil pagkakaratay ko rito sa kuwarto.

Isang araw ang nakalipas nang nagising ako, at ngayon ay magpapaalam na ’ko sa mga naging kaibigan ko sa mundong ’to. Suot ang aking  uniporme, masaya ko silang hinarap upang makapag-paalam nang maayos sa kanila.

“Aalis ka na? Why are you leaving all of the sudden?” tanong ni Lisa sa ’kin nang malaman niyang aalis na ’ko.

Hinaharap ko ngayon sila Lisa, Fiona, at Archie, alam kong medyo mahirap ding nagpaalam sa kanila at sa mundong ’to pero kailangan kong tanggaping tapos na ’ko rito at kailangan ko nang bumalik sa totoong reyalidad ko.

“Gusto ko nang bumalik sa pinanggalingan ko—namin ni Ethan. Alam kong nag-aalala na ang mga mahal namin sa buhay.” Gumawa na lang ako ng palusot sa kanila dahil hindi nila maaaring malaman ang totoo sa unang pagkakataon pa lang.

“Then let us offer you some safety, kami na ang maghahatid sa inyo sa kung saan man kayo nanggaling. Marami pang mga masasamang maligno ang naglakat sa labas ng siyudad na ’to.” Si Fiona naman.

“Fiona’s right, kailangan niyo ng safety. Hindi kayo p’wedeng basta-basta na lang umalis dito.” Saad naman ni Archie.

“We can manage, besides... I know we can come back on our own. Dadal’hin na lang namin ang mga armas namin, wala na kayong kailangang alalahanin pa.” Saad naman ni Ethan.

Ang buong akala namin ay hindi namin mapapapayag sila Fiona sa nais namin, pero madali lang naman silang sumang-ayon sa gusto namin ni Ethan. Pumayag silang umalis kami rito, at tuluyan na nga kaming nagpaalam ni Ethan sa lugar na ’to. Nagpasalamat sila sa mga naitulong namin, at handa pa sana nila kaming parangalan pero tumanggi na lang kami ni Ethan at pinili na lang naming umalis.

Nang makalabas kami ni Ethan ng kampo, saglit pa kaming lumingon sa pinanggalingan namin. Suot ang uniporme at singsing na armas, kumaway kami bilang pagpapaalam kila Fiona, Lisa, at Archie. Kumaway sila pabalik nang nakangiti habang pinagmamasdan nila kaming makalayo.

Ibinuka ko ang pakpak ko at hinawakan ko ang kamay ni Ethan, sabay kaming lumipad sa ere habang dala-dala ko siya. Kapwa kami masaya at nagtatawanan dahil sa wakas ay natapos na rin namin ang kailangan naming gawin dito.

Nang mawala ang mga aswang sa siyudad na ’to, mas naging mapayapa itong tignan. Mas gumanda ang lahat, ang atmospera at ang panahon, mas gumaan din ang pakiramdam ko habang lumilipad. Para bang malaya akong tinatangay ng malamig na hangin, sumusunod ang pakpak ko bawat hampas ng malamig na hangin, kasabay ng paglipad ng mga ibon sa himpapawid.

Bumaba kami ni Ethan sa lupa at ngayon ay na sa harap na kami ng istasyon kung saan kami unang napadpad. Bumaba kami sa subway station na ’yon at nang makababa kami ay namataan namin ang isang tren, nakahinto ito at bukas ang mga pinto, at pamilyar ang hitsura at kulay nito—alam kong ito ang tren na sinakyan namin sa pagpunta namin ni Ethan dito sa mundong ’to.

Saglit pa kaming tumingin sa isa’t isa at nakangiti kaming pumasok sa bagon ng tren. Pagpasok namin dito, nagbago ang suot naming damit, mula uniporme ay napalitan ng kulay puting hoodie at khaki na pantalon ang suot ko, si Ethan naman ay ang kan’yang pulang polo shirt at itim na pantalon. Saglit pa ’kong tumingin sa daliri ko, nawala na rin ang singsing.

“I’m so glad it’s finally over!” masayang sigaw ni Ethan at ihinagis niya ang kan’yang sarili patungo sa malambot na upuan sa likod ng bagon.

Sinundan ko naman siya at umupo ako sa tabi niya, tuluyan na ring umandar ang tren paalis sa siyudad. Napalitan ng liwanag ang madilim na daang tinatahak ng tren, at bumungad sa ’min ang siyudad ng Santa Rita, natapos na rin ang pakikipagbuno namin ni Ethan dito, sa wakas.

“Next time, I’m going to choose the place we’ll go. Ikaw naman ang papapasukin ko on the things that you dragged me on!” tawa ni Ethan at huminga siya nang malalim.

“That was quite a journey.” Dagdag pa niya.

“Ang saya lang sa pakiramdam, Ethan. Ibang level ang naranasan ko ngayon kumapara sa mga naranasan ko dati, parang nasanay na nga ako sa buhay ko ro’n, eh.” Saad ko naman.

“You’ll get back to your usual routine in the real world in no time. That’s how it is when you visit a world like that, masasanay ka ro’n and mahihirapan ka ring mag-adjust pagbalik ko sa totoong reyalidad mo.” Kuwento naman ni Ethan.

“Mukang gano’n na nga. Papayag na rin akong ikaw na ang pipili ng mundong bibisitahin natin sa susunod, kasi malapit na tayong mamatay sa napuntahan natin.” Biro ko, napatawa naman siya.

“Sige lang, I know namang mas maganda naman ang lugar kung sa’n kita dadal’hin sa lugar kung sa’n mo ’ko dinala.” Tawa pa niya, napuno ng tawa namin ang buong bagon ng tren kung sa’n kaming dalawa lang ang nakasakay.

Sandali pa’y huminto ang tren sa istasyon, at alam kong ito na ang Betty Go-Belmonte. Tumayo ako sa kinauupuan ko pero nanatili si Ethan sa upuan niya, saglit ko pa siyang tinignan at tinanong ko siya.

“Oh, ’di ka pa bababa rito?” tanong ko. Nakita ko lang siyang ngumiti at umiling siya.

“Mauna ka na, I’ll go right after you. Besides, you can wake up any moment now. You don’t need to step down the train to wake yourself up, dummy.” Tuya pa ni Ethan sa ’kin, napailing na lang ako sa kan’ya.

Saglit pa ’kong napatingin kay Ethan at nakita ko siyang tumayo sa kinauupuan niya. Isang metro buhat sa ’kin ang distansiya niya at nakita ko siyang ngumiti. Sa pagkakataong ito ko nakitang iba ang ngiti niyang ito sa pangkaraniwan niyang ekspresyon, mas tumagos at mas nadama ko ang ipinapakita niya sa ’kin ngayon.

“To be true, Ejiroh... I did enjoy our journey even though malapit na tayong mamatay na dalawa. I enjoyed the battles we fought in that world. Kahit talagang nahirapan akong itaguyod at iligtas ang sarili ko sa mundong ’yon, nagawa ko pa ring maka-survive—and that’s because of you.” Saad niya.

“To be honest, even though it’s purely an accidental event... ’yon ang unang journey natin sa gano’ng uri ng mundo. And it’s the first journey that I had actually enjoyed, thanks for that, Ejiroh.” Dagdag pa ni Ethan.

“Salamat din sa paggabay at pagtuturo mo sa ’kin kung anong dapat gawin. Ngayon, mas may alam na ’ko sa shifting kumpara noon. Salamat din dahil... hindi mo ’ko iniwan sa kabila ng hirap na dinanas natin sa mundong napili kong pasukin nating dalawa.” Natawa na lang din ako sa mga sinabi ko.

“Kung gano’n... bye na muna. Magkita na lang tayo sa susunod.” Ngisi ko, tumango naman si Ethan sa ’kin.

Habang kaharap ko pa rin siya, ipinikit ko ang aking mga mata at hiniling kong magising na. Nawalan ako ng kontrol at pakiramdam sa buong katawan ko nang ilang segundo, nawala rin ang pandinig ko pero bumalik naman ’yon kaagad. Naramdaman ko na lang na nakahiga ako sa isang malambot na bagay habang dahan-dahan kong bumubukas ang mga mata ko.

Nang maaninag ko ang lahat, nakita ko na ang buong paligid, ang pamilyar na hitsura ng loob ng boarding house ni Kuya Simeon. Kung ano ang oras na nakatulog ako ay ’yon pa rin ang oras na magising ako, alam ko na sa sarili kong nakabalik na ’ko sa sarili kong reyalidad.

Imbis na bumangon ay nagpatuloy na lang ulit ako sa pagtulog, ngunit hindi na ’ko napadpad pa sa istasyon at nagtuloy-tuloy na lang ang pagpapahinga ko. Alam ko sa sarili kong natapos ko ang unang paglalakbay namin ni Ethan, at napakasaya sa pakiramdam habang nasasaisip ko ang mga pinagdaanan namin.

Excited na ’ko sa mga susunod pa!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top