Kabanata 11 - Dugo

Dinama ko ang malamig na simoy ng hangin pagbukas ko ng pinto ng rooftop. Nagdesisyon akong pumunta rito at magmunimuni sa mga nangyayari rito sa mundong ito. Gusto ko munang makahinga sa mga ginagawa naming pagpatay sa mga aswang sa mundong ito. Kasi bukas... magaganap na ang huling laban dito sa siyudad na ito.

Gabi na at malamig, malamig ang simoy ng hangin at maliwanag ang buwan. Nagniningning ang mga bituin sa langit, at tahimik ang atmospera sa lugar na ’to. Sa pagmumunimuni ko sa rooftop ay naisip ko ang ilang mga bagay, ang pagpunta at ang pananatili ko sa lugar na ’to ay isa ngang malaking himala’t palaisipan pa rin.

Hindi ko alam na dahil lang sa kagustuhan kong makapunta sa isang lugar na gaya nito’y mapapasubo kami ni Ethan sa pakikipaglaban sa mga aswang kasama ang infantry. Kung tutuusin, ako pala ang may kasalanan kung bakit na sa kalahati na ng kamatayan ang buhay namin ni Ethan dahil sa naging mga mandirigma kami rito.

Mga aswang na hindi kayang sugpuin ng ordinaryong mga pangontra, mga armas galing sa isang singsing, isang sumpang kumitil sa buhay ng mga taong masasama, at ang pakikipaglaban ng mga tao para sugpuin ang mga kaaway. Nakiisa ako sa mga kaganapang ito kasama ni Ethan, at alam kong malapit nang matapos ang bahagi ng paglalakbay namin.

Muli’y nabuo ang ilang katanungan sa isipan ko. Makakalabas na ba ako sa mundong ’to matapos naming mapalaya ang siyudad na ito? Ano kayang pakiramdam kapag nagising na ’ko sa totoo kong reality? Ano kaya ang mga susunod pang mapagdadaanan namin ni Ethan pagkatapos nito? May katapusan ba ang kuwento ng mundong ito?

Sa totoo lang ay umaasa akong matatalo namin sa pagsagupa namin bukas ang mga aswang sa ika’tlong lebel. Hindi ko tuloy mapigilang maisip kung gaano kaya sila kalakas? Ang mga aswang na malapit na kaming patayin nang pagtapak namin ni Ethan sa mundong ’to, kasali kaya sila sa pinakamalalakas na aswang dito? Paano kaya kung matalo kami?

Maraming mga tanong pa ang namutawi sa isipan ko, umupo na lang ako sa isang sulok kung saan ay tanaw ang buong siyudad. Hindi ko tuloy napigilang isipin kung gaano ba kaganda ang siyudad na ’to no’ng ’di pa ’to nawawasak, siguro’y sobrang ganda ng siyudad na ’to no’n.

Sa pagtama ng sinag ng buwan sa pagilid ay binigyang-ilaw nito ang mga madidilim na sulok ng siyudad, nakikita ko pa ring may mga rumorondang mga sundalo sa mga pangunahing daanan dala ang kanilang mga ilaw at armas.

Nang muling bumugso ang malamig na simoy ng hangin ay nadama ko ang lamig sa balat ko sa kabila ng kapag ng suot kong uniporme. Saglit pa ’kong tumayo at pinagmasdan ko pa ang pagilid bago magdesisyong muli nang pumasok sa loob. Ngunit bago pa man ako makarating sa pintuan ay may narinig akong isang pamilyar na boses at nakita ko ang isang pamilyar na pigura.

“Nandito ka lang pala, Ejiroh.” Saad sa ’kin ni Ethan at lumabas siya mula sa pinto ng rooftop.

Nakita kong tinangay ng malamig na bugso ng hangin ang kan’yang makapal na buhok at nag-reflect ang sinag ng buwan sa mga lens ng kan’yang salamin. Saglit pa siyang tumingala sa langit at nang makita niya ang mga kumikinang na bituin ay napangiti siya.

“I’ve always been fascinated with starry night skies.” Saad niya habang nakatingin sa mga nangniningning na tala.

“Imagine the secrets that they hold, the events they witnessed, and the light they provided to light up the night though it’s just a fragment.” Saad niya pa, tumingin siya sa ’kin matapos ’yon.

“Napakaganda nila, ’di ba?” muling tanong sa ’kin ni Ethan.

Tango na lang ang naitugon ko sa pagkabigla sa kan’yang reaksiyon sa mga butuin, ngayon ko lang siya nakitang naging gan’to ka-interisado sa isang bagay. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti nang gano’n, at ngayon ko lang din naramdamang parang may kakaiba sa Ethan na nagsabi ng mga katagang binanggit niya sa ’kin kanina.

“Lalaban na naman tayo bukas, dadanak na naman ang maraming dugo at maraming buhay na naman ang mawawala.” Muli siyang nagsimula ng isang panibagong usapan.

“Ang totoo niyan, ayo’kong makakita ng mga taong nahihirapan at basta-basta na lang namamatay. Parang hindi sila binigyan ng papel ng mundo, it feels like they were destined just to die.” Huminga siya nang malalim at umupo siya sa isang sulok para pagmasdan ang langit.

“Gusto mo ang mga bituin, ano?” pag-iiba ko ng usapan. Umupo ako sa tabi ni Ethan at tinignan ko rin ang mga langit.

“Oo, Ejiroh. Gustong-gusto kong pagmasdan ang mga bituin, I love the stars more than I love myself. Kasi... they give me a sort of comfort kapag nalulungkot ako.” Ngiti niya, saglit pa’y naaninag kong tumingin sa ’kin si Ethan.

“Pero alam mo, the stars didn’t appear when I needed it the most.” Saad pa niya, saglit pa ’kong nabigla’t natahimik dahil sa sinabi niya.

“Yeah, the stars did not appear when I needed it the most. Pero alam mo, it didn’t really matter now. I can shift, anyway, I can be whoever I want and that’s what I really wanted.” Saglit pa siyang ngumiti at tumingin ulit siya sa langit.

Aa sinabi ni Ethan ay alam kong may kaakibat ’yong hindi maganda, para bang nababasa ko sa kan’yang ekspresyong may hindi magandang nangyari. Pero sino nga ba ako para tanungin pa ang pangyayaring ’yon mula sa kan’ya? Wala namang akong karapatan para manghimasok sa buhay ni Ethan, ang importante na lang ngayon ay nandito siya at alam kong masaya siya.

“Ethan... hindi ko alam kung anong mangyayari pagkatapos nating makalabas dito. Sa tingin mo, anong mangyayari kapag natapos na ang kuwento ng mundong ’to?” tanong ko pa.

“Makakaalis na tayo rito kapag natapos na ang lahat, Ejiroh. Gaya nga ng sinabi ko sa ’yo, kapag natapos na ang dapat nating gawin dito ay p’wede na tayong umalis.” Saad pa ni Ethan.

“Alam mo, parang ang hirap din palang iwan ng mundong ’to, ano? Medyo nasanay na rin kasi ako rito, at kapag umalis na tayo... parang may parte ng buhay kong mawawala.” Tugon ko namang muli, saglit pa’y sumandal ako sa pader sa sulok habang nakatingin pa rin ako sa langit.

“That’s a part what we are, Ejiroh. Shifters come and must go, we can’t stay in this kind world forever. Dapat masanay ka nang iwan ang mga taong nakakasama natin sa mga mundong gaya nito, that’s why I told you in the first place to never get attached.” Ngisi pa niya, nagkatinginan naman kaming dalawa at kapwa kami ngumisi sa isa’t isa.

“Then, after tomorrow...” Hindi ko na natuloy ang sinabi ko, para bang ayaw nang banggitin ng labi ko ang nais kong sabihin.

“We’re saying goodbye to this world, yes.” Saad pa ni Ethan.

“Kaya make sure to kill them all and kailangang ’di rin tayo mamatay here, siyempre.” Hagikgik pa niya, napangiti na lang din ako sa kan’ya at natawa na lang din ako.

Napuno ng ngiti at tawa ang gabing ’yon, mataimtim lang ang naging daloy ng gabing ’yon para sa ’min ni Ethan, at para bang ayaw pa naming matapos ang magdamag sa dami ng kuwentong nais naming pag-usapan. Hindi nga nagtagal ay bumaba na rin kami sa rooftop at nagpahinga, kasi bukas ay ang huling laban ng pakikibuno namin sa mundong ito.

***

Pinana ko ang isang aswang at pagdanak pa lang ng palaso ko sa kan’yang katawan ay kaagad siyang naging abo. Kaagad naman akong lumipad papalayo dahil dinumog ako ng napakaraming kumpol ng mga aswang at ang mga palaso’t espada nilang sa ’kin lang din ang tama.

Muli’y nagpakawala ako ng mga bala at nang tumama ito sa mga aswang ay lumikha ng malaking pagsabog ang pinakawalan kong palaso. Habang na sa ere ay pinilit kong hanapin si Ethan sa bugso ng mga tao’t aswang na naglalaban dito sa kinaroroonan namin ngayon. Narito kami sa isang malaking abandonadong arena, ito ang pinakamalaking lugar sa siyudad na pinamumugaran ng mga aswang at ito na ang huling lugar kung saan sila nangunguta sa siyudad na ’to.

Saglit pa’y nakita ko si Ethan sa gitna ng isang malawak na soccer field, lumalaban siya sa isang babaeng aswang. Sa kabila ng liit ng katawan ng babaeng aswang na kalaban niya ay napakagaling naman nito sa pag-iwas at pag-atake. Hindi matamaan ni Ethan ang babaeng aswang na ’yon, at sa saglit ko pang pagsulyap ay namukaan ko kung sino ang babaeng aswang na ’yon.

Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko ang unang pagkakataong nakapasok kami sa reyalidad na ’to. Ang babaeng aswang na ’yon ang kasama no’ng isa pang matipunong lalaking aswang na malapit na kaming patayin. Kung hindi ako nagkakamali, isa nga siya sa pinakamalalakas dito, gusto kong subukin ang lakas ng babaeng aswang na ’yon!

Sinubukan kong higitan ang kidlat sa bilis ng aking paghayo patungo sa kinaroroonan ni Ethan at ng babaeng aswang na ’yon, at nang malapit na ’koy ikinontra ko sa hangin ang aking mga pakpak upang lumikha ng isang malaking bugso ng hangin. Nakuha ko ang atensiyon ng dalawang naglalaban, at naka-amba na ’ko sa oras na pagharap nilang dalawa.

“Ethan, alis.” Kalmado kong saad at pinakawalan ko ang bala.

Kaagad tumalon palayo si Ethan at naiwan doong nakatulala ang babaeng aswang na ’yon, wala pang isang segundo ang naging pagitan ngunit nakita kong wala na sa puwesto niya ang aswang. Hindi siya tinamaan ng aking palaso, at nang sumabog ito ay naramdaman ko na lang ang isang patalim sa leeg ko.

“Wrong move to meddle.” May narinig akong boses mula sa likuran ko.

“Mali ring nagsalita ka pa.” Saad ko at biglaan kong ibuhaghag ang aking mga pakpak, pinatigas ito upang itulak palayo ang kalaban sa likod ko.

Hinarap ko siya at nagpakawala muli ako ng isang palaso, hindi ito umama sa kan’ya kaya’t napilitan akong lumipad. Hindi ko inaasahang sa ere ay kaya rin akong sundan ng aswang na ’yon, kaya’t walang humpay ang naging pagpapakawala ko ng bala. Pagtapak ko sa lupa’y dito ako sinalubong ni Ethan, at kapwa kami nakipaglaban sa babaeng aswang na ’yon.

“Her name is Freiya Trailanne, she’s one of the elites. Assistant siya ni Guilbert Ferrol, the one we encountered when we first got here.” Narinig kong nagsalita si Ethan, napatango naman ako. Tama lang ang hinala ko kani-kanina lang.

“Anong pang hinihintay natin, patayin na natin ang bruhang ’yan.” Ngisi ko, nakita ko namang ngumisi si Ethan at tumango.

“Who are you calling bruha? Excuse me, I’m the cutest and prettiest ghoul humanity has ever faced!” dakdak naman nitong si Freiya sa harap namin.

Nang mabaling ang atensiyon namin sa kan’ya ay kaagad akong tumalon ang malakas at mabilis akong lumipad papalapit sa kan’ya. Nakita kong nagpakawala ng apoy si Ethan papunta sa kan’yang espada patungo kay Freiya, dahil sa apoy ay napaatras siya sa kinaroroonan niya. Sinamantala ko ang pagkakataong ’yon para magpakawala ng sunod-sunod na palaso, kahit na gano’n ay wala pa ring tumama sa kan’ya.

“Masyadong malaro ang babaeng ’to.” Saad ko at muli akong lumapit kay Ethan.

“Ethan, takpan mo ’ko.” Saad ko, kaagad naman siyang nauna sa pagsugod at nanatili ako sa likod niya.

Sunod-sunod na paghambalos at pagtaga ang ginawa ni Ethan habang ako nama’y nag-concentrate upang pakawalan ang isang determidadong tira. Nang masakto ko na ang pagkaka-asinta ko ay kaagad akong sumigaw kay Ethan.

“Ethan, silaban mo!” sigaw ko.

“Roger!” sigaw niya pabalik at muli siyang nagpakawala ng apoy mula sa umaapoy niyang espada.

Nilapnos nito ang kalaban namin at sa hudyat ko’y tumalon kaagad nang malakas si Ethan upang umiwas sa balang pakakawalan ko. Mula sa pana ko’y kumawala ang isang makinang na palasong daig pa ang isang kometa. Kaagad ’yong tumagos sa katawan ni Freiya at nang tumama ’yon sa lupa’y sumabog ang palaso. Sa lapnos ng babaeng bruha ay hindi na siya nakagalaw at tinanggap niya na lang ang kapalaran niya—wala pang tatlong segundo’y lumulutang na sa ere ang kan’yang abo.

May hingal akong ngumisi kay Ethan, gayon din siya sa ’kin. Sa pamamagitan no’n ay nakapatay pa kami ng maraming aswang nang magkasama kaming dalawa sa labanan. Nakipagsayawan kami sa kanilang mga espada’t palaso, ngunit nanatiling matatag ang mga armas namin. Nakakatawa silang kumakalam ang mga sikmura sa laman at dugo ng tao, at nakakatawa ring isiping gagawin nila ang lahat para mapatay lang kami.

Itong labang ito na lang kailangang maipanalo, at ubos na ang pasensiya ko sa mga malignong itong nagpalubog ng sistema ng isang noo’y maunlad na siyudad. Sa muli kong paglipad ay kaagad kong nakita ang isang pamilyar na hitsura, at alam ko na kung sino ang susunod na target.

“Guilbert Ferrol...” ngisi ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top