Kabanata 10 - Lunas
Pinakawalan ko ang isang palaso mula sa panang hawak ko ngayon habang ako’y lumilipad sa ere. Nahihirapan akong patamaan ang mga kalaban ko sa ibaba dahil ang bilis nilang kumilos. Napapagod na rin akong ipagaspas ang mga pakpak ko, pero kapag bumaba naman ako sa lupa at sa ibang gusali ay tiyak kong susugurin ako ng mga aswang na nakapaligid.
Pangalawang laban na namin ngayon, at na sa pangalawang lebel na rin kami ng mga kalaban namin. Natalo namin ang mga aswang na walang mga armas noong nakaraan. Ngayon naman ay may mga armas na ang kinakalaban namin, at talagang mas mabibilis sila kaysa sa mga kalaban namin no’ng nakaraan.
Mas marami na rin kaming mga kasamang mas malalakas na opisyal ng infantry ngayon, at maging sila’y nahihirapan din sa dumaraming sugpo ng mga kalaban. Tumingin ako sa ibaba, ilan sa mga kasama namin ang sugatan, ang ilan naman ay hindi na pinalad pang makatayo at makalaban. Duguan sila at kahit itim ang suot naming uniporme ay talagang nababakas sa mga kasama kong lumalaban ang pagod at Dugo sa kanilang mga sugat.
“Mas mahirap pa pala ’to sa iniisip ko.” Pabulong kong usal sa hingal ko sa paglipad. Wala na ’kong magawa pa kung ’di ang tumira nang sunod-sunod.
Sunod-sunod na pagsabog din ng aking mga palaso ang natamo ng mga na sa ibaba. Nasunog ang mga aswang na ’yon at sa wakas ay nakababa ako sa paglipad. Kaagad akong tumakbo palapit sa mga kasama kong nangangailangan ng tulong. Nang malapitan ko sila ay isa-isa ko silang binuhat at inilipad sa isang ligtas na lugar, naka-limang balik ako, limang tao ang naidala ko sa kaligtasan kasabay ng mga back-up na piniling tumulong sa mga sugatan.
Nakita ko si Ethan sa ’di kalayuan, nakikipag-espadahan siya sa isang aswang na may hawak namang isang matalim at mahabang katana. Nakikita kong nahihirapan si Ethan kaya naman ay kaagad akong sumugod at pumagaspas ako ng hangin, namalayan ni Ethan na na sa likod niya lang ako. Umamba ako ng palaso at kaagad ko ’yong pinakawalan. Tumama ’yon sa ulo ng aswang, tumagos, at sumabog matapos tumama sa isang pader.
“Ayos ka lang ba, Ethan?!” tanong ko. Hingal na hingal naman siyang sumagot.
“Oo, a-ayos lang a-ako.” Saad niya, saglit pa’y nanghina ang tuhod niya at napabulagta na lang siya sa lupa.
“Dios mio! Ethan!” nabibigla kong saad nang mawalan siya ng malay.
Saglit pa’y may mga nakita akong mga aswang na may mga hawak na pana’t palaso, may umaapoy na dugo ang mga palaso nila. Tatlo ang mga aswang na ’yon, at tiyak kong hindi ko sila kakayanin nang mag-isa lang ako! Dahil sa sobrang kaba ay kaagad akong lumipad, kaagad din naman akong sinundan ng mga palaso ng mga kalaban ko—hindi nila ako tinamaan.
Nagpakawala naman ako ng maraming bala, sumabog ang mga ito sa lupa pero hindi pa rin natitinag ang mga kalaban ko. Balak nilang lapitan ang walang malay na si Ethan, nagpatihulog ako sa ere at kaagad kong ipinagaspas ang pakpak ko bago pa man ako tumama sa lupa. Lumikha ’yon nang malakas na hangin at alikabok, dahilan upang mataob ang tatlo sa pagkakabalanse nila sa kanilang mga katawang maligno.
Nagpakawala ako ng mga bala, nasangga naman ito ng mga kalaban ko at bigla na lang silang tumalon patungo sa ’kin. Kapwa nila ko tinira ng mga palaso, hindi ako nakaiwas. Pero laking gulat ko na lang nang may isang taong sumangga ng mga balang pinakawalan nila, nakita ko ang muka niya mula sa likod—si Lisa. Hawak ni Lisa ang armas niyang espada at pinalipad niya ito sa mga kalaban, sinundan ng espada ang bawat isang aswang na makaharap nito, tumagos ito sa katawan nila at nasunog na lang ang mga aswang nang biglaan.
“L-Lisa...” usal ko, napaluhod ako sa sobrang pagod at hingal.
“Get yourself together! Dal’hin mo si Ethan sa safety facility natin para magamit siya, dalian mo!” Kaagad na sumigaw sa ’kin si Lisa.
Tumango naman ako at sinubukan kong itaas si Ethan, lumipad ako nang karga-karga ko siya. Habang na sa ere ay nararamdaman ko na lang ang kamay ni Ethan na kumapit sa suot kong coat sa bandang dibdib ko, mahigpit ang pagkakakapit niya at nararamdaman ko ang mainit niyang pakiramdam sa pagkabuhat ko sa kan’ya.
Sa ganitong estado ko nakita ang kahinaan ni Ethan, nagkaroon ako ng pakiramdam na parang mas gusto ko siyang protektahan kaysa sa kagustuhan niyang protektahan ako. Sa mahigpit kong paghawak sa kan’ya ay tinignan ko ang kan’yang muka, may sugat siya sa noo at may pasa siya sa pisngi, bahagyang nakabukas ang mga mata niya, dito’y alam ko nang gising siya at may malay.
“E-Ejiroh...” Narinig ko ang tinig niya.
“Ethan...” sambit ko rin sa pangalan niya.
“Salamat...” pagod niyang usal. Hindi na siya nagsalita pagkatapos at nanatili na lang siyang nakakapit sa ’kin.
Hindi nga nagtagal ay naidala ko siya sa safety facility ng infantry namin malapit sa lugar ng labanan. Kaagad siyang inasikaso ng mga medical team doon at pinunan siya ng paunang lunas. Nanatili lang ako sa labas upang makabalita kung ayos lang ba siya, kung malaman ko man ’yon, mapapanatag na ’ko sa pagbalik ko sa laban. Ilang sandali pa ang lumipas ay lumabas na ang doktor na tumingin kay Ethan, mapanatag naman akong ayos ang lagay niya at nagpapahinga na lang.
Nilisan ko na ang safety facility para bumalik sa laban, at marami pa ’kong nasagupang mga aswang na may iba’t ibang mga armas pero napatay ko naman ang lahat sa kanila nang hindi ako nasusugatan. Marami ang namatay sa labang ito, at natatakot na rin ako para sa susunod at huling yugto ng mga labanan sa siyudad na ito. Natalo namin ang pangalawang lebel, ngunit mahina pa kami kung tutuusin.
***
Isang araw matapos ang laban ay binisita ko si Ethan sa ospital ng infantry na karugtong lang din ng nga pasilidad sa kung saan kami nananatili at nage-ensayo. Hindi ko muna binisita si Ethan matapos ang laban kahapon dahil hinayaan ko muna siyang magpahinga, at ipinahinga ko na rin ang sarili ko.
May dala akong prutas at bulaklak nang marating ko ang pinto ng kuwarto niya, hindi na ’ko nag-atubiling buksan ito dahil nasasabik na ’kong makita siya. Ngiti ang ibinungad ko pagbukas ko ng pinto, ngunit may mga tao na palang nauna sa ’kin sa pagdalaw sa kan’ya. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa ’kin sila Lisa at Archie habang masaya nilang kinakausap si Ethan na nakaratay sa hospital bed nito.
Nakasuot si Ethan ng isang maluwag na long sleeved shirt na kulay puti at may kuwelyo. Naaninag ko sa ibaba ng kumot niya ang suot niyang itim na pantalong sa tingin ko ay gawa sa makapal at malambot na tela. Nakasuot din si Ethan ng medyas, hindi pa rin naaalis sa mga mata niya ang makapal niyang salamin.
Ilang sandali pa ang lumipas bago nila ako mapansin, ngumiti din sila sa ’kin nang tuluyan na nga ’kong pumasok sa kuwarto. Ibinaba ko ang prutas at bulaklak sa isang lamesita at kaagad kong sinunggaban ng yakap si Ethan habang papatulo na ang luha sa mga mata ko, hindi ko alam pero nanaig na lang nang basta-basta ang pakiramdam na ’yon sa ’kin.
“Woah, easy there!” tawa ni Ethan at naramdaman kong niyakap niya ’ko pabalik.
“’Wag mo naman akong takuting nang gano’n! Akala ko, pinag-alala mo ’ko nang sobra!” Hindi ko na naiwasang umiyak nang sabihin ko ang mga bagay na ’yon sa kan’ya.
“Yeah, I won’t let them hurt me again. Mas magsasanay pa ’ko.” Umalis ako sa pagkakayakap sa kan’ya at nakita ko siyang ngumiti.
Kumikislap ang mga mata ni Ethan sa likod ng salaming suot niya, na tila ba kinakausap ako. Sinasabi sa ’kin ng mga mata niya ang mga sinasabi sa ’kin ng kan’yang bibig, alam ko sa mga bagay na ’yong hindi ako niloloko ni Ethan sa mga sinasabi niya.
“Mauna na muna kaming dalawa ni Archie, mag-usap na muna kayo.” Narinig ko namang saad ni Lisa. Nakita kong tumingin siya kay Archie at sinenyasan ’yong lalabas na silang dalawa, kaagad din namang sumunod si Archie.
Pagkasara niya ng pinto ay nakita kong bumangon si Ethan sa pagkakahiga sa kama niya at huminga siya nang malalim. Saglit siyang nag-inat at humiga ulit siya sa kama, ilang segundo pa siyang tumingin sa kisame bago siya muling magsalita.
“That was a close one, mabuti na lang at nailigtas mo ’ko.” Saad niya, tumingin naman ako ng may halong inis kay Ethan.
“Hindi ko alam ang gagawin ko kung namatay ka man sa laban na ’yon, Ethan. Hindi ko alam kung pa’no ako makakaalis sa lugar na ’to.” Saglit akong humawak sa braso niya at tinignan ko siya nang may pag-aalala.
“I have faced something like this multiple times already, Ejiroh, so have nothing to worry about. Hindi naman ako mamamatay, hindi naman kita iiwan dito.” Nakita ko siyang ngumiti.
“And even if I die, nagpapatuloy pa rin naman ng kuwento ng reyalidad na ’to. Makakaalis ka pa rin dito kahit mamatay man ako, Ejiroh.” Nasaktan ako sa sinabi niya.
“Hindi naman ’yon ang ibig kong sabihin, eh. Nag-aalala ako sa ’yo, Ethan. Ayo’kong mamatay ka hindi lang dahil sa hindi ko alam kung pa’no ako makakaalis sa reyalidad na ’to. Gusto kong makasama ka pa sa mga susunod...” Umupo ako sa gilid ng kamang hinihigaan niya at sinambit ko ’yon nang walang pag-aalinlangan.
Nakita ko siyang nabigla sa sinabi ko at nakita ko siyang ngumiti. Tumango siya at tumugon sa mga sinabi ko banag nakatingin siya sa kisame nitong kuwarto.
“Alam mo, sa lahat ng mga reyalidad na napuntahan ko at sa lahat ng mga shifter na nakasabay ko sa mga reyalidad na ’yon... you’re the only one who actually thought of me—who actually cared for me.” Tumingin siya sa ’kin matapos niyang sabihin ’yon.
“Base sa mga ikinikilos mo, Ethan, alam kong marami ka nang nakasalamuhang kapwa ko shifter. Salamat kasi itinangi mo ako sa lahat ng mga nakasalamuha mo.” Ngiti ko rin.
“It’s rare na magkaro’n ng kasabay sa tren, but it’s rarer na magkaroon ng kasabay who actually treated me well and did not neglect me.” Sabad naman niya. Nagtawanan pa kami ni Ethan at napahaba nga rin ang aming kuwentuhan.
Itinuring ko na si Ethan bilang isang taong malapit sa ’kin at malapit sa mga saloobin ko bilang isang shifter, alam kong pareho lang kami ng pinanghuhutan at parehas lang din kami ng rason sa kung bakit namin gustong takasan ang mga reyalidad namin sa totoong buhay. Hindi ko lang maintindihan si Ethan dahil kakaunti pa lang ang nalalaman ko patungkol sa pagkatao niya, pero hindi naging hadlang para sa ’kin ’yon para maging kaibigan siya.
Si Ethan lang ang taong minsan kong nakasabay sa Betty Go-Belmonte Station at napakaraming ipinagbago ng buhay ko simula noong nakasabay ko siya sa istasyon. Ngayon naman ay ayo’ko nang mawala pa si Ethan sa piling ko dahil naging mahalaga na siya sa ’kin kahit pa sa ilang reyalidad na lang na aming binisita.
Ilang araw pa’y balik normal na ulit si Ethan sa dati niyang pakiramdam. Iginugol ni Ethan ang nalalabing oras namin sa training upang mas maging malakas pa siya sa susunod naming laban. Kagaya niya ay minabuti ko ring magpalakas, at kagaya niya ay minabuti ko na ring ’wag nang alalahanin ang mga susunod na mangyayari, ang importante sa ’min ngayon ay mailigtas namin ang mga sarili namin at ang ibang mga tao rito sa reyalidad na ito.
Ilang araw na lang at dadating na ang pagkakataong hinihintay ng marami dito sa infantry. Nasugpo na namin ang ikalawang lebel ng mga aswang, ngayon naman ay haharapin na namin ang pinakahuling dako ng mga kalaban—at alam kong galit na galit ang mga aswang na ’yon sa pagkatalo nila sa laban.
Ngunit kahit ano pang gawin nilang pagkiskis nila sa mga ngipin nila dahil sa galit, hindi ko pa rin palalampasin ang mga kasamaan ng mga nilalang na ito. Papatayin ko pa rin sila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top