Chapter 9: Dark Exorcist

Pinakamataas ang araw sa langit tuwing katanghalian, o ang tinatawag na Solar Noon kung saan nagsisimulang uminit ang surface ng mundo, at pagsapit naman ng alas-3:00PM habang pababa ang araw ay ang pinakamainit na oras, lalo na kung Summer. Kahit na Nobyembre ay may kainitan pa rin dahilan sa kawalan ng mga ulap sa langit, kung kaya't nagsisipag-ahunan na sila sa swimming pool para magpatuyo ng mga katawan. Sapat na raw ang tan niya, ani ni Hannah.

Nag-ring ang cellphone ni Jules habang siya'y nagpupunas ng tuwalya, at nakitang ang tawag ay mula kay Bishop Israel, na nakausap lang niya kanina nang ipaalam ang mission nila sa Baguio para puntahan ang banga na portal. Wari niya, siguro'y may huling bilin. Nguni't, ang boses na narinig niya'y malagim.

"We have a problem," bungad ng obispo.

"Your excellency?" kunot-noo ni Jules. Napatingin ang iba sa parapsychologist, si Hannah na nagyoyosi, si Father Paul na umiinom ng lemonade, at si Mayor Arteza na nagsusuot ng bathrobe. Sa tono ng boses kasi ni Jules, obvious na may problema, at nagsipaglapit sila para makinig sa usapan. In-on ni Jules ang speaker phone at nilapag ito sa maliit na mesa. "Nandito kaming lahat, your excellency. We're listening..."

"It's about the Bañes," sabi ng obispo.

Ang pamilyang Bañes. Ang kaso ng possessed na English school teacher na si Luisa Bañes. Nguni't siya'y matagumpay nang na-exorcise ng JHS kahapon ng umaga, kaya't ganoon na lang pagtataka nila.

"Are you all sure na napatalsik n'yo ang dimonyo?" paniniguro ni Bishop Israel.

Nagkatinginan sina Jules, Hannah at Father Paul. Si Mayor nakikinig sa kanilang likuran.

"Yes, your excellency," sagot ni Father Paul. "Matagumpay ang rite. Napatalsik namin ang dimonyong si Batraal."

"Nakita naming lumabas ang itim na usok," dagdag pa ni Hannah.

Ang pinaka-sign na matagumpay ang isang exorcism ay kung tuwing may lalabas na itim na usok mula sa bibig ng possessed. Iyon ang na-witness nila sa exorcism ni Luisa. Nakasisiguro sila pagka't matagal na nilang nasasaksihan ito.

"I believe you," sabi ni Bishop Israel. "But it seems, na nagbalik ang dimonyo..."

"Anong nangyari, your excellency?" tanong ni Jules.

#

Noong umagang iyon sa bahay ng mga Bañes, naghanda sina Mark at Raquel, ang tiyahin ni Elisa, ng espesyal na almusal: sinangag, tapa, bacon, corned beef hash at sunny side-ups. May coffee at orange juice. Ilang araw din silang hindi nakakain ng mabuti dahil sa nangyari kay Luisa, at ito'y isang munting pagdiriwang sa kanyang paggaling.

Nguni't, naubos na ni Mark ang kape niya ay hindi pa bumababa ng kuwarto ang kanyang asawa.

"LUISA!" kanyang sigaw. Alam niyang rinig ang malakas niyang boses hanggang second floor. Kaninang maaga pa nang bumangon siya'y natutulog pa rin si Luisa hanggang sa makapaligo siya't nakapagbihis at bumaba. Hinayaan lang niyang matulog ito pagka't alam niyang pagod, hindi lamang sa dinanas noong mga ilang araw kundi'y kagabi ay nagawa nilang magsiping, bagay na kanilang na-miss. Lubos silang nag-enjoy at na si Luisa pa nga'y may kakaibang pusok at sigla.

Pumasok ang driver nilang si Bert para alamin ang nangyayari, na-alerto lang sa malakas na boses ng kanyang amo, at dumiretso para magtimpla ng kape.

"Baka tulog pa," sabi ni Raquel habang nagpiprito ng itlog.

Maya-maya'y dumating si Elisa galing sa labas, suot ang leggings at sando at kakatapos lang mag-jogging. Nakita niyang ang mga nagtipon na tao sa kusina at ang mga nakahanda. Inalis niyang earphones sa tenga.

"Ang daming breakfast," aniya.

"Tignan mo nga kung gising na si Luisa," senyas ni Mark ng ulo habang inaayos ang pagkain sa mesa.

Tumango si Elisa, hinubad ang kanyang running shoes at medyas at iniwan sa ibaba ng hagdan at nakayapak na umakyat.

"Ate..." tawag ni Elisa habang paakyat. Makarating sa second floor ay naramdaman niyang malamig ang sahig sa kanyang bare feet.

Sarado ang kuwarto ng Master's Bedroom, at paglapit doo'y nagulat siya nang may dumapong langaw sa kanyang mukha na agad niyang hinawi, at nainis dahil may isa pang lumipad. At isa pa. At nakita na ang mga langaw ay galing sa awang sa ilalim ng pintuan. Mula sa loob, dinig ni Elisa ang tunog na parang ugong.

"Ate?" ang tawag niya'y naging tanong.

At nang buksan ni Elisa ang pintuan ng Master's bedroom ay na-shock siya't napaatras.

Ang kuwarto'y napupuno ng daan-daang mga langaw na parang ipo-ipong nagliliparan sa loob.

"MARK! TITA RAQUEL!" sigaw niya.

Nagmamadaling sumugod sa itaas sina Mark, Raquel, pati si Bert, at nagulat sa natunghayan. Pagakyat nila'y sinalubong agad sila ng mga langaw. Nakabibingi ang ugong ng mga ito. Kumuha sila ng mga pambugaw, si Bert ay hinubad kanyang t-shirt at iyon ang pinangwasiwas.

"LUISA!" sigaw ni Mark. Hindi niya makita ang asawa sa loob sa kapal ng mga nagliliparang mga langaw. Hinarang niyang braso sa mukha at pumasok sa Master's Bedroom at hinawi ang mga kurtina at binuksan ang bintana.

Nang pumasok ang araw ay naglabasan ang daan-daang mga langaw.

At nang mag-clear ang kuwarto'y nakita nila si Luisa.

At nanlaking mga mata nila.

Napa-kurus si Raquel.

Nakadikit si Luisa sa pader.

At ang hitsura ng kanyang katawan ay parang siya'y nakapako sa krus na tulad ni Kristo.

Nguni't pabaligtad.

#

"What the fuck?" gulat na bigkas ni Hannah. "Paano nangyari iyon? Napatalsik na natin si Batraal!"

"I know," sabi ni Jules.

"Kanina lang natin pinagusapan ang tungkol sa re-possession," sabi naman ni Father Paul. "At nangyari na."

Walang tiyak na kasagutan si Jules. Isa na naman itong "first" na experience nila. Kung re-possession nga ito, ibig sabihin ay inanyayahan muli ni Luisa si Batraal na pasukin ang katawan niya. Pero, bakit? At bakit ganoon kabilis?

"I don't think si Batraal ito," pag-isip ni Jules.

"Eh, sino?" tanong ni Hannah, napasindi tuloy ng isa pang yosi.

"Hindi pa ko sure ngayon. Pero may idea na ako."

"So, babalik kayo para gawin ang exorcism?" tanong ni Mayor. "How about Baguio?"

Umiling ni Jules.

"Ituloy daw natin ang pagpunta sa Baguio sabi ni Bishop. Hindi dapat na ma-delay ang paghahanap ng portal. Siya na daw bahala sa exorcism."

Nagtinginan silang lahat, naubusan na ng mga sasabihin sa biglaang pangyayaring ito. 

#

Nasa kanyang private dressing room si Bishop Israel nang matapos ang tawag kina Jules. Kuwarto ito na bihisan, closet space, at bathroom na nasa loob ng kanyang opisina. Nang lumabas siya 'y dinig niya agad ang mga boses ng kanyang mga panauhin—lima na matataas na mga pinuno ng simbahan, mga obispo at arsobispo suot ang magagara at makukulay nilang mga cassocks: puti, itim, pula at violet, na parang bang representate sila ng iba't-ibang sangay ng simbahan. Nakaupo sila sa sala ng malaking kuwarto, kanya-kanyang hawak ng tasa ng tsaa at nasa kalagitnaan ng mainit na komperensya.

"Is there a problem, bishop?" tanong ng matandang arsobispo na pawang Kastiloy rin tulad ni Bishop Israel.

"It's nothing," iling ni Bishop Israel habang naglakad tungo ng kanyang malaking mahogany na office desk. Sa mukha niya ang pag-aalala na nahalata lamang ng isa sa mga guests niya.

"Reginald..." tumayo mula sa sofa ang 60-something na si Archbishop Villasor, isang maliit, mataba, kayumanggi at napapanot na chairman ng CBCP. Siya na mahilig sa jigsaw puzzles. Lumapit siya kung nasaan ang obispo.

Sa sala, patuloy ang talakayan ng iba.

We have to do something about Adelaine.
She doesn't have power over us.
We must ask advice from the Holy See.

Ang paksa nila'y walang iba kundi si Adelaine Markus. Naturete ang mga pinuno ng simbahan sa kanyang pagdating at nagpatawag sila ng emergency meeting na nagaganap ngayon.

"May problema, Reginald?" paglapit ni Archbishop Villasor. Ang Pilipinong arsobispo ang siyang in-charge sa pagtatago sa mga pinakaiingatang sikreto ng simbahan kabilang na ang mga religious artifacts na siyang ginagamit sa mga exorcism. Siya ang kalihim ng sikretong library. So in effect, boss siya ni Bishop Israel.

Noong una'y hindi nagkakasundo ang dalawa sa dahilang malaki ang tutol ng arsobispo kay Father Markus na tinuturing niya noon na isang rogue priest. Nguni't kasama siya sa mga saksi sa nangyari sa belfry tower, sa dungeon, at naroon nang lumitaw mula sa portal ang dimonyong si Asmodeus. Na-witness niya ang ginawang pagsakripisyo ng buhay ni Father Markus. Sa kanyang experience, malaki ang nabago sa kanyang pananaw, dahil din doon ay naging malapit sila ni Bishop Israel sa isa't-isa.

Kaya't sa kanya lamang may tiwala ang obispo na sabihin ang problema ukol sa mga Bañes.

"Anong gagawin mo?" tanong ng arsobispo.

Sa sala, patuloy lang ang usapan ng ibang mga pinuno.

"I'll handle this," sabi ni Bishop, at pinindot ang button ng intercom para kausapin ang kanyang secretary. Pagkatapos ay nagpaalam siya kay Archbishop Villasor at sa ibang naroon. "Your excellencies, if you'll excuse me."

Paglabas ni Bishop Israel ng kanyang opisina ay sinalubong agad siya ng kanyang matangkad, payat at naka-salamin na secretary.

"Nasa conference room siya, your excellency," turo nito sa kuwarto sa kabila ng waiting area.

Tumango si Bishop Israel at nang pumasok sa conference room ay inabutan sa loob si Father Deng na nakaupo at nakatingala sa kisame.

At natutulog.

Napabuntong-hininga ang obispo at marahang lumapit.

"Father Deng..."

Sinagot siya ng malakas na hilik.

"FATHER DENG!"

Nagising ang Aprikanong pari at nagulat na makitang nakayuko sa kanya ang matangkad na obispong Kastiloy.

"Jesus Almighte!" humusto ng upo si Father Deng. "Forgive me, bishoop. I mustahab fallen asleep."

"I need you, father," siryosong sabi ni Bishop Israel. "For an exorcism..."

"An exorcism?" paglaki ng mga mata ni Father Deng. "I will help you, bishoop."

Napabuntong-hininga muli ang obispo. Ang problema'y ang meeting ng mga bishops at archbishops ay kritikal na hindi niya maisasantabi.

"I can't perform the rite," aniya. "You have to go alone, Father."

Muntik madulas sa kanyang kinauupuan si Father Deng nang marinig iyon. Malambot pa naman ang cushion ng upuan.

"Who me?" namutla si Father Deng at napalunok habang inangat ang sarili para muling maupo. "A-aloone?"

Lumakad tungo sa pintuan si Bishop Israel, binuksan ang pintuan at tinawag ang kanyang secretary, habang sa upuan, nanginginig ang tuhod ni Father Deng. Pumasok ang secretary, pa-side ang lakad para hindi maka-eye contact si Father Deng.

"Kailangan ni Father Deng ng katulong sa exorcism right away," sabi ng bishop. "Who is available? I want someone na nakapag-seminar."

Alam ng secretary ang tinutukoy ng obispo. About 3 months ago, nagsimulang mag-train ng mga exorcists ang simbahang Katoliko. Sa kanilang anyaya, ay nagpunta ang ilang mga exorcists mula sa Sacerdos Institute ng Italy at nagtanghal ng crash courses sa exorcism. Maraming pari ang lumahok, ang problema ayon sa secretary, ay marami rin sa kanila ang kasalukuyang nasa-Sabbatical o period ng rest para sa mga pari, ang iba nama'y either may sakit o nasa missionary work sa malayong lugar.

"Except for one, your excellency," sabi ng secretary.

"Who?"

"Father Benito."

"Father Be..." napahinto si Bishop Israel at nagkatinginan sila ng secretary, sabay tingin kay Father Deng. Mga tingin na may hint ng pagaalinlangan. "Isn't there anyone else? Wala na bang iba?"

Umiling ang secretary.

Tumayo si Father Deng para magtungo sa kanila, at habang palapit ay paiwas naman ng tingin ang secretary na para bang mannequin na umiikot.

"What es et, bishoop?" aniya. "What es wrong with des Father Benito?"

"Nothing is wrong with Father Benito. In fact, his faith is strong," sagot ng bishop at nagtaas ng palad in assurance. "Don't worry, father. We'll find you another one..."

"But you sed his faith es stroong," mabilis na sabi ni Father Deng, natatakot na baka wala pang makasama sa kanya. "Den he es ookay. Yes?"

Nagkatinginan muli sina Bishop Israel at ang secretary na takip-takip ng clipboard ang side ng mukha niya. Mabilis na tumatango ang secretary, as if saying na pumayag na sana ang obispo nang sa gayon na rin ay makalabas na siya ng conference room.

"Very well," buntong-hininga ni Bishop Israel. "Call Father Benito."

Tumango ang secretary at nagmamadaling lumabas.

"I wish you are cooming..." sabi ni Father Deng.

"You can do this, Father," hawak ng Bishop Israel sa balikat ng Aprikano. "You have already proven yourself. You need to go right away."

"R-right aweh, bishoop?" may nginig na react ni Father Deng, pero tinapangan ang kanyang sarili. "Ah wel do mah very best! For de sake of Father Markus."

"In that case, Fiat Voluntas Dei, Father Deng," sabi ni Bishop Israel.

"God wel protect meh," ngiti ni Father Deng.

Bumalik si Bishop Israel sa kanyang opisina upang ipagpatuloy ang meeting kina Archbishop Villasor at iba pang mga pinuno. Naghintay si Father Deng sa Conference Room at dinalhan ng meryenda, at matapos ang isang oras ay dumating ang hinihintay niya—ang nagngangalang Father Benito na tutulong sa kanya bilang assistant sa exorcism muli ni Luisa Bañes.

Bumukas ang pintuan at pumasok ang maliit na pari na nakakulay-itim na sutana at nasa kanyang 30s. At nang makita siya'y nanlaking mga mata ni Father Deng at napanganga, at na realize niya kung bakit may pagdadalawang-isip si Bishop Israel na i-partner ito sa kanya. Pagka't nang makaharap ni Father Deng si Father Benito, na napag-alaman niyang tubo ng Zambales, Bataan...

...siya pala'y kakulay niya.

Isang Aeta si Father Benito, at nang ngumiti ito'y lumabas ang maputi niyang mga ngipin.

NEXT CHAPTER: "Doubt"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top